NAHAGOD NA NG daliri ni Gavin ang kanyang baba habang nakaburo pa rin ang mga mata sa dalaga. Ilang sandali pa ay napaawang na ang bibig niya. Napailing-iling na rin doon ang abogado. Kung ano ang gaspang ng ugali ni Bethany nang gising ito ay siya namang amo nito habang natutulog. Gumalaw na ang adams apple niya. Dinidemonyo siya ng kanyang isipan na may gawin sa dalaga, ngunit kailangan niyang pigilan iyon at baka hindi lang injury sa noo ang abutin niya oras na magising niya ito. Matapos na huminga nang malalim ay pumasok na siya sa kwarto, kinuha ang makapal na comforter niya doon at pahagis na ibinato iyon sa katawan ng dalaga. Hindi noon nagising si Bethany kung kaya naman walang choice si Gavin kung hindi ang lumapit dito ay ayusin ang pagkakalagay noon sa katawan. “Kung hindi lang kita mahal, hinayaan kong manigas ka sa lamig.” anang binata habang ginagawa iyon, ilang beses niyang sinulyapan ang mukha nito particular na ang labi nitong ilang beses siyang inaanyayahan na abuti
NAPABALIKWAS NA NG bangon si Bethany nang pagdilat ng kanyang mga mata ay makita niyang nasa loob siya ng pamilyar na silid ng abogado. Napahawak pa siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng hilo sa ginawa niyang biglaang bangon. Agad niyang tiningnan ang kanyang katawan na may saplot pa naman. Gayunpaman ay hindi pa rin nawala ang matinding pagdududa sa isipan niya. Paano kung binihisan lang siya ni Gavin matapos na angkinin? Kailangan niyang maalala kung ano ang mga nangyari. Natatandaan niya na sa sofa siya nahiga. Iyon ang huling alaala niya bago makatulog. Pinakiramdaman niya pang mabuti kung masakit ba ang kanyang pagkababae, kung may sign na sinalbahe ito ngunit wala rin naman. Ibig sabihin lang ay walang nangyari sa pagitan nila ni Gavin kahit na doon siya natulog sa loob ng silid nila.“Binuhat niya siguro ako. Imposible naman kasi na kusa akong nag-sleep walking papasok dito. Hindi ko iyon gagawin.” pagtatanggol niya sa sarili dahil sure siya na hindi siya ang nagkusang magtung
NAGMAMADALING NALIGO ANG dalaga pagdating ng apartment niya. Dumaan na lang din siya sa isang fast food chain upang mag-take out ng kanyang almusal at sa loob na lang niya ng sasakyan iyon kinain. Habang patungo sa music center ay tinawagan niya si Miss Gen upang sabihan itong baka before lunch na siya makarating nang dahil sa biglaang pagkaipit niya sa matinding traffic. “Naiintindihan ko Miss Guzman, take your time. Maaring napagod ka kasi kagabi.” Alam ni Bethany kung ano ang kahulugan ng patutsadang iyon ng babae ngunit hindi na lang niya ito pinatulan. Wala siyang panahon para patulan siya dahil gusto na nga niyang kalimutan ang nangyari. “Pasensya ka na kung hindi ko nagawan ng paraan kagabi na hindi ka niya matangay.” Nakagat na ni Bethany ang labi. Bumabalik kasi sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila kagabi. “Ayos lang, Miss Gen…” Pagkababa ng tawag ay naipiling na lang ni Bethany ang kanyang ulo. Natatawa na sa naiisip niya. “Mali ang pagkakaintindi ni Miss Gen.
NILINGON NI BRIEL ang ina na nakatingin din sa kanilang banda. Sinundan naman iyon ng tingin ni Bethany kahit na nababalot na siya ng hiya ng mga sandaling iyon. Iniisip na hindi naman siguro nagsumbong si Gavin sa kanila ng tungkol sa away nila kung kaya naroon ang mag-ina ngayon upang kumbinsihin siyang makipagbati sa kanya. Hindi ganun kababaw ang abugado na magpapakampi sa kanila at hihingi ng saklolo dahil sa pagmamatigas niya pa rin. Prenteng nakaupo na ang Ginang ngayon sa sofa na abala na ang mga matang lumilibot sa paligid. Walang anu-ano ay pahaklit na kinuha ni Briel ang isang kamay ni Bethany at hinila na ang dalaga palapit sa kanyang ina. Tututol pa sana doon ang dalaga ngunit sa lakas ni Briel, hindi niya na nagawang umangal at pa nagpabigat ng kanyang katawan para di madala.“Halika, sasabihin ko sa’yo ang dahilan bakit kami napasugod dito ngayon ni Mommy.” Hinayaan ni Bethany na hilahin siya ni Briel. Napilitan na siyang maupo sa harap ng mag-ina na ang mga mata ay pa
NAPALINGON NA SI Bethany sa Ginang. Iyon ba? Iyon ba ang plano ni Gavin kaya pinapunta sila rito? Mababakas na ang pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga kung sasagot ba siya sa Ginang o hindi. Sa bandang huli minabuti na lang niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya. Kailangan din naman niyang mailabas ang side niya. Hindi iyong puro side lang ni Gavin ang alam nila sa kanilang problema. “Tita, pasensya na po pero ang totoo po niyan—” “Alam namin, Bethany.” agad na pagputol sa kanya ni Briel, alam nila? “Alam namin ni Mommy na hindi pa kayo umaabot sa puntong mag-uusap tungkol sa kasal pero what if magpakasal na lang kaya kayo para naman hindi na kayo nagbabangayan. Itali niyo na sa bawat isa sa mga sarili niyo. Problem solved!”Napaawang na ang bibig ni Bethany. Mukhang na-misunderstand na naman ng mag-ina ang sasabihin. “Doon din naman kayo papunta. Ayos lang naman sa akin na mauna na kayong magpakasal sa amin kahit pa mas nauna akong ma-engaged. Panganay si Kuya Gav sa akin at
SINUNOD NI BETHANY at ni Briel ang utos ng Ginang. Magkaharap silang naupo na sa table at dinampot ang menu ng naturang restaurant. Hindi naman nagtagal at nakapili na sila ng pagkain. Dahil kilala na sila ni Bethany ay hindi na nakaramdam ang dalaga ng anumang pagkailang sa kanilang mag-ina. Parang normal na lang ang makasalo sila sa kabila ng lagay ng relasyon na meron sila ni Gavin ngayon. Maliit ng napangiti ang dalaga. Batid niyang naging bahagi na ng buhay niya ang mag-ina at hindi na mai-aalis pa. Habang naghihintay ng kanilang order na dalhin sa table nila ay pinagsalikop na ni Briel ang mga palad.“Bethany, may tsismis ako.” pagbubukas ni Briel ng kanilang usapan na pinalo pa ang isang braso ng dalaga, “Sinamantala ng producer fiancé ni Nancy sa Canada ang kanyang pagbabalik dito sa bansa para makipagrelasyon sa isang batang modelo doon sa Canada. Iyon ang naging ganti ng lalaking iyon sa pagpili ni Nancy sa kanya kumpara sa kay Kuya Gav na matagal na niyang kasintahan.” kwen
AGAD NAMAN SILANG nakita ng abogado na halos mapunit na ang labi sa lapad at laki ng mga ngiti. Naroon kasi si Bethany na malagkit ang paninitig sa kanya. Wala na siyang inaksaya pang sandali. Inihakbang na niya ang kanyang mahahabang mga binti palapit sa lamesang kinaroroonan nilang tatlo.“Excuse me, extra plate and utensils please!” agaw pa ni Briel ng pansin sa pinakamalapit na waiter.Agad namang tumalima ang waiter nang marinig ang boses ni Briel. “Sorry, I am late.” direkta ang mga mata ni Gavin kay Bethany na sambit matapos na makalapit na doon.Tatayo sana si Bethany upang umalis ng table ngunit agad na inapakan ni Briel ang kanyang paa sa ilalim ng lamesa. Nilingon na niya ang babae na animo ay walang masamang ginawa sa kanya sa ilalim ng mesa.“Flowers for you, Thanie…” Ma-dramang inilagay ni Mrs. Dankworth ang dalawang palad sa kanyang bibig na animo ay kinikilig sa nangyayari. Maya-maya ay ginaya iyon ni Briel na hindi malaman kung natatawa ba o kinikilig sa kanila.“Hi
NAPAKAMOT NA LANG si Mrs. Dankworth sa kanyang ulo at napabuga na lang ng hangin si Briel dito.“Pasensya na po Tita, Briel, mauuna na ako. Marami pa kasi akong kailangang gawin. Magkano po ang share ko?” pilit ang mga ngiting tanong ni Bethany na pinasigla ang hilatsa ng kanyang mukha.“Huwag ka ng magbigay ng share, Thanie. Ako na ang magbabayad.” maagap na salo ni Gavin. Tiningnan lang siya ni Bethany, kapagdaka ay inilipat na iyon kina Mrs. Dankworth at Briel na ang mga mukha ay hindi na maipinta habang nakatitig nang masama kay Gavin. Nang mapansin ang paninitig ni Bethany sa banda nila ng Ginang ay mapagkunwaring mabilis niyang nginitian ang dalaga saka tumango.“Tumayo ka na diyan Gavin at ihatid mo man lang si Bethany!” may himig ng iritasyon iyon sa anak. “Huwag na po Tita, kumakain pa kasi siya saka may sarili po akong kotse.”“Ah, sige…” puno ng panghihinayang na sambit ng Ginang na nilingon si Briel na mahigpit na ang hawak sa tinidor habang nakatitig pa rin sa kapatid n
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang