NAPAG-USAPAN NA NILANG mag-asawa nang masinsinan ang tungkol kay Bethany matapos na ilang araw na pumanaw si Nancy. Nagkaroon na rin naman ng linaw ang isipan ni Estellita na nagbago ang pananaw sa pagkawala ng tinuring nilang anak. “Ano pa bang magagawa ko kung hindi ang tanggapin ang anak mo sa ibang babae?”Himalang biglang hindi na siya galit kay Bethany at si Nancy ang nagpa-realize noon sa kanya bago ito tuluyang mawala sa mundo kung kaya ngayon balewala na lang sa kanya ang existence ng anak ng asawa sa iba. Kung noon halos putukan siya ng ugat sa ulo sa sobrang galit, ngayon masama pa rin naman ang ugali niya pero nabawas-bawasan. Isa pa, matagal na panahon na ‘ring wala ang ina ni Bethany at nasa piling pa rin naman niya ngayon si Mr. Conley. May asawa na rin si Bethany kaya kakarampot na lang namang atensyon at oras ang hihingiin nito dahil may sarili na itong pamilya na kailangan niyang pagtuonan ng pansin. Iyon na lang ang inisip ni Estellita na malaki rin ang natulong.
MULI LANG TUMANGO si Giovanni sa sinasabi ni Bethany. Hindi niya alam kung bakit napunta kay Briel ang kanilang usapan pero mabiti na ‘yun keysa naman tungkol sa anak ng pamangkin ang topic nila o sa aksidente ng kanyang asawa. Nadudurog ang puso niya sa sakit na nakabalatay sa mga mata ng pamangkin na wala siyang anumang magawa. Dito pa lang hindi na niya kaya, paano pa kaya kapag umabot sa kaalaman nito ang nangyari kay Gavin?“Kailangan mong magpalakas at magpagaling para naman pwede ka ng makalabas ng silid at matanaw mo ang inyong anak kahit sa labas lang. Hindi siya pwedeng dalhin dito dahil naka-incubator, pero okay naman siya doon. Kaka-check ko lang kanina.”Tumitig ang mga mata ni Bethany sa tiyuhin. Hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan nila ang anak dahil naiiyak na naman siya. Para tuloy gusto niyang hilingin sa tiyuhin na tawagan si Gavin dahil gusto niya itong makausap pero natatakot siya na magalit ito. Hindi pa siya handa. Magtitiis na lang siya muna. Itinatak niy
HINDI NA HININTAY pa ni Giovanni ang sagot ng pamangkin at nagkukumahog na siyang lumabas nang makita ang lalaking nagbigay ng matinding sakit sa kapatid niyang si Beverly at sumira sa buhay nito. Maingat niya pang hinila ang pintuan ng silid upang isara nang sa ganun ay hindi marinig ng pamangkin niya ang paninita niya sa musikero.“Anong ginagawa mo dito? May lakas ka pa talagang pumunta at magpakita? Ngayon mo pa lang naisipan ha? Ilang dekada na ang lumipas!” bulalas niya sa may kontrol ba boses upang huwag iyong marinig ng pamangkin sa loob. Uundayan na sana ito ng parang bakal sa tigas na kamao ni Giovanni ng pumagitna si Mr. Dankworth.“Governor Bianchi, ako ang nagpapunta sa kanya dito. Bilang ama ng pamangkin mo, nag-aalala din siya sa kalagayan ng manugang ko. Tao siyang pumunta dito, sana ay pakiharapan mo ng ayos. Hindi ikaw ang sadya niya kaya pumunta dito, si Bethany ang gusto niyang makausap. Kung anuman ang alitan o problema nilang mag-ama. Labas ka na. Labas na tayo.
HUMIGPIT PA ANG yakap ni Mr. Conley sa anak habang nakaawang ang kanyang bibig at patuloy na bumabagsak ang mga luha. Hindi niya alam kung ano pa ang mga salitang sasabihin niya. Masyado siyang na-overwhelm ng mga kaganapan. Napakabuti talaga ng puso ng kanyang anak na alam niyang nagmana sa ina nitong si Beverly. Walang kasing-ligaya ang puso niya sa mga sandaling iyon na naisip niya na pwede na siyang kunin ng langit kung gugustuhin nito. Hindi niya batid kung sa saya ba iyon o dahil sa gumaan na ang pakiramdam niya na matagal-tagal na rin niyang dala-dala. Sumilid sa isipan ni Mr. Conley na marami man silang hindi nagawa noong kabataan ng anak, tama naman ito, makakabawi pa sila, mayroon pang pag-asa at napakarami pa nilang panahon at pagkakataon para gawin iyon.“Babawi ang Papa, hmm, Thanie? Sisiguraduhin ko na makakabawi ako sa’yo at susulitin natin ang mga panahong hindi mo ako nakasama, anak.” marahang haplos pa ni Mr. Conley sa ulo ni Bethany na marahan na niyang hinalikan.D
MAPANURING PINAGMASDAN NI Mr. Conley ng dalawang pares ng kanyang mga mata ang anak nang makita niyang maingat na ibinaba nito ang dalawa niyang binti ng kama at mabagal na sinuot na ang kanyang tsinelas. Hindi niya naman maisip na gagamit ito ng banyo dahil kakabalik lang naman nito halos. Sa mga oras na iyon ay dapat nagpapahinga ang anak gaya na lang ng bilin ng doctor sa kanya upang tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang pakiramdam. Hinagilap niya ang mga mata ni Bethany na nang mahanap ni Mr. Conley ay maliit lang na ngumiti pero hindi naman ito nagsalita kung saan papunta.“Saan ka, Bethany?” hindi na nakatiis ay tanong niya sa anak, hindi naman masamang magtanong.“Sisilip lang po ako kay Gabe, Papa. Mabilis lang kasi ako doon kaninang umaga. Babalik din po ako agad.” “Ganun?” Tumayo si Mr. Conley. Palagi niyang sinasamahan doon ang anak kaya sanay na siya sa dahilan nito.“Samahan na kita—” “Huwag na po. Dito na lang kayo sa kwarto. Promise, babalik din ako agad.” “Sigurad
NANIGAS NA ANG katawan doon ni Bethany nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Gavin. Di siya nananaginip. Totoong nasa harapan ang asawa. Hindi niya inaasahan na sa araw na iyon ay muli niya itong makikita. Sa mismong tapat kung nasaan ang kanilang anak. Ang buong akala niya ay matatagalan pa bago ito makauwi ng bansa dahil suspended ang flight. Hindi rin niya inaasahan ang kung anong hitsura nito ngayon. Hindi sa ganong paraan. Ang daming galos sa kanyang mukha, may bangas pa siya sa noo. Putok din ang gilid ng kanyang labi. Napaawang na ang kanyang labi. Bigla siyang natulala ng ilang segundo sa kawalan lalo na nang paulit-ulit na dumadaan ang hitsura nito sa kanyang balintataw. Parang binagsakan ng bato ang kanyang dibdib. Binalikan niya sa isipan ang huling imahe ng asawa noong inihatid niya ito sa airport. Hindi ganito noon ang mukha ng asawa niyang nakayakap sa kanya ngayon. Ibang-iba. At ang makita ito ngayon, parang nahahati ang kanyang puso na sobrang nasasaktan nagyon
MAGKATULONG NA NAGPALIWANAG sina Mrs. Dankworth at Mr. Conley kay Bethany kung bakit hindi nila ipinaalam sa kanya agad ang tunay na nangyari kay Gavin, ngunit nang parang hindi iyon naging sapat sa mukhang ipinapakita niya sa kanila. Magkatabing nakaupo ang mag-asawa sa kama, magkahawak ng kamay habang nasa sofa naman si Mrs. Dankworth at nakatayo naman si Mr. Conley hindi kalayuan sa kanila. Nanatili pa ‘ring tahimik si Bethany kahit na nasabi na nila ang lahat, ganun din si Gavin na hindi man lang nagsalita upang sumabat sa pagpapaliwanag kahit una niyang nalaman ang tungkol dito. “Naku, hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi namin hija?” si Mrs. Dankworth na hindi na mapalagay sa reaction ng manugang. Wala kasing anumang emosyon ito. “Hindi ka namin niloloko, Bethany. Sa katunayan ay alam din ito ng Tito Giovanni mo at siya pa nga mismo ang nag-propose na huwag munang sabihin sa’yo nang dahil sa kalagayan mo. Ayaw naming makaapekto ‘to sa paggaling mo. Ayaw namin na mas lumala ang
TINANGGAP NAMAN AGAD ni Bethany ang cellphone upang kausapin ang kanyang tiyuhin. Nagpaliwanag naman agad si Giovanni kahit na nawiwindang pa sa kabilang linya nang dahil kay Briel na may-ari ng cellphone na gamit ng pamangkin. Inako niya ang lahat ng desisyon na hindi naman sinalungat ni Bethany. kagaya kanina ay pinakinggan niya iyong mabuti. Tinimbang ang sitwasyon nila. Nakahinga nang maluwag sina Mrs. Dankworth at Mr. Conley na para bang nabunutan ng tinik sa kanilang dibdib. Hindi na rin nagtagal pa ang usapan ng mag-tiyo dahil ani Giovanni ay marami siya ngayong trabaho na totoo naman.“Salamat, Briel…” “You’re welcome.” tanggap ni Briel sa kanyang cellphone nang hindi tumitingin sa kanyang hipag.Nang araw din na ‘yun ay pilit na nagpalipat si Gavin sa silid ng kanyang asawa upang makasama niya ito. Hindi naman ipinagkait iyon ng hospital sa kanila. Bumalik sila ng NICU ng hapon ng araw na iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Gavin ang kanyang anak. Hindi niya mapigilang b
KASALUKUYANG WALA DOON ang mag-asawang Dankworth kung kaya naman silang mag-anak lang ang kumain ng sabay-sabay ng lunch. Matapos noon ay tumambay na silang tatlo sa kwarto ni Briel. Nilaro ni Giovanni si Brian nang nilaro kung kaya naman nang mapagod ay mahimbing itong nakatulog. Pagkakataon na sinamantala ng dating Gobernador na bumawi kay Briel. Hindi naman na doon nagpatumpik-tumpik pa si Briel na isang haplos lang ni Giovanni sa kanyang mga hita na may kasamang malalim na mga halik, tuluyan na naman siyang nawala dito sa ulirat. Muling pinagbigyan ang kagustuhan ni Giovanni na angkinin ang kanyang sarili na pareho rin naman nilang na-enjoy.“Hindi ako natutuwa na pinapaghintay mo na naman ako. Kami.” paglalabas ni Briel ng kanyang saloobin matapos na ayusin ni Giovanni ang nakabalot na comforter sa kanilang walang saplot na katawan na nasa ilalim nito. “Narinig mo?” Gumalaw ang adams apple ni Giovanni at lumalim ang hinga na hindi nakatakas sa pandinig ni Briel. “Alam ko naman
NAPANATAG NA ANG loob ni Briel sa kanyang narinig. Namasa pa ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa labis na galak. Hindi maikakaila na excited na siya sa araw ng gagawing pagbaba ni Giovanni kahit na hindi pa man lumilipas ang isang araw mula ng kanilang pagkikita. Parang ang tagal na ng huli sa paraan ng kanilang pag-uusap na dalawa.“Sabi mo iyan ha? Baka paasahin mo na naman ako.” “Hindi ko iyon gagawin.” malambing na sagot ni Giovanni upang bigyan ng assurance si Briel sa kanyang sinabi. Hindi na rin nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil sa paglalim ng gabi. Bukod doon ay nakaramdam na rin sila ng antok. Ang marinig iyon ni Briel ay naging kampante ang kanyang puso at nagdesisyon na hindi na lang mag-isip nang kung ano hanggang makababa ng Maynila si Giovanni. Nang sumapit ang araw ng pagbaba nito ay nakatanggap si Briel ng tawag mula sa kanya. Ganun na lang ang panghihina niya nang malamang hindi umano ito matutuloy na bumaba. Iyon na nga ba ang mali at negatibong iniisip niya
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu