LOGINBRYSON’S FINGERS GENTLY traced the edge of the dining table, the back of the sofa, and every nook and cranny Piper had touched before. His mind went back to that night. He hadn't truly possessed her. They did not have sex. Ni hindi nga niya ginalugad at hinawakan ang buong katawan ng dating nobya. Tanging halik lang at mga yakap na mahigpit ito sa babae.“Kumusta na kaya siya ngayon?” Bryson had witnessed the relationships between his parents, Gabe, and Atticus since he was a child, and he'd assumed that if a woman agreed to let a man touch her body, it meant she loved him. Ngunit napatunayan niyang kasinungalingan pala iyon dahil kinabukasan ay naglaho itong parang bula. Ang taas pa naman ng expectation niya sa mangyayari sa kanila pagkatapos ng gabing iyon. Buong akala niya ay magkakaroon ng malalang pagbabago iyon or improvement din.“Kalimutan mo na kasi siya. Bakit mo pa siya pinaglalaanan ng oras at panahon?” kastigo niya sa kanyang sarili.Sa loob ng sasakyan siya natulog ng g
AWTOMATIKONG NGUMITI SI Piper at masiglang lumapit na sa kanilang banda. Iwinaglit niya ang patuloy na naririnig na balita sa TV tungkol sa lalaking minahal niya at patuloy na minamahal pa rin. Minsan, cashier siya, minsan nasa bar at madalas na nasa floor upang mag-assist ng mga customer at maglinis ng mga tables. Okay lang naman iyon sa kanya. Magaan naman din ang kanyang trabaho. Hindi sobrang bigat to the point na mababalda ang kanyang katawang lupa. Wala siyang pili sa trabahong alam niyang binibigyan siya ng pera na pang-sustento sa araw-araw niyang pamumuhay.“Thank you, Miss.” “You’re welcome po.” Piper was careful and conscientious in her work kung kaya naman gustong-gusto siya ng kanilang boss. Hindi rin naman siya lugi sa sweldo na binibigay sa kanya ng may-ari ng shop. Iba pa an tip na kanyang natatanggap na centralized at personalized. Ganun pa man, pinili pa rin niyang maghanap pa ng isang trabaho dahil sa libre niya pang mga oras after dito. Pagkatapos niya sa shop na
PINANLIITAN SIYA NG mga mata ng ama na para bang sinasabing hindi siya naniniwala na wala siyang masamang ginawa. Ilang beses pang iniiling ng matandang lalaki ang kanyang ulo sa anak na kumikibot-kibot na rin doon ang bibig.“Hindi ako naniniwala. Baka naman ginamitan mo ng dahas at natakot sa’yo kung kaya biglang nag-resign?” Ayaw na iyong pag-usapan ni Bryson kung kaya naman binago na niya ang kanilang paksa. Patuloy siyang nasasaktan.“Dad? Hindi ka pa ba aalis? Akala ko ba may golf appointment ka? Late ka na.”Napatingin na si Gavin sa kanyang pangbisig na relo. Kapagdaka ay tinango na ang ulo at nawala na sa una nilang topic.“Oo nga, dumaan lang ako para sabihin sa’yo na sumabay ka sa amin mag-dinner mamaya. Family dinner natin iyon.” “Okay, Dad. Send mo sa akin ang address. Pupunta ako.”Wala ng ibang sinabi pa si Gavin na nagpaalam na sa anak. Naiwan si Bryson sa mas tumahimik na loob ng opisina niya. Nanatili siya doon hanggang makatanggap ng message mula sa kanyang Ate Ga
WALA SA SARILING napahilamos na si Bryson sa kanyang mukha. Nag-sink in na sa isipan na masamang pangitain iyon dahil baka lumayas na naman ang babae, mali, tumakas na naman ito at sa pagkakataong iyon ay siya na ang dahilan nito.Nag-AWOL ba si Piper nang dahil sa kanyang mga sinabi at ginawa kagabi? Hindi niya alam kung iyon nga ang rason nito.“Kailan pa ho siya umalis?” “Kagabi. Naloka nga ako at hatinggabi nang magpaalam. Good payer naman siya kaya wala akong reklamo.”“Wala po ba siyang iniwan na sulat man lang o resignation letter kung sakaling may maghanap sa kanya?” tanong ni Bryson na umaasang mayroon man lang, sa mga sandaling iyon ay bagsak na ang kanyang magkabilang mga balikat. “Wala naman siyang iniwan. Sandali, ikaw ba ang amo?” Tumango si Bryson. “Oho, ako nga. Pinuntahan ko siya dito ngayon at late na ay wala pa sa opisina.” “Baka naman e-email na lang niya sa’yo?” Kinuha ni Bryson ang kanyang cellphone at nag-scroll na sa kanyang company email. Umaasa siyang p
ALAM NI BRYSON na pipiliin ng kanyang mga magulang ang magiging kaligayahan niya. Ano naman kung dating naging fiancee ng kanyang pinsan si Piper? Mahalaga pa ba iyon ngayon? Saka hindi nga doon nag-react ang kapatid niyang si Gabe na unang nakaalam na may ibang namamagitan sa kanilang dalawa. Malamang ay ganun din ang magulang niya.“Narinig mo ang sinabi ko, Piper?” malumanay pa ang boses na tanong ni Bryson na nakatingin na sa kanya.Gumalaw ang labi ni Piper. Nais na magbigay ng opinyon o mag-protesta sa ipinipilit ni Bryson na mangyari ngayon.“Huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko Sir, kung hindi mo ako pakikinggan siguro ang mabuti pa ay simulan mo ng maghanap ng magiging kapalit ko.” hindi iyon pagbabanta ngunit pakiusap ni Piper sa kanyang nahihirapang tinig.Gulantang ang buong katawan na tiningnan siya ni Bryson. Nakikita niya sa mukha ni Piper na hindi ito basta nagbabanta. Seryoso ang kanyang mukha na parang ang sinabi ay tanging paraan na lang ng babae upang mag-su
MALAKAS NA HUMALAY sa apat na sulok ng apartment na iyon ang tunog ng maligayang halakhak ni Bryson nang dahil sa naging reaction ni Piper sa kanyang ginawa. Kumibot na ang kanyang bibig habang nakatitig pa rin sa mukha ni Piper. Sa kanyang isipan ay hindi niya mapigilang balikan ang kanilang nakaraan kung saan ay masaya silang nagmamahalan. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ni Piper noon o kung siya lang ang pinili nilang lalaki para sa babae, marahil ay masaya na silang namumuhay ng mga sandaling iyon. Baka nga, nakailang anak na rin sila. Kababata ng mga pamangkin.“Do you miss me?” walang kurap na binabasa ang sariling labing tanong ni Bryson. Puno ng pananabik at pag-asa ang kanyang mga matang bibigyan iyon ng sagot ni Piper na pulang-pula na ang mukha. Lumakas pa ang buhos ng paglabas ng kanyang dugo. Hindi niya alam kung tama bang sagutin niya ang katanungan nito. Ang tanging nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay ang katawan niyang traydor na nais itong gantihan na do







