NAPAPANGITI NA SI Giovanni habang pinapakinggan niya ang pagiging mabunganga ni Briel. Na-miss niya iyon. Sobrang na-miss niya kaya ang marinig niya iyong muli, naluluha na siya. Nakagat na ni Giovanni ang kanyang labi. Hindi malaman kung tatawa o maiiyak na. “Calm down, Briel. Hindi naman ako commute. May dala akong sasakyan. Kailangan ng anak natin ng gatas para sa gabing ito at gusto kong kahit doon man lang ay makabawi ako kahit paano sa mga pagkukulang ko. Ako ang ama kung kaya naman hayaan mo na ako. Ilang stores na lang, hindi ako uuwi diyan hangga’t wala akong nabibiling gatas na kailangan niya.”“Giovanni, please? Oo na, gusto mong mag-provide pero wala nga hindi ba? Alalahanin mo ang sarili mo kaya nga hindi ka naging ama sa kanilang magkapatid ng dalawang taon dahil sa kalusugan mo. Ano ngayong ginagawa mo? Gusto mong bumalik sa panahon na mayroon kang sakit? Kapag nagkasakit ka, sa tingin mo sino na naman ang magiging apektado ha?” Nilamon ng nakakabinging katahimikan an
ANG ARAW-ARAW NA pagpunta ni Giovanni sa mansion ng mga Dankworth ay nabawasan, naging kada weekend na lang iyon dahil sinubukan ni Giovanni na muling kunin ang kanilang negosyo buhat kay Gavin. Buwan ang ginugol niya upang muling magamay iyon dahil sa dami ng naging mga pagbabago sa loob ng dalawang taong nawala siya at naratay sa sakit. Once a week na lang niyang nabibisita ang mga anak nang dahil doon. Doon pa lang unti-unting napalapit ang loob ni Gia sa ama kung kailan madalang na itong makapunta. Nakikipag-agawan na ito kay Brian na magpakarga sa ama kada darating doon si Giovanni. “Alis, Kuya! Alis!” matinis na iyak ni Gia ng maunahan siya ni Brian na magpakarga sa ama.“Di ba ayaw mo naman kay Daddy? Bakit nakikipag-agawan ka sa akin?” “No!” tulak nito sa kanya na malakas lang na pinagtatawanan ni Brian. Hindi naman mapigilan ni Giovanni ang kanyang emosyon. Iyong pagod na kanyang nararamdaman mula sa negosyo nila, pakiramdam niya ay agad ng nawala ng dahil sa kanila.“Gust
MASAYA ANG NAGING mini-reunion nina Giovanni at ng mga kamag-anak nilang nasa mansion na kanyang dinatnan. Matapos na kumain ay uminom siya ng gamot na sinabi ng doctor na kailangan niyang inumin hanggang sa kanyang maubos. Matapos din noon ay nagpaalam siya na kailangan na niyang magpahinga. Hindi naman siya pinigilan ng mga kamag-anak nila. Ilang araw ang pinalipas ni Giovanni bago bumalik ng Manila. Sa pagtungo niya ng mansion ng mga Dankworth ay hindi niya nasumpungan si Briel na nasa trabaho ng mga sandaling iyon. Nasa school naman si Brian na kasalukuyang isa ng grade two student. Natatandaan niya na nasa kinder pa lang ito ng umalis siya ng bansa at magkasakit. Ganun naging mabilis ang panahon.“Pwede niyo pong hintayin si Brian, Mr. Bianchi ngunit si Miss Briel, baka po gabihin iyon.” “Bakit gagabihin?” Nasa sala siya noon at nakaupo sa sofa. Sa malayong banda ay may nakalatag na mga puzzle kung saan nakakalat ang mga laruan ni Gia na ayaw ng umalis sa pagkakarga sa yaya niy
BINUKSAN NI GIOVANNI ang likod na bahagi ng sasakyan at kinuha doon ang mga jar kung saan nakalagay ang maraming paperplanes na itinupi niya, simbolo na namiss niya sila kada piraso noon. Sinundan na siya ng curious na tingin ng bata.“Sa tuwing nami-miss kita o kayo, nagtutupi ako ng paperplanes. Kita mo kung gaano sila karami? Ganyang pagka-miss ang nararamdaman ko sa inyong tatlo ng Mommy mo at ni Gia. Iyong green ikaw, iyong pink kay Gia at red, sa Mommy.”Minsan na na-kwento ni Bethany sa kanya ang mga moment na sobrang miss na siya ni Brian. Anito, lagi itong tatambay ng veranda upang mag-abang ng airplane. Iniisip nito na lulan noon ang ama. Noong marinig iyon ni Giovanni, hindi niya mapigilang bumigat na ang puso. Hindi pa siya noon lubusang magaling kung kaya naman hindi siya agad makauwi dito.
MULING SINULYAPAN NI Briel si Gia na biglang tumigil sa pag-iyak. Nakalugmok na ang mukha nito sa kanyang dibdib habang nakasubo ang kanang hinalalaki sa kanyang bibig. Puno ng bakas ng luha ang mga mata nitong padilat-dilat. Bagsak naman ang balikat sa tanawin si Brian, tila nabigo ito sa kanyang misyon at hindi napagtagumpayan ang plano.“I just got off the plane and came here. Ni hindi ko ipinaalam kay Mama na pabalik na ako ng bansa ngayon. I always heard from her that you often take the children to Baguio to see her. Salamat doon, Briel. Hindi mo ipinagkait sa kanya ang dalawang bata. Kayo na lang lagi ang topic namin ni Mama kada tatawag siya sa akin. Nakakalibang din ang marami niyang kwento patungkol sa inyong mag-iina habang nakaratay ako.” sambit ni Giovanni na pilit pinasigla ang boses niya.Hinarap na siya ni
MATAPOS ANG ILANG minutong makabagbag damdamin na pagkikita nina Giovanni at Briel na muli ay nagpasya na silang pumasok ng mansion upang puntahan ang pangalawa nilang anak na nasa silid nina Briel ng mga sandaling iyon. Mabilis na itong lumakad. Alam na rin nito bigkasin ang mga tawag sa mga kasama nila sa mansion. Nangingilala na rin ito pero mabilis mapalagay. Iyon ang buong akala ni Briel, ngunit iba ang naging sitwasyon nila nang makita si Giovanni.“Mommy!” matinis na sigaw niya nang makitang pumasok si Briel, hinabol siya ng yaya nito sa pag-aalalang matutumba. “Oops!” preno ng mga munti nitong paa na tanging medyas lang ang suot, nakatali rin sa dalawa ang manipis na buhok.Naudlot ang gagawin niya sanang mabilis na pagsalubong sa ina nang makitang hindi lang ito ang pumasok sa silid. May kasama itong