NAKANGITING NAGPAALAM SA mga ka-trabaho niya si Bethany pagsapit ng alas-diyes. Closing siya. Ibig sabihin isa siya sa mga magsasara ng restaurant na staff. Nagtatawanan at sabay-sabay pa silang lumabas at sabay-sabay din sila halos napaatras nang magsimulang bumagsak ang marahang patak ng ulan. Ang iba pa sa kanila ay napairit dahil hindi napaghandaan ang masungit na panahon. Kanya-kanya silang kuha ng mga payong niyang dala.“Mauuna na kami, Bethany. Ingat ka pauwi ha?” kaway sa kanya ng mga kasama na halatang nagmamadali ng makaalis sa lugar.“S-Sige, kayo rin.”“Wala kang dalang payong?” “Wala eh, pero ayos lang. Titila rin naman siguro iyan.”“Naku, paano kung oras ang dumaan?”“Sige na, lakad na ako na ang bahala sa sarili ko. See you bukas, bye!” Tumango lang si Bethany. Pinanood na silang nagsimula na doong humakbang patungo sa kabilang direksyon dahil doon halos ang way ng mga katrabaho, siya lang ang nag-iisang naiiba. Kung sakali na doon din ang rota niya malamang ay maki
TINAPOS NA NI Briel ang pakikipag-usap kay Patrick pagkasabi noon at hinarap niya na ang kapatid. Bigla siyang nainis kay Patrick. Parang wala itong pakialam sa kanyang girlfriend. Malamang hindi seryoso ang lalakeng iyon sa nararamdaman niya sa girlfriend niya.“Kuya Gav, invite natin siya sa birthday party ko. Ang sabi ni Albert music teacher daw siya at magaling din daw siyang mag-piano. Tamang-tama, para sa mga bisita. Bayaran na lang natin siya. A hundred thousand? Pwede na kayang bayad iyon sa kanya Kuya Gav? Papayag na kaya siyang mag-play ng piano sa halagang iyon?” Pinaandar na ni Gavin ang sasakyan. Ayaw niya na itong pag-usapan.“Buti kung pumayag iyon? Hindi naman kayo close.” kalmado nitong sagot, nasa kalsada na ang mga mata. “Huwag mo ng abalahin iyon, baka busy iyon. Humanap ka na lang ng iba.”“Ganun? Siguro naman ay hindi siya tatanggi. May bayad naman. Hindi ko naman hihilingin na mag-play siya ng piano for free, Kuya.” simangot ni Briel na parang pinapangunahan na
PAGKATAPOS NG TRABAHO kinagabihan ni Gavin ay ilang dinner invitations ang kanyang tinanggihan upang pumunta lang sa restaurant kung saan nagta-trabaho si Bethany. Hindi niya mapigilan ang sarili na magpunta doon, parang may magnet sa kanya na patuloy na humihila upang pumunta dito. Alas otso na ‘yun at kasalukuyang busy ang buong restaurant sa dami ng mga taong kumakain. Dagsa rin ang mga nakapila pa, palibhasa payday ang araw na iyon at may mga taong pinili ang kumain sa labas upang mag-relax na rin doon.Maligayang ini-anunsyo ng Manager ng restaurant ang pag-play ng piano at dahil wala ang pianist nila, si Bethany ang nakatakdang tumugtog noon. Nabanggit na iyon ng Manager sa dalaga kanina pagpasok pa lang niya kung kaya alam na ni Bethany ang kanyang gagawin. Nakangiting nag-pwesto na ang dalaga sa harap ng piano. Ini-ready na ang sarili at ang kanyang mga daliri para sa gagawin. Mahal niya ang ginagawa niya kung kaya naman excited na rin siyang tumugtog.Nakasuot siya ng kulay
Hindi nag-react si Gavin sa mahaba niyang litanya. Iniisip ng binata kung paano niya mapapayag si Bethany na sumama sa kanya. Kailangang mauna siya sa mga umaaligid na lalake kay Bethany. Kailangan niyang mabakuran na ang dalaga.“Pagkatapos ng trabaho mo? May oras ka na ba?” sa halip ay tanong nitong medyo ikinakunot ng noo ni Bethany, bakit naman siya i-invite ng binata? Wala din naman siyang kailangan dito. “Pwede tayo na pumunta sa place ko kung okay lang sa’yo. Doon ka na rin kumain. Sabayan mo ako, mag-take out na lang tayo.”Malinaw ang ibig sabihin ng abogado doon. Iniimbitahan siya nito sa date? O iba ang pagkakaintindi niya sa gusto niyang mangyari sa penthouse ng abogado.‘Come on, Bethany. Kung papayag ka sa gusto niya ay paniguradong mapapabilis ang paglabas ng Papa mo. Hindi lang iyon, hindi mo kailangan ma-mroblema sa pera. Patibayin mo na lang ang sikmura mo para makayanan mo ang lahat.’Ipinilig ni Bethany ang kanyang ulo. ‘Hindi. Hindi ako papayag na ihain ang kataw
NANG MAWALA NA sa paningin ni Bethany ang humarurot na sasakyan ni Gavin ay tumalikod na siya at tinungo ang staff area nila upang magpalit na ng uniform niyang pang-server upang ituloy na rin ang kanyang naudlot na trabaho. Nagmatigas at hindi umalis sina Patrick sa restaurant kasama ang kapatid. Hinintay ng dalawa na matapos ang trabaho ni Bethany upang igiit ang kanilang gusto na magpaturo dito si Patricia ng piano.“Pasensya na, puno na talaga ang schedule ko Patrick.”“Kahit isang oras o dalawa, okay na doon si Patricia.”“Hindi nga pwede—”“Ayaw mo ba ng side hustle? Karagdagan din iyon, Bethany.” Noong una ay ayaw niya talagang pumayag sana sa magkapatid ngunit pinagbigyan na rin niya dahil naisip na sayang din naman kasi ang kikitain niya sa pagtuturo niya dito. Hindi lang iyon, malaki ang naging offer ni Patrick na ibabayad sa pagtuturo niya kung kaya ano pa nga bang magagawa niya kung hindi ang tanggapin iyon dahil alipin siya ng pera dahil kailangan niya. Hindi na nagpatum
NALULUHA AT TAHIMIK na nilagyan ni Bethany ng cream ang mga sugat ng Ginang matapos niya iyong linisan. Pagkatapos ay pumunta na rin ng sarili niyang silid upang kumuha ng dalawang libo at ibigay iyon sa Ginang. Hindi niya ito binabawalan niya na magtrabaho dahil nahihiya siya. Ginagawa niya iyon dahil sa kalagayan ng katawan nitong hindi na rin naman mura.“Ito po, allowance natin sa pagkain. Sabihin niyo po sa akin kapag kulang at kapag natanggap ko na ang sahod ko ay bibigyan ko kayo ulit. Magtipid tayo, Tita. Pagkasyahin natin sa ngayon ang kung anong meron tayo. Huwag nating ipilit ang wala at hindi pa pwede. Pwede naman po ‘yun di ba? Kaunting tiis lang po sa ngayon. Kapag nakaluwag na tayo saka natin pagbigyan ang sarili nating bilhin ang mga gusto natin. Sa ngayon po ay higpit sinturon muna tayong dalawa. Sa ganung paraan po tayo makakabangon, Tita.”Magpilit man ay hindi na niya papayagan pa ang Ginang na magtrabaho. Hindi pwedeng pati ito ay magkasakit ng mas malala.“Pasens
KINALAMAY NI BETHANY ang kanyang sarili nang makita niya ang nagulat na reaksyon ni Briel sa ginawa niyang pagsigaw. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib kung kaya naman agad na nakonsensya ang dalaga. Medyo nakaramdam siya ng awa para sa babae sa pagiging masungit niya dito.“Pwede ba Miss Dankworth, huwag mo na akong lalapitan at kakausapin sa hinaharap? Hindi lahat ng nasa paligid mo ay handang makipagkaibigan sa’yo. Wala rin akong pakialam sa lovelife mo. Naiintindihan mo?” gigil na turan ni Bethany na kulang na lang ay ikutan niya ng mga mata si Briel na natulala.Sa pagkagulat doon ay napakurap na si Briel habang nakaawang ang bibig. Hindi pa rin siya makapaniwala, hindi siya sanay na tinatanggihan lalo na ng mga kagaya ni Bethany na hindi naman nila ka-level kaya sobrang nacu-curious talaga siya. Ang lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Kung kaya naman hindi niya wala sa vocabulary niya ang tigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya mula kay Bethany. Hindi siya susuk
HUMAKBANG NA SI Gabu palapit sa dalawang nakataling babae at inilahad ang hawak na cellphone sa harapan ni Briel matapos na salit-salitan silang tingnan. Ikinatahimik iyon ni Briel. Masamang tiningnan si Gabu na animo babalatan niya ng buhay oras na magkamali ito ng galaw. Napapahiyang tumawa si Gabu sa ginawang pagtitig lang sa kanya ng inaabutan ng cellphone. “Tawagan mo ang fiance mo at sabihin mo sa kanyang maghanda ng twenty million na pantubos sa’yo!” utos niyang ikinamulagat ng mga mata ni Bethany.Kung ganun ang halaga ng babae paano pa kaya siya? Malamang milyon din ang halaga na hihingin sa pamilya niya. Saan noon kukuha ang madrasta? Patong-patong nga ang problema nila. “Sabihin mo rin sa kanya na huwag siyang magkakamaling ipaalam ang lahat ng ito sa mga pulis. Kung gagawin niya iyon, hindi kami mangingiming dalhin kayo sa bingit ng kamatayan!” Mariing itinikom ni Briel ang kanyang bibig habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Bahagyang nilingon si Bethany sa li
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang