SA NARINIG NA galit na tinig ng ina ay dahan-dahan ng napaahon si Gabe sa kanyang upuan. Ilang sandaling naging blangko ang kanyang isipan na napuno ng maraming katanungan. Pakiramdam niya ay nanginig ang kanyang buong katawan ng sandaling ito. Kilala niya na masamang magalit ang ama, at ang marinig iyon sa ina ay alam niyang may mali.“A-Anong ginawa ni Daddy kay Fourth, Mommy?” “Ano pa nga ba? Nilatayan niya ang likod ni Fourth. Kulang na lang tanggalin niya ang balat sa likod!” Natutop na ni Gabe ang kanyang bibig. Ilang segundong parang hindi siya makahinga nang maayos at saka nabingi. “Kumustahin mo man lang. Tulungan mong pagalingin ang mga sugat niya. Damayan mo siya. Alam ko ang ginawa mo sa kanya, nakita ko sa CCTV kung kaya huwag na huwag mong itanggi. Pareho lang kayong may maling dalawa at ang masasabi ko ay sumobra ka na, Gavina. Hindi na makatarungan ang pagiging bayolente mo. Ganyan ba kita pinalaki, ha?” Walang lakas ng loob na magtanong si Gabe sa ina kung paano n
SA SOBRANG PAGPAPAHALAGA sa pamilya ng kasintahan niyang si Gabe mula noon pa man ay nakalimutan na ni Atticus na may sariling pamilya rin pala siya na naghihintay sa kanyang minsang umuwi at magpakita. Literal kasi na ginawa na niyang mundo ang babae. Sobrang naglaan siya dito ng oras at panahon. Minsan iniisip niya, hindi kaya nagtatampo na ang mga ito? Hindi lang nila tahasang sinabi iyon sa kanya. Nanatili pa siya ng ilang taon abroad at nang bumalik, sa Dankworth pa rin tumuloy. Umuuwi naman siya sa kanila, lalo na noong magkahiwalay sila ni Gabe. Umuuwi rin siya ng bansa, hindi lang madalas. Hindi siya kagaya ng kapatid na si Uno na madalas na nasa bansa kahit na sa Paris namamalagi at dito may trabaho. Ang huling balita pa nga niya sa isa sa panganay na kapatid ay dito na maninirahan sa bansa. Hindi niya lang alam kung gaano katotoo ang balitang iyon na nakuha niya mula kay August na laging updated.“Pasensya na, Mommy…hindi pa ako nakakalinis...” pindot ni Atticus sa switch up
NAPATDA SA HARAP ng pintuan ng penthouse ni Atticus ang kanyang inang si Alyson habang panaka-naka ang tingin niya sa dahon ng pinto na nakasarado. Iniisip ng Ginang kung i-ri-ring niya ba ang doorbell o hindi at aalis na lang. Sinulyapan niya ang dala niyang bag ng mga ipinaluto niyang ulam upang dalhin lang iyon sa anak. Napagpasyahan niyang puntahan na ito upang makita ang sitwasyon ng anak dahil makailang beses na niyang tinatawagan ang anak ngunit hindi naman ito sumasagot. Bagay na nagpabahala na sa Ginang. Hindi rin nag-re-reply sa kanyang message si Fourth. Tatlong araw na iyon kaya hindi niya maiwasan na mag-alala kahit sinabi ng kakambal nitong ayos lang din ito.“Mom, Fourth is fine. Ang tanda na niya para e-baby mo pa.” “Nag-aalala lang naman ako sa kanya anak.” “Hayaan niyo na po muna siya, Mom. Hindi ka pa rin ba nasanay sa ugali niya?” Hindi na pinansin ng Ginang ang ibang sinabi ng kakambal ni Fourth. Alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya. Subalit, bilang
NAGTAAS NG PANINGIN si Gavin at tahimik na tumunghay ang seryosong mga mata kay Atticus. Hinagod ng matandang lalaki ang kabuohan niya. Makalipas ang mahabang sandali, mahina siyang nagsalita na siyang inaasahan na rin doon ni Atticus. “Fourth, may gusto ka bang sabihin sa akin?” Atticus knew it all very well. Tungkol iyon sa nangyari sa kanila ni Gabe. Malamang alam na ng ama ng babae ang nangyari sa kanila. Hindi rin kumbinsido si Atticus na si Gabe ang magsasabi sa ama kaya malamang ay nakarating lamang din iyon sa kaalaman ng matanda. Na-guilty na naman si Atticus. Sa ganda ng pakikitungo sa kanya ng pamilya, hindi niya iyon naisip bago niya ilapat ang palad sa mukha ng anak ng mag-asawang itinuturing siyang anak na rin nila. He put his handbag aside, took off his coat, and automatically knelt in front of Gavin. Tanging sa ganung paraan niya lang mapapakita na kung anuman ang kanyang ginawa, hindi niya rin iyon nagustuhan at pinagsisisihan niya.“Para saan ang iyong pagluhod na
TAAS ANG NOONG naglakad siya patungo sa kusina nang hindi hinihintay ang magiging sagot ni Gabe na biglang sumama ang aura sa pagbabalewala nito. Walang pagdadalawang isip na isinaboy ni Gabe ang alak mula sa baso na nasa kamay dala ng biglang pag-init niya ng ulo. Tumama naman sa likod ng ulo iyon ni Atticus. Ang kulay pulang alak ay tumapon sa buong sahig at nadamay ang suot na damit ng lalaki. Nagpatigil iyon sa paglalakad kay Atticus at nagpaahon naman mula sa upuan niya kay Gabe. Galaiti na niyang tinuro ang pintuan. Pulang-pula na ang mukha niya na anumang oras ay sasabog sa galit.“Ang sabi ko ay umalis ka na, hindi mo ba narinig?! Ayoko na sa'yo! Alin doon ang hindi mo maintindihan? Huwag kang umakto na ako ang masama at ikaw ang biktima! Umalis ka sa pamamahay ko, umalis ka na sa mundo ko, Atticus!” Lumingon na si Atticus, puno ng pagsamo ang mga mata. Ilang beses siyang kumurap-kurap, naiiyak. “Gabe, kailangan mong kumalma—”“Paano ako kakalma kung nasa harap ko mismo ngay
MABABASA SA MUKHA ni Gabe na ayaw na niyang pakinggan ang explanation nito dahil alam niyang mas magagalit lang siya at sasama lalo ang loob niya. Sapat na sa kanya ang nangyari at sarado na ang isip niya sa kahit anong palusot na sasabihin ni Atticus.“Gaano man kaikli, hindi mo maitanggi na nagkaroon pa rin kayo ng relasyon! Naging kayo, Atticus! Huwag mo na akong subukang amuin dahil ako na ang magsasabi, hinding-hindi na ako mauuto.” “Ang ibig kong sabihin ay hindi iyon naging seryoso, Gabe dahil naging sila na ni Ian. Magkaibigan na lang kami. Paniwalaan mo naman ako. Hindi ko siya minahal, naawala lang ako sa kanya dahil—” Iniiling ni Gabe ang ulo. Sign iyon na anuman ang sabihin ng lalaki, hindi niya papakinggan ang mga kasinungalingan ni Atticus. Nagpalit na siya ng damit matapos na tumalikod, matapos noon ay pumunta siya sa may bintana. Hinawi niya ang kurtina, at saglit na tumunghay sa lugar na unti-unting naging abala.“I gave you all my tolerance, but you gave me disgust