LOGINWALA SA SARILING napahilamos na si Bryson sa kanyang mukha. Nag-sink in na sa isipan na masamang pangitain iyon dahil baka lumayas na naman ang babae, mali, tumakas na naman ito at sa pagkakataong iyon ay siya na ang dahilan nito.Nag-AWOL ba si Piper nang dahil sa kanyang mga sinabi at ginawa kagabi? Hindi niya alam kung iyon nga ang rason nito.“Kailan pa ho siya umalis?” “Kagabi. Naloka nga ako at hatinggabi nang magpaalam. Good payer naman siya kaya wala akong reklamo.”“Wala po ba siyang iniwan na sulat man lang o resignation letter kung sakaling may maghanap sa kanya?” tanong ni Bryson na umaasang mayroon man lang, sa mga sandaling iyon ay bagsak na ang kanyang magkabilang mga balikat. “Wala naman siyang iniwan. Sandali, ikaw ba ang amo?” Tumango si Bryson. “Oho, ako nga. Pinuntahan ko siya dito ngayon at late na ay wala pa sa opisina.” “Baka naman e-email na lang niya sa’yo?” Kinuha ni Bryson ang kanyang cellphone at nag-scroll na sa kanyang company email. Umaasa siyang p
ALAM NI BRYSON na pipiliin ng kanyang mga magulang ang magiging kaligayahan niya. Ano naman kung dating naging fiancee ng kanyang pinsan si Piper? Mahalaga pa ba iyon ngayon? Saka hindi nga doon nag-react ang kapatid niyang si Gabe na unang nakaalam na may ibang namamagitan sa kanilang dalawa. Malamang ay ganun din ang magulang niya.“Narinig mo ang sinabi ko, Piper?” malumanay pa ang boses na tanong ni Bryson na nakatingin na sa kanya.Gumalaw ang labi ni Piper. Nais na magbigay ng opinyon o mag-protesta sa ipinipilit ni Bryson na mangyari ngayon.“Huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko Sir, kung hindi mo ako pakikinggan siguro ang mabuti pa ay simulan mo ng maghanap ng magiging kapalit ko.” hindi iyon pagbabanta ngunit pakiusap ni Piper sa kanyang nahihirapang tinig.Gulantang ang buong katawan na tiningnan siya ni Bryson. Nakikita niya sa mukha ni Piper na hindi ito basta nagbabanta. Seryoso ang kanyang mukha na parang ang sinabi ay tanging paraan na lang ng babae upang mag-su
MALAKAS NA HUMALAY sa apat na sulok ng apartment na iyon ang tunog ng maligayang halakhak ni Bryson nang dahil sa naging reaction ni Piper sa kanyang ginawa. Kumibot na ang kanyang bibig habang nakatitig pa rin sa mukha ni Piper. Sa kanyang isipan ay hindi niya mapigilang balikan ang kanilang nakaraan kung saan ay masaya silang nagmamahalan. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ni Piper noon o kung siya lang ang pinili nilang lalaki para sa babae, marahil ay masaya na silang namumuhay ng mga sandaling iyon. Baka nga, nakailang anak na rin sila. Kababata ng mga pamangkin.“Do you miss me?” walang kurap na binabasa ang sariling labing tanong ni Bryson. Puno ng pananabik at pag-asa ang kanyang mga matang bibigyan iyon ng sagot ni Piper na pulang-pula na ang mukha. Lumakas pa ang buhos ng paglabas ng kanyang dugo. Hindi niya alam kung tama bang sagutin niya ang katanungan nito. Ang tanging nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay ang katawan niyang traydor na nais itong gantihan na do
KINUHA NI PIPER ang cellphone. Ilang beses nagtipa ng message para kay Bryson ngunit laging binubura bandang huli. “Tatawag naman siguro siya kung nakauwi na. Baka mamaya sabihin niya na nananamantala ako at ginagamit ko ito.” Napabangon si Piper nang sunod-sunod niyang marinig ang malakas na katok sa pinto. Wala siyang inaasahang bisita. “Piper? Buksan mo ang pintuan.” Namutla na ang babae ng makilala niya kung kaninong boses iyon; sa amo niyang si Bryson Dankworth.“Anong ginagawa niya dito? Hindi ba at umalis naman na siya kanina? Bumalik ba siya? Bakit naman siya babalik?”Nanigas na sa kanyang kinauupuan si Piper. Hindi makapagdesisyon kung pagbubuksan niya ba ito. Iginala ng babae ang kanyang mga mata. Malinis naman ang kanyang apartment ngunit masyado iyong maliit. Tiyak na makakarinig na naman siya ng mga sermon nito. Binalikan niya sa kanyang isipan ang naging reaction ni Bryson kanina ng makita ang lugar. Napakamot na siya sa kanyang ulo. Sa halip na magpapahinga na siya
ILANG SANDALI PA ay nasa harap na sila ng elevator. Tahimik na naghihintay na bumukas ang pintuan noon. Hindi nakaligtas sa paningin ni Bryson ang pagiging mahina ni Piper.“Kapag umuulan o nagpalit ng season ang panahon, dapat hindi ka nawawalan ng baong jacket. Alam mo na, dapat na handa ka sa mga ganitong pagkakataon at panahon, Piper…”Napayuko na si Piper. Sa sobrang pagtitipid niya mabibilang sa daliri niya ang mga damit niya. Sa bahay nila kung sobra-sobra ang mga gamit niya, ngayon sobrang hikahos siya doon. Hindi na lang niya sinabi pa iyon kay Bryson at baka maisipan niton pagbibilhan siya. He treated her so well that she hardly dared to accept his kindness. Ayaw niyang magkaroon na naman ng malaking utang na loob sa kanya o dumepende sa lalaki. Kapag pinili niyang mag-resign paniguradong hindi lang siya ang masasaktan at maging ang kanyang amo rin.“Let’s go…” Habang pababa ay binalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating sila ng parking lot at makalulan ng sasakyan.
SA LOOB LAMANG ng ilang sampung minuto ay dumating na ang secretary ng kapatid ni Bryson. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid pagkatanggap niya ng mga pinabili niya. “Salamat, Ate Gabe…” “Kung masakit ang kanyang puson, pwede mo siyang bigyan ng hot compress para maibsan.”Muli pang nagpasalamat si Bryson. Hindi na rin ni Gabe pinatagal pa ang tawag sa kapatid dahil alam niyang kailangan pa nitong asikasuhin ni Bryson. Pinagpasalamat na ito ng lalaki.“Salamat ulit, Ate Gabe.” Walang inaksayanng panahon si Bryson. Walang paalam na pumasok siyang muli ng silid. Marahan niyang kinatok ang pinto ng banyo kung nasaan si Piper na hindi na malaman kung ano ang kanyang gagawin. Panay ang sipat niya sa kanyang suot na skirt na puro dugo.“Narito na ang mga kailangan mo, buksan mo ng maliit ang pinto nang maibigay ko sa’yo.”Sinunod iyon ni Piper kahit na gusto na lang niyang biglang maglahong parang bula. The door opened a crack at inilabas ni Piper doon ang kanyang isang kamay. Hind







