Share

Chapter 93.2

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-27 22:53:59

NANATILI ANG MAG-ANAK sa loob ng villa ng buong araw na iyon ng Sabado. Sinulit ang pagkakataon na muli silang mabuo. Kinailangan na ni Donya Livia na umakyat ng Baguio ng araw din na iyon na hindi naman na pinigilan ni Giovanni dahil alam niyang may dahilan ang kanyang ina. Isa pa may mga maid naman silang kasama kaya ayos lang iyon. Nakabakasyon na ang kanyang ina at panahon na rin upang umakyat na ito sa kanilang mansion. Panay ang naging sulyap ni Briel sa dating Governor ng mga sandaling iyon. Iniisip ang pabulaklak nito kanina at ang nangyari na naman sa kanila ng nagdaang gabi. Sa harapan nila ay naroroon ang kanilang anak na napapalibutan ng kanilang mga laruan. Nasa sala sila, nakaupo pero magkalayo ng pwesto sa sofa. Ilang dipa rin ang layo nila sa bawat isa pero makikita kada galaw ng katabi sa gilid ng kanilang mga mata. Lingid sa kanya na nakikiramdam lang din sa kanya si Giovanni ng mga oras na ito.

“Briel, hanggang kailan ka magagalit sa akin? Hindi mo pa ba ako mapapat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Kristine luv Villanueva
briel wag n kc mgpigil mahal mo nman ehhh bkit ba hesitant k p rin tpos n bembangan nkarami k nga tpos ngkukunwari k pa tama nman si gov d alam ang panahon
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.4

    DAHAN-DAHAN SIYANG GUMALAW, bagay na nagpagising sa matutulog na sanang diwa ni Giovanni. Humarap si Briel sa dating asawa kung kaya naman nagpapalitan na sila ngayon ng mainit na hininga sa mukha. Sa sobrang lapit noon, isang maling galaw lang ng alin sa kanila ay tiyak na magdidikit na ang kanilang mga labi. Ngumisi pa si Briel ng maramdaman ang paglalim ng hinga ni Giovanni na para bang nagpipigil itong may gawin sa katawan niyang mas idinikit pa niya dito.“Tulog na…” bulong ni Giovanni na naramdaman ang ginawang paggalaw ni Briel paharap sa kanya.Ngumisi pa nang malapad si Briel na mas idinikit pang lalo ang katawan niya sa katawan ni Giovanni. Particular na ang kanyang dibdib na alam niyang dama na ni Giovanni. Idinantay pa niya ang isang binti sa may beywang ng dating asawa. Tiyak na mabubuhay ang dugo na naman nito sa kanyang bawat himaymay nang dahil sa kanyang ginawang iyon doon.“Briel…” may himig ng pagtutol sa boses ni Giovanni.“Hmm?” mapang-akit niyang ungol na nagkunw

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.3

    HINDI NA NAGAWA pang makasagot ni Giovanni nang tumakbo na palapit sa kanila ang mga bata. Yumakap na sa isang hita ng dating Gobernador si Gia at lumambitin naman sa isang braso niya si Brian. Pilit na kinukuha nila ang atensyon niya.“Okay na ba kayo, Mommy? Daddy?” masigla ang boses na tanong ni Brian na halos mapunit ang ngiti sa kanyang labi. Kumikinang ang mga mata. Salit-salitan na ang tingin sa kanilang dalawa ni Giovanni. “Titira na ba tayo ulit dito sa villa?” Makahulugang nagkatinginan sina Giovanni at Briel na hindi direktang masagot ang katanungan ng kanilang anak. “Gia, okay na ang Mommy at Daddy natin. Di ba gusto mo na rin ditong tumira tayo ng sama-sama?” baling nito sa kanyang kapatid, pumalakpak naman noon si Gia upang ipakita na maligaya siya sa sinabi ni Brian. “Ito na iyon, Gia…”Naiiling na lang sina Giovanni at Briel sa ligayang iyon ng mga anak. Aminin man nila o hindi, mas masarap sa kanilang paningin na ganun kaligaya ang kanilang mga anak. Magaan sa kanil

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.2

    NANATILI ANG MAG-ANAK sa loob ng villa ng buong araw na iyon ng Sabado. Sinulit ang pagkakataon na muli silang mabuo. Kinailangan na ni Donya Livia na umakyat ng Baguio ng araw din na iyon na hindi naman na pinigilan ni Giovanni dahil alam niyang may dahilan ang kanyang ina. Isa pa may mga maid naman silang kasama kaya ayos lang iyon. Nakabakasyon na ang kanyang ina at panahon na rin upang umakyat na ito sa kanilang mansion. Panay ang naging sulyap ni Briel sa dating Governor ng mga sandaling iyon. Iniisip ang pabulaklak nito kanina at ang nangyari na naman sa kanila ng nagdaang gabi. Sa harapan nila ay naroroon ang kanilang anak na napapalibutan ng kanilang mga laruan. Nasa sala sila, nakaupo pero magkalayo ng pwesto sa sofa. Ilang dipa rin ang layo nila sa bawat isa pero makikita kada galaw ng katabi sa gilid ng kanilang mga mata. Lingid sa kanya na nakikiramdam lang din sa kanya si Giovanni ng mga oras na ito.“Briel, hanggang kailan ka magagalit sa akin? Hindi mo pa ba ako mapapat

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.1

    MULING NAUPO NAMAN si Giovanni nang marinig niya ang sinabi ni Briel. Mukhang alam na niya kung ano ang kailangan nilang pag-usapang dalawa. Malamang ay ang nangyari sa kanila iyon. Wala naman silang dapat pag-usapan, unless piliin nitong pag-usapan nila ang dating sila.“I was drunk last night.” panimula ni Briel na unti-unting pumawi sa ngiti ni Giovanni. Ang ibig ba nitong sabihin ay itatanggi niya ang lahat ng kanilang ginawa ng nagdaang gabi? “Alam kong may nangyari sa atin at ramdam iyon ng katawan ko. Sana hindi ka nag-take ng advantage—”“Sandali lang, Gabriella.” taas ni Giovanni ng kanyang isang kamay na pinapatigil siya magsalita. Hindi pwede na sa kanya lang ang maging sisi. Noong mg abandang huli, alam niyang wala na ang bakas ng alak sa katawan nito pero pumayag pa rin itong ulitin nila nang ulitin ang pagniniig. “Taking advantage? Huwag mong sa akin lahat ibigay ang sisi, please lang. Ikaw ang naunang humamon sa akin. Isa pa, pareho rin tayong nag-enjoy di ba? Pareho ta

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 92.4

    BAKIT SIYA PUMAYAG na may mangyari sa kanila? Anong mukha ang ihaharap niya kay Giovanni? Dapat talaga hindi siya uminom. Binigyan lang kasi siya nito ng lakas ng loob na kumaringking na kapag nasa tamang katinuan na ay hindi niya alam kung paano niya dadalhin.“Sasabihin ko ba na wala akong maalala? Pero shit, nasarapan naman kaming pareho kagabi! Saka ako na naman talaga ang unang nag-move kagaya noon. Kailan ba ako magtatanda? Kainis!”Pinalo-palo pa ni Briel ang unan na katabi niya na alam niyang ginamit ni Giovanni sa ulo niya. “Kapag ako na-disgrasya na naman ako, kapag nagbunga na naman ang lahat ng ito ako na naman ang talo. Ako na naman ang luhaan. Kailan ka ba magtatanda, Briel? Ang landi-landi mo!”Napatalukbong ng kumot sa buong katawan si Briel nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Abot-abot na ang kanyang kaba habang nahihirapan ng huminga kung sino ang nagbukas noon. Maaaring ang mga anak nila. Si Giovanni o kung hindi naman ay ang Mama ng dating asawa upang tingn

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 92.3

    PARANG MAY SARILING buhay na kumubabaw na si Giovanni sa katawan ni Briel na nang dumikit ang kanyang balat sa balat ng babae ay parang may dumiklap doong invisible at nakatagong apoy. Yumundo ang kama nang dahil sa kanyang ginawang pagmamadali doong pagsampa upang pagbigyan lang ang kanyang sarili. Ngumisi si Briel na animo ay nagtagumpay sa kanyang plano hindi pa man nagsisimula si Giovanni sa kanyang planong gawin sa kanya. Amoy na amoy na niya ang pamilyar at mabangong hininga ang dating asawa. Hinaplos pa ng kamay ni Briel ang mukha ng dating Governor na para bang ipinapakita ng kanyang mga mata na sobrang mahal na mahal niya ang dating asawa. Gumalaw naman ang adams apple ng dating Gobernador nang sunod-sunod siyang mapalunok ng sarili niyang laway sa tanawing iyon sa mukha ni Briel na halatang puno ng pananabik sa kanya. Hindi siya disabled para hindi mag-react ang katawan sa tanawing nakahain sa kanyang harapan. Gahibla na lang ang agwat ng kanilang mga mukha. Isang maling gal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status