LOGINThe First Encounter
Nang tuluyang sumara ang mabigat na kurtina ng MOA Theater, tila doon lang nakahinga nang malalim ang limang miyembro ng CELESTIAL. Ang huling hiyawan ng libo-libong Stellars ay nananatiling umaalingawngaw sa kanilang pandinig—isang matamis na dagundong na nagbibigay ng panginginig sa kanilang dibdib. Ngunit habang naglalakad sila sa mahabang tunnel patungong parking area, ang masiglang enerhiya ng arena ay unt-unting pinapalitan ng isang malamig at nakabibinging katahimikan.
"Ang kamay ko... hindi ko na yata maramdaman. Parang naging bahagi na ng buto ko 'yung marker," reklamo ni Neptune habang pilit na ibinibuka-sara ang kanyang mahahaba at balingkinitang daliri. Ang kanyang balat, na kanina ay kumikinang sa ilalim ng spotlight, ay bahagyang namumula na ngayon dahil sa init at pagod.
"Sinabi ko sa 'yo, ireserba mo ang energy mo. Masyado kang maraming 'heart' na idinrowing sa albums," biro ni Archer. Bagaman bakas ang pagod sa kanyang mukha, ang kanyang porselanang balat ay tila lalong kuminang dahil sa manipis na pawis. Inalis niya ang kanyang suot na suit jacket at isinabit ito sa braso, inilalantad ang kanyang itim na undercut na bahagyang gulo na—isang hitsura na bihirang makita ng publiko.
"Pero nakita niyo ba 'yung batang fan kanina? 'Yung umiyak nung mahawakan ang kamay ni Orion?" nakangiting tanong ni Rigel. Kahit pagod ang kanyang katawan, may bakas pa rin ng excitement sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ang kanyang leeg gamit ang isang puting tuwalya, habang ang mga tattoos sa kanyang braso ay tila sumasayaw sa ilalim ng malamlam na ilaw ng hallway.
"Oo, ang cute niya. Pinagdasal ko na sana ay nakauwi siya nang ligtas at hindi masyadong naipit sa siksikan," sagot ni Orion, bagaman ang kanyang mga balikat ay bahagyang nakalaylay dahil sa bigat ng gitara na dinala niya sa ilang oras na performances kanina.
Sa unahan nila, naglalakad ang kanilang leader na si Sirius. Hindi tulad ng mga kasama na abala sa pag-uusap, si Sirius ay nananatiling matuwid ang tindig. Ang kanyang 6'3" na frame ay tila isang pader na nagbibigay ng proteksyon sa grupo. Ngunit kung titingnan nang malapit, ang kanyang almond-shaped eyes ay malalim ang iniisip. Ang amoy ng teatro—ang halo-halong pabango, pawis, at singaw ng libo-libong tao—ay unt-unti nang pinapalitan ng amoy ng semento at gasolina habang papalapit sila sa parking lot.
"Sirius, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik," tanong ni Mr. Phil, ang kanilang manager, na naglalakad sa tabi niya habang abala sa pag-check ng schedule sa tablet.
"I'm fine, Phil. Medyo naninibago lang ako sa tension sa labas ngayon. Parang masyadong... tight?" sagot ni Sirius, ang kanyang boses ay seryoso at analytical. Tumingin siya sa bawat madilim na sulok ng parking area. Bilang ang "Unbothered King," bihira siyang makaramdam ng kaba, pero ngayong gabi, may kakaibang kuryente sa hangin na tila nagbibigay ng babala.
Nang marating nila ang kanilang itim na armored SUV, sinalubong sila ng malamig na simoy ng hangin. Ang gabi ay malalim na, at tanging ang tunog na lang ng malalayong sasakyan ang maririnig. Isang nakabibinging katahimikan na tila ba ang buong mundo ay naghihintay ng isang pagsabog.
"Sakay na, boys. Kailangan niyo nang magpahinga," utos ni Mr. Phil.
Bago pumasok sa sasakyan, huminto muna si Sirius. Lumingon siya sa gawi ng isang poste ng ilaw sa malayo. Sa loob ng ilang segundo, tila may nakita siyang isang aninong nakatayo sa tuktok ng isang gusali—isang pigurang naka-all black, tuwid ang tayo, at tila nakamasid sa bawat galaw nila. Ngunit nang kumurap siya, wala na ito.
"Leader? Ano'ng tinitingin-tingin mo d'yan? Tara na, lalamig na 'yung inorder nating ramen!" tawag ni Neptune mula sa loob ng van.
Umiling si Sirius at pilit na ngumiti, lumitaw ang kanyang hidden dimples. "Wala. Akala ko lang may Stellar pa na naiwan. Let's go."
Sumakay na si Sirius at mabilis na humarurot ang SUV palabas ng MOA complex, kasunod ang isa pang sasakyan na puno ng kanilang mga bodyguards.
Sa madilim at liblib na bahagi ng highway, kung saan ang tanging liwanag ay mula sa malamlam na mga poste ng ilaw, biglang naputol ang tawanan sa loob ng SUV ng CELESTIAL. Isang nakatutulig na tunog ng nagtitiliang gulong ang bumasag sa katahimikan nang harangan sila ng dalawang puting van sa gitna ng kalsada.
"Phil! What is happening?!" sigaw ni Rigel.
Hindi pa nakakasagot ang manager nang bumaba ang mga kalalakihang balot ng itim na damit at may hawak na mga matataas na kalibre ng baril. Walang babala nilang pinaputukan ang SUV ng mga bodyguards sa likuran. Ang tunog ng mga bala na tumatama sa bakal at salamin ay tila kulog na walang tigil. Sa loob ng ilang segundo, ang highway na dati ay tahimik ay naging isang war zone.
"Stay down! Sirius, Orion, duck!" hiyaw ni Mr. Phil.
Mabilis na nilapitan ng mga armadong lalaki ang sasakyan nina Sirius. Sinira nila ang bintana sa unahan at walang awang binaril ang driver at ang bodyguard sa harap. Maging si Mr. Phil ay hindi nakaligtas; isang bala ang tumama sa kanyang balikat, dahilan upang mapadaing ito sa sakit at mawalan ng malay.
Pilit na binuksan ng mga armadong lalaki ang pinto. "Lumabas kayo! Ngayon na!"
Nanginginig na napilitang lumabas ang lima. Sina Sirius, Orion, Neptune, Archer, at Rigel ay nakatayo sa gitna ng highway, napapaligiran ng walong baril. Ang saya kanina ay napalitan ng nakakangilong takot.
"Please, if it's money, we can give it to you!" pakiusap ni Sirius, humahakbang pasulong upang protektahan ang kanyang mga kasama sa likod ng kanyang malawak na balikat.
Ang lider ng mga lalaki ay hindi sumagot. Sa halip, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang baril at itinutok sa noo ni Sirius. Ipinikit ni Sirius ang kanyang mga mata, hinihintay ang huling tunog na maririnig niya sa mundong ito. Handa na siyang mamatay, basta't huwag lang saktan ang kanyang mga "kuya."
Ngunit sa halip na putok, isang matalim na swish ang narinig sa hangin.
Bago pa man makakalabit ng lider ang gatilyo, isang tactical throwing knife ang bumaon sa kanyang braso. Napasigaw siya at nabitawan ang armas. Sa isang iglap, isang pigura ang lumundag mula sa itaas ng SUV.
Hindi nila makita nang malinaw. Sa kanilang paningin, para lamang itong isang itim na aninong tila humihiwa sa dilim. Ginamit ng estranghero ang momentum ng pagbagsak upang sipain ang mukha ng ikalawang lalaki—isang perfect roundhouse kick na nagpatumba rito agad.
"Patayin s'ya! Patayin ang aninong 'yan!" sigaw ng lider habang hawak ang duguang braso.
Nagpaulan sila ng bala, ngunit ang aninong ito ay mas mabilis kaysa sa mga mata nila. Para siyang usok na lumulusot sa pagitan ng mga sasakyan. Lumitaw siya sa likuran ng dalawa pa, hinawakan ang kanilang mga ulo at pinag-umpog ang mga ito nang may sapat na lakas upang mabasag ang kanilang malay.
Ang huling lalaki ay nanginginig na itinutok ang baril kay Orion. Ngunit mas mabilis pa sa kisap-mata, hinugot ng anino ang kanyang baril mula sa tactical holster.
Thwip. Thwip.
Dalawang bala sa balikat at hita. Nabitawan ng huling kalaban ang armas at bumagsak sa kalsada habang umaalingawngaw ang sakit.
Tumayo ang anino nang tuwid sa gitna ng highway. Ang walong lalaki ay tumba—ang iba ay patay, ang iba ay wala nang malay. Lumingon ito sa banda.
Hindi makahinga si Sirius. Ang kanyang puso ay tumitibok nang mabilis, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nasaksihan niya. Sino ang taong ito? Para siyang isang multo. Ang bilis ng kanyang galaw ay hindi makatao; para lamang siyang aninong sumasayaw sa dilim, umiiwas sa mga bala na tila ba alam niya kung saan ito pupunta bago pa man ito iputok.
Nang tumigil siya sa harap nila, doon lang napansin ni Sirius ang kabuuan ng babae. Nakasuot siya ng itim na tactical suit na hapit sa kanyang katawan, inilalantad ang kanyang balingkinitan pero matikas na pangangatawan. Naka-maskara ang ibabang bahagi ng kanyang mukha, ngunit ang kanyang mga mata... hinding-hindi makakalimutan ni Sirius ang mga matang iyon.
Singkit na pahaba ang mga ito. Ang dulo ay nakaturo paitaas, matalim at puno ng bagsik, habang ang panloob na kanto ay nakaturo pababa. Ang mga mata niya ay parang sa isang maninila—malamig, matalas, at tila nakikita ang buong kaluluwa mo sa isang tingin lang. Isang Phoenix Eye na puno ng misteryo.
"A-are you okay?" nauutal na tanong ni Neptune, pilit na kumakapit sa braso ni Archer.
Hindi sumagot ang babaeng naka-maskara. Nanatili siyang nakatayo, tinitigan sila isa-isa—mula kay Mr. Phil na duguan hanggang kay Rigel. Nang dumapo ang tingin niya kay Sirius, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang bagsik sa kanyang mga mata ay biglang nagkaroon ng kakaibang lalim, tila may kinikilala. Tila tinitiyak niya kung may kahit isang galos ang leader ng banda.
"Clean-up crew, Sector 4. High-priority. May mga casualty. I need medical evacuation for the driver and a manager, Code Silver. Now," malamig at awtoritatibong utos nito sa kanyang encrypted radio. Ang boses niya ay parang hinihiwang yelo—matalim at direkta.
Sa isang iglap, tumalikod siya. Sa sobrang bilis ng kanyang pag-alis, parang humiwa lamang ang hangin. Sumampa siya sa kanyang matte black na motor na kanina pa pala nakatago sa gilid ng highway.
"Wait! Who are you?!" sigaw ni Sirius, humahakbang pasulong kahit nangangatog pa ang tuhod. "Thank you! What's your name?!"
Hindi lumingon ang babae. Pinaharurot niya ang kanyang Ducati at naglaho sa kadiliman ng madaling araw, naiwan ang lima na nakatayo sa gitna ng duguang highway habang maririnig na ang papalapit na mga sirena ng pulis.
"Did you see her eyes?" bulong ni Archer, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha at hindi makapaniwala. "She didn't say a word, but those eyes... they looked like they’ve seen the end of the world."
"Para siyang anino," sabi ni Orion, nanginginig pa ang kamay habang pinupunasan ang pawis sa noo. "Isang aninong nagliligtas sa gitna ng impiyerno."
Napatingin si Sirius sa dulo ng kalsada kung saan naglaho ang motor. Hindi niya alam kung sino ang babaeng iyon o kung bakit siya naroon sa tamang oras. Pero ang hugis ng mga matang iyon—ang matalim at malamig na tingin—ay nakaukit na sa kanyang isip nang mas malalim kaysa sa kahit anong kanta.
Naramdaman ni Sirius ang isang kakaibang 'pitik' sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit, pero may kutob siya na ang gabing ito ay simula pa lamang ng isang mas malaking kwento. At alam niyang hindi ito ang huling pagkakataon na makikita niya ang aninong iyon.
"I will find you," bulong ni Sirius sa hangin, bago siya muling nilamon ng ingay ng mga paparating na ambulansya.
Author's Note:
Bitin ba? Don't worry, tuloy-tuloy lang ang music! Salamat sa pagbabasa ng Chapter 2. Kung na-enjoy niyo ang interaction ng banda, please show some love by hitting that 'Vote' button! Ano sa tingin niyo ang mangyayari sa susunod na chapter? 🔥
The ComebackPagkalabas nina Phil at Haven sa library, tinahak nila ang mahabang pasilyo patungo sa swimming pool area. Ramdam pa ni Haven ang bigat ng diskusyon kanina tungkol kay Ex-Gen. Silas at sa mga traydor na opisyal, ngunit ang lahat ng seryosong isiping iyon ay biglang naglaho nang tumambad sa kanya ang eksena sa pool.Ang buong banda ay kasalukuyang naglulunoy at masayang nagkakatuwaan sa mga inside jokes nila. Napatigil si Haven sa kanyang kinatatayuan, tila nakalimutan kung paano huminga nang maayos. Ang kanyang mga mata ay agad na napako kay Sirius. "Hi, Phil!" sabay na kaway ng lima na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi. "Umahon muna kayo rito at may mahalaga tayong pag-uusapan," seryosong ani Phil.Walang damit pangtaas ang superstar. Kitang-kita ang malapad nitong balikat na tila kayang pasanin ang buong mundo, at ang dibdib na bahagyang kumikinang dahil sa tumutulong tubig-pool sa ilalim ng sikat ng araw. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Haven ang m
ColdAlas-singko pa lamang ng madaling-araw. Ang buong mansyon ng mga Montemayor ay nababalot pa ng makapal na dilim at nakabibinging katahimikan. Si Haven ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama, ang kanyang hininga ay hindi pa rin ganap na matatag dahil sa mga natitirang alaala ng halik sa tabi ng pool kagabi. Ramdam niya pa rin ang kakaibang kuryente. Ngunit ang lahat ng emosyong iyon ay biglang naputol nang marahas na mag-vibrate ang kanyang encrypted phone sa ibabaw ng side table. "Reaper here," sagot ni Haven, ang kanyang boses ay agad na bumalik sa pagiging malamig, puno ng awtoridad at walang bahid ng emosyon. "Reaper, nakuha ko na ang listahan," seryosong boses ni Detective Keziah ang sumalubong sa kabilang linya. "Ang mga opisyal sa District 4 na konektado kay Ex-Gen. Silas at Mr. Chua ay kumpirmado na. Tatlong matataas na ranggo sa presinto ang nasa bulsa nila." "Kaya pala ang lakas ng loob ng limang spy na 'yun na pumasok at magtangkang mag-operate sa loob ng mansyon," sa
The Accidental KissSirius POV Matapos ang hapunang puno ng asaran at ang hindi inaasahang pag-aalaga ni Sirius kay Haven sa pamamagitan ng pagbibigay ng asparagus, biglang bumigat at napuno ng kakaibang kuryente ang atmospera sa loob ng mansyon. Pagbalik ni Sirius sa kanyang kwarto, pabalik-balik siya sa kanyang kama, hindi mapakali. Hindi mawala sa kanyang isip ang aksidenteng pagkadikit ng kanilang mga katawan sa training mat kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng balat ni Haven at ang mabilis, nagwawalang pintig ng sarili niyang puso.Napabuga ng marahas na hangin si Sirius tsaka napagdesisyunang lumabas sa kanyang kwarto upang magtungo sa pool side. Kailangan niya ng malamig na hangin dahil hindi pa rin talaga mawala sa kanyang isip ang nangyari. Sa totoo lang, hindi ganoong klaseng extreme training ang gusto niya; may alam naman siya sa self-defense pero mas gusto niya pang matuto sa mas banayad na paraan. Hindi pa siya ready sa mga weapons tulad ng mga espada at bar
Awkward Sa loob ng Underground Training Facility, ang tanging maririnig na lamang ay ang mabibigat at humihingal na hininga ng mga miyembro ng CELESTIAL. Pagkatapos ng nakamamanghang at madugong sparring nina Keziah at Grimm, dinala ni Haven si Sirius sa isang hiwalay na combat mat para sa kanilang nakalaang one-on-one na pagsasanay."Focus, Sirius. Huwag kang tumingin sa paligid o sa ginagawa ng iba. Ang kalaban mo ay nasa harap mo," malamig na utos ni Haven. Naka-standby siya sa likuran ni Sirius upang manu-manong ayusin ang mapanganib na stance nito. "Mahirap mag-focus kung ang coach ko ay parang laging handang pumatay ng tao," biro ni Sirius, bagaman bakas ang labis na pagod sa kanyang mukha. Hinihingal siya nang malalim, at ang kanyang pawis ay malayang dumadaloy mula sa kanyang sculpted jawline, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa pumasok sa siwang ng kanyang basang shirt."Maging seryoso ka kung gusto mong mabuhay sa oras na wala ako sa tabi mo," sagot ni Haven, walang pr
The Underworld Threshold Malamig ang simoy ng hangin sa malawak na training grounds ng mansyon, ngunit ang katahimikan ay tila isang babala. Sa gitna ng malawak na semento, nakatayo ang mga bodyguards ng pamilya—kabilang ang limang "ahas" na sina Perez, Santos, Ramos, Torres, at Reyes. Nakahilera sila nang tuwid, walang kamalay-malay na ang sikat ng araw na tumatama sa kanilang balat ang huli nilang mararanasan bilang mga malayang tao. Sa itaas na terrace, nakadungaw ang bandang CELESTIAL. Mahigpit ang hawak ni Sirius sa malamig na pasamanos. Ang kanyang paningin ay tila may sariling buhay, laging bumabalik sa babaeng nasa gitna ng field. Si Haven. Dahan-dahang hinihigpitan ni Haven ang kanyang hand wraps. Ang bawat ikot ng tela sa kanyang kamao ay tila isang ritwal. "Watch closely," malamig niyang utos, ang boses ay sapat na para tumayo ang balahibo ng mga guwardiya. "Ngayong umaga, ipapakita namin ni Liam ang tamang paraan ng Close-Quarters Combat (CQC). Liam, center stage."
JealousHabang abala ang limang spies sa kanilang kanya-kanyang pwesto—lingid sa kaalaman nila ang bawat kilos nila ay nakatala na—isang kulay abong SUV ang marahang huminto sa main gate ng mansyon. Walang sirena, walang ingay. Isang aninong pumasok sa kuta ng mga bituin.Bumaba rito ang isang lalaking may matikas na tindig, nakasuot ng pormal na bodyguard suit at itim na shades kahit maaga pa lang. Ang kanyang mukha ay seryoso at walang bahid ng ngiti—ang katangiang nagbigay sa kanya ng code name na Grimm. Sinalubong siya ni Haven sa tapat ng porch. Nagpalitan sila ng isang mabilis at makahulugang tingin; isang silent communication na tanging mga sanay sa serbisyo lamang ang nakakaintindi."Mr. Sergio, Mrs. Phoebe," tawag ni Haven sa mag-asawa na kasalukuyang nag-aalmusal sa terrace, ang amoy ng kape ay humahalo sa malamig na simoy ng hangin. "Ito po si Liam 'Grimm' Javier. Siya ang kinuha ko bilang karagdagang bodyguard at magsisilbi ring bagong driver ng CELESTIAL.""Welcome to the







