HINDI NA MAIKAKAILA sa mukha ni Bethany ang kahihiyan na agarang lumarawan ng mga sandaling iyon nang dahil sa katanungang iyon ni Gavin. Hindi siya makapaniwala na sa mismong bibig ng abugado pa mismo talaga iyon manggagaling. Para sa kanya ay napaka-unprofessional nito na tanungin siya ng ganun ka-personal na bagay. Idagdag pang hindi naman sila magkaanu-ano o kahit magkaibigan man lang nito. Nakakainsulto sa part niya iyon, subalit pikit ang mga mata na lang niyang hindi papansinin.
“Hindi naman siguro masama kung sasagutin mo ang tanong ko.” dagdag pa ni Gavin na inip ng hinihintay ang kasagutan ng kasama niyang dalaga. “Tinatanong kita kung ilang beses mo na siyang nakatabing matulog?”
Nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Hindi niya alam kung kung required ba siyang sagutin ang tanong nito. Nanlalamig na ang dalawa niyang palad na magkasalikop na nakapatong sa kanyang kandungan. Nahulog na ang mga mata niya doon. Ilang beses pang napalunok ng laway ang dalaga. Sa totoo lang ni minsan ay hindi niya pa nagawa o naransan ang bagay na iyon kasama ang dating nobyong si Albert. Nakakatawa sa kaalaman ng iba, pero iyon ang katotohanan. Maingat siya sa katawan. Maalaga. Ni ang tumabi ito sa kanya at hindi naman sila matutulog ay hindi pa nila ginagawa, at nakakahiya ‘yung isatinig. Tiyak na pagtatawanan siya ng abugado niyang kasama na halatang interesado sa parteng iyon ng kanyang buhay. Light kisses pa lang ang nagagawa nilang magkasintahan, bukod doon ay wala na. Madalas pa nga noon ay halik sa noo at halik sa pisngi. Isa iyon sa ikinakagalit sa kanya ni Albert. Anito, pa-virgin pa raw siya.
“Kung mahal mo ako, ibibigay mo sa akin ang katawan mo Bethany!”
“Albert, mahal kita pero hindi naman ibig sabihin ay kailangang ibigay ko na sa’yo ang katawan. Ayaw mo bang matanggap iyon sa araw ng pagkatapos ng kasal natin? Hindi ba at magandang regalo ‘yun sa’yo?”
Ganito palagi ang laman ng kanilang pagtatalo. May parte din iyon sa dahilan kung bakit sila naghiwalay na dalawa. Ayaw niyang pumayag. Pero syempre hindi niya sasabihin iyon sa kasama niyang lalake. Ayaw niyang pagtawanan siya nito. Iba pa naman ang paniniwala ng lalake pagdating sa bagay na iyon. Sa nakikita niya, walang halaga ang bagay na iyon sa isang Gavin Dankworth. Isa pa, anuman ang mangyari never siyang bibigay dito.
‘No way, malabo pa iyon sa sabaw ng adobo.’
Sa halip na isatinig ang laman ng isipan ay pinili na lang ni Bethany na mariing itikom ang kanyang bibig. Wala siyang pakialam kung magalit man ito sa kanya. Karapatan niyang huwag sagutin ang ganitong tanong. Pero kung pipilitin siya nito at muling uulitin ang tanong sa ikatlong pagkakataon, mapipilitan siyang sabihin ang totoo. Bagay na ipinagpasalamat niya dahil hindi na naman nagtanong pa si Gavin matapos ng hindi niya pagsagot. Malamang nakaramdaman na rin ito na wala siyang planong mag-explain.
‘May pakiramdam din naman pala siya.’
Kunot ang noong dahan-dahang inubos ng binata ang natitirang stick ng sigarilyo, bagay na nais sanang sawayin ni Bethany dahil sa mabahong usok na nalalanghap niya. Hindi pa naman siya sanay doon. Mabuti na lang na napigilan niya ang sarili. Baka bigla siyang iwan ng lalake sa lugar, hindi pa naman niya kabisado at hindi lang iyon baka wala siyang makuhang taxi pauwi ng bahay nila. Saktong ubos noon ay siya namang galaw ng mahabang traffic na sumalubong sa kanilang nang dahil sa buhos ng ulan.
Alanganing napatingin na si Bethany kay Gavin nang walang imik na biglang itinabi nito ang minamanehong sasakyan sa gilid ng kalsada at umalis sa linya. Hindi malaman ni Bethany kung bakit biglang kinabahan. Ibinaba kasi nito ang sandalan ng upuan na animo ay may mahihiga doon.
“A-Attorney Dankworth, g-gumagalaw na ‘yung traffic,” nauutal na sambit niya at baka hindi iyon nakita ng binata. “May problema ba ang sasakyan? Bakit tayo tumatabi sa gilid—”
Bago pa man maituloy ni Bethany ang sasabihin ay nagulat na siya sa sunod nitong ginawa. Padukwang itong lumapit sa kanya, mabilis niyang iniiwas ang mukha sa pag-aakalang hahalikan siya nito. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay tinanggal ng binata ang suot niyang seatbelt at walang kahirap-hirap ang katawan niya na binuhat upang maiupo sa kandungan ng binata. Nanlalaki ang mga matang napaawang na ang bibig ni Bethany.
“W-Wait…” halos hindi lumabas iyon sa kanyang lalamunan.
Walang reaction sa mukha na hinubad ni Gavin ang suot na coat niya ni Bethany. Tumambad sa mga mata ng binata ang perpektong hubog ng katawan ni Bethany dahil sa basang damit na nakadikit sa katawan nito.
“A-Anong ginagawa mo?” sa wakas ay nagawang itanong ni Bethany na nahigit na ang hininga sa kakaibang sensasyong biglang naramdaman niya.
Lumakas pa ang buhos ng ulan sa labas ng sasakyan. Sinamahan na rin iyon ng pabugso-bugsong ihip ng hangin. Maingay na ginawa ng wipers ng sasakyan ang kanyang trabaho upang hawiin ang buhos ng ulan na umaagos sa salamin. Sumasabay ang timbre nito sa malakas na kabog ng puso ni Bethany na parang lalabas na sa loob ng kanyang dibdib. Minsan ay malinaw na makikita ang mga nangyayari sa loob ng sasakyan ng mga nasa labas, minsan naman ay hindi. Walang sinuman ang mag-aakala na may nagbabadyang kababalaghan na kaganapan sa loob ng naturang sasakyan.
“A-Attorney Dankworth…”
Hindi siya pinansin ng binatang lunoy na lunoy na sa alindog niya. Nasa malayong dako na ang imahinasyon nitong nagpatawid na sa kabilang ibayo ng dagat-dagatang pagnanasa niya sa katawan ng dalagang kasama. Sinubukan ni Bethany na lumaban pero pwersahan na siya nitong hinila palapit sa kanya at siniil ang nangangatal at namumutlang ng mariing halik. Nalasahan na ni Bethany ang laway ng binata na halong sigarilyo. Nanigas pa doon ang katawan ni Bethany. Hindi na malaman ang gagawin.
Nangunot pa ang noo ni Gavin, para siyang humahalik ngayon sa isang first timer. Gusto na niyang bawiin ang labi sa babae pero may kung anong pumipigil sa kanya na huwag gawin ang bagay na iyon. Isa pa, gustong-gusto niya ang bngo nito at ang lambot ng kanyang labi bagama’t walang reaksyon iyon. Ginalingan niya pa niya ang paghalik sa babae. Sa sobrang experience ni Gavin tungkol doon ay ilang segundo pa ay nagawa na niyang pasukuin at pasurin si Bethany kahit pa hindi ito kagalingan, na tila ba tinakasan ng lakas ng mga sandaling iyon at walang ibang choice kung hindi ang magpaubaya. Naging sund-sunuran ang dalaga na animo kapag hindi niya ginawa ay malaking kasalanan ang kanyang magagawa.
“Ganyan nga, Thanie, ganyan nga…” anas ni Gavin na binigyan na ng palayaw ang babae, nais angkinin ang pangalan nito na tanging siya lang ang tatawag at magbibigay ng anumang kahulugan. “Masunurin ka naman pala kapag pinapakiusapan.”
HILAW NA ANG naging ngiti ni Ceska na mas lalo pang kinabahan sa tono ng boses ng babaeng kaharap niya.“Or may gusto ka bang kasuhan? Sino? Ang pinsan ko ba?” sunod-sunod na tanong nitong humakbang na papalapit sa kanya, humalakhak pa ito na parang nang-aasar na hindi niya mawari. “Tell me, ano ang dahilan at napasugod ka dito?” Sunuod-sunod ang naging pag-iling ni Ceska na parang lalabas na ang kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib. Ibang-iba ang aura nito ngayon na nasa kanyang opisina kumpara kahapong nasa charity auction. Nakakatakot iyon. “N-No, hindi, Attorney Dankworth…pumunta ako dito para may isauli sa iyo dahil alam kong hindi dapat ito sa akin.” “Isauli?” maang-maangan ni Gabe na alam na kung ano ang tinutukoy ng babaeng sinadya pa siya doon. Gamit ang nangangatal na kamay ay kinuha ni Ceska ang box ng kwintas na ibinigay ng abogada sa kanya sa loob ng bag. “Here…” pakita niya na kay Gabe nang makuha iyon.Tiningnan lang iyon ni Gabe na dire-diretso na ang hakbang p
MAKAILANG BESES NA pinigilan niyang huwag habulin si Brian upang makiusap na ibalik na lang nila ang kanilang nakaraan kahit pa malakas siyang dinidiktahan ng kanyang puso na muling sumugal dito kahit na walang kasiguraduhan na hindi na siya muling masasaktan nito. Awang-awa na siya sa kanyang sarili na pilit nilabanan iyon.“No, Ceska. Hindi mo gagawin ang bagay na iyon. Hindi mo siya muling papapasukin sa buhay mo. Masasaktan ka lang. Baka mamaya kapag iniwan ka niya, hindi mo na iyon makayanan at mabaliw ka na!” kastigo niya sa sarili habang hawak ang dibdib, padausdos na siyang naupo sa sahig at napasandal ang likod sa sofa na nasa sala ng apartment niya.Malakas naman ang naging hagulhol ni Brian sa loob ng kanyang sasakyan na parang namatayan. Hagulhol na noon lang niya ginawa dahil sobrang bigat na ng kanyang puso. Nakasubsob ang kanyang mukha sa manibela ng sasakyan. Binabasa iyon ng kanyang mga luha. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang batang inabandona at hindi alam ku
MARIING IPINIKIT NI Ceska ang kanyang mga mata na nahigit na ang hininga. Naramdaman niyang marahang humagod ang isang kamay ni Brian sa kanyang likod. Mga hagod na aminin niya man o hindi ay sobrang miss na miss niya. Hinahanap-hanap iyon ng kanyang katawan lalo na sa mga panahong sobrang nalulungkot siya at mag-isa sa loob ng silid ng hospital kung saan siya ilang buwan na nagpapagamot. Hindi na napigilan ng dalaga ang mangilid ang kanyang mga luha. Naninikip na ang kanyang dibdib na parang may mabigat na batong nakadagan na kailangan niyang pakawalan upang makahinga siya nang maayos. Kung ano ang nararamdaman noon ni Brian na pangungulila sa kanya, katumbas din noon ang nararamdaman niya na pilit niyang nilalabanan upang huwag lang muli ditong bumigay. Sa totoo lang, sa higpit ng yakap ni Brian sa kanya ngayon pakiramdam niya ay milya-milya rin ang layo nito.“Bitawan mo ako…” may panginginig sa boses ni Ceska ng sabihin iyon, hindi ito malakas at katamtaman lang na sa halip na kat
SINUBUKAN NI CESKA na agawin iyon sa kamay ni Brian ngunit nagawa na nitong maipasok iyon upang buksan ang apartment. Naipadyak na lang ni Ceska ang kanyang isang paa sa iritasyon, hanggang ngayon wala pa rin siyang laban. “Sa loob tayo mag-usap…” Nagawa ng mabuksan ni Brian ang pintuan ngunit hindi siya doon agad pumasok. Nilingon niya si Ceska na madilim na ang mukha sa kanya. Pakiramdam ng dalaga ay tresspassing ang ginagawa ng dating nobyo pero hindi siya makaangal. Ano pa nga bang gagawin niya? Pagbibigyan na lang niya kung ano ang gusto nitong mangyari nang matapos na sila.“Sa loob tayo mag-usap. Hindi ka ba giniginaw dito sa labas?” Nagdadabog ang mga paang nauna ng pumasok si Ceska sa loob. Lihim ang ngiting sumunod naman si Brian sa loob. Pinindot ni Ceska ang switch ng ilaw kaya naman nagliwanag ang buong paligid. Hindi siya nito inayang maupo kung kaya naman pinaupo na lang ni Brian ang kanyang sarili sa sofa. Sinundan ng mata ang pagtungo ni Ceska ng kusina matapos nit
HINDI NA NAGSALITA pa si Ceska na nanatili ang mga mata sa labas ng sasakyan. Muling bumalik ang isipan niya sa hitsura kanina ni Gabriano Bianchi. Aminin niya man o hindi, sobrang gwapo pa rin talaga ng lalaki sa paningin niya. Nagkaroon man siya dito ng galit, hindi pa rin nagbago kung paano ito tingnan ng kanyang mga mata. Hindi nagbago. “Ihahatid pa ba kita sa pintuan ng apartment mo?” tanong ni Benedict pagdating sa entrance ng apartment building.“Huwag na.” sagot ni Ceska na bahagyang natawa sa offer ni Benedict, “Alam kong pagod ka na rin. Ingat ka pauwi…” Pinanood ni Benedict na kalasin ang suot na seatbelt ni Ceska at bumaba ng kanyang sasakyan. Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad ng mabagal. Biglang may sumagi sa kanyang isipan kung kaya naman tinawag niya na ito. “Ceska!” Awtomatikong tumigil sa kanyang paglalakad ang dalaga at nilingon na ang sasakyan ni Benedict na naroon pa rin. The night wind ruffled his hair, adding a bit of sexiness to him. Puno ng kata
NAGSUKATAN ANG DALAWA ng nagbabagang tingin. Walang sinuman ang nais na magpatalo. Maya-maya ay si Piper ang unang nag-iwas ng mga mata at bahagyang kumalma. Makailang beses na kinagat ang pang-ibabang labi, na naiiyak na. Kailangan niyang kalamayin ang kanyang sarili kahit punong-puno na siya at abot na sa sukdulan ang galit kay Brian. Hindi siya pwedeng mawala sa kanyang sarili ngayon lalo na at nasa public places din sila ng kanyang fiance.“Bakit kasi hindi ka pa gumawa ng paraan—” “I’m looking for it now. Huwag mo akong madaliin!” putol sa kanya ni Brian na nahuhulaan na kung ano ang kanyang sasabihin, “Kung gusto mo at madaling-madali kang matapos na ito at makawala, ikaw na lang ang gumawa. Okay?” pikon na mungkahi ni Brian, kung hindi ito makapaghintay siya ang gumawa ng paraan para matigil ang kasal nila.Umayos ng tayo si Piper matapos na ilang segundong hinilot ang nananakit na ugat niya sa noo. Hindi siya pwedeng sumabog. Hindi pwedeng gumawa ng ikakagalit ng kanyang mga