MAPANG-AKIT NA INILAPIT ni Albert ang kanyang mukha kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay nagtitimping huwag pumalag at mag-walk out sa harapan ng lalaki. Ayaw niyang hawakan siya ni Albert dahil isipin pa lang na ang parehong kamay nito ay ginamit na panghaplos sa ibang babae ay nandidiri na at kumukulo na agad ang dugo niya. Para itong may virus na ayaw niyang mahawahan siya at dumikit sa balat niya. “Albert, ang dami mo pang sinasabi. Bakit hindi natin pag-usapan na ang mga tuntunin sa kasunduan natin? Huwag mo ng patagalin. Mainipin pa naman ako.” “Ah, oo nga pala. Sige, manatili ka rito ngayong gabi at iisa-isahin natin iyon.”Namula ang mga mata ni Bethany sa sobrang inis. Pilit niyang kinalamaya na mapabuga ng apoy. Kailangan niyang magtimpi. Kailangan niyang patuloy kumalma.“Hindi pwede ang gusto mo Albert. Kailangan kong umuwi ngayong gabi. Walang kasama si Tita sa bahay. At isa pa, hanggat hindi mo ibinibigay ang gusto ko ay hindi ko pa rin susundin ang iuutos mo. Ibig
NAMAMANHID ANG BUONG katawan na patuloy na inihakbang ni Bethany ang mga paa palabas ng bakuran ng villa ni Albert. Gusto na niyang makaalis sa tanaw ng paningin ng lalaki. Hindi niya alintana ang buhos ng lumalakas pang ulan na parang dinadamayan siya ng mga sandaling iyon. Nakadagdag pa iyon upang makaramdam ng pag-iisa at kalungkutan ang dalaga. Kung kanina ay ambon-ambon lang iyon, ngayon naman ay totoo na at mas lumaki pa ang mga butil na bumabagsak. Kumikinang ang bawat patak nito sa kalsadang unti-unting nababasa sa tulong ng mga street lights na nagkalat sa tahimik na mahabang na kalye na walang katao-tao. Maingay na humahalik ang suot na high heels ng dalaga sa malamig na kalsada sa patuloy na paglayo niya sa villa. Kuyom ang mga kamao upang huwag sumambulat ang emosyon niyang kanina niya pa tinitimping mag-umalpas sa kanya. Ilang minuto na siyang naglalakad upang humanap ng masasakyan pauwi ng bahay. Nang ilang segundong tumigil ay naramdaman na ng kanyang mga paa ang masa
MATAPOS NA MAPAKURAP-KURAP ni Bethany upang siguraduhin niyang hindi lang siya namamalikmata at guni-guni ang imahe ng lalakeng kaharap niya ay bumaba ang tingin niya sa isang palad ni Gavin na inilahad nito sa kanya. Hindi siya gumalaw, nanigas na ang buong katawan niya nang mapagtantong hindi lang dahil sa malikot niyang imahinasyon ang nakikita niya. Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Totoong nasa harapan niya si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay gustong itapon ng dalaga ang katawan sa lalaki at magsumbong, ihinga ang lahat ng hinanakit niya at sama ng loob na kinikimkim niya ngunit hindi niya iyon magawa. Naburo pa ang mga mata niya sa kamay nitong nakalahad pa rin na basa na ng ulan.“Poor little thing...” mahinang bulong ni Gavin sabay iling nang mariin habang nakatingin pa rin sa ang malungkot na mga mata nitong puno na ngayon ng awa.Nang hindi pa rin gumalaw si Bethany na ay marahan ng yumukod si Gavin. Ipinahawak ng binata ang tangkay ng payong sa isang kamay ni Bethany
NANGILABOT ANG BUONG kalamnan ni Bethany nang dahil sa madiin at pailalim na paninitig na ibinibigay ni Gavin sa kanya ng mga sandaling iyon. Malagkit na humahagod ang mga mata nito mula sa kanyang ulo pababa ng mga paa na nakakailang na kay Bethany dahil pakiramdam niya ay hubad siya kahit na may suot naman siyang malaking damit nito. Sa halip na mag-reklamo ay ikinapula pa ‘yun ng magkabilang pisngi ni Bethany. Naisip niya kasi ang pinagsaluhan nilang manit na halik kanina habang nasa gitna ng ulan. Hindi niya alam kung patuloy na ba siya ditong nahuhulog o nararamdaman niya lang iyon dahil pakiramdam niya ay mahalaga siya dahil palaging nariyan si Gavin para sa kanya anumang oras na nasa panganib siya at kailangan niya ng tulong. At isa pa, kahit na gumanti siya ng halik hindi dapat ganito ang mga tingin niya. Alam naman ng binatang maiilang siya eh. Oo na, mukha na siyang puno ng kawayang nilagyan ng damit dahil ang laki ng damit nito sa kanya pero para sa kanya ay nakakabastos an
HINDI LANG ANG bagay na iyon ang inaalala ni Bethany dahil paniguradong ngayon pa lang ay iba na ang iniisip ng kanyang madrasta. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa isang lalaki para matulog sa iisang bahay? Wala. Unless, may relasyon sila at palagay ang loob sa bawat isa. At hindi ganun ang relasyon nila ni Gavin. Hindi nga nagkamali doon ang dalaga. Ilang beses na napakurap na ang Ginang na tiningnan pang muli ang screen ng hawak niyang cellphone habang kausap si Gavin dahil baka nagkakamali lang ito. Makailang beses din na kinurot ng matanda ang sarili para makaramdam lang ng sakit at malaman niyang hindi nga siya nananaginip. Totoong kausap niya ang pinakasikat na abogado sa buong bansa at ito ang kasama ni Bethany.“Seryoso ka bang ikaw si Attorney Dankworth?” paglilinaw niya pa na may himig ng pag-aalinlangan kasi baka namali lang siya ng dinig sa pangalang sinabi nito, dinadaya lang siya ng pandinig. “Ang future brother-in-law ng tarantadong si Albert?” walang filter p
SA KABILA NG pagod ni Bethany ay hindi siya dalawin ng antok kahit nakalapat na ang kanyang likod sa kama. Nakailang biling na siya sa higaan upang humanap ng komportableng pwesto ngunit wala siyang makuha kahit na ilang beses niyang sinubukan ‘yun. Subalit sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ginigising siya ng diwa sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng matipuno at makisig na mga braso ni Gavin habang naglalakad ito sa gitna ng buhos ng ulan. Hindi lang iyon, dala ng kanyang malikot na imahinasyon ay naririnig niya rin ang nakakakilig na malambing na pagtawag ni Gavin sa kanyang pangalan nang paulit-ulit dahilan upang ang diwa niya ay mas magising pa at itaboy ang antok niya. “Waaah! Ano ba? Patulugin mo naman ako! Patulugin mo ako!” bulalas niyang nagtakip pa ng kumot sa mukha upang itago ang kilig na nakabalandra sa kanyang mukha na tanging siya lang naman ang nakakaramdam at nakakakita, mas naging gwapo pa sa paningin niya si Gavin. Para itong hero niya in shining armor dahil p
SA SOBRANG KABA ay hindi na malaman ni Bethany kung ano ang tamang gagawin at matinong iisipin sa mga sandaling iyon. Natatakot siya na nae-excite kung kaya naman hindi niya mapigilang mangatal ang katawan sa patuloy na ginagawa nilang halikan ni Gavin na hindi niya alam kung saan sila dadalhin o hahantong kapag hindi pa nila iyon tinigilan. Namawis na ang mga palad ni Bethany na sign na mas naging kabado pa siya. Sa kabilang banda ay mas lumalim pa ang emosyon ni Gavin na tuluyan nang nilamon ng kanyang init na nararamdaman. Nang pareho na silang nawawala sa sarili nang dahil sa kapusukan ay biglang napadaing ng mahina si Bethany dahilan upang matigilan sa paghalik niya ang binata. Naputol iyon nang ginawang ingay ng dalaga.“Anong problema?” tanong ni Gavin na napasandal na ang noo sa noo ng dalaga, bakas sa kanyang tinig ang sobrang pagkabitin sa pinagsasaluhan nilang sumisidhi pang halik. “M-May paltos ang sakong ko nang dahil sa taas ng takong ng heels na suot ko kanina.” nakok
TUMAYO NA SI Gavin nang matapos niyang lagyan ang kabilang paa ni Bethany. Magaan na niyang tiningnan at nginitian ang dalaga na pumanaog na rin ng kama. Umapak ang mga paa nito sa malamig na sahig ng silid. Walang pakundangan na niyang iniyakap ang dalawa niyang braso sa leeg ng binata. Ang mapangahas niyang galaw na iyon ay ikinagulat nang sobra ni Gavin na nahigit ang hininga nang ilang segundo. Hindi pa nakuntento dito ang dalaga, tumingkayad ito upang subukang abutin ang labi ng binatang bahagyang nakaawang. Parang estatwang hindi makagalaw si Gavin na blangkong tinitigan lang sa mukha ang dalaga at pinagmasdan kung ano ang tangkang gawin nito sa kanya. Kung sasabayan niya ito at paiiralin ang dikta ng nag-iinit niyang katawan, paniguradong kanina niya pa ito sinunggaban. Ang mga tingin namang iyon ni Gavin kay Bethany ay nagpainit ng katawan ng dalaga na panandaliang nawala ang gumagapang na hiya. Para siyang naging ibang tao bigla.“S-Sandali lang, Thanie.” awat niya nang ilang
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta