Napatingin naman ako sa buong paligid ng bar maingay ang mga costumer. Normal ito dahil lasing na silang lahat nangyayari rin naman ito sa Korea ang ganitong bagay hindi nga lang pwede magwala.Hindi ako nakikilala ng mga taong nandoon mas okay ang ganoon para hindi magkaroon ng riot. Nasa likod lang ako ng bayaw ko at kasama namin ang dalawang bodyguard na kalmado."Nandyan na ba ang mga kaibigan at kapatid ko?" banggit ng bayaw ko sa bouncer na kaharap namin ngayon.Palipat-lipat lang ang tingin nito sa amin dahil may kasama kaming bodyguard."Oo, sir kanina pa nandun sa VIP, alam na ni manager na pupunta ka." sagot ng bouncer."Salamat, let's go." aya naman kaagad sa akin ng bayaw ko inakbyan niya pa ako sa balikat ko.Pumasok na kaming apat sa loob ng bar at nagpunta sa kasama na nasa loob ng VIP room. Sinamahan pa kami ng waiter na lumapit sa amin nang papunta na kami doon."Kuya, ang tagal nyo dumating." angal kaagad ni Kech sa kapatid niya hindi ko sila close naiilang ako sa ti
Nang makarating kami sa condo inawat pa ako ni ate Elle nang bubuksan ko na 'yong ilaw. "Hey," awat sa akin ni ate Elle dahilan para mapa-isip ako. "Lumang style na 'yan, ate nagawa ko na ito sa inyo ni kuya Ash hindi na ba bago." sabi ko naman kay ate Elle hindi niya ako inawat nang tuluyan ko nang buksan ang ilaw. Nagulat naman ako nang bumungad ang mga kaibigan ko na sina Kath, Erika at Zaimah na mula sa ibang lugar nang-galing. "Mga BAKLAAAAA!!!!!" umiiyak kong sigaw sa mga kaibigan ko na ngayon ko lang ulit nakita sa nakalipas na taon. May sarili na silang buhay at busy rin kaming lahat kaya wala nang oras para magkita-kita ang tropa. "Waaaaahhh!!! Namiss ka namiiin!!!!" tumitiling sigaw ni Erika nang magka-yakapan kaming apat. Para kaming mga teenager sa hitsura namin ngayon. "Namiss ko rin kayo, paano?" sabi ko sa kanilang tatlo hindi ko na sila tinawagan para sabihin ang tungkol sa kasal ko. Nakalimutan ko na rin dahil sobrang busy sa buhay ko bilang asawa ni RR. Palip
Makalipas na buwan umuwi kaming dalawa ng asawa ko para ihanda naman ang kasal namin sa simbahan. Plano naming dalawa na manirahan sa Korea at pati sa Pilipinas kaya hindi ko pwedeng iwanan ang tinayo kong business na pinangarap ko mula pagkabata.Magkasama kaming lahat sa pamimili ng gown at suit para sa abay, maid of honor, best man pati sa magulang namin. Pupunta ang magulang ng asawa ko sa susunod na araw."Dito kami sa kabila hindi sila pwede magkita," bilin ni mommy nalungkot naman ang mukha ng asawa ko pinaliwanagan ko naman ito kung ano ang dahilan at ganun si mommy.Naniniwala ang pamilya ko sa pamahiin dahil nagkaka-totoo ito at hindi kathang-isip lang. Kahit si kuya Ash at ang pamilya niya mapaniwala kahit lumaki sila sa ibang bansa."Sige na," sabi ko naman sa kanila.Tumalikod na sila kinausap nang bayaw ko ang asawa ko. Kasama ko naman si mommy at ang ate Elle ko iniwan niya ang anak sa panganga-alaga ng bayaw niya na nag-aaral rin sa BSU.May nagustuhan akong gown pang
Ito ang unang beses na makikita ko sa personal ang magulang ng boyfriend ko. Nasa airport na kaming dalawa para umalis kasama ang magulang ko para ihatid kami may mga nakakakilala sa amin mabuti na lang hindi kami dinudumog. "Ingat kayo sa byahe," nasabi ni mommy sa aming dalawa at yumakap na lang sa akin tumugon naman ako."Kinakabahan ako sa unang pagkakataon makikita ko sa personal ang magulang niya," bulong ko sa magulang ko hindi ito first time na ipakilala ko ang sarili ko sa magulang ng boyfriend ko.Iba ito, fiancee na ako ni RR Eun..."Kaya mo, anak tawagan mo kami kapag nandun na kayo sa Korea," pangungumbinsi naman ni daddy sa akin parehas niya hinawakan ang braso ko.Tumango na lang ako at magkahawak-kamay na umalis na kaming dalawa sa harap ng magulang ko para pumasok sa loob ng airport. Ilang oras lumipas nasa himpapawid na kami at papunta na sa Korea."Are you nervous?" puna naman niya sa akin namamawis ang mga ka
Year 2040 (5 years later)Nasa loob kaming lahat nang hotel ng magsalita si daddy sa tabi namin.The Grand Ball PartyYear 2040"Nakakalungkot na wala na ang magulang ni Louie dito," pahayag naman ni daddy sa aming tatlo magkakatabi ang mga sikat at kilala pa rin sa showbiz."Kasama niya ang fiancee niya hindi siya nag-iisa," bulalas naman ni mommy kay daddy totoo naman ang sinabi ni mommy hindi iniwan ni ate Jinchi si kuya Louie.Mas naging matagtag ang relasyon nilang dalawa."Oo nga," sabat ni ate Elle sa tabi ko.Lumakad na kaming apat sa red carpet papasok sa loob ng isang hotel."Why are you nervous?" bulong ko naman sa boyfriend hindi naman niya ito first time maybe dito sa Pilipinas."Nothing," sagot naman ng boyfriend ko sa akin hawak niya ang kamay maraming bulungan na naririnig namin.Nagka-tinginan lang kaming lima sa naririnig namin. Maraming media ang nandoon at imbitado kaya
Hindi lang pala ako ang masaya sa pamilya ko dahil magkakasama kami ng buong pamilya ko ngayong pasko at bagong taon. Hindi na dito nag-papasko at bagong taon ang ate Elle at ang pamilya niya umaalis sila ng bansa para sulitin ang araw na magkakasama sila. Alam nila hindi habangbuhay ang kanilang pagsasama bilang pamilya hinayaan lang ito ng magulang ko kahit nakikita ko sa kanila na gusto rin nila makasama si ate Elle.Maski naman ako gusto ko rin makasama si ate Elle siya ang da best ate in the world kahit maaga siyang nagkaroon ng pamilya.Nang humingi ako ng favor kay ate Elle at kay kuya Ash na pwede bang mabuo tayo as family reunion dito sa Pilipinas nag-aalangan pa ako magsabi nung una sa kanila paniguradong may plano na sila nang sabihin ko hindi sila nagdalawang-isip na pumayag sila.Mamaya ko na lang tatawagin ang boyfriend ko hahayan ko muna siya makasama ang magulang niya. Tumatawa kaming lahat sa kakulitan ng pamangkin ko one and only apo sa amin wala pa sa isip ko na ma