PASAKAY NA SANA si Briel ng kanilang sasakyan upang ihatid sa school ang kanilang anak nang makaramdam siya ng pagduduwal. Tumakbo siya papasok sa loob ng mansion upang gawin magtungo ng banyo upang sumuka. Sinundan naman siya ni Brian na puno ng pag-aalala ang mga mata. Lately, napapansin niya ang masamang pakiramdam ng ina.“Mommy, are you sick kagaya ni Daddy?”Umiling si Briel at pinunasan ng tisyu ang gilid ng kanyang labi na may laway. Ngumiti siya sa anak at pa-squat na naupo sa harapan ni Brian upang maging magka-level ang kanilang mukha. Masuyo niyang hinagod ang ulo ng kanyang anak.“Walang sakit ang Mommy, Brian. Normal lang ang nararamdaman ko. Halika na, ihahatid na kita sa school mo.”
HINDI NAKALIGTAS KAY Briel ang bala-balatong na pawis ni Giovanni na mukhang hindi niya lang iniinda.“Brian, no karga. Masama ang pakiramdam ng Daddy. Anong sabi ko? Behave lang dapat.”Hindi na pinilit ni Brian ang kanyang gusto sa isang saway lang ni Brian sa kanya at pandidilat ng mga mata. Naiintindihan niya ang anak. Isang buwan na hindi nito nakita ang kanyang ama kaya ganun na lang ito nangungulila. Bagamat hindi maintindihan ni Giovanni ang kanyang sakit at hindi maibigay ang hiling ng anak, hinaplos nito ang ulo.“Kapag gumaling-galing na ang Daddy, kakargahin na kita hanggang kailan mo gusto.”Pagkasabi noon ay tumingin na siya kay Briel na may kakaibang kahulugan
MAY PAGMAMADALI ANG kanyang mga hakbang pagkatapos na sabihin iyon. Pinanood lang siya ni Briel na parang itinulos na ang paa sa kanyang kinatatayuan. May iba siyang nase-sense, ngunit ganunpaman ay hindi niya iyon pinansin at ginawa ang pakay sa palapag.“Hindi kaya may sakit siya?” parang sirang tanong niya sa kanyang sarili matapos na e-flush ang toilet bowl, “Eh ano naman kung may sakit? Sabi nga niya dala ng katandaan niya lang…” Halos maupos naman sa kanyang hininga sa pagmamadali si Giovanni na makabalik sa kanyang silid. Iyong tipong sumisigaw na ang kanyang katawan sa labis niyang pagmamadali ay hindi niya iyon pinansin. Hindi siya tumigil sa takot na sundan siya ni Briel. Nang lubusang makapasok sa loob ng silid, doon pa lang siya nakahinga pero kinakapos na. “Anong nangyari?” tanong ni Donya Livia na napaharap na sa anak na habol ang hinga. “Di ba sabi mo gusto mong lumabas sa garden ng hospital upang maglakad-lakad? Bakit narito ka na agad? May humahabol ba sa’yo?” lingo
INILIHIM NILANG MAG-ASAWA iyon na maging kay Briel ay hindi nila nabanggit na alam nilang buntis ito. Baka kasi kapag sinabi nina Bethany at Gavin na alam nila ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi rin nila matiis na sabihin ang kalagayan ni Giovanni. Ayaw nilang gawin pang mas kumplikado ang sitwasyon. Hihintayin na lang nilang Tadhana ang kumilos.“Sigurado ka, Briel na ayaw mong magpasama?” ulit ng ina niya nang magsabi si Briel na kailangan niyang pumunta ng hospital upang magpa-check up, “Isama mo si Maria Gina…” “Hindi na, Mom. Kaya ko na ang sarili ko. Pakibantay na lang si Brian.” “Okay, huwag kang gaanong magtatagal.” Sinipat ng Ginang ang suot ni Briel na hindi pangbuntis. Maong pants iyon na ang explanation sa kanya ay de-garter at stretchable. Mababakas ang pagbabago ng hubog ng katawan ni Briel na bahagyang maiitago dahil sa suot niyang damit. Isang buwan na ang lumipas matapos na pumirma siya ng divorce at wala na siyang narinig na muli kay Giovanni.“Alright, Mom…”
WALONG ORAS NAGTAGAL ang operasyon ni Giovanni upang tanggalin ang bukol na nakita sa kanyang bituka. Ikinonsidera itong success ng mga doctor, ngunit kinakailangan na manatili pa rin siya sa hospital upang maalagaan ng doctor. Nang magising si Giovanni ay nagulantang siya nang maabutan ang inang nasa tabi ng kanyang kama. Naghihintay na gumising siya. Hindi lang ang ina ang naroon nang igala niya ang kanyang mga mata. Naroon din ang pamangkin niyang si Bethany. Nasa may pintuan ng silid nakatayo ang asawa nitong si Gavin. Hinang-hinang pa ang kanyang katawan, ni hindi pa nga niya kayang magsalita ngunit nagawa niyang ipaling ang kanyang ulo. Hinawakan na ng kanyang ina ang isa niyang kamay. Iyong galit na nakita niya noon sa kanyang ina ay naglaho na ngayon dito. Lingid sa kanyang kaalaman ay hindi natagalan ni Conrad na hindi ipaalam iyon kay Donya Livia. Tinawagan naman ng matanda ang apo niyang si Bethany at sinabi rin ito kay Gavin.“It's such a big thing, Giovanni. Sobrang seryo
ILANG BESES NA kumibot ang bibig ni Conrad upang sabihin kay Briel ang tunay na kalagayan ng dating Governor, nais niyang malaman nito na may sakit ang kanyang amo. Baka sakaling magbago pa ang takbo ng isip nito. Isa pa, labis niyang mahal si Giovanni kaya malamang ay hindi siya nito magagawang tiisin. Ngunit nang maalala na iba ang ugali ni Giovanni kapag nalaman nito ang ginawa niya ay pinili na lang niya ang itikom ang bibig keysa mapasama siya sa pagmamagandang loob na kanyang tanging hangad lang naman.“Si Brian?” sa halip ay tanong niya upang pagaanin ang nararamdaman niya.“Nasa playroom.” Sa bandang huli ay nagpasya ang secretary na magsalita pa rin ng pahapyaw. “Mrs. Bianchi, wala na ba talagang pag-asa na maging maayos kayo ni Mr. Bianchi?” Tiningnan na siya nang masama ni Briel. “Alam mo na, baka lang naman pwede pa. Baka sinusubok lang kayong mag-asawa sa taong ito. Baka pwedeng bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon upang patunayan ang sarili?”Nag-iwas ng tingin