Share

The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01
The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01
Author: Aphelion Riloa Pres

Chapter 1

last update publish date: 2026-05-27 22:07:24

Beneath The Starlight

 Ang ingay sa loob ng Mall of Asia Theater ay hindi lamang basta tunog; ito ay isang buhay na organismo na humihinga, sumisigaw, at nanginginig sa bawat segundo. Mula sa makakapal na semento ng backstage, ang dagundong ng libo-libong Stellars ay nararamdaman hanggang sa talampakan ng sinumang nakatayo roon. Para itong isang malakas na tibok ng puso na nagmumula sa kailaliman ng lupa. Ito ang araw ng kanilang Grand Album Signing, ang rurok ng kanilang "Event Horizon" tour, at ang bawat sulok ng gusali ay tila binabalot ng enerhiyang sapat nang magpasabog sa buong arena anumang sandali.

Ngunit sa loob ng main holding room ng banda, ang atmospera ay kabaligtaran ng pormalidad na inaasahan ng publiko. Sa halip na seryosong paghahanda, isang pamilyar na kaguluhan ang nagaganap.

​"Neptune, kapag hindi mo tinigilan ang paghila sa dulo ng buhok ko, isasaksak ko sa ilong mo ang keyboard ko. I swear to the moon and back."

 Hindi man lang kumurap si Archer habang binibitiwan ang banta. Nakaupo ang keyboardist sa harap ng isang malaking vanity mirror na napaliligiran ng matitinding bombilya. Ang kanyang mukha—na tila nililok mula sa pinakamahal na porselana—ay walang mababakas na emosyon habang ang dalawang stylists ay mabilis na inaayos ang kanyang undercut. Ang kanyang mga matang hugis-pusa ay matalim na nakapako sa repleksyon ni Neptune sa salamin, nagbabantay sa bawat galaw nito.

​"Ang sungit mo naman, Archer! Chine-check ko lang kung totoo ba itong buhok mo o baka cotton candy na ito sa sobrang lambot," tumatawang sagot ni Neptune. Ipinakita nito ang kanyang iconic boxy smile—ang ngiting nagpapatunaw sa puso ng milyun-milyong fans—habang iwinawagayway ang kanyang mahahaba at balingkinitang daliri sa harap ni Archer.

Si Neptune, na kilala sa fandom bilang "Sailor Neptune," ay nakasuot na ng kanyang stage outfit: isang custom-made silk vest na lalong nagpatingkad sa kanyang muscular at bulked-up frame. Ang kanyang balat na lightly tanned ay kumikinang sa ilalim ng mga fluorescent lights, tanda ng disiplina sa gym at tamang skincare.

​"Hayaan mo na 'yan, Neptune. Alam mo namang kailangan ni Archer ng sapat na katahimikan para mapanatili ang kanyang 'savage' image. Baka mapanis ang laway niyan 'pag kinausap mo," singit ni Rigel mula sa kabilang dulo ng silid.

Kasalukuyang nakaupo si Rigel sa sahig, nakasandal sa isang flight case ng drums na puno ng gasgas mula sa mga nakaraang world tours. Ang kanyang kulay itim na curly na buhok ay bahagyang nakatali sa isang messy bun, at ang ilang hibla ay humahalik sa kanyang balikat. Hawak niya ang kanyang paboritong drumsticks at mabilis na pinatutugtog ang mga ito sa isang practice pad. Sa bawat paghampas ng kanyang mga braso, bumabakas ang depinisyon ng kanyang muscles at ang mga intricate tattoos na nagbibigay sa kanya ng imaheng Unapologetic Rockstar.

 ​"Says the man who's been hitting those pads for thirty minutes straight. Naririndi na ako sa 'rat-tat-tat' mo, Rigel," balik na asar ni Archer, bagaman may bahid ng bihirang ngiti sa gilid ng kanyang labi.

​"I need the adrenaline, Arch. Mamaya, dudurugin natin ang stage. My sticks are craving for real skins, hindi itong goma lang," nakangising sagot ni Rigel. Ang kanyang half-smirk ay puno ng karisma, ang uri ng tingin na kayang magpa-wild sa buong stadium sa isang sulyap lang.

 Sa gitna ng kanilang asaran, isang malambot at kalmadong boses ang narinig mula sa gilid ng buffet table. "Guys, pakiusap, huwag kayong masyadong mag-ingay. Baka marinig kayo ng mga fans sa labas. Isipin nila ay nag-aaway-away na tayo bago pa man magsimula."

 Si Orion iyon, ang Lead Guitarist at ang tinaguriang "Fairy Prince" ng grupo. Hawak niya ang isang bote ng tubig at inaalok ito sa mga staff na abala sa pag-aayos ng kable. Ang kanyang wolf cut na buhok ay perpektong naka-frame sa kanyang mukha na pinagsamang masculine at feminine ang ganda—isang ethereal beauty na tila hindi nagmula sa mundong ito. Ang kanyang mga matang dark brown ay palaging puno ng malasakit, ang siyang nagsisilbing 'glue' na nagpapanatili sa pagkakaisa ng banda.

​"Salamat, Orion. Ikaw lang talaga ang anghel dito. Buti na lang at hindi mo namana ang sungit ng mga kasama mo," biro ng isa sa mga makeup artists.

 ​"Sus, anghel-anghelan lang 'yan!" Isang malakas at baritonong boses ang umalingawngaw mula sa bukana ng pinto, sapat na para patahimikin ang lahat.

​Pumasok si Sirius Phoenix Montemayor. Sa taas niyang 6'3", tila biglang lumiit ang malawak na silid. Ang kanyang wavy at layered na dark-brown na buhok ay bahagyang gumagalaw sa bawat matikas niyang hakbang. Ang kanyang suit ay saktong-sakto sa kanyang malawak na balikat, inilalantad ang kanyang matikas na pangangatawan. Sa pagpasok niya, tila nagkaroon ng sentro ang gulo. He commanded the room without even saying a word.

​"Leader!" sigaw ni Neptune, sabay takbo at yakap sa balikat ni Sirius.

 ​Natawa si Sirius, at sa sandaling iyon, lumitaw ang kanyang hidden dimples—isang sekretong sandata na bihirang ipakita ngunit nakamamatay kapag lumabas na. "Neptune, dahan-dahan. Baka mawasak ang suit ko. Alam mo namang si Mr. Phil ang malalagot kay Dad kapag nagmukha akong gusgusin sa harap ng Stellars. I have a reputation to keep as the 'Unbothered King,' remember?"

 ​Inayos ni Sirius ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Ang kanyang princely face ay walang kapintasan—mula sa makakapal na kilay hanggang sa sculpted jawline na tila iginuhit ng isang batikang pintor. Ngunit sa likod ng kanyang mapaglarong ngiti, naroon ang talas ng kanyang isip. Sinipat niya ang bawat miyembro, sinisiguradong nasa kondisyon ang lahat.

 ​"Ready na ba ang lahat?" tanong ni Sirius. Ang kanyang boses ay naging seryoso. "Archer, ayos na ba ang setlist ng background music natin? Rigel, ang energy mo, ireserba mo sa pagpirma. Baka mamanhid ang kamay mo sa unang limang daang fans pa lang. We have ten thousand people out there waiting for a piece of us."

​"I'm always ready, Sirius. You know me, I live for this," sagot ni Rigel sabay tayo, pinatunog ang kanyang leeg na tila isang boksingero na handang sumabak sa ring.

​"Sirius, may mga fans na raw na kaninang madaling araw pa naghihintay sa labas ng mall," sabi ni Orion habang lumalapit sa leader. "The weather is quite humid. Sana ay sapat ang pagkain at tubig nila habang nakapila."

 Tumango si Sirius, ang kanyang ekspresyon ay lumambot. Sa kabila ng kanyang pagiging "Unbothered King," ang kanyang malasakit sa fans ay walang kapantay. "I already talked to Mr. Phil. Nagpa-order na kami ng extra water at light snacks para sa mga nasa unahan ng pila. We owe them everything, Orion. Hindi natin hahayaang magutom ang mga Stellars."

​Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Phil, ang manager ng banda. Hawak niya ang kanyang tablet at mukhang pagod na pagod, basang-basa ng pawis ang kanyang polo.

​"Five minutes, boys! In five minutes, lalabas na kayo sa stage. Ang MOA Theater ay puno na hanggang sa pinakataas na balcony. Stellars are screaming your names like there's no tomorrow. The security is having a hard time, so please, stay professional and keep the flow moving," hingal na sabi ni Mr. Phil.

 ​Lumingon si Sirius sa kanyang mga kasama. Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa determinasyon. "Celestial, group hug!"

 Nagtipon ang lima sa gitna ng silid, ang kanilang mga kamay ay magkakapatong sa gitna. Magkakaiba man ang kanilang mga ugali—ang tahimik na si Archer, ang masayahing si Neptune, ang maunawain na si Orion, ang palaban na si Rigel, at ang matalinong si Sirius—sa sandaling iyon, iisang tibok lang ng puso ang naririnig. Isang pamilyang binuo ng musika at pinatatag ng pangarap.

​"Handa na ba ang mga bituin?" tanong ni Sirius, ang kanyang boses ay nanginginig sa excitement.

​"Lagi!" sabay-sabay nilang tugon, sapat na para mag-echo ang kanilang boses sa buong hallway.

Lumabas sila ng holding room patungo sa madilim na tunnel na magdadala sa kanila sa main stage. Habang naglalakad, ang bawat yabag ng kanilang sapatos ay tila isang babala sa buong mundo na narito na sila. Si Sirius ay nasa unahan, ang kanyang tindig ay puno ng kompyansa, ngunit sa loob niya, may maliit na bahagi ng kanyang puso na laging kinakabahan—hindi para sa sarili, kundi para sa kaligtasan ng kanyang mga "kuya."

 ​Nang marating nila ang dulo ng tunnel, dahan-dahang bumukas ang malaking kurtina. Ang nakabubulag na liwanag ng mga spotlight at ang sabay-sabay na pag-flash ng libo-libong camera ang sumalubong sa kanila. Ang hiyawan ng mga Stellars ay tila isang bagyong yumanig sa pundasyon ng MOA Theater.

​"WE LOVE YOU, CELESTIAL! SIRIUS! RIGEL! NEPTUNE! ARCHER! ORION!"

 ​Ngumiti si Sirius sa harap ng mikropono. Ang kanyang radiant appearance sa ilalim ng asul na ilaw ay tila nagpapahinto sa oras. "Before we start our album signing, we will perform first our main track... 'Gravity's Map.'"

 Ang intro ay nagsimula sa isang mahabang synth swell ni Archer na tila tunog ng isang bumubukas na portal sa kalawakan. Sinundan ito ng delay-heavy na gitara ni Orion na nag-e-echo sa loob ng arena. Sa pagpasok ni Sirius, ang paligid ay tila naging vacuum ng katahimikan.

Inilapit ni Sirius ang kanyang labi sa mikropono, ang kanyang boses ay nagsimula sa isang malalim at haplos na bulong:

"Amidst a galaxy of a billion burning flares,

My orbit gravitates to the silent spark you wear.

Though light-years of void weave a veil in between,

Your frequency remains the only signal I glean."

Ang bawat vibrato ni Sirius ay tila may kuryenteng humahaplos sa balat ng bawat tagapakinig. Si Orion sa kanyang tabi ay dahan-dahang hinahaplos ang mga kuwerdas ng gitara, lumilikha ng mga "shimmering notes" na sumasabay sa damdamin ng kanta.

Bumigat ang palo ni Rigel sa drums, nagbibigay ng matatag na pundasyon sa bawat salita ni Sirius:

"I’ve ceased my drifting through the lunar dust,

To find the anchor in the voice I trust.

Beyond the silence where the comets fly,

I catch the golden hum of your lullaby."

Sumabog ang ilaw sa buong arena kasabay ng pagpasok ng chorus. Ang boses ni Sirius ay umakyat sa isang Luminous High-Tenor, matalim at puno ng kapangyarihan:

"And I promise you, by the weight of the sun,

Our wandering orbits have only begun.

Though the nebula hides where the path might lead,

Your heart is the gravity—the only map I need.

We are written in ink that the cosmos signed,

Waiting for the moment that our stars align."

Ang ritmo ay naging mas agresibo. Si Neptune ay nagpakitang-gilas sa kanyang bass guitar, ang bawat "slap" ng string ay nararamdaman sa dibdib ng mga fans:

"I’ve mapped the silence of the deep unknown,

To find a warmth that I can call my own.

Let the pulsars beat and the heavens roar,

You’re the quiet coast I am sailing for..."

Dito, ang ilaw sa stage ay naging madilim, tanging si Sirius lang ang naiiwan sa ilalim ng isang puting spotlight. Ang kanyang boses ay napuno ng hilaw na emosyon:

"And if the void grows cold and the echoes start to fade,

I’ll hold the memory of the light that we both made.

I’m not afraid of the dark, I’m not afraid of the sky,

Not when I carry your flame in the corner of my eye.

We’re not just stardust scattered in the wind—

We’re a fire burning where the universe begins!"

Sa huling linya ng bridge, sabay-sabay na tumugtog ang buong banda sa isang "Wall of Sound" na areglo. Ang boses ni Sirius ay tila nakikipagpaligsahan sa langit.

Nang matapos ang ingay, tanging ang malambot na keyboard notes na lang ni Archer ang natira. Sirius closed his eyes, whispering the final promise:

"So I’ll keep on drifting, guided by your tone...

A billion miles away, yet I’m never alone.

Just a little more time, just a little more space,

Until I’m home...

In your starlight embrace."

Nang mabitawan ang huling nota, isang masigabong palakpakan ang yumanig sa buong Pasay City. Para sa Celestial, ang musika ay hindi lang trabaho; ito ay ang kanilang paraan upang sabihing, "Narito kami, nakikita namin kayo."

​"Magandang hapon, Stellars! Handa na ba kayong mapagod sa pagpirma namin?" biro ni Sirius, na sinagot ng nakatitiling "YES!" mula sa crowd.

​"SIRIUS MARRY ME!" hiyaw ng isang fan mula sa unahan. Natawa ang buong banda. "Stop spitting nonsense," natatawang sagot ni Sirius na naka-pout pa, dahilan upang mas lalo siyang magmukhang cute sa paningin ng mga fans. "Stay in school, marry your books first."

 Nagsimula ang album signing. "Tsk. Tsk. Sritch. Tak."

​Iyon ang naging ritmo sa loob ng tatlong oras. Ang tunog ng mga permanent markers na walang tigil sa pagsayaw sa ibabaw ng mga makinis na cover ng album. Ang bawat lagutok ng takip ng ballpen ay nagsilbing metronome. Sa bawat pirma ni Neptune, may kasunod na malakas na tawa. Sa bawat "thank you" ni Orion, may kasama na matamis na ngiti.

 ​Si Sirius, na nasa gitna, ay mararamdaman ang panginginig ng mesa sa tuwing may fan na sobrang excited at napapahawak nang mahigpit dito. Ang bawat stroke ng kanyang pen ay maingat. Ang amoy ng ink ng marker ay humahalo na sa amoy ng mga bulaklak, stuffed toys, at kung anu-anong regalo na iniaabot sa kanila.

​"Leader, pang-apat na marker ko na 'to. Nauubusan na ako ng tinta!" bulong ni Neptune habang mabilis na binubuksan ang bago niyang pen.

Ngumiti lang si Sirius, kahit na ang kanyang kamay ay nagsisimula nang mangalay at ang kanyang likod ay tila nababali na sa tagal ng pagkakaupo. "Sulit 'yan, Neptune. Tingnan mo ang mga Stellars. Para sa kanila, ang bawat pirma na 'yan ay katumbas ng isang pangarap na natupad. We represent their hope."

Ngunit sa gitna ng mainit na ilaw, mabangong paligid, at tunog ng walang katapusang pagdiriwang, ang Celestial ay kasalukuyang nasa rurok ng kanilang ningning—hindi batid na sa labas ng teatro, sa ilalim ng mga anino ng naglalakihang gusali, may mga matang nagmamasid. Isang panganib na hindi kayang pigilan ng kahit anong spotlight ang unti-unti nang lumalapit upang lamunin ang kanilang liwanag.

Author's Note:

"Welcome sa mundo ng Celestial! 💎 Masaya akong kasama kayo sa simula ng journey na ito. Dahil ang eksenang ito ay isang live performance sa harap ng libo-libong fans, isinulat ko ang original song na "Gravity’s Map" para mas maramdaman niyo ang hype ng Event Horizon tour.

​Maaari niyo itong pakinggan habang nagbabasa sa link na ito: https://youtube.com/@aphelionriloapres?si=7q58eH3khbPCTdaj

​Sana ay magustuhan niyo ang simula ng kwento! Please don't forget to click the 'Heart' button at i-add ang story sa inyong library para updated kayo sa mga susunod na kaganapan. See you!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Moon92
Napakinggan ko ang "Gravity's Map" ang ganda ng song promise..............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Special Chapter

    The Vanishing Star (A Sneak Peek into CELESTIAL VOLUME 02) The Ghost of the Sanctuary Dalawang taon na ang lumipas mula nang manumbalik ang kapayapaan sa Celestial Sanctuary sa Antipolo. Ngunit habang ang lahat ay abala sa pagdiriwang para sa unang kaarawan nina Avaluna at Sol, nananatiling mag-isa si Orion Vargas sa balcony.Hawak niya ang kanyang Gibson Acoustic Guitar, ngunit ang bawat kuwerdas na kinakalabit niya ay tila walang buhay. Ang "Fairy Prince" ng CELESTIAL ay balot na ngayon ng Melancholy and Longing. Sa kanyang bulsa ay ang All-Access Pass na naiwan ni Spring Salvejo—ang tanging alaala ng babaeng naglaho nang parang usok matapos ang gulo kay Silas at Mr. Chua. "Dalawang taon na, Orion. Hanggang kailan mo titingnan ang pinto, umaasang papasok siya dala ang kape mo?" untag ni Neptune sa kanya. "Hindi ko alam, Bro," sagot ko nang hindi pinuputol ang titig sa pinto. "Pero nararamdaman ko... malapit lang siya. Parang bawat hangin na umiihip sa paligid ko, dala ang pamil

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Epilogue

    THE ETERNAL SYMPHONYFive Years Later: The Celestial SanctuaryAng hapon sa Celestial Sanctuary ay nababalot ng kulay kahel at lila. Limang taon na ang lumipas mula nang huling marinig ang putok ng baril sa New York, at sa bawat paghinga ni Haven Diamond Fortaleza-Montemayor, ramdam niya ang bigat ng kapayapaang ipinaglaban nila. Wala nang tactical suit, wala nang Nano-Steel Blades. Nakasuot siya ng isang Floral Maxi Dress. Wala na rin ang Tactical Earpiece na dati ay tila bahagi na ng kanyang pandinig. Sa halip, ang tanging tunog na mahalaga sa kanya ngayon ay ang tawanan ng dalawang limang taong gulang na bata sa malawak na hardin.Si Avaluna Emerald, suot ang kanyang White Silk Sundress, ay kasalukuyang sinusubukang habulin ang isang Tactical Drone na pinalilipad ni Archer mula sa balkonahe. Si Archer, na nananatiling tahimik ngunit may bakas ng ngiti, ay tila ginagawang laro ang bawat Aerial Maneuver para sa kanyang inaanak. Habang si Sirius naman ay nanatiling nakatutok sa malii

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 81

    Avaluna and Sol: The New ConstellationLimang buwan matapos ang kanilang engrandeng kasal, isang bagong uri ng kaba ang naramdaman ni Haven. Hindi ito ang kabang dulot ng papalapit na kaaway, kundi ang kaba sa harap ng dalawang guhit sa isang pregnancy test kit.Nang ipakita niya ito kay Sirius sa kanilang kwarto sa Celestial Sanctuary, natulala si Sirius. Sa unang pagkakataon, nabitawan ni Sirius ang kanyang mamahaling gitara at mabilis na niyakap si Haven habang lumuluha sa tuwa. "This is our greatest hit, Diamond," bulong ni Sirius.Naging hamon para kay Haven ang unang tatlong buwan. Ang matapang na agent na sanay sa amoy ng pulbura ay biglang nasusuka sa amoy ng paboritong pabango ni Sirius. Maging ang masasarap na luto ni Zoe Bree ay madalas niyang tanggihan."Zoe, pasensya na, pero bakit parang amoy bakal ang sinangag mo?" reklamo ni Haven habang nakatakip ang ilong."Haven, 'yan ang tinatawag na paglilihi," tawa ni Zoe. "Kahit gaano ka katapang, tatalunin ka talaga ng hormones

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 80

    The Diamond’s Ultimate SurrenderAng malawak at asul na karagatan ng Maldives ang naging saksi sa unang gabi ng kanilang ganap na pag-iisa—isang katahimikang malayo sa ingay ng mga bala at sa nakabubulag na kinang ng mga spotlight.Sa loob ng marangyang overwater villa, ang tanging maririnig ay ang banayad na kumpas ng alon. Nakatayo si Haven sa balkonahe, ang manipis na silk nightgown ay humahaplos sa kanyang balat kasabay ng simoy ng dagat. "Diamond," mahinang tawag ni Sirius. Naramdaman ni Haven ang init ng katawan ng asawa nang yakapin siya nito mula sa likuran. Ibinuod ni Sirius ang kanyang mukha sa leeg ni Haven, humihinga nang malalim sa bango ng kanyang asawa.Dahan-dahang humarap si Haven. Ang kanyang mga mata na dati ay puno ng talas at bagsik, ngayon ay may taglay na pambihirang lambot at kaba. Bilang isang babaeng lumaki sa disiplina ng militar at pakikipaglaban, ang gabing ito ang kanyang pinakamalaking "misyon"—isang misyon na hindi niya alam kung paano sisimulan. "Ki

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 79

    The Unbreakable Code of LoveTiningnan ni Haven si Sirius nang diretso sa mga mata, ang kanyang boses ay matatag ngunit puno ng pagsuyo. "Sirius, sa loob ng maraming taon, ang tanging alam ko lang ay ang mabuhay sa dilim at ang humawak ng sandata. Akala ko, ang puso ko ay tuluyan nang naging bato. Ngunit sa bawat araw na kasama kita, dahan-dahang natibag ng isang superstar ang puso kong matigas pa sa kahit anong bato sa dagat. Hindi ko inakalang ang taong dapat kong protektahan ang siya palang magliligtas sa aking pagkatao. I am no longer just your shield; I am your wife, and I am yours forever."You have me. Until every last star in the galaxy dies. You have have me."Napangiti si Sirius habang may luhang pumapatak sa kanyang pisngi. "Haven, my Diamond... Noong pumasok ka sa buhay namin, ang akala ko ay kailangan lang namin ng proteksyon. Hindi ko aakalain na ang natutulog kong puso ay mapupukaw ng isang bruskong babae na mas mabilis pang kumilos kaysa sa kisap-mata. Tinuruan mo akon

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 78

    The Vow Amidst the StarsAng malawak na hardin ng Celestial Sanctuary ay nagmistulang isang buhay na nebula. Para sa "Wedding of the Century," ang temang "Shadows and Spotlights" ay binigyang-buhay sa paraang tanging imahinasyon lamang ng CELESTIAL ang makagagawa. Ang buong venue ay nababalot ng banayad na midnight blue na liwanag mula sa libu-libong LED lights na nakasabit sa mga puno, habang ang daan patungo sa altar ay linyado ng preskong asul na rosas na tila kumikinang sa dilim dahil sa bioluminescent na pintura—isang ideya mula kay Archer upang gawing mahiwaga ang bawat hakbang.Sa bawat mesa, ang mga centerpiece na gawa sa kristal na hugis Diamond na napapalilibutan ng maliliit na pakpak ng Phoenix, na dinisenyo ni Zoe Bree, ay kumikinang sa ilalim ng kalangitan ng Antipolo. Ang altar ay isang dambuhalang arko ng mga gumagapang na baging, at sa likod nito, isang malaking LED screen ang nagpapakita ng isang dahan-dahang gumagalaw na galaxy.Sa loob ng suite ni Sirius, ang tensy

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 2

    The First Encounter ​Nang tuluyang sumara ang mabigat na kurtina ng MOA Theater, tila doon lang nakahinga nang malalim ang limang miyembro ng CELESTIAL. Ang huling hiyawan ng libo-libong Stellars ay nananatiling umaalingawngaw sa kanilang pandinig—isang matamis na dagundong na nagbibigay ng pangi

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 6

    Music and Heartbeat Ang Music Room ng mansyon ay ang tanging lugar kung saan nararamdaman ng CELESTIAL na sila ay kontrolado ang kanilang mundo. Napalilibutan ng mga sound-proof na dingding na gawa sa mamahaling acoustic foam, mga gitara na nakasabit sa bawat sulok na tila mga tropeyo ng tagumpay,

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 4

    New MissionHaven's POV Ang sikat ng araw sa labas ng Camp Aguinaldo ay nakatirik na, ang init ay tila sumisingaw mula sa aspalto ng parada. Ngunit sa loob ng opisina ni General Basil Fuentebella, nananatiling malamig, pormal, at balot ng awtoridad ang paligid. Ang amoy ng pinaghalong matapang na

  • The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01   Chapter 3

    The Shadow ReaperHaven's POVPitong taon. Pitong taon ko nang niyayakap ang dilim, ang nakasusulasok na amoy ng pulbura, at ang bigat ng mga sikretong hindi kailanman maaaring malaman ng mundo. Sa loob ng pitong taong serbisyo bilang isang elite agent at sundalo, natutunan kong ang pinakamahalagan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status