HINDI NA TUMUTOL PA doon si Briel dahil why not? Gusto lang nitong siguraduhin na ligtas siyang makakauwi. Hinayaan niyang ito na ang magdesisyon tutal hindi rin naman siya mananalo kahit pa subukan niyang kaya naman niyang harapin si Albert kung sakaling hihintayin siya nito kung nasaan ang kanyang sasakyan naka-park ngayon. Hahaba lang ang kanilang magiging usapan. Pagbibigyan na lang niya ito. “Paki-imbestigahan ang Albert Montoya na iyan!” mariing utos ni Giovanni sa kanyang secretary na dinig na dinig ni Briel nang makapasok na sila ng suite, hindi niya inaasahan na hindi pa pala sila tapos doon. “Kung sakaling mayroon kang baho na makita, ilabas niyo. Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Siya na nga ang may kasalanan at nakasakit ng iba, siya pa talaga ang may ganang magmatapang? Tingnan natin kung hanggang saan siya aabot ngayon! Imposible na wala kayong mahahanap na baho ng lalaking iyon!” Hindi na magawang kumalma ni Giovanni lalo pa nang marinig niya ang mga sinabi nito k
DUMIRETSO NG KUSINA si Briel matapos na batiin ang ama na tumango lang naman sa kanya. Muling binalikan ang kanyang mga narinig. Kung hindi ang kanyang kapatid ang may gawa noon kay Albert, ang Gobernador ba ang may gawa noon? Hindi niya makalimutan ang mga banta ni Giovanni kay Albert. Bigla tuloy nais niyang makita si Giovanni upang siguraduhin kung ito nga ba ang may gawa noon. Gumayak na siya matapos na uminom ng tubig. Ni hindi siya kumain ng agahan at nag-drive na patungo sa hotel kung saan naka-check in ang Gobernador. Hindi niya alam kung ano ang mga sasabihin niya kapag nagkita na sila, malamang magugulat itong naroroon na naman siya. Ganunpaman, hindi pa rin siya dito nagpapigil. “Bahala na mamaya kung ano ang idadahilan ko, basta gusto ko siyang makita…” Ilang beses na siyang nakapunta doon kung kaya naman dire-diretso na siya sa elevator. Ni hindi na rin siya sinita ng nasa front desk dahil mukhang nakilala na siya. Pagdating niya sa harap ng pintuan ng suite ay makailan
NA-CURIOUS NA ANG isipan ng aktres na si Paloma kung sino ang tinutukoy ng assistant na sponsor umano niya at the same time ay bahagi ng fans club niya. Hinubad niya ang kanyang dress upang magpalit nang mas komportableng damit at kapagdaka ay prenteng naupo na sa inilaang upuan sa kanya. Dume-kwatro pa ang aktres at kinuha ang tubig niya sa gilid upang uminom. Hindi niya inalis ang kanyang mga mata sa kausap na assistant habang tumutungga sa bote ng kanyang tubig. Hinintay itong matapos ng assistant. Alam niyang tatanungin siya nito kung sino ang kanyang tinutukoy na napaghandaan na niya.“Sino?” “Galing sa pamilyang Dankworth, Miss Paloma. Kilala mo naman marahila ng pamilyang iyon di ba? Bigyan kita ng ibang details. Ang panganay nilang anak ay top 1 sa legal world na si Attorney Dankworth. Nito lang ng ikasal siya doon sa pamangkin na babae ni Governor Bianchi.” matatas na pagbabalita ng kanyang assistant upang agad na maintindihan ni Paloma, naging malinaw naman iyon sa pandinig
MARAHANG BUMUKAS ANG pintuan at naunang tumambad ang nasa loob noon sa mga mata ni Briel. Nakapagpalit na ng damit si Paloma na mas nadepina pa ang magandang hubog ng katawan. Hindi iyon ang nagpahati ng bibig ni Briel kung hindi ang pwesto nitong nakakandong sa isang lalaki na kilalang-kilala niya ang hubog ng katawan kahit na bahagyang natatakpan iyon ng payat na katawan ni Paloma. Hindi siya maaaring magkamali. Kawangis ng nilamukos na papel ang puso ni Briel na nahiwa ng milyong piraso lalo pa nang bumaba ang mga mata niya sa nakayakap na braso ng lalaki sa beywang ng aktres. Sa puntong iyon, parang binuhusan na siya ng malamig na tubig. Nahigit na rin niya ang kanyang hininga. Kahit sinong makakita sa kanilang anggulong iyon, iisiping mayroong ibang namamagitan sa kanila. Tanga lang ang maniniwalang wala. Uto-uto lang ang aastang normal na gawain iyon ng isang lalaki at babae.“Miss Paloma…” muling untag ng assistant ngunit parang bingi itong humaling ap rin kay Giovanni.Nanghin
HUMALAKHAK NA DOON si Paloma kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ni Giovanni. Kinuha na ang isang braso ng Governor at umangkla na ang isa niyang braso dito. Para sa kanya ay paglalambing ito. Sinundan iyon ng mga mata ni Briel, ngunit nang hindi niya matagalan ay iniiwas na doon ang paningin.“Ito naman ang KJ mo pa rin talaga kahit kailan, nagbibiro lang naman ako. Nagpapabebe.” Nilamukos pa ang puso ni Briel ng tanawing iyon lalo na at kumibot ang labi ni Giovanni at biglang ngumiti ng matamis kay Paloma. Iyong tipong ina-admit niyang may pagka-KJ talaga siya kagaya ng sinasabi nito. “Alam mo naman ang gamot ko kahit gaano pa kasakit ng ulo, pumunta ka lang sapat na…” patuloy na lambing ni Paloma na nagawa pang ihilig ang kanyang ulo sa braso ni Giovanni na natameme na roon.Sa bandang huli ay bumuntot pa rin sina Briel, Bethany at Rina at pinagbigyan ang hiling doon ni Paloma. Anumang palusot ni Briel hindi umubra iyon kay Bethany na nais supalpalin ang aktres na kung umas
NAGLAHO NA ANG boses nila sa pandinig ni Giovanni nang isara niya ang pintuan ng silid. Sa halip na lumabas ng restaurant at gawin ang kanyang pagpapanggap na dahilan ay tinalunton niya ang daan patungo ng banyo. Iisa lang ang banyo doon, kung kaya naman nang makita niya sa bukas na pintuan si Briel na nasa harap ng salamin na mukhang umiiyak ay mabilis na siyang pumasok. Isinara na ang pinto. Hindi na siya nag-isip pa na may mga makakakita sa gagawin niya. Grinab na niya ang pagkakataong iyon.“Gabriella…” Hindi siya nilingon ni Briel na napako na ang mga mata sa salamin na nasa kanyang harapan. Malinaw na nakikita niya doon ang bulto ni Giovanni na pumasok ng banyo. Sa halip na mag-panic ay hinayaan niya lang ang lalaki. Humakbang ito palapit sa kanya. Umismid pa si Briel na ipinapakitang nagtatampo siya at wala siyang planong kausapin ang Gobernadaor. Nagkunwari siya na hindi niya nakikita si Giovanni dito.Ano naman kung naroon ang Gobernador? Kailangan bang magtatalon siya sa so
WALANG IMIK NA binuhay na ni Briel ang makina ng sasakyan. Pinaandar na niya iyon matapos na saglit lingunin ang hipag at bigyan ng maliit na ngiti at marahang tango. Magmula ng makipaghiwalay siya kay Albert ay hindi na niya naisip na muling magkakagusto sa ibang lalaki. Papahinga muna siya at magninilay-nilay iyon ang kanyang original na plano, pero parang sinusubok ang pasensya niya na ipinadala agad at nakilala niya ang tiyuhin ng hipag. Hindi naman niya mapigilan ang kanyang sarili dahil patay na patay siya kay Giovanni. Naniniwala siyang may gusto sa kanya ang Gobernador, kung wala hindi niya makikita sa mga mata nito ang malaking concern sa kanya. O baka naman siya lang ang nag-a-assume ng mga iyon?‘Kaso mayroon siyang Paloma na mas malapit ang edad sa kanya!’ hiyaw ng utak niya upang gisingin siya. Iritableng napakamot na si Briel sa kanyang ulo na para bang iyon lang ang paraan niya upang maging kalmado. Hindi na rin niya alam kung saan ilalagay ang kanyang sarili. Masyado
HALOS MAHULOG ANG panga habang nanlalaki na ang mga mata ng Gobernador na agad napatayo. Hindi siya makapaniwala na makikita doon si Briel dahil ang akala niya ay umuwi na ito. Nahanap niya agad ang mga mata ng babae na kahit na malayo ay nakikita niya ang emosyong paiyak na. Parang may humampas na kung anong matigas na bagay sa kanyang puso ng mga sandaling iyon nang dahil sa facial expression ni Briel na kanyang nakikita. Napatingala na rin si Paloma kay Giovanni nang dahil sa biglaang pagtayong ginawa nito. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Sinundan niya ang tinitingnan ng mata nito.“Giovanni…” subok niyang kuha dito ng atensyon dahil hindi niya nagugustuhan ang kanyang expression.Mukhang hindi siya narinig ng Gobernador dahil naka-focus na lang ito ay kay Briel noon. Wlang anu-ano ay humakbang na ang mahahaba niyang binti patungo sa kinaroroonan ni Briel na sinundan na lang ng kuryusong mga mata ni Paloma dahil nagkukumahog itong magtungo doon banda. Doon niya nalaman
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka