LOGINMusic and Heartbeat
Ang Music Room ng mansyon ay ang tanging lugar kung saan nararamdaman ng CELESTIAL na sila ay kontrolado ang kanilang mundo. Napalilibutan ng mga sound-proof na dingding na gawa sa mamahaling acoustic foam, mga gitara na nakasabit sa bawat sulok na tila mga tropeyo ng tagumpay, at ang malaking grand piano sa gitna na kumikinang sa ilalim ng chandelier. Dito sila madalas magtago mula sa gulo ng showbiz, sa ingay ng media, at sa bigat ng kanilang mga responsibilidad. Ngunit ngayong hapon, ang tensyong dala ng trahedya sa highway ay nahaluan ng bagong uri ng ingay—ang walang katapusang asaran nina Neptune at Rigel na pilit nilang ginagamit para lunurin ang pighati.
“Seryoso, Sirius? Isang mabilis na twist lang ng braso, gapang ka na agad sa mat? Para kang basang sisiw na hindi makagalaw!” Humagalpak ng tawa si Neptune habang nakasalampak sa isang malaking navy blue bean bag, hawak ang kanyang tiyan na tila ba iyon ang pinakamakatawang bagay na nakita niya sa buong taon. “I mean, we know you’re the ‘Unbothered King,’ but man, you looked very bothered and very much pinned down there!”
“Shut up, Neptune. Hindi nakakatawa,” asar na sagot ni Sirius. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng piano, ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang gumagalaw sa mga puti at itim na keys, pilit na pinatutugtog ang ilang melancholic chords para ikubli ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Hindi ito dahil sa sakit ng pagkaka-lock ni Haven sa kanya; ang pisikal na sakit ay matagal nang nawala. Ang nananatili ay ang "phantom sensation" ng pagkakalapit nila. Sa tuwing pipikit siya, nararamdaman pa rin niya ang init ng katawan ng dalaga na tumagos sa kanyang damit at ang kakaibang amoy nito—ang amoy ng lavender na nakakalunod, na hinaluan ng amoy ng pulbura at malamig na bakal. Isang amoy na sumisimbolo sa kapayapaan at panganib.
“To be fair,” singit ni Rigel habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin ng silid, pilit na ginagaya ang matikas na stance ni Haven kanina. Sinisipa-sipa pa niya ang hangin, sinusubukang makuha ang precision ng sipa ng dalaga. “Mabilis talaga si Haven. I’ve seen pro-fighters and stuntmen, but she moves differently. Parang anino na hindi mo mahawakan pero nararamdaman mo ang bagsik. Rigel the Rockstar meets Haven the Reaper... sounds like a hit song, right? Isang ballad na may halong rock.”
“Haven the Reaper?” Taas-kilay na tanong ni Archer mula sa gilid, hindi inaalis ang tingin sa kanyang tablet kung saan binabasa niya ang mga huling balita. “Too dark for a song title. But she is undoubtedly effective. Pinatahimik niya si Sirius sa loob ng tatlong segundo—isang record-breaking feat na wala pang nakakagawa sa pitong taon nating pagsasama.”
“Hindi ako natahimik! Nagulat lang ako sa bilis niya! Refelxes 'yun, okay?” depensa ni Sirius, lumingon sa mga kasama na ang buhok ay gulo-gulo pa rin mula sa pag-eensayo. “Sino ba namang mag-aakala na ang isang babaeng hanggang balikat ko lang ay may lakas na parang bulldozer? She caught me off guard!”
“Sus, defensive si Leader,” kantsaw ni Neptune, nanunukso ang mga mata. “Aminin mo na, Sirius. Hindi lang ‘yung pagkakadapa mo ang dahilan kung bakit ka tulala hanggang ngayon. Nakita ko ‘yung tingin mo sa kanya nung binitawan ka niya. You looked dazed. Para kang nakakita ng multo na sa isang iglap ay naging anghel na tagapagligtas.”
“Spark? O baka naman static lang ‘yun sa lakas ng kuryente nung tumama ang mukha mo sa mat?” tawa ni Rigel, sabay hampas ng drumsticks sa kanyang tuhod.
Napapikit si Sirius, pilit na iwinawaksi ang imahe ni Haven na pawisan, seryoso, at ang kanyang mga matang Phoenix na tila binabasa ang bawat lihim niya. “Wala akong nararamdaman kundi inis. She’s too bossy. Protocols? Rules? Para tayong nasa high-security prison sa halip na sa sarili nating tahanan.”
“Pero kailangan natin ‘yun, Sirius,” seryosong sabi ni Orion, na kanina pa tahimik na nag-aayos ng string ng kanyang paboritong gitara. Lumapit siya sa gitna ng grupo, ang kanyang mukha ay puno ng timpi. “Namatay sina Kuya Ben. Nabaril si Manager Phil. We’re not just a band anymore; we’re moving targets of a larger conspiracy. Kung ang kailangan ay isang babaeng kayang magpabagsak ng higanteng tulad mo para manatili tayong buhay lahat, then I’m all for it. I'd rather have her rules than another funeral.”
Tumahimik ang lahat. Ang pighati na pilit nilang ikinukubli ay muling bumalik sa silid, mabigat at tila hindi matatakasan.
“Speaking of targets,” sabi ni Neptune habang ipinapakita ang kanyang cellphone. “Trending pa rin ang #CelestialAmbush. Milyon-milyong tweets. Ang daming Stellars na nag-iiyakan, nag-a-alay ng dasal. Pero marami ring kumakalat na fake news—may nagsasabing kritikal daw ang lagay nating lahat, may nagsasabing disbanded na raw tayo. We need to do something to stop the panic.”
“Manager Phil is still recovering in the hospital, and the PR team is swamped,” sabi ni Archer. “But Phil texted me earlier. We should at least show them we’re okay. We need to stabilize the fandom.”
“Mag-Live Stream tayo,” suhestiyon ni Sirius, tumayo na siya mula sa piano chair nang may determinasyon. “Ngayon na. Kailangan nilang makita na kahit nalulungkot tayo, hindi tayo susuko. We owe it to the Stellars who supported us, and we owe it to the memory of our guards. Hindi sila namatay para lang hayaan nating gumuho ang CELESTIAL.”
Mabilis silang nag-ayos. Kinuha nila ang tripod at ang malaking ring light sa gitna ng Music Room. Sa likod nila, ang logo ng CELESTIAL na nakaukit sa pader ay kumikinang sa ilalim ng mga spotlight. Bago nila i-on ang live, pumasok si Haven sa loob ng silid. Naka-itim na siyang t-shirt ngayon na may maliit na tactical logo, suot ang kanyang earpiece na patuloy na nagbibigay ng updates mula sa labas.
“Anong gagawin niyo?” tanong ni Haven, ang boses ay malamig ngunit may bakas ng pag-analisa sa paligid.
“Magla-live lang kami, Haven. Para sa fans. We need to show them we're alive,” sagot ni Orion.
“Make it quick. And don’t show anything that can pinpoint your exact location—no windows, no distinct landmarks outside, and don’t mention the layout of this room,” utos ni Haven bago tumabi sa isang madilim na sulok. Sumandal siya sa pader, nakamasid nang tila isang tunay na anino na bahagi na ng arkitektura.
Habang nag-aayos ng camera, hindi mapigilan ni Sirius na sumulyap sa direksyon ni Haven. Ang dalaga ay nakasandal, nakakrus ang mga braso, at diretso ang tingin sa labas ng bintana habang ang kanyang tainga ay laging alerto. Sa loob-loob ni Sirius, may isang bahagi ng kanyang "Unbothered" nature ang tuluyan nang gumuho.
Si Rigel ang naging arkitekto ng set-up. Bitbit ang isang mabigat na professional-grade tripod, mabilis niyang inayos ang anggulo sa tapat ng isang payak na puting pader para masiguradong walang clues na makukuha ang mga stalkers o assassins.
"Ayusin niyo ang pwesto! Sirius, sa gitna ka. Neptune, lumayo ka nang konti sa ring light, masyadong nagre-reflect sa noo mo, nakakasilaw!" sigaw ni Rigel habang sinusuri ang framing sa screen.
"Grabe ka naman sa noo ko, Rigel! Skin care ito, natural glow of a god!" ganti ni Neptune habang pilit na isinisiksik ang sarili sa tabi ni Orion. "Hoy, Orion, anong filter ang gagamitin natin? 'Yung Sunset Glow para sa 'hope' o 'yung Midnight Noir? Kailangan nating magmukhang misteryoso pero lapitin pa rin para sa ratings."
"Neptune, hindi tayo mag-te-Tiktok video," tawa ni Orion habang inaayos ang kanyang wolf cut. "Natural look lang ang kailangan nila ngayon. At tsaka, bakit ka pa mag-fi-filter? Halos isang oras kang nag-retouch kanina."
"Excuse me? Moisturizer lang ito na may kaunting tint! Para hindi ako magmukhang bangkay sa harap ng milyun-milyong tao!" depensa ni Neptune.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, si Sirius ay nananatiling nakaupo sa isang high stool, tahimik na pinapanood ang kanyang mga kasama. Ramdam niya ang titig ni Haven mula sa dilim, at bagaman alam niyang para sa proteksyon iyon, may kakaibang kaba itong dulot.
“Okay, in 3... 2... 1... Live!” sabi ni Neptune.
Nagsimulang dagsain ng libo-libong Stellars ang live stream. Ang mga komento ay mabilis na dumadaloy na parang avalanche. Ang counter sa itaas ng screen ay nagsimulang gumalaw sa bilis na nakakahilo:
• 100,000 viewers (10 seconds)
• 10,000,000 viewers (30 seconds)
• 25,000,000+ viewers (1 minute)
Habang ang counter ng viewers ay mabilis na umaakyat patungong 25 milyon, ang ingay sa loob ng music room ay tila naging isang malabong ugong na lamang sa pandinig ni Sirius.
“Hello, Stellars,” simula ni Sirius, ang kanyang boses ay malumanay, malalim, at puno ng sinseridad. “We’re here. We’re safe. But our hearts are heavy. Kagabi, nawalan kami ng mga kaibigan—mga taong nagbigay ng buhay nila para protektahan kami. We are mourning with their families. Hinding-hindi namin sila malilimutan.”
Ang screen ng smartphone ay tila isang waterfall sa bilis ng pag-akyat ng mga comments. Milyon-milyon ang nanonood, at ang bawat puso at emoji na lumalabas ay nagbibigay ng kakaibang liwanag sa screen.
@StellarFan: "OMYGOD, THEY'RE ALIVE! I'M CRYING SO HARD RIGHT NOW!"
@Celestial_Watcher: "Is that a new house? The background is so plain! Keep them safe!"
@SiriusWife_99: "Sirius marry me!!!! We need you to be happy again! 💍"
@PoutyFace: “Thank God you’re alive! We were so worried!”
Nabasa ni Sirius ang "Marry Me" comment at natawa nang may halong sarkasmo para pagaanin ang loob ng fans. "Marry you? Ayos lang sa akin, pero siguraduhin mong marunong kang makipag-away sa apat pang lalaking kasama ko sa bahay. Baka mahirapan ka sa schedule ng paghuhugas ng plato at paglilinis ng instruments."
@FanGirling: "Sirius looks tired but still looks like a prince! Sirius give us a wink!"
Agad na kumindat si Sirius sa camera—isang classic move na nagpasabog ng "hearts" sa screen. "Napagod lang sa pagtulog, Stellars. Masyadong masarap ang kama dito sa safe house."
@StellarDream: "Flying kiss Sirius! Please! We need energy!"
Nagpadala ng flying kiss si Sirius, habang si Neptune ay sumisingit sa frame. "Ako rin, Stellars! Flying kiss para sa lahat mula kay Sailor Neptune!"
"Grabe, ang bilis ng comments! Guys, dahan-dahan lang, hindi ko na mabasa ang mga tanong niyo!" tawa ni Neptune habang pilit na inilalapit ang mukha sa lens.
Biglang napatigil si Sirius nang mabasa ang isang sunod-sunod na comment na tila naging spam na sa bilis.
@KL_LovesSirius: “SIRIUS PHOENIX MONTEMAYOR, I AM YOUR LEGAL WIFE!”
@SkyeHigh_Archer: "Archer, are you okay? You look so pale! May sakit ka ba?"
@Celestial_Healer: "Please take care of your health, Archer! Your eyes look so sad today. We love you!"
"Stop spitting nonsense," natatawang sagot ni Sirius na naka-pout pa, kaya mas lalo itong naging cute sa paningin ng mga fans. "Mag-aral muna kayo bago niyo isipin ang kasal, okay? Education first, Stellars."
"PLEASE SIRIUS! KAHIT BODYGUARD MO NA LANG AKO!" basa ni Rigel sa isang comment sabay sulyap kay Haven na nasa sulok.
"Please don't say such ridiculous things," tawa-tawa niyang sabi sabay kumpas ng kamay na tila ba itinataboy ang ideya. "Maniwala kayo sa akin, hindi niyo kakayanin ang training ng bodyguard. Masakit sa braso, masakit sa likod, at lalong masakit sa ego kapag naitumba kayo."
Sa kabilang panig ng silid, hindi nakikiisa si Haven sa katuwaan. Hawak niya ang kanyang encrypted tablet, mabilis na sinusuri ang metadata ng live stream. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na gumagalaw sa screen, tinitiyak na ang signal encryption ay matatag at walang anumang digital trackers na nakakapasok.
Habang abala ang banda, si Haven ay nananatiling nakapako ang tingin sa screen ng tablet. Ngunit nang magsimulang umulan ng mga "Marry me Sirius" na comments, bahagya siyang napahinto. Tiningnan niya si Sirius mula sa malayo—ang binata ay kasalukuyang nakikipag-asaran sa screen, punong-puno ng karisma na tila ba ang buong mundo ay nasa kanyang palad.
Ridiculous indeed, isip ni Haven habang mabilis na tina-type ang isang command para i-trace ang isang suspicious data packet na sumusubok na pumasok sa kanilang connection. Kung alam lang ng mga taong ito na ang 'Prince' na pinapangarap nilang pakasalan ay kasalukuyang nakatayo sa ibabaw ng isang mabasaging salamin, napapaligiran ng mga aninong gustong pumatay sa kanya.
“Marry him?” bulong ni Haven sa sarili, halos hindi marinig. Isang bahagi ng kanyang isip ang nagsasabing napakababaw ng mga fans, ngunit may isang maliit at hindi pamilyar na kurot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis sa ideyang iyon. “He’s a mission, not a husband material. Masyadong maingay, masyadong 'flashy',” pagkumbinsi niya sa kanyang sarili, pilit na ibinabalik ang kanyang pagiging propesyunal.
"Oh, look at this one!" sigaw ni Orion. "Sirius, your dimples are the eighth wonder of the world! Keep smiling, our Phoenix! We need your light!"
Dahil sa comment na iyon, hindi napigilan ni Sirius ang tunay at sinserong ngiti. Hindi ito ang kanyang "Superstar smile" na praktisado para sa mga magazines. Ito ay ang ngiting abot sa kanyang mga mata, at doon lumitaw ang kanyang hidden dimples—isang maliit na hukay sa kanyang kaliwang pisngi na bihira lang lumabas kapag talagang masaya siya.
Napatitig si Haven. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng Music Room, ang "ethereal" na hitsura ni Sirius ay tila naging doble ang ningning. Para kay Haven, sa sandaling iyon, hindi isang High-Value Target ang nakita niya, kundi isang lalaking may dalisay na puso na pilit na nagpapakumbaba sa likod ng lahat ng kasikatan. Isang lalaking gustong protektahan ang lahat maliban sa kanyang sarili.
Doon naramdaman ni Haven ang sarili niyang "heart flutter"—isang mabilis na pintig sa kanyang dibdib na tila isang bala na tumama sa maling target. Agad siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring abala sa tablet, ngunit ang kanyang mga pisngi sa ilalim ng face mask ay nagsimula nang uminit. Ang lamig ng kanyang pagkatao ay tila unti-unting tinutunaw ng ngiti ng binata.
“Protocol failure,” saway niya sa kanyang sariling puso. “Focus on the mission, Haven. Hindi kasama sa kontrata ang matunaw sa ngiti ng isang Montemayor.”
Ngunit habang nagpapatuloy ang musika at tawanan sa silid, alam ni Haven na ang misyong ito ay hindi na lang basta trabaho. Ito ay nagiging isang personal na laban sa pagitan ng kanyang tungkulin at ng kanyang tumitibok na puso.
The ComebackPagkalabas nina Phil at Haven sa library, tinahak nila ang mahabang pasilyo patungo sa swimming pool area. Ramdam pa ni Haven ang bigat ng diskusyon kanina tungkol kay Ex-Gen. Silas at sa mga traydor na opisyal, ngunit ang lahat ng seryosong isiping iyon ay biglang naglaho nang tumambad sa kanya ang eksena sa pool.Ang buong banda ay kasalukuyang naglulunoy at masayang nagkakatuwaan sa mga inside jokes nila. Napatigil si Haven sa kanyang kinatatayuan, tila nakalimutan kung paano huminga nang maayos. Ang kanyang mga mata ay agad na napako kay Sirius. "Hi, Phil!" sabay na kaway ng lima na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi. "Umahon muna kayo rito at may mahalaga tayong pag-uusapan," seryosong ani Phil.Walang damit pangtaas ang superstar. Kitang-kita ang malapad nitong balikat na tila kayang pasanin ang buong mundo, at ang dibdib na bahagyang kumikinang dahil sa tumutulong tubig-pool sa ilalim ng sikat ng araw. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Haven ang m
ColdAlas-singko pa lamang ng madaling-araw. Ang buong mansyon ng mga Montemayor ay nababalot pa ng makapal na dilim at nakabibinging katahimikan. Si Haven ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama, ang kanyang hininga ay hindi pa rin ganap na matatag dahil sa mga natitirang alaala ng halik sa tabi ng pool kagabi. Ramdam niya pa rin ang kakaibang kuryente. Ngunit ang lahat ng emosyong iyon ay biglang naputol nang marahas na mag-vibrate ang kanyang encrypted phone sa ibabaw ng side table. "Reaper here," sagot ni Haven, ang kanyang boses ay agad na bumalik sa pagiging malamig, puno ng awtoridad at walang bahid ng emosyon. "Reaper, nakuha ko na ang listahan," seryosong boses ni Detective Keziah ang sumalubong sa kabilang linya. "Ang mga opisyal sa District 4 na konektado kay Ex-Gen. Silas at Mr. Chua ay kumpirmado na. Tatlong matataas na ranggo sa presinto ang nasa bulsa nila." "Kaya pala ang lakas ng loob ng limang spy na 'yun na pumasok at magtangkang mag-operate sa loob ng mansyon," sa
The Accidental KissSirius POV Matapos ang hapunang puno ng asaran at ang hindi inaasahang pag-aalaga ni Sirius kay Haven sa pamamagitan ng pagbibigay ng asparagus, biglang bumigat at napuno ng kakaibang kuryente ang atmospera sa loob ng mansyon. Pagbalik ni Sirius sa kanyang kwarto, pabalik-balik siya sa kanyang kama, hindi mapakali. Hindi mawala sa kanyang isip ang aksidenteng pagkadikit ng kanilang mga katawan sa training mat kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng balat ni Haven at ang mabilis, nagwawalang pintig ng sarili niyang puso.Napabuga ng marahas na hangin si Sirius tsaka napagdesisyunang lumabas sa kanyang kwarto upang magtungo sa pool side. Kailangan niya ng malamig na hangin dahil hindi pa rin talaga mawala sa kanyang isip ang nangyari. Sa totoo lang, hindi ganoong klaseng extreme training ang gusto niya; may alam naman siya sa self-defense pero mas gusto niya pang matuto sa mas banayad na paraan. Hindi pa siya ready sa mga weapons tulad ng mga espada at bar
Awkward Sa loob ng Underground Training Facility, ang tanging maririnig na lamang ay ang mabibigat at humihingal na hininga ng mga miyembro ng CELESTIAL. Pagkatapos ng nakamamanghang at madugong sparring nina Keziah at Grimm, dinala ni Haven si Sirius sa isang hiwalay na combat mat para sa kanilang nakalaang one-on-one na pagsasanay."Focus, Sirius. Huwag kang tumingin sa paligid o sa ginagawa ng iba. Ang kalaban mo ay nasa harap mo," malamig na utos ni Haven. Naka-standby siya sa likuran ni Sirius upang manu-manong ayusin ang mapanganib na stance nito. "Mahirap mag-focus kung ang coach ko ay parang laging handang pumatay ng tao," biro ni Sirius, bagaman bakas ang labis na pagod sa kanyang mukha. Hinihingal siya nang malalim, at ang kanyang pawis ay malayang dumadaloy mula sa kanyang sculpted jawline, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa pumasok sa siwang ng kanyang basang shirt."Maging seryoso ka kung gusto mong mabuhay sa oras na wala ako sa tabi mo," sagot ni Haven, walang pr
The Underworld Threshold Malamig ang simoy ng hangin sa malawak na training grounds ng mansyon, ngunit ang katahimikan ay tila isang babala. Sa gitna ng malawak na semento, nakatayo ang mga bodyguards ng pamilya—kabilang ang limang "ahas" na sina Perez, Santos, Ramos, Torres, at Reyes. Nakahilera sila nang tuwid, walang kamalay-malay na ang sikat ng araw na tumatama sa kanilang balat ang huli nilang mararanasan bilang mga malayang tao. Sa itaas na terrace, nakadungaw ang bandang CELESTIAL. Mahigpit ang hawak ni Sirius sa malamig na pasamanos. Ang kanyang paningin ay tila may sariling buhay, laging bumabalik sa babaeng nasa gitna ng field. Si Haven. Dahan-dahang hinihigpitan ni Haven ang kanyang hand wraps. Ang bawat ikot ng tela sa kanyang kamao ay tila isang ritwal. "Watch closely," malamig niyang utos, ang boses ay sapat na para tumayo ang balahibo ng mga guwardiya. "Ngayong umaga, ipapakita namin ni Liam ang tamang paraan ng Close-Quarters Combat (CQC). Liam, center stage."
JealousHabang abala ang limang spies sa kanilang kanya-kanyang pwesto—lingid sa kaalaman nila ang bawat kilos nila ay nakatala na—isang kulay abong SUV ang marahang huminto sa main gate ng mansyon. Walang sirena, walang ingay. Isang aninong pumasok sa kuta ng mga bituin.Bumaba rito ang isang lalaking may matikas na tindig, nakasuot ng pormal na bodyguard suit at itim na shades kahit maaga pa lang. Ang kanyang mukha ay seryoso at walang bahid ng ngiti—ang katangiang nagbigay sa kanya ng code name na Grimm. Sinalubong siya ni Haven sa tapat ng porch. Nagpalitan sila ng isang mabilis at makahulugang tingin; isang silent communication na tanging mga sanay sa serbisyo lamang ang nakakaintindi."Mr. Sergio, Mrs. Phoebe," tawag ni Haven sa mag-asawa na kasalukuyang nag-aalmusal sa terrace, ang amoy ng kape ay humahalo sa malamig na simoy ng hangin. "Ito po si Liam 'Grimm' Javier. Siya ang kinuha ko bilang karagdagang bodyguard at magsisilbi ring bagong driver ng CELESTIAL.""Welcome to the



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



