Share

Chapter Fifty-two

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-09-07 21:13:55

Itinago ni Gaia ang polseras sa kaniyang bulsa bago pumasok sa isang kainan kung nasaan sina Yuan at Aurus. Apat na upuan ang naroon at magkatapat na nakaupo ang dalawang lalaki. Kaya kahit saan siya umupo, katabi pa rin niya si Aurus.

“Manlilibre daw si Lord Yuan. Minsan lang ito mangyari kaya huwag nating palampasin,” sambit pa ng babae bago siya pakawalan.

Umupo ito sa isang bakanteng upuan habang siya’y umupo na rin.

“Hindi ko naman sinabi na lahat kayo ililibre ko, ah!” reklamo ni Yuan.

“Magkakasama tayo kaya dapat kapag ililibre mo ang isa, lahat kami ay ililibre mo rin. Sige na, mag-order ka na,” sabi ni Liberty.

“Bahala kayo. Weyter, apat na tsaa nga!”

“Tsaa lang? Ang kuripot mo naman, Lord Yuan.”

“Hoy, Liberty. Masyado tayong marami. Kailangan kong tipirin ang pera ko. Mahirap humingi kay Lola Kora kapag naubusan ako.”

“Akala ko pa naman magpapakain ka,” nakasimangot na sabi ni Liberty.

Tahimik lang naman sila ni Aurus habang naririnig ang pagtatalo ng mga ito, pero napansin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Wala pa ba Ms A? ...
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Hahaha,,Aguyy nagseselos na ang Aurus mo Gaia...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Fifty-four

    Samantala, lingid sa kaalaman ni Gaia, lumabas din si Aurus nang gabing iyon. Nakaalis na ang dalaga nang maghintay ang binata para gawin ang pagsasanay nila tuwing gabi. Akala ni Aurus ay nasa silid lamang si Gaia at hindi pa rin ito lumalabas, ngunit dumating si Lolo Hakubo.“Sinong hinihintay mo, iho?” tanong ng matanda.“Magandang gabi, Lolo Hakubo. Hinihintay ko po si Gaia.”Ngumiti naman ito. “Maaari ba kitang makausap sandali?”“Sige po.”Dinala siya ng matanda sa tanggapan nito. Hindi niya alam ang katungkulan nito sa Dekzas ngunit parang ginagalang ito sa lugar na iyon. Sa tingin niya ay marami rin itong alam lalo na sa bagay na hinahanap nila.“Hinahanap niyo ang bughaw na ugat, hindi ba?” tanong agad ng matanda. “Alam ko kung nasaan iyon,” dugtong pa nito.Natuwa si Aurus sa nalaman.“Talaga po? Nasaan po ang halamang iyon Lolo Hakubo?”“Magtungo ka sa likod bahay. Sa ibaba ng patay na punong naroon ay may isang butas. Doon nakalagay ang hinahanap niyo.”“Maraming salamat,

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Fifty-three

    Mabilis lumipas ang mga araw at huling araw na ng pananatili ng grupo ni Gaia sa tahanan nina Jag. Sa nakalipas na mga araw, bihirang makita ng dalaga ang miyembro ng pamilya nito. Palaging wala roon si Jag at Lolo Hakubo. Halata namang umiiwas sa kaniya ang mga magulang nito at pinsan. Hindi niya alam kung ano ang dahilan, pero hinayaan na lamang niya para sa pakay niya roon.Isang gabi, nagtungo si Gaia sa patay na puno sa kalagitnaan ng gabi tulad nang sinabi ni Lolo Habuko. Umakyat siya roon at pinagmamasdan ang madilim na paligid. Siguradong makikita niya kahit kaunting liwanag kapag totoo ang sinasabi ng matanda.Ilang minuto siyang nanatili roon nang mapansin ang isang liwanag sa gitna ng kagubatan. Mabilis siyang bumaba sa puno at tumakbo patungo roon. Walang kaba niyang binaybay ang kagubatan sapagkat tatlong gabi silang naglalaban ni Aurus sa lugar iyon. Masasabi niyang malaki ang naitulong ng binata para mas maging mapalakas ang pakiramdam niya lalo na sa dilim. Napakagaan

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Fifty-two

    Itinago ni Gaia ang polseras sa kaniyang bulsa bago pumasok sa isang kainan kung nasaan sina Yuan at Aurus. Apat na upuan ang naroon at magkatapat na nakaupo ang dalawang lalaki. Kaya kahit saan siya umupo, katabi pa rin niya si Aurus.“Manlilibre daw si Lord Yuan. Minsan lang ito mangyari kaya huwag nating palampasin,” sambit pa ng babae bago siya pakawalan.Umupo ito sa isang bakanteng upuan habang siya’y umupo na rin.“Hindi ko naman sinabi na lahat kayo ililibre ko, ah!” reklamo ni Yuan.“Magkakasama tayo kaya dapat kapag ililibre mo ang isa, lahat kami ay ililibre mo rin. Sige na, mag-order ka na,” sabi ni Liberty.“Bahala kayo. Weyter, apat na tsaa nga!”“Tsaa lang? Ang kuripot mo naman, Lord Yuan.”“Hoy, Liberty. Masyado tayong marami. Kailangan kong tipirin ang pera ko. Mahirap humingi kay Lola Kora kapag naubusan ako.”“Akala ko pa naman magpapakain ka,” nakasimangot na sabi ni Liberty.Tahimik lang naman sila ni Aurus habang naririnig ang pagtatalo ng mga ito, pero napansin

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Fifty-one

    Kinabukasan, madilim pa sa paligid nang magising si Gaia at halata ang pagod sa itsura niya. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi pagbalik nila ni Aurus sa bahay. Inokupa ng sinabi nito ang kaniyang isip buong gabi. Hindi niya matiyak kung seryoso ba ito sa sinabi o paraan lang nito iyon para hindi niya ito paalisin sa kaharian. Kahit ano pa ang dahilan nito, ginulo na niyon ang isip niya.Humugot siya nang malalim na paghinga bago nagtungo sa harapan ng bahay at nakita niya roon si Yuan. Nakaupo ito sa harapan ng patong-patong na mga bato na may tatlong butas sa gilid. Marahan nitong sinusudlong ang kahoy para hindi mamatay ang apoy. Sa gitna niyon ay nakasalang ang isang kumukulong takure. Kaagad niyang nalanghap ang aroma ng kape.“Magandang umaga, mahal!” bati nito nang makita siya, pero sinamaan niya ito ng tingin.“Huwag mo akong tawaging mahal, Yuan. Hindi magandang pakinggan,” sabi niya bago umupo sa tabi nito.“Eh, anong itatawag ko sa ’yo Ina? Hindi rin magandang pakingga

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Fifty

    Bigla siyang napatingin dito. Madilim ang paligid at hindi niya ito makita nang malinaw, pero alam niyang seryoso ito sa sinabi.“Mas’yadong madilim ngayon, Aurus, hindi tayo makakapag-laban nang maayos.”“Minsan, mas kailangan natin ang lakas ng pakiramdam kaysa makita ang paligid dahil hindi lahat ng ating nakikita ay totoo. P’wedeng malinlang ang paningin, pero ang puso, hindi.”Sang-ayon si Gaia sa sinabi ni Aurus. Kapag mas malakas ang iyong pakiramdam mas madali mong malalaman kung nagsasabi ng totoo ang iyong kaharap o hindi, dahil sadyang may mga taong mapaglinlang.“Kung iyan ang gusto mo, papayag ako, pero gusto kong gamitin mo ang lahat ng iyong lakas. Ayokong maramdaman na nagpipigil ka sa pag-atake, dahil wala rin kwenta ang laban natin.”“Hindi mo ba talaga sasabihin kung bakit gusto mong makipaglaban sa akin?”“Kakaiba ang istilo mo sa pakikipaglaban at ngayon ko lang nakita iyon. Nais kong subukan iyon gamit ang sarili kong lakas.”“Iyon lang ba ang dahilan?”Hindi siy

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-nine

    Tinulungan sila ni Jag para makaalis sa bitag ng Murky. Gamit ang pagiging bihasa nito sa lason, wala silang kahirap-hirap na nakaalis doon. Isinama sila ni Jag sa tahanan ng mga ito malapit din sa lugar na iyon.“Bakit ka napadpad dito, Gaia? Sino sila? Bakit kayo magkakasama?” tanong ni Jag nang bahagya silang lumayo sa kaniyang mga kasama.Nakatayo silang dalawa sa balkonahe ng bahay nito. Abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga magulang ni Jag ang iba niyang kasama. Nakikipaglaro naman si Brie sa batang pamangkin ni Jag.“Nakilala ko sila nang umalis ako sa dooms gate.”“Anong nangyari sa ’yo? Bakit bigla kang nawala roon? Inaasahan namin ang tulong mo nang sugurin ang dooms gate, pero hindi ka dumating. Napilitan na lang kaming tumakas para iligtas ang aming mga sarili. May nangyari bang hindi namin alam? Bakit may takip ang mukha mo?” “Iisa lang ang dahilan kaya hindi ako nakarating noong sinugod ang dooms gate, at kung bakit ako narito sa Dekzas ngayon. Kailangan ko ang prietz at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status