Share

Chapter 5

last update publish date: 2026-05-28 18:54:21

The Shadow and The Spotlight

 Ang malawak na living room ng mansyon ng mga Montemayor ay balot ng nakabibinging katahimikan. Ang dating masiglang tahanan ng CELESTIAL—kung saan laging maririnig ang tawanan, jamming, at asaran—ay tila naging isang malamig at madilim na kuta. Nakaupo ang limang miyembro sa mahabang leather couch, ang kanilang mga balikat ay nakalaylay sa bigat ng pagluluksa na hindi kayang pawiin ng anumang sikat ng araw.

​Si Sirius Phoenix Montemayor ay nakatitig lang sa kanyang mga palad. Ang kanyang isip ay bumabalik sa duguang highway, sa mga huling sandali nina Kuya Ben at ng iba pa nilang security detail. Hindi niya matanggap na sa loob lang ng pitong taon, ang mga taong itinuring niyang mga kuya at pamilya ay mawawala nang ganoon kabilis sa isang iglap ng karahasan.

​​"I still can't believe it," basag ni Neptune sa katahimikan. Ang kanyang boses, na dati ay puno ng sigla at biro, ay nanginginig ngayon at puno ng pait. "Kuya Ben was just teaching me how to drive his old jeep last week. Sabi niya, pagkatapos ng tour, dadalhin niya ako sa probinsya nila para makatikim ng tunay na laing. Tapos ngayon... wala na siya."

​​"Hindi lang sila basta security," dagdag ni Orion habang pinupunasan ang luhang kanina pa tumutulo sa kanyang pisngi. Ang Fairy Prince ng grupo ay tila nawalan ng ningning. "They were our family. Sila ang nakakakita sa atin kapag pagod tayo, kapag malungkot tayo sa likod ng entablado... sila 'yung mga tunay na nakakakilala sa atin sa kabila ng makeup at spotlight."

Sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, bumukas ang malaking pinto ng mansyon. Pumasok si Mr. Sergio Montemayor, ang patriarch ng pamilya. Bakas ang matinding pagod at puyat sa mukha nito, ngunit bilang haligi ng Montemayor Empire, kailangan niyang maging matatag. Ngunit ang kumuha ng atensyon ng lahat ay ang babaeng kasunod niya.

​Maliit ang babae kung ikukumpara sa taas ng mga miyembro ng banda, ngunit may kakaibang presensya ito na tila humihigop ng lahat ng hangin sa loob ng silid. Naka-black tactical shirt ito na hapit sa kanyang matikas na pangangatawan, cargo pants na puno ng bulsa, at combat boots na tila marami nang dinaanang laban. Simple ang ayos niya, ang buhok ay nakatali sa isang mahigpit na ponytail, pero ang bawat hakbang niya ay may kasamang bigat ng awtoridad na hindi matatagpuan sa karaniwang bodyguard.

​"Son, boys," tawag ni Sergio. "I know it’s hard. I know you’re hurting. Pero kailangan nating magpatuloy. For your safety, and for the peace of mind of everyone, I hired a new head of security. I want you to meet Haven Diamond Fortaleza."

 Napatingala si Sirius. Ang kanyang almond-shaped eyes na puno ng pighati ay dumapo kay Haven. Mula sa kanyang 6'3" na tindig, tila napakaliit ni Haven. Ang itim at mahabang buhok nito ay maayos na nakatali sa isang mahigpit na ponytail, walang kolorete ang mukha, at ang kanyang ekspresyon ay nananatiling blangko—parang pader na walang pintuan.

​"Dad, are you kidding me?" sarkastikong tawa ni Sirius, bagaman walang bahid ng saya sa kanyang boses. "You’re replacing the brothers we lost with... her? Look at her. She’s tiny! What is she going to do? Protect us with a TikTok dance? Or maybe a heart-finger gesture?"

Hindi man lang kumurap si Haven. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakapako kay Sirius, hindi natitinag sa taas o sa kasikatan ng lalaki.

​"Size doesn't dictate survival, Mr. Montemayor," malamig na tugon ni Haven. "Kung laki ang usapan, sana ay buhay pa ang mga bodyguards niyo. But they were outplayed by speed and precision—things I specialize in. Ang laki ay nagiging pabigat at malaking target lang kapag hindi mo alam kung paano umiwas sa bala."

Ang huling pangungusap ni Haven ay tila isang sampal kay Sirius. Nag-igting ang kanyang panga. Pakiramdam niya ay nilalapastangan ng babaeng ito ang alaala ng mga taong nagbuwis ng buhay para sa kanila. Tumayo si Sirius, ang kanyang matikas na pangangatawan ay tila nagpapadilim sa paligid habang nilalapitan si Haven. Huminto siya nang ilang pulgada na lang ang pagitan nila—halos magkadikit na ang kanilang mga balat, ramdam ang galit na hininga ni Sirius sa noo ni Haven.

​"You have no right to talk about them like that. You weren't there on that highway!" singhal ni Sirius, ang boses ay nanginginig sa poot. "You don't know the pain of losing someone who protected you for seven years. You're just another employee, another shadow in the corner. Don't act like you're better than them."

At sa sandaling iyon, nagtama ang kanilang mga mata.

​Direktang tumitig si Sirius sa mga mata ni Haven—ang mga mata niyang hugis Phoenix. Sa loob ng isang segundo, tila huminto ang mundo para kay Sirius. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa mga matang iyon, may nakita siyang kakaibang kislap. Hindi lang ito lamig; ito ay apoy. Isang apoy na pamilyar sa kanya. Nakakita siya ng mabilis na flashback—ang anino sa highway, ang bilis ng paggalaw sa dilim, at ang walang emosyong bagsik ng babaeng nagligtas sa kanila.

 Biglang may naramdamang kakaibang pintig si Sirius sa kanyang puso—isang kuryenteng hindi niya maipaliwanag. Tila tumigil ang mundo at ang galit niya ay biglang nalamon ng isang misteryosong pakiramdam. Ang tibok ng puso niya ay naging mabilis, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa kakaibang koneksyong tila matagal nang nakatadhana. Ang mga matang ito... ito ang huling bagay na nakita niya bago siya nawalan ng malay sa takot kagabi.

​"Ikaw..." bulong ni Sirius, ang kanyang boses ay naging piping pagtataka.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Haven, bagaman ramdam niya ang pagbabago sa aura ni Sirius. "Nandito ako para siguraduhin na walang susunod na kabaong na lalabas sa mansyong ito. Trabaho ko 'yun, gusto mo man o hindi. Mourning won't keep the next bullet from hitting you. My job is to make sure you live long enough to finish your grieving."

​​"I don't need you," ganti ni Sirius, pilit na ibinabalik ang kanyang depensa kahit na ang kanyang puso ay hindi pa rin tumitigil sa kakaibang kaba.

 ​"Subukan mo ako, Mr. Montemayor," hamon ni Haven, hindi kumukurap. "If you can even lay a finger on me, I’ll resign right now. Pero hangga't hindi mo nagagawa 'yun, you will follow my rules. Is that clear?"

​Naiwang tulala si Sirius. Ang dati niyang matabil na dila ay tila napipi. Ramdam ng buong banda ang matinding tensyon sa paligid.

​Unang kumilos si Neptune, ang "social butterfly" ng grupo. Lumapit siya kay Haven nang may maingat na ngiti, pilit na binabasag ang yelo. "Hi," bati ni Neptune. "Ako si Neptune, ang bassist. Pasensya ka na kay Sirius, medyo 'diva' lang talaga 'yan kapag nagluluksa. Pero mabait 'yan, promise."

 Lumingon si Haven kay Neptune. Ang kaninang malamig na ekspresyon ay bahagyang lumambot, sapat na para makahinga ang bassist. "Haven Diamond Fortaleza. Masasanay na ako sa kanya. I've dealt with worse than a grumpy rockstar."

​"I like her already!" bulong ni Neptune sa sarili habang ipinapakita ang kanyang boxy smile. "Welcome to the chaos, Haven. Hope you're ready for the Stellars."

Lumapit din si Orion, ang Fairy Prince, na may kasamang malungkot na ngiti. "Salamat sa pagtanggap sa misyon na ito, Haven. Alam naming mahirap ang sitwasyon, pero kailangan namin ng proteksyon para makapagpatuloy."

​"Trabaho ko ito," maikling sagot ni Haven, tumango kay Orion nang may paggalang.

​Si Archer ay nanatiling tahimik sa couch, sinusuri ang bawat galaw ni Haven sa pamamagitan ng kanyang mapupungay na mata. May naramdaman siyang kakaiba sa tindig ng babae—isang disiplina na hindi nakukuha sa simpleng security training.

​Si Rigel naman ay tumayo, ang kanyang mga braso ay naka-krus sa dibdib. "Just to be clear, Haven. We are used to doing things our way. Hindi kami sanay na may nagdidikta sa amin."

​"Magiging sanay kayo sa bago kong sistema," mabilis na sagot ni Haven, na ikinangisi ni Rigel. Gusto niya ang palaban; para sa kanya, ito ang uri ng tao na hindi sila pababayaan.

​Kinabukasan, maagang nagising ang mga miyembro ng CELESTIAL—hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa sunod-sunod na tunog ng mga kalabog at sigaw na nanggagaling sa malawak na training room ng mansyon.

​Pagdating nina Neptune, Orion, Archer, at Rigel, napatigil sila sa pinto, hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan. Si Sirius ang huling dumating, may hawak pang tasa ng kape at nakasuot ng silk pajamas, halatang nagulantang ang kanyang beauty sleep.

​Sa gitna ng gym, mag-isang kaharap ni Haven ang sampung malalaking bodyguards ng mansyon—mga lalaking halos doble ang laki sa kanya. Nakasuot ang dalaga ng black racerback sports bra at tactical leggings, inilalantad ang kanyang toned na mga braso at isang maliit na peklat sa kanyang balikat—isang marka ng digmaang hindi kailanman nalaman ng publiko.

​"Attack!" malamig na utos ni Haven.

​Sabay-sabay na sumugod ang tatlong bodyguard. Sa isang iglap, tila naging anino si Haven. Umiwas siya sa unang suntok sa pamamagitan ng pagyuko, sabay sipa sa tuhod ng isa na naging dahilan ng pagbagsak nito, at mabilis na pag-ikot sa likod ng pangalawa upang gamitin ang bigat nito para itumba ang pangatlo. Ang bawat galaw niya ay tumpak, mabilis, at walang sayang na enerhiya. Para siyang isang makina na idinisenyo para sa perpektong depensa at opensa.

​"Whoa..." bulalas ni Neptune, muntik nang mabitawan ang kanyang baso. "She’s like a John Wick in a 5'6" frame! Did you see that roundhouse kick?"

​"Ang galing niya," hangang-hangang sabi ni Orion. "Hindi man lang siya hinihingal habang pinapatumba ang mga lalakeng 'yan."

 Napangisi naman si Rigel. Bilang drummer na mahilig sa physical activities, agad siyang napahanga sa precision ni Haven. "Hey, Haven! Gusto ko ring matutunan 'yan. Pwede mo ba kaming turuan? Para naman hindi kami laging 'damsel in distress' kapag may gulo."

​Huminto si Haven at lumingon sa kanila. Bahagyang pawisan ang kanyang noo, at ang kanyang buhok ay may ilang hibla na kumawala, bagay na lalong nagpadagdag sa kanyang bagsik at kagandahan. "Starting tomorrow, Rigel. But for now, kailangan niyo munang malaman ang mga bagong protocol. Mula ngayon, ang buhay niyo ay nasa ilalim ng aking hurisdiksyon."

 Kinuha ni Haven ang isang folder sa gilid at nagsimulang magbasa nang may awtoridad. "Rule number one: No one leaves the mansion without my direct approval and escort. Rule number two: Lahat ng fans' gifts—mula sa stuffed toys hanggang sa pagkain—ay dadaan muna sa x-ray at chemical check bago niyo hawakan. And rule number three: No guests allowed in the mansion without my prior vetting and background check. No exceptions."

​"Wait, what?!" singhal ni Sirius, lumalapit sa gitna ng mat. "No guests? This is my house, Haven. You can't just turn this into a prison. My friends, my business partners—hindi mo pwedeng harangin ang lahat."

​"It's not a prison, it's a safe house," sagot ni Haven nang hindi man lang kumukurap. "Ang mansyong ito ay target ngayon. Kung gusto mong maging malaya, siguraduhin mong buhay ka muna."

​"This is ridiculous," singhal ni Sirius habang naglalakad palapit kay Haven. Dahil sa taas niyang 6'3", halos malunod si Haven sa anino niya. "Rules? Protocols? You’re acting like we’re in a military camp, Haven. I have a life. We have concerts to attend and fans to meet. Hindi kami mga bilanggo."

​"And I have a mission to keep you breathing, Sirius Phoenix Montemayor," diretsahang sagot ni Haven. "My mission doesn't care about your social life. It only cares about your pulse."

​"You’re too much," hamon ni Sirius. Inilapag niya ang kanyang kape sa gilid at tinanggal ang kanyang robe, inilalantad ang kanyang athletic frame. "Sabi mo kagabi, kung mahahawakan kita, aalis ka. Let's see if you're as good as you look habang binubugbog mo 'yung mga tauhan ko na halatang nagpapatalo lang sa 'yo."

 Nagkaroon ng matinding kuryente sa paligid. Napahinto sina Orion at Rigel sa panonood, alam nilang seryoso si Sirius. Ang ego ng "Unbothered King" ay nasugatan.

​"Sige," sabi ni Haven sabay ayos ng kanyang pagkakatayo. Isang mapaglarong ngiti—ang unang ngiting nakita nila sa kanya—ay lumitaw sa kanyang labi. "Kung mahawakan mo ako, aalis na ako at sasabihin ko sa Daddy mo na hindi ako karapat-dapat. Deal?"

​"Deal," maikling sagot ni Sirius.

​Sumugod si Sirius. Dahil sa kanyang taas at pagiging athletic, akala niya ay madali niyang masusunggaban si Haven. Ngunit sa isang iglap, tila naging hangin ang babae. Sa bawat pag-atake ni Sirius, mabilis na nakaka-iwas si Haven—isang hakbang pakanan, isang yuko na halos dumampi ang buhok sa sahig, isang paitaas na pag-ikot na tila isang sayaw ng kamatayan.

​"Ano 'to, Sirius? Sumasayaw ka ba o nakikipaglaban? I've seen fans run faster than you," pang-aasar ni Haven habang umiiwas sa isang suntok.

​Nainis si Sirius. Ginamit niya ang kanyang bilis at sinubukang yakapin si Haven mula sa likod para ma-trap ito gamit ang kanyang malalakas na braso. Ngunit bago pa man dumampi ang kanyang mga kamay sa tactical suit ni Haven, mabilis na hinawakan ni Haven ang braso ni Sirius. Ginamit niya ang momentum ng bigat ng binata, hinarang ang kanyang paa sa binti nito, at sa isang mabilis na paggalaw ng balikat, ay naitumba niya si Sirius sa mat.

Napakalapit ng mukha ni Haven sa tenga ni Sirius habang naka-lock ang braso ng lalaki sa kanyang likuran. Ramdam ni Sirius ang init ng katawan ni Haven, ang amoy ng gunpowder na humahalo sa lavender na nagmumula sa balat nito. Isang amoy na nakakalasing at nakakalito. Ang puso ni Sirius ay biglang nagwala—hindi dahil sa sakit ng pagkaka-lock, kundi dahil sa sobrang lapit ng dalaga na tila naririnig na nito ang bawat kabog ng kanyang dibdib.

​"Protocol number four, Sirius," bulong ni Haven, ang boses ay malamig pero may kakaibang hagod na nagpatayo ng balahibo ni Sirius. "Huwag kang susugod kung hindi mo kayang tapusin ang laban. At huwag mong mamaliitin ang aninong nagbabantay sa 'yo."

​Binitawan ni Haven si Sirius at tumayo nang diretso, tila walang nangyari. Naiwang nakadapa si Sirius sa mat, hingal na hingal at hindi makagalaw. Ang kanyang "unbothered" nature ay tuluyan nang nagulo. Ang tanging naririnig niya sa kanyang pandinig ay ang sarili niyang tibok ng puso na mas malakas pa sa hiyawan ng sampung libong Stellars sa isang sold-out concert.

Naiwang nakahiga si Sirius sa mat, nakatingin sa kisame ng gym, habang pinapanood ang paglakad ni Haven palabas ng training room.

​"Sirius, okay ka lang? Mukhang masakit 'yung pagkakatumba mo," lapit ni Orion nang may pag-aalala.

​"Okay lang," sagot ni Sirius. Ngunit sa halip na magalit, isang maliit at hindi sinasadyang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang inaalala ang amoy ng lavender at ang bagsik sa mga mata ni Haven. "Actually... I think I'm more than okay."

​Sa labas ng gym, huminto si Haven at sumandal sa pader. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at naramdaman ang mabilis na tibok nito. "Tsk. Malakas ang isang 'to," bulong niya sa sarili. "This mission... is going to be a lot more complicated than I thought."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 18

    The Comeback​Pagkalabas nina Phil at Haven sa library, tinahak nila ang mahabang pasilyo patungo sa swimming pool area. Ramdam pa ni Haven ang bigat ng diskusyon kanina tungkol kay Ex-Gen. Silas at sa mga traydor na opisyal, ngunit ang lahat ng seryosong isiping iyon ay biglang naglaho nang tumambad sa kanya ang eksena sa pool.​Ang buong banda ay kasalukuyang naglulunoy at masayang nagkakatuwaan sa mga inside jokes nila. Napatigil si Haven sa kanyang kinatatayuan, tila nakalimutan kung paano huminga nang maayos. Ang kanyang mga mata ay agad na napako kay Sirius.​ "Hi, Phil!" sabay na kaway ng lima na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi.​ "Umahon muna kayo rito at may mahalaga tayong pag-uusapan," seryosong ani Phil.​Walang damit pangtaas ang superstar. Kitang-kita ang malapad nitong balikat na tila kayang pasanin ang buong mundo, at ang dibdib na bahagyang kumikinang dahil sa tumutulong tubig-pool sa ilalim ng sikat ng araw. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Haven ang m

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 17

    ColdAlas-singko pa lamang ng madaling-araw. Ang buong mansyon ng mga Montemayor ay nababalot pa ng makapal na dilim at nakabibinging katahimikan. Si Haven ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama, ang kanyang hininga ay hindi pa rin ganap na matatag dahil sa mga natitirang alaala ng halik sa tabi ng pool kagabi. Ramdam niya pa rin ang kakaibang kuryente. Ngunit ang lahat ng emosyong iyon ay biglang naputol nang marahas na mag-vibrate ang kanyang encrypted phone sa ibabaw ng side table.​ "Reaper here," sagot ni Haven, ang kanyang boses ay agad na bumalik sa pagiging malamig, puno ng awtoridad at walang bahid ng emosyon.​ "Reaper, nakuha ko na ang listahan," seryosong boses ni Detective Keziah ang sumalubong sa kabilang linya. "Ang mga opisyal sa District 4 na konektado kay Ex-Gen. Silas at Mr. Chua ay kumpirmado na. Tatlong matataas na ranggo sa presinto ang nasa bulsa nila." "Kaya pala ang lakas ng loob ng limang spy na 'yun na pumasok at magtangkang mag-operate sa loob ng mansyon," sa

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 16

    The Accidental KissSirius POV Matapos ang hapunang puno ng asaran at ang hindi inaasahang pag-aalaga ni Sirius kay Haven sa pamamagitan ng pagbibigay ng asparagus, biglang bumigat at napuno ng kakaibang kuryente ang atmospera sa loob ng mansyon. Pagbalik ni Sirius sa kanyang kwarto, pabalik-balik siya sa kanyang kama, hindi mapakali. Hindi mawala sa kanyang isip ang aksidenteng pagkadikit ng kanilang mga katawan sa training mat kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng balat ni Haven at ang mabilis, nagwawalang pintig ng sarili niyang puso.​Napabuga ng marahas na hangin si Sirius tsaka napagdesisyunang lumabas sa kanyang kwarto upang magtungo sa pool side. Kailangan niya ng malamig na hangin dahil hindi pa rin talaga mawala sa kanyang isip ang nangyari. Sa totoo lang, hindi ganoong klaseng extreme training ang gusto niya; may alam naman siya sa self-defense pero mas gusto niya pang matuto sa mas banayad na paraan. Hindi pa siya ready sa mga weapons tulad ng mga espada at bar

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 15

    Awkward ​Sa loob ng Underground Training Facility, ang tanging maririnig na lamang ay ang mabibigat at humihingal na hininga ng mga miyembro ng CELESTIAL. Pagkatapos ng nakamamanghang at madugong sparring nina Keziah at Grimm, dinala ni Haven si Sirius sa isang hiwalay na combat mat para sa kanilang nakalaang one-on-one na pagsasanay.​"Focus, Sirius. Huwag kang tumingin sa paligid o sa ginagawa ng iba. Ang kalaban mo ay nasa harap mo," malamig na utos ni Haven. Naka-standby siya sa likuran ni Sirius upang manu-manong ayusin ang mapanganib na stance nito. ​"Mahirap mag-focus kung ang coach ko ay parang laging handang pumatay ng tao," biro ni Sirius, bagaman bakas ang labis na pagod sa kanyang mukha. Hinihingal siya nang malalim, at ang kanyang pawis ay malayang dumadaloy mula sa kanyang sculpted jawline, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa pumasok sa siwang ng kanyang basang shirt.​"Maging seryoso ka kung gusto mong mabuhay sa oras na wala ako sa tabi mo," sagot ni Haven, walang pr

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 14

    The Underworld Threshold Malamig ang simoy ng hangin sa malawak na training grounds ng mansyon, ngunit ang katahimikan ay tila isang babala. Sa gitna ng malawak na semento, nakatayo ang mga bodyguards ng pamilya—kabilang ang limang "ahas" na sina Perez, Santos, Ramos, Torres, at Reyes. Nakahilera sila nang tuwid, walang kamalay-malay na ang sikat ng araw na tumatama sa kanilang balat ang huli nilang mararanasan bilang mga malayang tao. Sa itaas na terrace, nakadungaw ang bandang CELESTIAL. Mahigpit ang hawak ni Sirius sa malamig na pasamanos. Ang kanyang paningin ay tila may sariling buhay, laging bumabalik sa babaeng nasa gitna ng field. Si Haven. Dahan-dahang hinihigpitan ni Haven ang kanyang hand wraps. Ang bawat ikot ng tela sa kanyang kamao ay tila isang ritwal. "Watch closely," malamig niyang utos, ang boses ay sapat na para tumayo ang balahibo ng mga guwardiya. "Ngayong umaga, ipapakita namin ni Liam ang tamang paraan ng Close-Quarters Combat (CQC). Liam, center stage."

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 13

    JealousHabang abala ang limang spies sa kanilang kanya-kanyang pwesto—lingid sa kaalaman nila ang bawat kilos nila ay nakatala na—isang kulay abong SUV ang marahang huminto sa main gate ng mansyon. Walang sirena, walang ingay. Isang aninong pumasok sa kuta ng mga bituin.Bumaba rito ang isang lalaking may matikas na tindig, nakasuot ng pormal na bodyguard suit at itim na shades kahit maaga pa lang. Ang kanyang mukha ay seryoso at walang bahid ng ngiti—ang katangiang nagbigay sa kanya ng code name na Grimm. Sinalubong siya ni Haven sa tapat ng porch. Nagpalitan sila ng isang mabilis at makahulugang tingin; isang silent communication na tanging mga sanay sa serbisyo lamang ang nakakaintindi."Mr. Sergio, Mrs. Phoebe," tawag ni Haven sa mag-asawa na kasalukuyang nag-aalmusal sa terrace, ang amoy ng kape ay humahalo sa malamig na simoy ng hangin. "Ito po si Liam 'Grimm' Javier. Siya ang kinuha ko bilang karagdagang bodyguard at magsisilbi ring bagong driver ng CELESTIAL.""Welcome to the

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status