MALAYANG ISINANDAL NI Fourth ang kanyang likod sa upuan. Patuloy pa rin siyang naghintay na bumaba si Gabe at lumabas ng building. Dis-oras na iyon ng gabi at dapat nagpapahinga na sila, pero heto sila at nakikipag-deal sa pinili niyang trabaho dahil lang nais na sundan ng babae ang mga yapak ng kanyang ama na isang magaling na abogado noong panahon nito. Saksi ang mga magulang niya at tiyahin sa umano ay galing ng ama ni Gabe noon. Wala ditong sinumang nakakatalo dati.“Tawagan ko na kaya? Baka mamaya kailangan niya ng tulong ko o kung ano pa man.” ilang beses ng tanong ni Fourth iyon na lumabas na ng sasakyan, hindi na siya mapalagay. Makailang beses na niyang sinulyapan ang hawak niyang cellphone. “Baka naman magalit kapag ginawa ko dahil naistorbo ko siya.” hawak niya sa noo, sumandal na sa gilid nito.Napaayos siya ng tayo nang makitang may tumatawag sa kanya ngunit ang kakambal niya lang na si August iyon, malamang ay nalaman na nitong nasa Pilipinas siya ngayon at nais na makip
SUNOD-SUNOD NA TUMIKHIM si Fourth na parang umurong na ang dila sa loob ng kanyang bibig. Gusto niyang mag-explain ngunit hindi mapilit ang sarili. Hindi niya napaghandaan na ganun ang isasagot sa kanya ni Gabe sa simpleng tanong niya lang dito. Maliit pang sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Gabe nang makitang hindi iyon nagustuhan ni Fourth. Malamang, hindi nito inaasahan na sasagot siya dito nang pabalang. Mahal na mahal niya kasi noon ang lalaki. Ang buong akala niya pa nga ginagamit niya lang ito noon dahil ang totoong gusto niya ay ang kapatid nitong panganay na si Uno, ngunit noong tumagal at lumaki na sila, siya pala talaga ang gusto niya. Ito ang kasama niya buong kabataan nila. Malayo ang villa nila sa kanila ngunit nagagawan ng paraan ni Atticus na bigyan siya ng maraming oras. Nakita niya ang effort nito, kaya mas lalo siyang nahulog sa kanya. Throughout her youth, he was the only one she had, and she had given him the best years of her youth. Buong akala niya pa
NANATILING TIKOM ANG bibig ni Fourth na pinaunang lumabas ng pintuan si Gabe habang hawak niya ang dahon noon. Matamang pinanood itong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan bago siya umikot sa driver seat upang lumulan na rin. Kanina pa nangangati ang kanyang bibig na magtanong sa babae ng mga bagay na alam niyang out of line pero nais niyang malaman ang magiging sagot nito sa kanya, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili hanggang sa tuluyan silang makalulan sa loob noon. Kailangan niya munang kumuha doon ng pagkakataon upang hindi rin magalit sa kanya si Gabe.“Lagi ka bang nagtutungo ng bar o mga lugar kung saan pwedeng malayang uminom ng alak?” interesado ang tono ng boses ni Fourth na maaaring e-deadma lang ni Gabe ngunit mataas ang kumpiyansa niyang sasagutin nito ang tanong niya. Panay ang lingon niya sa banda nito habang naglalagay siya ng seatbelt. “Gusto ko lang malaman. Wala akong ibang intensyon sa ginagawang pagtatanong. Huwag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan.” maba
BOOK 4CHOSEN HUSBAND OF GAVINA DANKWORTHSECOND GENERATION/DANKWORTH BABIESGAVINA ‘GABE’ DANKWORTH STORY BLURBMga bata pa lang sina Gavina Dankworth at Atticus Carreon ay pinili na nila ang isa't-isa na hanggang pagtanda nila ay magsasama. Nagsimula man sa away-bata ang pagkabuo ng kanilang relasyon, ngunit iyon ang nagpatatag sa kanilang dalawa na halos hindi mapaghiwalay. Mula sa musmos na mga pangako na ginawa nilang realidad ng buhay noong lumaki na hanggang sa tunay na laban. Subalit, datapwat, sadyang mapaglaro ang Tadhana. Sa gitna ng laban, biglang bumitaw si Fourth. Naiwang luhaan at unwanted si Gabe. Pagkaraan ng ilang taon, bumalik sa bansa si Fourth upang dito na manatili. Pinanghahawakan pa rin niya ang pangako nilang binitawan ni Gabe kahit siya ang unang sumira dito. Paano kung hindi na ito ang babaeng minahal niya noon? Anong kailangan niyang gawin upang maibalik ang dati nitong pag-ibig?Hanggang kailan ang isang Atticus Carreon magmamakaawa at magpapaalipin upan
KUNG PWEDE NGA lang ay hindi pa siya babalik noon sa kumpanya ngunit kailangan lalo na at ang ilan sa mga problema ay hindi makayang i-handle ng secretary niya. “Gusto mo bang sumama sa akin sa office?” “Ano namang gagawin ko doon?” “Wala. Para magkasama pa rin tayo maghapon.” “Kahibangan mo. Ayoko. Baka mamaya niyan wala kang magawang trabaho dahil naroon ako. Dito na lang ako. Hihintayin na lang kita mamayang umuwi.” Sa totoo lang ay nais ni Ceska na tanggapin ang offer ni Brian, iyon nga lang bigla siyang nahiya. Sigurado siya na wala itong magagawa o kung hindi naman ay mabo-bored lang siya.“Sige na nga, agahan ko na lang umuwi mamaya…” Ilang minutong halik at yakap ang iniwan ni Brian bago siya tuluyang umalis ng apartment. Inihatid siya ni Ceska sa may pintuan lang. Hindi niya na ito pinayagan na bumaba pa. Baka mamaya hindi niya mapigilan ang sarili at isama niya ang asawa paalis.“I love you!” malakas na turan pa ni Brian na halatang ganadong-ganado.“I love you too! In
GUMALAW ANG BABAE na idinilat ang mga mata. Una niyang natagpuan ay ang malabong mukha ni Brian na nakabihis na noon ng pang-alis. Nag-inat siya ng dalawa niyang braso habang mataman siyang pinagmamasdan ng kanyang asawa. “M-Morning…” Hinalikan ni Ceska ang bibig ni Brian matapos niyang bumangon at yumakap dito. Pinalis ang hiya kahit walang toothbrush at hilamos ng mukha.“Hindi na kita ginising nang maaga pero may inihanda na akong pagkain. Tulog ka pa. Masyado pa namang maaga. Ginising lang kita para magpaalam ako sa’yo na papasok na ako sa trabaho.” magaan ang kamay na haplos ni Brian sa ulo ni Ceska na makailang beses pang humikab dala ng kulang pa sa tulog ito. “Niluto ko na rin ang lunch mo, nilagay ko sa fridge para iinitin mo na lang mamaya. Iyong breakfast mo nasa table may takip. Pwede kang manood ng TV habang kumakain. Dito muna tayo ng ilang araw sa apartment bago tayo tuluyang bumalik sa villa kung nasaan ang parents ko.”Ang nais ni Brian ay ang hintayin na umakyat ng