Share

The Sinful Life of Rory Maximillian
The Sinful Life of Rory Maximillian
Author: Fluffy Pomi

KABANATA 1

Author: Fluffy Pomi
Bandang Hatinggabi.

Napagpasyahan ko na magjogging sa malawak na park malapit sa bahay ng kapatid kong si Quinn. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok, kaya sinubukan ko na lang na magjogging sa parke. Para kahit papaano ay mapagaod ako at antukin.

Bigla akong napahinto nang marinig ang mga ingay mula sa damuhan kaya agad akong nagtago.

"Quinn, kaya mo ba talaga o hindi? Sabi mo ay wala kang gana ay baka dahil sa nasa loob lang tayo. Kaya sumama ako sa'yo dito sa labas dahil akala ko ay gaganahan ka na pero bakit ganito ka pa rin?"

Kumunot ang noo ko nang makilala ko ang boses na iyon—si Bethany, ang asawa ng kuya ko! Akala ko kumakain sila sa labas ni Kuya dahil magdedate raw silang dalawa. Bakit nasa parke rin sila? At anong ginagawa nila sa madilim na bahagi ng damuhan?

Bagamat wala pa akong naging girlfriend, marami na akong napanood na mga "educational videos." Agad kong naunawaan ang nagaganap. Na naghahanap ng thrill ang mag-asawa. Pampadagdag init sa relasyon nila.

Hindi ko inakala na ganito sila kalikot! Sa parke pa... ang wild! Gusto kong lumapit pa sa kinaroroonan nila at nang mas marinig ko silang dalawa.

Maganda si Ate Bethany, at napakaganda ng hugis ng kanyang katawan. Animo’y isang modelo sa magazine. At pangarap kong marinig ang boses niya sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko na napigilan at dahan-dahang lumapit ako sa damuhan at lingon nang lingon. Nagtago ako sa isang malaking puno kung saan sakto lang ang layo upang makita ko sila at marinig ng malinaw.

Nakita ko si Ate Bethany na nakakandong sa kuya ko, nakatalikod siya sa ‘kin at nakaharap sa banda ko si Kuya Quinn. Hindi ko mapigilang mamangha sa likod ni ate, napakaganda ng likod niya.

Napalunok ako nang maramdaman ko na nag-iinit ang lalamunan ko at uminit rin ang tiyan ko. Pero mas mukhang nahihirapan ang kuya ko.

"Mahal… Bethany, parang... hindi ko kaya," sabi niya habang lukot na lukot ang ekspresyon ng mukha nito.

Taas-baba ang likod ni Ate Bethany, mukhang bubuga na ng apoy dahil sa galit.

"Wala ka nang pag-asa! Tatlumpu't lima ka pa lang, ganito ka na? Ano pang silbi ng pagkalalaki mo?" Dinuro-duro niya pa si Kuya Quinn. "Kahit hindi na tayong-tayo! Kahit sana iyong may mailabas ka man lang, pero wala! Paano ako magkakaanak nito? Kung ganito ka pa rin, hahanap ako ng iba, Quinn. Kung ayaw mong maging ama, puwes ako gusto kong maging isang ina, Quinn. Gusto kong bumuo ng pamilya."

Mabilis na nagbihis ang ate ko at umalis. Iniwan si kuya na tulala sa damuhan. Nakaramdam ako ng takot kaya agad akong tumakbo pabalik sa bahay.

Pagbalik ko ay nadatnan ko si Ate na papasok sa kwarto nilang mag-asawa.

"Bang!" malakas niyang ibinagsak ang pinto. Mabigat rin ang kanyang mga hakbang.

Pinagpapawisan ako dahil sa kaba. Napagtanto ko na hindi pala maganda ang relasyon nila sa kama. Ayon sa mga sabi-sabi kapag trenta na ang isang babae ay parang nagiging lobo o tigre raw ang mga ito pagdating sa kama—ganun na ganun si Ate Bethany.

Hindi kayang tustusan ng kuya ko ang pangangailangan niya.

“Kung ako na lang kaya?”

Kinurot ko ang sarili ko nang mapagtanto ang naiisip ko.

“Ano ba iniisip ko? Si Ate Bethany ang asawa ng kuya ko!” Pilit kong pinapaalala sa sarili ko.

Hindi kami magkapatid ni Kuya Quinn sa dugo, pero magkapatid ang turingan naming dalawa. Kung hindi dahil sa kanya, ay hindi ako makakapag-aral ng kolehiyo. Siya ang nagpaaral sa ‘kin.

Kaya mali na pagnasaan ko si Ate Bethany, ayaw kong traydorin ang kaisa-isang taong nagparamdam sa ‘kin kung ano ang pakiramdam ng mayroong kapatid. Habang kinakalma ko ang sarili ko ay nakarinig ako ng mahinang ungol mula sa kabilang kwarto.

Napalunok ako sa kaba. Dahan-dahang idinikit ko ang tenga ko sa pader. Isang ungol ang narinig ko. Ungol muka kay Ate Bethany na mukhang nag-so-solo...

Biglang nag-init ang buong katawan ko at hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Sa huli ay nagsimula akong paligayahin ang sarili ko. Hanggang sa matapos ako at tumigil ang ingay mula sa magkabilang kwarto. Marahil ay tapos na siyang paligayahin ang sarili niya gaya ko.

Ang weird, parang may koneksyon kaming dalawa.

Naisip ko, kung ako at si ate ang magkasama, siguro masaya kaming pareho. Paliligayahin ko siya at paliligayahin niya ako sa paraang pareho naming gusto. Pero imposible iyon. Dahil si Kuya Quinn ang maiipit sa sitwasyon. Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya.

Pagkatapos, pinalitan ko ang maduming brief at inilabas sa banyo, balak kong labhan kinabukasan. Nang makabalik ako sa kwarto ko ay agad na nakatulog ako, kung dahil ba sa pagtakbo ko o baka dahil sa ibang ginawa ko. Hindi ko alam… basta ang alam kong hinihila na ako ng antok.

Nagising ako bandang alas nuwebe ng umaga. Umalis na ang kuya ko para magtrabaho, kaya kaming dalawa na lang ni ate ang nasa bahay.

Nadatnan ko si Ate Bethany sa kusina na nagluluto ng almusal. Mukhang kakagising niya lang rin. Suot niya ang manipis na silk nightgown, hapit na hapit sa katawan niya dahilan upang malinaw kong makita ang hubog ng katawan niya.

Lalo na ang dibdib niya—grabe, nang matitigan ko iyon ay bigla akong nakaramdam ng uhaw.

"Gising ka na pala, Rory! Maghilamos ka at sabayan mo akong kumain," bati sa akin ni ate.

Kakalipat ko lang dito ilang araw ang nakalipas, kaya hindi pa kami masyadong close.

Kaya simple lang ang sagot ko: "Opo."

Pagpasok ko sa banyo, naalala ko na nandun pa ang brief ko kagabi! Biglang akong namutla. Baka nakita na ni ate. Mabilis kong tiningnan ang shelf—wala na!

"Wag ka nang maghanap, nilabhan ko na," biglang sabi ni ate na nasa likuran ko na.

Nahihiya akong humarap sa kanya. Panigurado ay kitang-kita niya ang marka! Nang tumunghay ako ay naroon pa rin siya. Nakatayo siya at nakangiti, parang walang nangyari.

"Rory, may narinig ka bang kakaiba kagabi?"

Umiling ako nang husto. Hindi ko pwedeng aminin na narinig ko siya! Hindi iyon tama.

"Wala po, Ate. Nakatulog ako ng maaga, eh.."

"Talaga? Hindi mo narinig ang mga kakaibang tunog mula sa kwarto?”

Alam kong sinusubukan niya akong paaminin.

"Alas-nueve pa lang po tulog na ako, wala talaga akong narinig." Pagkasagot ko ay agad ang naglakad paalis sa harapan niya.

Bakit ganun? Parang may koneksyon kami at nauunawaan namin ang isa’t-isa? Hindi ko rin mapigilang titigan ang dibdib niya. Parang may magnet na hinihila ako upang titigan iyon.

Habang kumakain ako, lumapit si ate at umupo sa tabi ko. Bakit bigla siya umupo sa tabi ko? Nanigas ang buong katawan ko. Noong nakaraang mga araw ay madalas kaming magkaharap. Bakit siya biglang tumabi sa ‘kin?

Habang nag-iisip ako, bigla niyang hinawakan ang braso ko. Parang may kuryente kaya napaigtad ako ng bahagya. Ngunit ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.

"Rory, parang natatakot ka sa ‘kin bigla?" Malambing na tanong ni Ate Bethany sa ‘kin.

"Hindi po, nahihiya lang ako kasi hindi pa tayo masyadong close."

"Eh di dapat mag-usap tayo nang madalas para maging close." Katwiran ni Ate at pinisil ang braso ko. "Alam mo ba kung paano maging close ang lalaki at babae nang mabilis?"

Sa tono ng pananalita niya ay ramdam ko na may gusto siyang ipahiwatig. Kumakabog ang dibdib ko.

"Ano po, ate?"

"Pag-tatalik!" diretsong sagot niya, titig nang titig sa akin.

Nabulunan ako! Bakit niya sinasabi ito sa akin? Ate ko siya! Baka gusto niyang ako na ang pumalit sa kuya ko? Huwag! Hindi ko kayang gawin iyon sa kuya ko! Mabilis akong tumayo at lumipat ako ng upuan.

"Ate, hindi magandang biro ‘yan. Baka may makarinig at magkamali ng akala. Ayaw kong pag-isipan tayo ng masama lalong-lalo na si Kuya."

Tumawa siya.

"Eh di sabihin mo ang totoo. Narinig mo ba ako kagabi? Kung hindi, eh di mas pag-usapan pa natin nang mas malalim."

Bahagya akong natakot.

"Ate, narinig ko po, pero hindi ko sinasadya." Pag-amin ko.

"Maganda ba ang ungol ko?"

Namula ang buong mukha ko sa tanong niya. Paano ko iyon sasagutin? O dapat bang hindi ko na lang sagutin? Biglang may kumatok sa pinto.

‘Buti na lang!’ Kinakabahan kong sambit sa isipan ko at tumakbo ako para buksan ang pinto.

Nang buksan ko ay may nakita akong babaeng matangkad at maganda–parang isang sikat na artista sa telibisyon!

Kunot-noo niya akong tinanong. "Sino ka?"

Nagtataka rin ako kaya nagtanong rin ako, “Sino ka rin?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Sinful Life of Rory Maximillian   KABANATA 100

    “Ate, ako... wala talaga akong ginawa." Mas nagmukha akong guilty dahil nauutal ako. Hindi ko mapigilang mautal dahil sa kaba. Nagbablangko ang utak ko dahil sa mga tanong ni Ate. Biglang lumingon si ate at iritadong tinignan ako. "Tignan mo, hindi ka pwedeng magsinungaling. Masyado kang halata! Now, tell me the truth, Rory. Ni isa ay wala kang dapat iwang detalye.”Pinagkrus ni ate ang kanyang kamay at hinihintay ang paliwanag ko.Mabilis kong ipinaliwanag, "Ate, hindi ko ito kasalanan. Wala akong ginawa, okay? Si Ate Jia… iyong may ginawa sa ‘kin. T-Tapos nadala ako sa mga pang-aakit niya, at sa huli ay tinulungan niya ako.”"Oh? So paano ka niya natulungan?"Curious na tanong ni ate. Sa takot na magalit siya, sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. At habang kinukwento ko iyon ay hindi na maipinta ang mukha ni Ate.Maasim na sinabi ni ate, "Napakabastos ng Jia na iyon! Sinabi ko sa kanya na huwag kang gagawan ng kung ano, at ginawa pa rin niya ito. Masyado talagang makati ang t

  • The Sinful Life of Rory Maximillian   KABANATA 99

    Pinilit hubadin ni Jia ang suot kong pantalon. Agad akong natakot, at sinubukang pigilan si Jia. Ngunit malakas ito at ayaw papigil, natakot naman ako na kung pigilan siya ng may puwersa ay masaktan siya."Ate Jia, hindi talaga pwede. Kung gusto mo talagang makita ang tinatago ko. Pupwede naman akong pumunta sa ‘yo, basta huwag lang talaga dito, Ate. H-Hindi ko kaya,” sinubukan kong kumbinsihin siya. Sinusubukan ko lang napigilan siya pero agad na nagning-ning ang mga mata niya, "Seryoso ka ba? Huwag kang magsinungaling sa akin!"Mabilis kong sinabi, "Bakit naman ako magsisinungaling sa ‘yo? Isa pa ay hindi ako pinalaki ng lolo ko na isang sinungaling."Ngumiti si Jia at kinurot ang pisngi ko ng dalawang beses. "Sobrang cute mo talaga Rory. Kahit medyo mukha kng tatanga-tanga ay napaka-inosente at cute mong tignan.”Mabilis kong itinaas ang aking pantalon at sinabing, "Ate Jia, medyo matagal na tayo dito. Baka iba na ang isipin nila, isa pa ay oras na rin yata para umuwi tayo.” "Okay,

  • The Sinful Life of Rory Maximillian   KABANATA 98

    Ano pa bang magagawa ko? Sumunod na lang ako kay Jia. Si Jia ay ang tipong ng babae na alam niyang kaakit-akit siya. At handa siyang gamitin iyon upang makuha at masunod ang mga gusto niya. At ngayon ay wala akong kawalan sa kanya. Masyado akong mahina para tanggihan ang mga pang-aakit niya sa ‘kin. Pagdating namin sa banyo ay nakita ni Jia na walang tao sa girls' section, kaya hinawakan niya ang kwelyo ko at kinaladkad ako papasok sa stall. "Jia, anong ginagawa mo?" Kabadong kong tanong at pilit inaalis ang kamay nito sa kwelyo ko. Ayaw kong masira at magulo ang suot ko.Ngumiti si Jia at tumingin sa akin. "Sabihin mo sa akin ang totoo. May ginawa ba kayong ni Sadie sa parking area?"Natigalan ako sa sinabi niya. “A-Ano bang pinagsasabi mo? Wala kaming ginawa ni Ate Sadie. Nilagyan ko lang siya ng plaster at oinment bukod doon ay wala na talaga ginawa." "Kung ganoon bakit ang tigas mo?" Sabay nguso nito sa nakatayo ko na namang tolda. "I..." Nakaramdam agad ako ng guilt at halos

  • The Sinful Life of Rory Maximillian   KABANATA 97

    Nakangiting sabi ni Jia, "Aside from the plaster, wala na bang iba? Like Durex or something?" Mariing inilibot ni Sadie ang kanyang mga mata. "Hindi, kung hindi ka naniniwala sa akin, bumaba ka at tingnan mo ang iyong sarili!" "Hinahamon mo ba ako? Kapag bumaba ako d’yan wala talaga kayong kawala dalawa. Dahil bawat sulok titignan ko," pabiro ngunit may diing sambit ni Jia. Si Sadie ay ganap na walang magawa. "Plaster nga lang talaga. Kung saan-saan na naman lumilipad ang utak mo. Can you please stop imagining things, Jia--Ouch, sobrang sakit ng likod ko, Rory, tulungan mo naman akong isuot 'to." Upang mabilis na kumbinsihin si Jia, ginamit pa ni Sadie ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Dahan-dahan kong itinaas ang damit niya at hindi ko napigilang ipasok ang kamay ko sa loob. Mabilis na itinaas ni Sadie ang camera at ginamit ang kanyang kabilang kamay para pigilan ang kamay ko, na nagpapahiwatig na bawal talaga ito. Inilahad ko ang isang daliri ko, nagpapahiwatig na hahawaka

  • The Sinful Life of Rory Maximillian   KABANATA 96

    "Rory, ilang minuto na ang lumipas at hindi pa tayo nakakabalik. Hindi ba tayo paghihinalaanng ate mo at ni Jia?"Biglang sinabi ito ni Sadie habang hinahalikan ko siya. Kanado ay mas nanaig pa rin ang mapusok kong nararamdaman kay Sadie.Patuloy ko pa rin siyang hinahalikan at sa pagitan ng mga halik ko ay nagsalita ako, "Mamaya na natin yan pag-usapan. I'll figure it out. Ang mahalaga ay ang ngayon." Humiwalay ako saglit at masuyo siyang tinigna. "Sadie, sa wakas makukuha na rin kita."Hinubad ko ang aking pantalon at akmang aatake na. Nang biglang tumunog ang telepono ni Sadie. At pareho kaming napahinto, dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya at binuksan. Ito ay isang video message mula kay Jia. Kinuha ko ang phone at ibinaba ang video. Akmang babalik sa gagawin naming dalawa.Ngunit hindi nagtagal, muling nag-pop up ang video message ni Jia. “Hindi ‘yan titigil kapag hindi ako nag-seen sa message niya o nagreply man,” kinakabahang sambit ni Sadie. "Kapag hindi ako sumagot ay

  • The Sinful Life of Rory Maximillian   KABANATA 95

    "At saka," sambit ni Jia, may halong asar at biro, "mayaman ka rin kagaya ko. Sigurado akong ayaw makipaghiwalay sa iyo ni Kuya Quinn."Biglang humagalpak siya ng tawa, malakas at matanaw sa buong mesa. Wala namang imik si Sadie; nakatingin lamang siya sa kanya, halatang pinipigil ang sarili na hindi sumabog sa galit."Anyway," dagdag ni Jia, medyo mas seryoso na ngayon, "I just don't like you. And you definitely can't have any ideas about my husband."Tiningnan niya ako ng mabilis, nakangiti, at may kakaibang kumpiyansa. "Sabi mo, hindi ko habol ang guwapong binata na ito… kaya ko ba kayong dalawa?"Hindi nag-aksaya ng oras si Sadie. Mabilis niyang hinila ang braso ni Jia. "Okay, itigil mo na ang pagpapagalit kay Bethany," utos niya, may halong pagbabala at galit.Tumayo si Bethany, matatag ang tindig, at walang pag-aalinlangan na sinagot si Jia: "Kung patuloy mong gagawin ito, sa susunod na makita ko ang iyong asawa na si Michael, uupo ako sa kanyang kandungan at iinom ng alak para s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status