PANAY ANG LINGON ni Briel sa labas ng sasakyan. Tanaw na tanaw na niya ang maraming mga tao na naghihintay sa kanyang pagdating. Nagsimula na ang pagpasok ng wedding entourage. Saktong-sakto na tapos na iyon bago niya maubos ang hinihinging ten minutes. Napalingon na si Briel sa kanyang purse na dala kung nasaan ang cellphone niya nakalagay. Nagva-vibrate iyon. Naisip niya na baka si Giovanni iyon at naiinip na sa pagpasok sa loob. Excited niyang kinuha iyon at hindi tinitingnan ang number kung sino na sinagot na niya ito.“Gabriella Dankworth, oo na panalo ka na!” Naalis ni Briel iyon sa tainga at nang tingnan ay unknown number iyon. Muli niyang inilagay sa tainga ang kanyang cellphone upang tanungin kung sino iyon. Umiiyak ng malakas ang babae kung kaya naman hindi niya mahulaan kung sino dahil sa garalgal nitong tinig doon. “S-Sino ito?” “Huwag ka ng magpanggap na hindi mo ako kilala. Ang sama niyong dalawa ni Mr. Bianchi! Gusto ko lang namang makasama ang anak ko, pero anong gi
NASA PINTUAN NA si Giovanni at paalis na nang umikot ito at bumalik upang humalik lang sa asawa na nakalimutan niya. Nasa kama pa rin si Briel at wala pa ‘ring saplot ang katawan.“Have a good rest.” makahulugan nitong saad na may kakaibang ngisi sa kanyang labi. Namumula pa rin ang magkabilang pisngi dala ng kilig na tumango na si Briel. Mapaglaro ang ngiting niyakap pa ang leeg ng asawa upang gumanti ng halik. “Uuwi ako agad pagkatapos ng trabaho para makasabay niyo akong kumain.” “Oo na, alis na. Late ka na!” Nang tuluyang sumara ang pintuan ng silid ay nagpagulong-gulong na sa kama si Briel na parang teenager na sobrang kinikilig. Mababakas na masaya siya sa munting mga hagikhik. Nangunot ang noo niya nang may nadaganan sa ilalim ng comforter. Cellphone iyon ng kunin niya. Cellphone ni Giovanni. Wala siyang planong pakialaman iyon, pero ewan ba niya kung bakit niya pinakinggan ang bulong ng kanyang isipan na kutingtingin ang cellphone. Binuksan niya iyon ngunit agad na sinara
GISING PA ANG asawa nang maabutan ni Giovanni. Nakahiga na ito. Nakatagilid sa kabilang dereksyon ngunit alam niyang dilat pa ang kanyang mga mata. Nahiga na siya sa tabi nito at muling yumakap. Humarap naman sa kanya si Briel na namumula na ang mga mata. Batid ni Giovanni na umiyak ang asawa. Marahan na niyang dinampian ng halik ang labi ni Briel.“I’m sorry, Baby…” Walang imik na yumakap lang si Briel sa kanyang asawa at marahang tumango. Muli pang hinalikan ni Giovanni ang noo ng asawa. Thankful siya na nauunawaan siya nito ngayon. “Sa sunod na tumatawag siya, hindi naman natin kailangang sagutin. Alam naman natin kung bakit ganun na lang ang tingin ni Ceska sa akin. Ang alam niya ako ang kanyang ama. Nasabi ko na rin naman sa kanya na hindi ako ang Daddy niya. Sapat na iyon. Isa pa, may mga kukupkop na rin sa kanya. Naniniwala akong mauunawaan niya lahat kapag tumanda.”Hindi pa rin nagkomento doon si Briel. Ayaw niyang magbigay ng opinyon dahil kilala niya ang sarili na kapag n
INALIS MUNA NI Giovanni ang kanyang katawan sa ibabaw ng asawa at gumulong sa kanyang tabi upang umayos ng higa. Lumapit naman si Briel sa katawan niya upang yumakap at pakinggan kung ano ang isasagot nito sa tanong niya.“Hindi sanay si Mama sa klima dito sa baba. Ilang beses ko na siyang sinabihan noong naroon ako. Gusto niya ang buhay sa Baguio. Mahal ka niya at si Brian, ayain mo kaya siya? Subukan mo.”Nanatiling tahimik si Briel.“Sige, kapag tumawag ako sasabihin ko sa kanya kung pwede muna siya dito.” “Pwede rin na doon na tayo tumira after ng wedding ceremony, iyon ay kung okay lang naman sa’yo. Kung ayaw mo naman at dito mo pa rin gustong tumira, hindi naman din kita pipilitin.” “Oo naman, gusto kong manirahan sa Baguio. Pangarap ko na iyon dati pa.” Isa pang sinasaalang-alang ni Briel ay ang gingawang travel time ng asawa araw-araw. Hindi naman ito mahirap, pero madalas na nag-aalala siya dahil panghimpapawid na sasakyan ang gamit. Hindi sa pinapanalangin niya na may man
AKMANG PAPASOK NA sa loob ng sasakyan si Giovanni nang mahatak nito ang laylayan ng kanyang suot na damit. Wala siyang planong harapin ito. Ayaw na niyang makipag-usap pa sa babae. Sinubukan siyang pigilan ng secretary ngunit ang lakas nito na hindi inaasahan ang muntik ng magpatumba sa secretary ni Giovanni. Naglapitan na ang mga bodyguard ng dating Gobernador na walang hirap na hinila palayo ang babae at marahas nang binitawan. “Ano pa ang kailangan natin pag-usapan? Wala na. Hayaan mo na ang anak mo!” hindi nakapagtimpi ay harap na ni Giovanni sa kanya upang ipaintindi ang mga nangyayari, “Ayaw mo noon? Mapapabuti ang kalagayan niya sa parents ng kanyang ama. Isa pa, hindi mo naman talaga siya mahal. Sino ang matinong ina ang magbubuhos ng malamig na tubig sa buong katawan ng sarili niyang anak sa gitna ng napakalamig na klima? Di ba? Kaya nga siya nagkasakit noon at na-hospital ay nang dahil sinadya mo at may iba kang pina-plano na.” Namutla na si Rosafe. Akala niya ay sa court
“KAILAN ANG WEDDING ceremony na plano niyong dalawa ni Tito?” Natigilan sa pagkain si Briel nang marinig ang tanong ng kanyang hipag. “Next week. Aakyat na nga kami ng Baguio bukas upang asikasuhin ang ibang kailangan.” Pamper day nilang dalawa iyon ni Bethany kung kaya nasa mall silang dalawa. Nagtungo sila sa salon, at nakapag-shopping na rin ng ibang mga kailangan nila at nagustuhang bilhin. Wala silang mga batang kasama. Silang dalawa lang talaga kung kaya naman malaya sila. Nanatili sina Briel sa villa na kanilang ginawa ng tahanang mag-asawa. Si Giovanni naman ay patuloy ang trabaho ngunit siya na ang nagsasakripisyo sa biyahe gamit lang ang chopper.“Ah, talaga? Hindi ko pa iyon alam ah.” “Hindi sa’yo sinabi ni Kuya Gav?” “Hindi, pero hayaan mo na at baka nakalimutan lang ng aking asawa. Alam mo na, tumatanda na ang Kuya Gav mo at marami ‘ring iniisip.” tawa pa ni Bethany na naiiling lang.Naudlot ang kanilang usapan nang dumating na si Rina na hinihintay nila. Tianwagan i