Share

Chapter 76.3

last update Huling Na-update: 2025-05-29 21:46:31

NASA PINTUAN NA si Giovanni at paalis na nang umikot ito at bumalik upang humalik lang sa asawa na nakalimutan niya. Nasa kama pa rin si Briel at wala pa ‘ring saplot ang katawan.

“Have a good rest.” makahulugan nitong saad na may kakaibang ngisi sa kanyang labi.

Namumula pa rin ang magkabilang pisngi dala ng kilig na tumango na si Briel. Mapaglaro ang ngiting niyakap pa ang leeg ng asawa upang gumanti ng halik.

“Uuwi ako agad pagkatapos ng trabaho para makasabay niyo akong kumain.”

“Oo na, alis na. Late ka na!”

Nang tuluyang sumara ang pintuan ng silid ay nagpagulong-gulong na sa kama si Briel na parang teenager na sobrang kinikilig. Mababakas na masaya siya sa munting mga hagikhik. Nangunot ang noo niya nang may nadaganan sa ilalim ng comforter. Cellphone iyon ng kunin niya. Cellphone ni Giovanni. Wala siyang planong pakialaman iyon, pero ewan ba niya kung bakit niya pinakinggan ang bulong ng kanyang isipan na kutingtingin ang cellphone. Binuksan niya iyon ngunit agad na sinara
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
delia homo
parang feeling q manggugulo ung impaktang rosefa n yan..
goodnovel comment avatar
Malaya Vlog
more update Ms A
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 77.2

    PAGKASABI NOON AY binuhat na ni Briel ang anak at pamartsang lumabas ng simbahan. Iniwan sila sa loob. Iyon ang last ang naisipan ni Briel dahil baka kung magtatagal pa siya doon ay makapagbitaw pa siya nang mas masasakit na salitang iniiwasan niya. Nagkislapan ang mga camera paglabas niya sa pag-aakalang okay na ang naging kasal nila. Nakita niya na bahagyang natigilan ang mga reporter at nagpalitan ng tingin. Malamang, ang anak niya ang kasama at hindi ang asawang lumabas doon. Nakababa pa ang belo niya noon kung kaya naman hindi gaanong pansin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Sumakay siya ng sasakyan at nagpahatid na sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang reception ng asawa. Walang patid ang patak ng kanyang mga luha na kahit palisin ng munting dalawang palad ni Brian ay hindi iyon maampat. Lumakas pa ang iyak ni Briel nang makita ang ginagawa ni Brian habang kuryuso na ang mga titig sa kanya. “Mommy, don’t cry…Gabriano is sad…” Lumakas pa ang iyak ni Briel sa kabila ng sina

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 77.1

    NAPASINGHAP NA ANG mga naroon sa ginawang iyon ng dalawang matanda na patuloy pa rin ang pagbalong ng kanilang mga luha. Hindi sila makapaniwala na aabot sila sa puntong iyon. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Halatang hinihintay na magsalita si Giovanni na hindi alam kung anong desisyon ang gagawin niya sa sitwasyon. Nasa bingit ng kamatayan ang bata. Kung iiwan niya naman si Briel, sigurado siya, isang daang porsyento na wala na siyang babalikan pa. Ipit na ipit siya sa sitwasyon nila ngayon. Gusto niyang makatulong. Hindi naman magagawang resolbahin iyon ng kanyang secretary oras na ito ang kanyang papuntahin. Siya ang kailangan ni Rosafe na makita doon.“P-Please, Mr. Bianchi, nakikiusap kami. Please, e-save mo ang aming apo. Ang bata niya pa para makaranas noon. Pagkatapos nito, hindi na kami manggugulo. Last na po ito, Mr. Bianchi…please? Iligtas niyo po ang aming apo, please…” Dumilim na ang mukha ni Gavin at ng kanyang ama na napatingin na sa bawat isa.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 76.4

    PANAY ANG LINGON ni Briel sa labas ng sasakyan. Tanaw na tanaw na niya ang maraming mga tao na naghihintay sa kanyang pagdating. Nagsimula na ang pagpasok ng wedding entourage. Saktong-sakto na tapos na iyon bago niya maubos ang hinihinging ten minutes. Napalingon na si Briel sa kanyang purse na dala kung nasaan ang cellphone niya nakalagay. Nagva-vibrate iyon. Naisip niya na baka si Giovanni iyon at naiinip na sa pagpasok sa loob. Excited niyang kinuha iyon at hindi tinitingnan ang number kung sino na sinagot na niya ito.“Gabriella Dankworth, oo na panalo ka na!” Naalis ni Briel iyon sa tainga at nang tingnan ay unknown number iyon. Muli niyang inilagay sa tainga ang kanyang cellphone upang tanungin kung sino iyon. Umiiyak ng malakas ang babae kung kaya naman hindi niya mahulaan kung sino dahil sa garalgal nitong tinig doon. “S-Sino ito?” “Huwag ka ng magpanggap na hindi mo ako kilala. Ang sama niyong dalawa ni Mr. Bianchi! Gusto ko lang namang makasama ang anak ko, pero anong gi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 76.3

    NASA PINTUAN NA si Giovanni at paalis na nang umikot ito at bumalik upang humalik lang sa asawa na nakalimutan niya. Nasa kama pa rin si Briel at wala pa ‘ring saplot ang katawan.“Have a good rest.” makahulugan nitong saad na may kakaibang ngisi sa kanyang labi. Namumula pa rin ang magkabilang pisngi dala ng kilig na tumango na si Briel. Mapaglaro ang ngiting niyakap pa ang leeg ng asawa upang gumanti ng halik. “Uuwi ako agad pagkatapos ng trabaho para makasabay niyo akong kumain.” “Oo na, alis na. Late ka na!” Nang tuluyang sumara ang pintuan ng silid ay nagpagulong-gulong na sa kama si Briel na parang teenager na sobrang kinikilig. Mababakas na masaya siya sa munting mga hagikhik. Nangunot ang noo niya nang may nadaganan sa ilalim ng comforter. Cellphone iyon ng kunin niya. Cellphone ni Giovanni. Wala siyang planong pakialaman iyon, pero ewan ba niya kung bakit niya pinakinggan ang bulong ng kanyang isipan na kutingtingin ang cellphone. Binuksan niya iyon ngunit agad na sinara

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 76.2

    GISING PA ANG asawa nang maabutan ni Giovanni. Nakahiga na ito. Nakatagilid sa kabilang dereksyon ngunit alam niyang dilat pa ang kanyang mga mata. Nahiga na siya sa tabi nito at muling yumakap. Humarap naman sa kanya si Briel na namumula na ang mga mata. Batid ni Giovanni na umiyak ang asawa. Marahan na niyang dinampian ng halik ang labi ni Briel.“I’m sorry, Baby…” Walang imik na yumakap lang si Briel sa kanyang asawa at marahang tumango. Muli pang hinalikan ni Giovanni ang noo ng asawa. Thankful siya na nauunawaan siya nito ngayon. “Sa sunod na tumatawag siya, hindi naman natin kailangang sagutin. Alam naman natin kung bakit ganun na lang ang tingin ni Ceska sa akin. Ang alam niya ako ang kanyang ama. Nasabi ko na rin naman sa kanya na hindi ako ang Daddy niya. Sapat na iyon. Isa pa, may mga kukupkop na rin sa kanya. Naniniwala akong mauunawaan niya lahat kapag tumanda.”Hindi pa rin nagkomento doon si Briel. Ayaw niyang magbigay ng opinyon dahil kilala niya ang sarili na kapag n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 76.1

    INALIS MUNA NI Giovanni ang kanyang katawan sa ibabaw ng asawa at gumulong sa kanyang tabi upang umayos ng higa. Lumapit naman si Briel sa katawan niya upang yumakap at pakinggan kung ano ang isasagot nito sa tanong niya.“Hindi sanay si Mama sa klima dito sa baba. Ilang beses ko na siyang sinabihan noong naroon ako. Gusto niya ang buhay sa Baguio. Mahal ka niya at si Brian, ayain mo kaya siya? Subukan mo.”Nanatiling tahimik si Briel.“Sige, kapag tumawag ako sasabihin ko sa kanya kung pwede muna siya dito.” “Pwede rin na doon na tayo tumira after ng wedding ceremony, iyon ay kung okay lang naman sa’yo. Kung ayaw mo naman at dito mo pa rin gustong tumira, hindi naman din kita pipilitin.” “Oo naman, gusto kong manirahan sa Baguio. Pangarap ko na iyon dati pa.” Isa pang sinasaalang-alang ni Briel ay ang gingawang travel time ng asawa araw-araw. Hindi naman ito mahirap, pero madalas na nag-aalala siya dahil panghimpapawid na sasakyan ang gamit. Hindi sa pinapanalangin niya na may man

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status