Share

Chapter 103.1

last update publish date: 2025-07-10 18:35:45

DALAWANG TAONG ANG matuling lumipas. Napilitan si Briel na mag-resign sa kanyang trabaho kahit pa ayaw siyang payagan ng kanyang amo at inoffer’ran na e-pro-promote sa mas mataas na posisyon sa kumpanya. Magalang niya pa rin iyong tinanggihan at sinabi ang tunay niyang dahilan kung kaya kailangan niya ng tumigil sa pagtra-trabaho. Aakyat na sila ng Baguio at doon na titira for good. Napag-usapan na nila ng asawa. Naintindihan naman iyon ng kanyang amo at hiniling na sana ay maging maligaya na s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Elva Demiao
update pls
goodnovel comment avatar
Cyn Thia
ang Ganda na ng storya nawalan n din ng Prblma c Brielle at Govani, Happy ang kasalan nila.Sana wg Muna matapos kc mag dadalaga at Binata pa cna Gabe, Bryson,Nabe, at cna Brian at Gia. Kya sna mg tagal pa,nkaka mis pg nawala na ang Pamilya Dank worth at Bachansi ......
goodnovel comment avatar
Cyrus Laurel
next po salmat sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.3

    ILANG SAGLIT NA tumingin sa kabilang direksyon ang mata ni Gia upang tingnan kung parating na ang order nila. Ganun din ang ginawa ni Bene na hindi na muling nagsalita. Napapahiyang inayos na rin niya noon ang upo. Saglit na sinulyapan si Gia na ang buong atensyon ay nasa counter pa rin ng kainan. Batid niyang nililibang lang ng babae ang kanyang sarili.“Tell me Bene, bakit mo nga ba ako nagustuhan?” makahulugang tanong ni Gia nang muling lingunin ang kaharap.“Kailangan bang may dahilan?”“Hindi naman, pero curious lang ako. Bawal na bang ma-curious ang gaya ko? Gusto ko lang malaman ang thoughts mo.”Tumikhim si Bene upang gawing klaro ang tunog ng kanyang boses. Sa pakiramdam niya, mukhang kakailanganin niya ng mahabang pasensya ngayong kasintahan na niya si Gia. Iba ang trip nito, may panahon na masyado itong hyper. Malayo rin ang agwat ng edad nila na isa sa mga factor na kakailanganin niyang mag-adjust. Paniguradong may mga pagkakataon o araw na magkakainitan sila at hindi magk

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.2

    SI BENE ANG nag-order ng kanilang pagkain. Tinatanong lang niya si Gia kung gusto niya ito. Panay tango at iling ang ginawa ng dalaga habang maligaya ang mga matang tinitingnan lang si Bene habang umo-order. Sa kanyang paningin ay lalo itong naging gwapo. Magkaharap sila nito sa lamesa kung kaya naman kitang-kita niya ang kabuohan ng mukha niya. Mula sa gupit nitong tama lang sa hubog ng kanyang mukha. Habang nakatingin kay Bene, naisip ni Gia na ganun pala ang pakiramdam na alagaan ng taong minamahal niya. Sobrang saya ng puso niya. Sa labis na saya ay parang anumang oras ay sasabog iyon. Hindi lang iyon, nagdulot din iyon ng pakiramdam na parang maiiyak siya sa labis na kaligayahan.“May gusto ka pang idagdag, Gia?”Umiling si Gia. Nakangiti pa rin ang kanyang labi. Umayos na siya ng upo. Tiningnan na siya ng waiter na nasa gilid lang.“Wala na. Tama na iyon.”“Dessert?” suggestion ni Bene dahil ang huling natatandaan niya ay mahilig kumain ng matamis at malamig si Gia.“Ayoko, masy

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.1

    NAHIHIYANG UMAYOS NA si Gia ng upo niya. Pulang-pula na noon ang magkabila niyang pisngi. Mali. Buong mukha niya ang namumula na parang nakakain siya ng sobrang anghang. Alam niyang dala ito ng action niya. Iyon ang resulta ng kahibangan.Masyado ba siyang mabilis?Talagang tinatanong niya pa iyon sa isipan?Siya ang unang humalik! Siya ang nag-initiate na gawin nila iyon.‘Sobrang nakakahiya ka, Giavanna! Ano ba?’Nais sanang sapukin ni Gia ang ulo bilang parusa sa kanyang sarili, ngunit hindi niya ginawa dahil nakatingin si Bene ng malagkit.“I’m sorry, masyado lang akong nadala ng emosyon kong matagal kong itinago.” nakatungong pag-amin ni Gia ng pagkakamali na hindi na makatingin nang diretso kay Bene.Mahinang natawa si Bene na ilang beses binasa ng dila ang kanyang nanunuyong labi. Lumaki na ang butas ng ilong niya. Aliw na aliw siya sa reaksyon ng mukha noon ni Gia.“Let’s talk about it later, Gia. For now, gusto kong kumain na at baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili at i

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.4

    AWTOMATIKONG BINITAWAN NI Gia ang hawak niyang bulaklak. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang gaga na kinuha na ang pagkakataong iyon para ipahayag na rin ang kanyang nararamdaman. Hindi pwedeng ang binata lang ang aamin. Kailangan na rin niyang sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman oras na makumpirma niyang totoo ang narinig niyang sinabi ni Benedict Madrigal. Dumukwang na ang dalaga palapit sa mukha ni Bene na sa mga sandaling iyon ay napalunok na ng sunod-sunod ng sariling laway. Walang pakundangan na nilagay ang dalawang kamay ni Gia sa magkabilang pisngi ng lalaki na noon ay halatang nanlalamig dala ng labis ng kaba. Kumurap na ang mga mata ni Bene.“Anong sinabi mo, Bene? Pwede bang ulitin mo? Hindi ko narinig…” naiiyak na muling hiling ni Gia sa binata. Ilang beses na pinangarap ni Gia na mangyari ang bagay na iyon, at ngayon na nangyayari na ay para siyang nakalutang.“Are you confessing your feelings for me Bene? P-Pwede bang ulitin mo, hmm?”Kasinungalingan ang kanya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.3

    HABANG PAPALABAS KANINA ay ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na magiging bold na siya sa lahat ng sasabihin niya kay Bene. Hindi niya na pipigilan pa ang sarili gaya ng mga ginagawa niya noon dahil bukod sa nahihiya ay naiilang. Napagdesisyunan din niyang sabihin kay Bene kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Wala na siyang pakialam kung ma-reject, ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang maiparating niya ang tunay na nadarama. Hindi na ni Gia kailangan pang maghintay ng tamang panahon dahil kailanman ay hindi magiging tama iyon kung hindi siya kikilos. Kung patatagalin niya pa ang bagay na iyon na mangyari kahit may pagkakataon na ay baka pagsisihan niya lang. Pwede namang ngayon na. Sayang ang opportunity na ito na ibinigay sa kanila ng panahon. Kumbaga ay ito ang perfect timing.“Thank you, Gia. Nakakahiya nga eh, dapat tulog ka na ngayon pero heto ka at piniling samahan mo akong lumabas pa.”“Ayos lang, sa totoo lang boring nga sa bahay. Sina Mommy, Daddy, si Kuya at a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 12.2

    HALOS MAPASAYAW SA tuwa si Briel sa pagbalik niya ng silid nila. Hindi nakaligtas ang pagiging hyper na iyon ng Ginang sa paningin ng asawa niyang si Gio. Hindi niya sinundan ang asawa para panoorin ang CCTV na ginawa ng Ginang na mag-isa, bigla kasing nanakit ang mga laman niya sa binti nang tangkain niyang tumayo upang sundan noon ang asawa. Pinili na lang niyang manatili sa silid kasama ang mga apo at hintayin ang pagbabalik ng asawa na hindi naman nagtagal.“May nakita ka? Anong meron at bakit ganyan ka ngayon kasaya?” Ipinilig ng Ginang ang kanyang ulo. Wala sa kanyang plano na sabihin sa asawa ang anumang kanyang nakita. Makaluma itong tao at paniguradong magiging hadlang. Pupunahin nito ang ginawang pagyakap ng anak sa bisita na kitang-kita sa camera. Bukas na lang niya sasabihin iyon kay Gio kung sakaling ulitin ng asawa ang tanong o kung makita rin ang CCTV.“Wala, Gio. Matulog na tayo. Mukhang guni-guni ko lang.” sampa ng Ginang sa kama upang tumabi na sa kanyang asawa. Hi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.1

    PAGDATING NG VILLA ng mga Natividad ay walang inaksayang sandali si Brian. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob na parang tagaroon lang siya. Bukod sa mga katulong ng mga ito ay wala ng ibang kasama si Ceska. Bumalik na sa hotel niya si Benedict na hindi naman doon natutulog. Kasalukuyang nasa living

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 21.2

    NANAKIT NA ANG ulo ng dating Governor. Anong hindi mag-aasawa? Paano siya magkakaroon dito ng apo kung hindi ito mag-aasawa? Matanda na siya. Baka uugod-ugod na siya kapag mag-asawa si Gia at Vaniel. Hindi iyon pu-puwede! “Isipin mo na Dad, kung ano ang gusto mong isipin pero hindi ko kayang magma

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 36.4

    BUONG ARAW NA naging abala si Brian sa kumpanya at naging kampante rin ang pakiramdam niya lalo pa at hindi natapos ang araw na iyon at nakatanggap siya ng tawag sa pinsan niyang si Gabe upang sabihin na okay na ang marriage certificate nila ni Ceska. Naging ganado pa ang lalaking magtrabaho ng ara

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 33.2

    BAGO MAGBUKANG-LIWAYWAY NG araw na iyon ay bumangon na si Brian nang mag-alarm ang taun-taon na okasyon sa araw na iyon. Marahan niyang tinapik ang isang pisngi ni Ceska matapos maligo at makalabas ng banyo. Naka-roba pa siya noon pero bukas na ang lahat ng ilaw ng silid. Sa pagod ni Ceska nang nag

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status