Share

Chapter 31.3

last update Last Updated: 2025-03-11 22:48:11

HINDI NAMAN NA iyon inulit ng secretary na matapos pagmasdan ang reaction ni Giovanni ay piniling manahimik na lang at huwag ng guluhin pa ang nananahimik na Gobernador na ang magkabilang tainga ay nasa table nina Briel. Nasa kalahati na ang kape ng Gobernador nang biglang may sumigaw at bumulabog sa mga customer na ini-enjoy ang hapong iyon. Nabaling na ang mga mata nila sa kanya.

“Gabriella!”

Napalingon na si Giovanni sa pinanggalingan ng tinig na bukana ng coffee shop hindi dahil sa lakas noon kundi dahil sa pangalan na kanyang sinabi. Isang matangkad na lalaki ang pumasok doon at direktang nakatingin na sa table nina Briel na halata ang galit na nakabakas sa kanyang mukha. Noong panahong iyon ay hindi niya pa kilala kung sino iyon, kung hindi pa dahil sa secretary niya ay hindi niya malalaman na ang dating nobyo pala iyon ng pamangkin niyang si Bethany na sa mga sandaling iyon naman ay fiance din ng bunsong anak ng mga Dankworth. Medyo napaangat ang kilay ni Giovanni doon. Masyad
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
wow nagkita na pala sila noon thanks sa update miss a
goodnovel comment avatar
Gelay Velasquez Orqueza
aaayyyy nakaka kilig ang simula Nila briel at gov ..., more more updates pa Miss A ..., salamat ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.2

    PAGBALIK NILA NG villa ay sinalubong sila ng ilang mga kasambahay. Kinarga ni Gabe si Haya, samantalang si Hunter naman ang kinuha ni Atticus. Namumula pa noon ang kanyang mga mata ngunit walang sinuman ang pumuna. Kinuha ng isa sa mga kasambahay si Otso. Hinintay ng mag-asawa na isara ng maid ang sasakyan bago sila tuluyang pumasok sa loob ng villa. Diretso sila sa master bedroom upang ihiga ang mga anak na problema na agad ni Gabe kung paano papalitan ng damit at papainumin ng gamot gayong himbing na himbing na ang tulog nilang magkapatid ngayon. Hindi naman pwede na hindi sila uminom ng gamot dahil baka kung ano ang mangyari sakaling mag-skip sila nito ngayon.“Kailangan ba talaga natin silang gisingin, Gabe?” “Oo, kailangan…” sagot ni Gabe na kinuha na ang bote ng gamot ng mga bata. Kumuha na rin siya ng tubig nila. “Paano kung mag-alboroto?” “Ganun talaga ang mangyayari, pero hindi pwede ang hindi.” muli pang turan ni Gabe na desidido sa mga sinabi niya.Naupo si Gabe sa gilid

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.1

    MATAPOS ANG ILANG minuto nilang titigan ni Gabe nang dahil sa kanyang sinabi ay sinulyapan na ni Atticus ang kambal na pilit na lang dinidilat ang kanilang mga mata upang manatiling gising. Mahina siyang natawa nang makitang ubos na ubos ang energy ng dalawang bata. Sigurado siyang pagdating nila ng villa ay himbing na ang tulog ng mga bata. “Ibang-iba ang paraan ng celebration niyo ng law firm event sa celebration ng company na hinahawakan ko.” Mahinang natawa na lang si Gabe na bahagyang iniiling ang kanyang ulo. “Sobrang interesting lang. Masasabi ko na ang event talaga ng mga company ay base kung ano ang trabaho niyo.” Binuhay na ni Atticus ang makina ng sasakyan at humanda ng umalis sa venue. Marami pa sa mga employee ang naiwan upang ituloy ang celebration. “Ganun talaga. Since mga abogado at abogada kami, malamang puro about cases ang aming mga usapan.” “Exactly, Gabe.” “Bagay na alam kong hindi mo enjoy, Atticus. Huwag ka ng magpanggap. How could someone like you find A

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.4

    DINAAN NA LANG ni Atticus ang sagot niya sa tanong ni Gabe sa mahinang tawa. Iginala na rin niya ang mga mata sa venue upang hanapin kung nasaan ang kanilang mga anak na naroon lang naman sa paligid at nagbibigay ng kakaibang aliw at saya sa mga employee. Wiling-wili sila sa pagiging bibo ng dalawang bata. Katunayan nga, ang kambal ang naging center of attraction ng event na iyon na dapat sana ay nakasentro sa husay at galing ng employees ng Worthy Law Firm.“Tingnan mo ang mga anak natin oh, halatang enjoy na enjoy…akala mo ay laging nagtutungo sa mga ganitong event.” Si Gabe naman ang natawa sa tinurang iyon ni Atticus na ginamit pa talaga ang mga anak nila upang huwag lang sagutin ang kanyang katanungan. Pasimpleng pinanliitan na niya ito ng kanyang mga mata. Napaiwas pa nito si Atticus sa kanya.“Wala talaga akong plano, kita mo ngang kasama namin si Otso.” hindi nakatiis ay tugon ni Fourth dahil alam niyang hindi siya titigilan ng asawa, “Kung mula umpisa na plano naming sumama,

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.3

    BUMITAK NA SA isang maligayang ngiti ang labi ni Atticus at bumitaw na sa kanyang pagkakahawak sa kamay.“Sorry,” bitaw ni Atticus sa kanyang isang kamay at muling inihawak iyon sa manibela. “Gusto ko lang naman malaman.”“Masyado ka namang tsismoso.” When they arrived at the venue, Atticus parked the car and got out to open the door for Gabe. Eleganteng bumaba naman doon ang kanyang asawa. Ang usapan nila ay ihahatid lang nila si Gabe, ngunit deep inside ay hinihiling ng lalaki na sana ay isama sila ni Gabe. Mukha rin naman silang presentableng mag-aama kahit halatang hindi napaghandaan ang event. Nakadungaw na ang dalawang bata sa bintana, nakatunghay sa kanilang mag-asawa. Hindi nangungulit na bumaba dahil na-brief na sila ni Atticus na hindi sila kasama sa event habang wala si Gabe. Binanggit niyang ang Mommy lang nila ito.“Huwag mo na akong ihatid sa loob. Ako na lang ang papasok mag-isa. Mag-ingat kayo ng mga bata pauwi.” Bumagsak na ang magkabilang balikat ni Atticus. Tuluya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.2

    AYAW MAGPAKITA NG kahinaan ni Gabe sa harap ni Atticus at baka kung ano pa ang maisipan nitong gawin sa kanya. Gaya ng baka bigla na naman siya nitong buhatin na kung i-trato siya ay parang lumpo, kaya't itinuwid niya ang kanyang likod habang nakahawak sa magkabilang gilid ng beywang. A soft chuckle coming from behind her. Saan pa nga ba galing iyon? Kay Atticus na pinapanood lang siyang mabuti doon.“You need my help?” “Hindi na. Anong tingin mo sa akin, lumpo?” Tumawa lang si Atticus at hindi na pinatulan ang tanong ng asawa. In the bathroom, Gabe brushed her teeth vigorously. Siguro dahil sa mabuting ugali niyang pinakita buong tanghali hanggang hapon, kinagabihan, tinanong siya ni Atticus. “Hindi ba at may handaan sa selebrasyon sa law firm? Hindi ka ba pupunta?”Nakaupo si Gabe sa sofa, panaka-naka ang sulyap sa screen ng hawak niyang cellphone habang ang kanilang mga anak ay naglalaro sa kanyang harapan ng kanilang alagang asong si Otso. Kakalabas lang noon ni Atticus galing

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.1

    SA HALIP NA sundin ni Fourth ang hiling ng asawa ay minabuti niyang sumampa ng kama at mahigpit na yumakap sa katawan ni Gabe na nanigas na. Ipinahinga ni Atticus ang kanyang baba sa balikat nito, bahagyang nilaro-laro ang kanyang leeg gamit lang ang mainit niyang hininga. Mariing nakagat na ni Gabe ang kanyang pang-ibabang labi noon. “Sige, tulog ka lang. Yakap lang ako dito.” “F-Fourth…” namamalat na ang boses ni Gabe. Napangiti na noon ang lalaki dahil alam niyang nagtagumpay siyang kulitin ito, hindi siya magagawang itaboy ng asawa.“Hmm? Mayroon ka bang nais na sabihin sa akin?” Hinila ni Gabe ang kumot para takpan ang kanyang ulo. Nais niyang itago ang nag-iinit na niyang mukha.Paano niya ba itataboy ang asawa kung alam niya sa kanyang sarili na nais niya rin ang ginagawa nito sa kanya?Marahang humagikgik si Atticus, pagkatapos ay bahagyang kinuskos ang ilong sa leeg niya habang bumubulong pa ito.“O ‘di kaya ay nais na gawin?” harot pa ni Atticus na gumapang na ang dalaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status