Share

The Snow Dragon's Bride
The Snow Dragon's Bride
Author: Kytinia

Prologue

Mabigat ang paghinga ng nasa labing-isang na taong gulang na prinsesa, na mas kilala bilang Prinsesa Ana. Hawak-hawak ang kaniyang nagdurugong kaliwang hita, iniinda ang sakit na dulot nito.

"H-help,"

Halos hindi na maririnig ang kaniyang boses dahil kakaunti nalang ang natitira niyang lakas. Ngunit pinilit niya pa rin ang sarili na magsalita para makahingi ng tulong.

Patuloy laming siyang naglalakad sa isang malawak na kagubatan na napapaligiran ng nyebe. Ni hindi na niya maramdaman ang lamig ng panahon dahil sa sakit at takot na kaniyang nararamdaman. At natuyo na rin ang mga luha niyang kanina lang ay walang humpay sa pag-agos.

May nahagilap siyang maliit na kweba na sakto lang upang siya'y magtago at magpahinga. Ngunit habang naglalakad papalapit sa kweba ay biglang pumasok sa kaniyang isipan ang nangyari kanina.

"Darius, why d-did you do it?"

Tiningnan niya ang kaniyang sariling mga kamay at hinawakan ang mukha, "I don't deserve this at all, no."

Kahit malapit nang bumigay ang kaniyang mga hita ay patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Ang kaninang malumbay na kaniyang naramdaman kanina lang ay napapalitan ng poot.

Those people, I'll make sure they'll regret doing this to me and my brother.

Sa kaniyang paglalakad ay hindi niya namalayan ang malaking bato sa kaniyang dinadaanan kaya naman ay sumalpok ang kaniyang tuhod sa lupa.

"Ahh," d***g niya.

Mas lalong dumami ang umagos na dugo sa kaniyang hita dahil sa kaniyang pagbagsak.

"She's there!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. They are coming.

She needs to get out of here. Kahit gustong-gusto na niyang harapin ang mga taong iyon ay alam niyang wala siyang kalaban-laban sa kanila. Her brother risked his life, so she can run and save herself. Hindi niya kayang balewalain ang huling tugon ng kaniyang kapatid.

Pinilit niyang tumayo kahit ilang beses na siyang natumba.

Nararamdaman na niyang malapit na siyang mawalan ng malay. But she needs to live. She will live.

Palapit ng palapit ang mga yapak ng mga taong humahabol sa kaniya. Ngunit mas lalong bumabagal ang kaniyang paglalakad.

She feels numb all over, hindi niya alam kung kakayanin ba niya.

Hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa lupa, naubos na ang natitira niyang lakas.

Is this the end?

Bumigay na ang kaniyang katawan. Kahit anong pilit niya sa kaniyang isipan ay hindi sumusunod ang kaniyang katawan.

But just when she was about to give up, someone carried her gently.

Am I dying? Is this why I feel this comfortable?

"Sleep," rinig niyang sabi ng kung sino.

But she's too tired to think of something. Nakaramdam siya ng matinding antok hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

---

"I know you're awake," someone said.

Nanatili lamang nakahiga si Prinsesa Ana habang nakapikit ang mga mata. She awoke, but god knows how much she wanted to not wake up.

Naramdaman niya na naman ang maiinit na mga luhang lumihis sa kaniyang mga mata.

Darius.

"You've been crying for 6 hours now."

Alam niyang may lumigtas sa kaniya, ngunit, "I wish you've never saved me. You're wasting your energy."

"I'm sorry, I should just have mind my own business when I heard someone asking for help," the guy chuckled.

"Do you want to know why those people are chasing you, and your brother?" he added.

Napatigil siya sa kaniyang paghikbi at napatingin sa lalaki. She may be young, but she's far from naive.

Ang lahat ng kaniyang sinabi kanina ay bumalik sa kaniyang alaala. When did she ever give up? Hahayaan nalang niya bang magwagi ang mga taong iyon?

May tumulo na namang isang butil ng luha sa kaniyang mata ngunit hindi na siya humikbi. Tila ba iyon na ang panghuli niyang pagluha.

"I can help you with that," sabi ng lalaki.

Kumunot ang noo ng prinsesa habang nakatingin dito, at ilang sandali lang ay bigla siyang naglabas ng mahinang tawa.

"How can you help me?" aniya at pinasadahan ang hitsura nito, "I can see, you're not from here."

Ang suot ng lalaki ay isang ordinaryong mahabang puting bestida, na binanghayan ng kulay-langit na asul. Kung ihahambing ang pananamit nito at sa mga tao sa imperyo, para itong suot ng mga sinaunang tao. Manipis din ito at hindi nababagay sa temperatura. Ngunit siya'y nagtataka kung bakit hindi man lang ito nilalamig. Ramdam niya pa rin ang lamig sa labas ng kuweba kahit may nakasinding apoy sa hindi kalayuan.

"Trust me, I can do something out of ordinary," seryosong anito.

"Prove yourself."

The next thing he did, made Ana befuddled.

A bright beam of light flashed through her eyes that made her stupefied and unable to think clearly. That beam light washed her memories away and only left a remaining memory she once long been forgotten. And no matter how she tried to avert her thoughts away, something is stopping her from coming back to reality.

Her whole mind went to ecstasy.

"You're still young, you can achieve what you've been yearning for." Inihiga muli ng lalaki si Ana sa lupa. Her mournful face a while ago disappeared in just that moment of time.

"I finally found you," and he kissed her forehead, "Until we meet again."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status