One Night Stand with the Impotence Billionaire

One Night Stand with the Impotence Billionaire

last updateDernière mise à jour : 2026-03-16
Par:  DarkchocoMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
8Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Akala ni Jessi Maximo ay mamatay na siya dahil sa cancer. Handa na sana siyang magpaalam sa mundo nang matuklasan niya ang pinakamasakit na katotohanan. Ang malambing niyang boyfriend na si David at ang matalik niyang kaibigan na si Jessica ay nagtataksil sa mismong paanan ng hospital bed niya! ​Dala ng matinding galit at desperasyon nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang pagkababae sa isang gwapong estranghero sa club bago siya bawian ng buhay. Pero kinabukasan nagising siya sa dalawang nakakalokang balita. Una misdiagnosed pala siya at malusog ang katawan niya! Pangalawa ang lalaking inangkin niya ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alistair Montemayor na limang taon na palang impotent at tanging sa kanya lang tinablan ng init! ​Dahil kailangan ni Alistair ng tagapagmana para makuha ang kumpanya ng pamilya niya inalok niya si Jessi ng isang pabor na hindi pwedeng tanggihan. Isang kontratang kasal kung saan kailangan ni Jessi na maging asawa at magbigay ng anak sa kanya. Ang kapalit? Gagamitin ni Alistair ang buong yaman niya para durugin ang mga taong nanloko kay Jessi. ​Ngayon nagbabalik si Jessi bilang ang nag iisang Misis Montemayor. Handa na siyang ipatikim ang impyerno sa ex niya at sa ahas niyang kaibigan.

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1: Ang Huling Hininga ng Katangahan

Chapter 1: Ang Huling Hininga ng Katangahan

​Sabi nila kapag malapit ka na raw mamatay makikita mo ang buong buhay mo na parang isang pelikula na nagpa flash sa isip mo. Well scam yun. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang malabong kisame ng ospital at ang dalawang taong akala ko ay mahal ako pero sa totoo lang ay hinihintay na lang akong ma deads.

​Isang taon. Isang taon na akong nakikipaglaban sa cancer at feeling ko gusto na mag resign ng mga white blood cells ko dahil pagod na pagod na sila. Wala na akong pamilya dahil namatay sila sa isang car crash noong bata pa ako. Ang tanging meron lang ako ay ang boyfriend kong si David at ang best friend kong si Jessica. Yes tama kayo ng dinig Jessica at Jessi. Cute di ba? Parang pinagtagpo ng tadhana pero parehong tanga.

​Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Araw araw silang bumibisita. Ang sweet nila no? Kung hindi ko lang sana naririnig yung basang halikan nila sa paanan ng kama ko baka isipin kong mga anghel sila na hulog ng langit.

​"David wag dito baka magising sya," bulong ni Jessica pero pabebe yung boses na parang kinikiliti. Landi talaga.

​"Tulog yan Jess. Bulag na nga bingi pa siguro sa dami ng gamot na tinurok sa kanya," sagot ng magaling kong boyfriend na sarap pektusan sa lalamunan.

​Aba gago to ah. Bulag lang nang slight pero rinig na rinig ko yung ungol mong parang asong ulol na hindi nakatae ng isang linggo. Sa mismong ospital pa talaga kayo naglandian? Wala man lang ba kayong budget pang motel? Kahit Sogo man lang sana naiintindihan ko pa eh pero sa tapat pa talaga ng hospital bed ko? Ako na nga tong mamamatay ako pa tong nanakawan ng boyfriend at best friend. Parang buy one take one na kamalasan ang promo ng buhay ko ngayon.

​Bumukas yung pinto kaya mabilis silang naghiwalay na parang mga bulateng nilagyan ng asin. Pumasok yung doktor ko hawak ang isang folder.

​"Doc kamusta po ang test results ng baby ko?" tanong ni David na biglang naging boses ng Best Actor in a Drama Series. Ang sarap niyang sabuyan ng kumukulong dextrose. Niyakap pa nya si Jessica na kunwari ay nag aalala at umiiyak din.

​"Pwede ba tayong mag usap sa labas saglit? May importanteng bagay lang akong ididiscuss tungkol sa kalagayan nya at ayokong mabigla ang pasyente," malungkot na sabi ng doktor.

​Paglabas nila ay idinilat ko ang mga mata ko. Tumulo yung luha ko pero pinunasan ko agad gamit ang likod ng kamay ko. Bawal umiyak ang mga dyosa kahit malapit nang mamatay. Naiinis ako hindi dahil malapit na ang katapusan ko kundi dahil napaka tanga ko. All this time niloloko na pala nila ako sa harap ng mismong mga mata ko. Habang naghihingalo ako nagpapakasaya sila sa ibabaw ng kalbaryo ko.

​Biglang pumasok sa isip ko yung sitwasyon ko. Kung ito na ang lowest point ko pwes gagawin kong mas dramatic ang exit ko sa earth. Tatakas ako. Hindi ako mamatay habang nakikinig sa landian ng dalawang hudas na ito.

​Hinugot ko yung IV line sa kamay ko. Pakshet ang sakit. Ang sakit pala nun sa totoong buhay akala ko sa pelikula lang cool tignan. Nagdugo yung kamay ko pero keri lang malapit na rin naman akong maubusan ng dugo. Kinuha ko yung jacket ko at dahan dahang lumabas ng kwarto. Dumaan ako sa fire exit para iwas sa mga chismosang nurse na panay TikTok sa station nila.

​Habang nasa loob ako ng taxi panay ang tingin sakin ng driver sa rearview mirror. Siguro iniisip nya kung tao pa ba ako o multo na naghahanap ng hustisya sa kalsada.

​"Kuya wag kang matakot hindi kita kakainin. Malapit na akong mamatay kaya wag mo na akong singilin ng mahal ha?" biro ko sa kanya na lalong ikinaputla ng mukha nya. Imbes na sumagot ay binilisan nya ang pagpapatakbo kaya nakarating kami sa apartment ng wala pang kinse minutos. Binigay ko ang natitira kong pera at bumaba na.

​Gusto ko lang mamatay sa sarili kong kama. Gusto ko ng peace of mind. Pero pagdating ko sa apartment at pagbukas ko ng pinto gamit ang spare key ko sa ilalim ng paso may narinig na naman akong pamilyar na tunog na nakakapagpataas ng blood pressure ko.

​"Ahhh David ang sarap mo bilisan mo pa..."

​"You are so tight Jessica. Mas masarap ka pa kesa dun sa maysakit sa ospital. God I love doing this in her bed."

​Wow. Just wow. Napaka sipag naman ng dalawang to. Kanina sa ospital ngayon naman sa kama ko? Pambihira hindi ba sila napapagod? May energy gap ba tong mga to at kailangan nilang uminom ng Milo? At talagang pinagkumpara pa ako? Ako pa talaga yung ginawang standard ng hindi masarap? Gusto ko sanang pumasok at sabunutan silang dalawa at isalpak sa mga bibig nila yung lampshade ko sa kwarto pero naisip ko wala na akong energy para sa boxing match. Baka mamaya atakihin pa ako sa puso at sila pa ang makakuha ng life insurance ko dahil nakapangalan kay David ang benepisyo ko.

​Bumalik ako sa sala at napatingin sa salamin. Mukha na akong walking zombie na kulang sa tulog ng sampung taon. Maputla payat at walang ka life life. Mamamatay na ako. Baka bukas o baka mamaya. Pero may isang bagay akong na realize na mas masakit pa sa stage four cancer ko. Virgin pa ako. Twenty four years old at mamamatay na isang pure na bata.

​No way. Hindi ako papayag na ang huling alaala ko sa mundong ito ay ang kataksilan ng dalawang ahas na nag fifeeling honeymooners sa sarili kong kama.

​Pumasok ako sa banyo at naghanap ng make up. Kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. "Jessi Maximo ngayon ang huling gabi mo sa mundo. Make it count. Wag kang papayag na ang huling lalaking nakita mo ay yung ex mong mukhang paa. Humanap ka ng lalaking magbibigay ng hustisya sa huling hininga mo."

​Nilagyan ko ng makapal na foundation ang mukha ko para matago ang pagiging bangkay ko. Hindi ko na inisip kung pantay ba basta naglagay ako ng red lipstick. Yung pinaka pula para mukha akong palaban at handang lumamon ng tao. Pumasok ako sa guest room at naghanap ng damit. Nakakita ako ng black dress na sobrang ikli at hapit sa katawan. Sinuot ko yun kahit feeling ko hinihingal na ako sa paghinga pa lang dahil sa sikip. Nagsuot din ako ng heels na feeling ko ay pamatay. Kung mamatay man ako ngayong gabi mamamatay akong nakakaganda at hindi mukhang kawawang pasyente.

​Lumabas ako ng apartment at nagpunta sa pinakamalapit na high end club sa kanto ng siyudad. Ang ingay ng tugtog ang daming usok at amoy alak ang buong paligid. Malabo pa rin ang paningin ko kaya parang lumulutang yung mga ilaw at mga tao. Nahihilo na ako at parang bibigay na ang mga tuhod ko pero kailangan kong ituloy ang misyon. Find a guy do the deed and die happy.

​Naglakad lakad ako sa VIP section dahil baka andun ang mga malilinis at mayayamang lalaki. Ang daming tao pero puro mukhang fuckboy na walang pera ang nakikita ko. Habang naghahanap ng target biglang umikot ang paningin ko. Nawalan ako ng balanse. Heto na babagsak na ata ako at mamamatay nang hindi naabot ang pangarap ko. Sana man lang nakatikim ako ng hotdog bago ako magpaalam sa earth pero parang islang babagsak na ang katawan ko.

​Pero bago pa man humampas ang mukha ko sa malamig na sahig may nabangga akong parang pader na gawa sa bato. Hindi pala pader kundi isang napaka laking dibdib ng isang lalaki. Naamoy ko agad ang mamahaling pabango na amoy mayaman amoy pera at amoy alak na hindi ko kayang bilhin kahit ibenta ko pa ang dalawang kidney ko sa black market.

​May malakas na braso na sumalo sa bewang ko. Ang higpit ng hawak nya parang ayaw akong pakawalan at parang magkakadikit na ang mga bituka ko.

​"Miss are you trying to kill yourself in front of me?" isang malalim na boses ang narinig ko. Malamig at medyo paos pero grabe ang dating sa eardrums ko. Parang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan at hindi dahil sa malakas na aircon ng club.

​Tumingala ako. Kahit malabo ang mata ko kitang kita ko kung gaano kagwapo ang nilalang na nasa harap ko. Matangos ang ilong matalim ang panga at ang mga madilim nyang mata ay parang nakakapasong apoy kahit halatang lasing din sya. May tumutulong pawis sa gilid ng noo nya na bumababa sa leeg nya na nagmukha lalo syang hot. Bigla akong kinabahan pero at the same time na excite nang bongga. Jackpot. Mukhang mayaman mukhang masarap at higit sa lahat hindi mukhang paa tulad ni David.

​Hindi ko na pinatagal ang drama. Total mamamatay na rin naman ako kakapalan ko na ang mukha ko sagad sagad to the highest level. Hinawakan ko nang mahigpit ang kwelyo ng mamahaling polo nya at ginamit ko ang natitira kong lakas para hilahin sya palapit sa mukha ko.

​"Hey handsome. Gusto mo bang gumawa ng himala ngayong gabi?" malandi kong bulong kahit medyo nanginginig yung tuhod ko sa kaba at sa panghihina ng katawan ko. "Take my V card please. Angkinin mo ako bago ako tuluyang ma expire sa mundong ito."

​Nanlaki ang mga madilim nyang mata sa sinabi ko. Siguro naisip nya kung anong klaseng baliw na babae ang napulot nya sa sahig ng club. Pero bago pa sya maka angal at bago pa magbago ang isip ko inilapat ko na ang mga labi ko sa mga labi nya. Isang mariin at uhaw na halik ang ibinigay ko sa kanya. At ang akala kong pagtulak nya sa akin papalayo ay naging isang marahas na paghila pabalik. Bigla nya akong binuhat na parang sako ng bigas at isinandal sa pader nang sobrang lakas.

​Nilamon nya ang mga labi ko nang may matinding pagnanasa na parang nauuhaw sya ng ilang taon. Ang init ng hininga nya ay nagbigay ng boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Napapikit ako habang ramdam na ramdam ko ang halik nya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

​Sa wakas hindi na ako mamatay na virgin. Pero ang hindi ko alam ang lalaking hinahalikan ko ngayon na akala ko ay sagot sa huling hiling ko ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alistair Montemayor na may malaki at maitim na lihim sa loob ng kanyang pantalon at ang gabing ito ang magpapabago ng buong universe ko sa mga susunod na araw na akala ko ay wala na.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status