The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart

The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart

last updateLast Updated : 2025-08-29
By:  Trendsterchum ChroniclesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang nurse. Isang imperyo. Isang kasal na pinirmahan sa dugo. Hindi kailanman hinangad ni Stefanie Rivera ang kapangyarihan—pero isang malupit na kasunduan ang nagtulak sa kanya bilang tagapagmana ng pinakamalaking airline empire sa Asya… at mortal na kaaway ng sinumang nais maagaw ito. Si Adrian Zubiri—malamig, matalino, at sugatan ng nakaraan—siya dapat sana ang tunay na tagapagmana. Pero ngayon, napilitan siyang pakasalan ang babaeng pinaka-kinamumuhian niya para mabawi ang lahat. Ang plano niya? Wasakin siya. Ipahiya siya. Durugin siya. Ngunit hindi marunong yumuko si Stefanie. Lumalaban siya—at ang apoy niya’y lalo lang nagiging tukso kay Adrian. Mula sa kasunduang puno ng galit, sumiklab ang isang mapanganib na laro ng pagnanasa. At sa gitna ng mga kaaway, iskandalo, at nag-aalab na damdamin, pipili si Adrian: protektahan ang imperyo… o ang babaeng kailanman ay hindi dapat naging kanya. Sa mundong ang kapangyarihan, ang pera at ang pag-ibig ay kahinaan— Mas ligtas ang galit. Pero bakit siya nauuhaw sa babaeng puwedeng tuluyang sumira sa kanya? "She was supposed to be his punishment. He was supposed to be her enemy. But in a war between hate and love—only the heart can decide who wins"

View More

Chapter 1

Chapter 1 Rare Nurse

Kung tatanungin mo ako kung bakit pa ako nananatiling nurse, Ang sagot ko lang: kasi Ang damping bills. At saka, hindi ako marunong sumuko.

“Stef, ikaw na muna sa Bed 7. Yung pasyente ayaw magpa-injection sa akin,” bulong ni Marites, co-nurse ko, habang nakapamewang at parang nanalo sa palosebo.

“Grabeness? Si Mang Efren?” napapailing ako, habang inaayos ang tray ng gamot. “Hindi ko alam kung pasyente talaga siya o stand-up comedian. Pero sige na nga.”

Paglapit ko sa Bed 7, nakita ko si Mang Efren, naka-sumbrero pa ng malaki kahit nasa ospital. Para siyang nag-vacation sa beach imbes na naka-admit.

“Good morning, Mang Efren,” bati ko.

“Teka lang, hija. Good morning ba talaga kung i-injectionan mo ako?” nakakunot ang noo niya, sabay nagkunwaring nahimatay.

Napahalakhak ako. “Eh kung ayaw niyo, paano gagaling ang infection ninyo? O baka gusto niyo, ikaw ang magturok sa sarili mo?”

“Hindi puwede. Baka mamatay ako.”

“Hindi po kayo mamamatay. Swear. At kung mamamatay kayo, hindi dahil sa akin—kundi dahil matigas iyang ulo niyo.”

Narinig kong nagtatawanan ang ibang pasyente at mga bantay. Sa ospital, minsan mas mabisa ang biro kaysa gamot. At sa totoo lang, gano’n ang nakakapagpatibay ng loob ko: yung makita silang kahit saglit lang ay nakangiti.

“Fine. Pero hawakan mo ang kamay ko,” drama pa ni Mang Efren.

“Hawakan ang kamay? Hindi po ito romcom, Mang Efren. Pero sige.” Inabot ko ang kamay niya at sabay tinurok ang gamot. Mabilis. Walang kirot.

“Hoy, tapos na? Aba’y hindi ko naramdaman!” gulat siya.

“See? Mas matindi pa nga siguro ang kurot ng asawa niyo kaysa sa injection ko.”

Nagtilian ang mga bantay. Ako naman, ngumisi lang at nagpatuloy sa trabaho.

Pagbalik ko sa station, sinalubong ako ni Marites.

“Grabe ka, girl. Sumakses ka naman na  very no sweat. Paborito ka na talaga ng mga pasyente. Ako, ang daming reklamo. Ikaw, parang may fans club.”

“Fans club? Hindi. Sanay lang ako sa makulit. Remember, si tatay ko dati gano’n din. Makuha lang makipagbiruan kahit hirap na hirap na.”

Tumahimik si Marites saglit. Alam niyang kapag na-mention ko ang tatay ko, medyo sensitive ako. Tatay ko kasi dati ang naging airline mechanic sa isang kilalang pamilya—ang mga Zubiri. At hanggang ngayon, may pait sa dibdib ko kapag naaalala ko kung paano siya tinanggal at halos walang pakundangan.

“Sorry, Stef,” bulong niya.

I shook my head. “Don’t be. Nasanay na ako. Part ng motivation ko ‘to. Alam mo na, someday gusto kong patunayan na hindi porke’t anak ka ng mekaniko, hindi ka na puwedeng umangat.”

Lunch break. Nasa maliit kaming pantry, may tatlong mesa, dalawang electric fan, at amoy adobo na hindi ko alam kung galing sa baon o sa kusina ng hospital.

“Stefanie, asan ba dream hospital mo?” tanong ng isa naming bagong nurse, si Jenny.

“Dream? Wala. Basta’t may sahod at may pasyente, puwede na.”

“Liar,” singit ni Marites. “Kilala kita. You want more than this. Hindi ka forever dito sa public hospital.”

Napangiti ako. “Siyempre naman noh.. Lahat naman tayo gusto ng mas maayos. ...Forda Ambisyosa ganern...Pero sa ngayon, this is reality. Dito ako kailangan.”

Tahimik kaming tatlo saglit. May bigat sa hangin, pero tinabunan ko agad ng biro.

“At saka, kung aalis ako dito, sinong magpapa-smile kay Mang Efren? Baka umiyak siya kapag hindi na ako ang nag-i-injection.”

Tawanan ulit.

Pag-uwi ko, sumalubong ang nanay ko sa maliit naming bahay. May amoy ng tinolang manok, at ramdam agad ang init ng kusina.

“Anak, kumusta duty?”

“Same old. May drama, may comedy, may action. Complete package,Nay.”

Ngumiti siya pero bakas ang pagod. Nagtitinda lang siya ng gulay sa palengke. Ako ang breadwinner.

“Nak, may nagtanong sa akin kanina. Sabi daw, may opening for private nurse. Malaki daw ang sahod.”

Napahinto ako sa paghuhubad ng sapatos. “Private nurse? Saan daw?”

“Hindi ko alam kung totoo, pero sabi sa isang malaking pamilya. Zubiri daw ang apelyido.”

Parang biglang may humigop ng hangin mula sa dibdib ko. Zubiri. The name I hated.

“Hindi ko tatanggapin,” sagot ko agad.

“Pero anak—”

“Ma, kahit malaki pa sweldo, hindi ko kayang maging alipin ng mga Zubiri. Hindi ko sila makakalimutan. Hindi ko sila mapapatawad.”

Tahimik si Nanay. Sa mata niya, alam kong gusto niyang ipilit. Pero hinayaan niya ako. At ako, kahit sa puso ko curious ako, pinilit kong maging matatag.

Kinabukasan, duty ulit. Pagpasok ko sa ward, sinalubong ako ng head nurse.

“Stefanie, office. Now.”

Napakunot ako ng noo. Naku, may ginawa ba akong mali?

Pagpasok ko, naroon ang isang babae. Elegante, naka-pearl necklace, parang hindi bagay sa amoy ospital. Nakatingin siya diretso sa akin, parang scanner na dumadaan sa kaluluwa ko.

“Miss Stefanie Rivera?” tanong niya.

“Yes, ma’am?”

“Ako si Ms. Cruz. Representative ako ng Zubiri family. Gusto ka sanang kunin ni Doña Beatriz bilang private nurse.”

Pakiramdam ko bumalik ang lahat ng kinikimkim kong galit. Ang Zubiri. Muli silang nasa harap ko.

Huminga ako nang malalim. “Pasensya na po. Hindi ako interesado.”

Kita ko ang gulat sa mukha ng head nurse ko. Kita ko rin ang bahagyang ngisi ng babae.

“Sigurado ka, Miss Rivera? Hindi lahat nabibigyan ng ganitong oportunidad. Doña Beatriz doesn’t usually handpick nurses. Rare ito.”

“Sigurado po ako,” matigas kong sagot.

Pero sa loob-loob ko, may kumikiliti. Bakit ako? At bakit ngayon?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Angelkate
Interesting story! Next chapter please
2025-08-30 03:01:37
0
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status