Share

Chapter Ten

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-03-18 16:31:12

Hindi ipinakita ni Gaia ang gulat sa mukha niya. Hawak na nila ang isang sangkap para makagawa ng lunas sa karamdaman niya, pero hindi niya alam kung dapat ba siya maging masaya. Gusto niyang umasang muli na gagaling pa siya, pero nang maalala ang sakit na naramdaman niya sa bungad ng k’weba, nawawala ang pag-asang iyon. Halos panawan na siya ng ulirat sa sakit at hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal iyon bago siya bawian ng buhay. Kung magsisimula siya ngayon sa paghahanap ng mga sangkap, baka masayang lang din ang gagawin niya. Baka tuluyan na siyang mamaalam sa mundo sa kalagitnaan ng paghahanap niya.

“Delikado kung mananatili pa tayo nang matagal dito, estranghero. Kung ayaw natin maging hapunan ng mga mababangis na hayop, kailangan na nating umalis bago sumapit ang dilim,” sabi niya at binalewala ang hawak nitong prutas.

“Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito, premier guard. Kapag nakuha mo ang mga sangkap ng lunas, makakalaya ka na sa sakit mo. Hindi ka na mahihirapan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Fifty

    Bigla siyang napatingin dito. Madilim ang paligid at hindi niya ito makita nang malinaw, pero alam niyang seryoso ito sa sinabi.“Mas’yadong madilim ngayon, Aurus, hindi tayo makakapag-laban nang maayos.”“Minsan, mas kailangan natin ang lakas ng pakiramdam kaysa makita ang paligid dahil hindi lahat ng ating nakikita ay totoo. P’wedeng malinlang ang paningin, pero ang puso, hindi.”Sang-ayon si Gaia sa sinabi ni Aurus. Kapag mas malakas ang iyong pakiramdam mas madali mong malalaman kung nagsasabi ng totoo ang iyong kaharap o hindi, dahil sadyang may mga taong mapaglinlang.“Kung iyan ang gusto mo, papayag ako, pero gusto kong gamitin mo ang lahat ng iyong lakas. Ayokong maramdaman na nagpipigil ka sa pag-atake, dahil wala rin kwenta ang laban natin.”“Hindi mo ba talaga sasabihin kung bakit gusto mong makipaglaban sa akin?”“Kakaiba ang istilo mo sa pakikipaglaban at ngayon ko lang nakita iyon. Nais kong subukan iyon gamit ang sarili kong lakas.”“Iyon lang ba ang dahilan?”Hindi siy

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-nine

    Tinulungan sila ni Jag para makaalis sa bitag ng Murky. Gamit ang pagiging bihasa nito sa lason, wala silang kahirap-hirap na nakaalis doon. Isinama sila ni Jag sa tahanan ng mga ito malapit din sa lugar na iyon.“Bakit ka napadpad dito, Gaia? Sino sila? Bakit kayo magkakasama?” tanong ni Jag nang bahagya silang lumayo sa kaniyang mga kasama.Nakatayo silang dalawa sa balkonahe ng bahay nito. Abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga magulang ni Jag ang iba niyang kasama. Nakikipaglaro naman si Brie sa batang pamangkin ni Jag.“Nakilala ko sila nang umalis ako sa dooms gate.”“Anong nangyari sa ’yo? Bakit bigla kang nawala roon? Inaasahan namin ang tulong mo nang sugurin ang dooms gate, pero hindi ka dumating. Napilitan na lang kaming tumakas para iligtas ang aming mga sarili. May nangyari bang hindi namin alam? Bakit may takip ang mukha mo?” “Iisa lang ang dahilan kaya hindi ako nakarating noong sinugod ang dooms gate, at kung bakit ako narito sa Dekzas ngayon. Kailangan ko ang prietz at

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-eight

    Sinadya ni Gaia na bahagyang ipakita ang marka sa mukha niya. Tumingin din siya lalaki na tila nanghihina. Bumakas ang takot sa mukha nito at mabilis na umatras.“Pesteng iyan, baka mahawa kami sa inyo. Umalis na kayo. Bilisan niyo!” taboy nito sa kanila.Sinunod naman iyon ni Yuan at mabilis na pinatakbo ang kabayo palayo.Lihim na nagpasalamat si Gaia dahil walang ideya ang tauhang iyon ni Sigmundo kung sino siya. Marahil hindi pa nakararating dito ang pagkakilanlan na isiniwalat niya sa dibisyon ng Atar.“Ang galing mo naman, Lord Yuan! Mabuti naniwala sila sa palusot mo. Mukha naman kasing may sakit si Gaia. Hindi na rin nakapagtatakang pinalam,” masayang puri ni Liberty kay Yuan na may pasimpleng panghahamak sa kaniya.“Sa ’yo siguro natakot ’yong nagbabantay, Liberty, kaya pinalampas nila tayo,” tugon ni Yuan.“Nakakainis ka naman, Lord Yuan. Pinuri na nga kita, tapos nilait mo pa ako.”“Ganoon ka rin naman. Kung hahangaan mo ang isang tao, huwag kang mandadamay ng isa pa para i

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-seven

    Kinabukasan, nakahanda na silang umalis ng Inn, ngunit nagpupumilit sumama si Liberty sa pag-alis nila. Taliwas iyon sa sinasabi nitong ihahatid lamang sila sa hangganan ng dibisyon.“Bakit kailangan mong sumama sa amin, Liberty?” tanong ni Yuan kay Liberty.Napatingin si Gaia kay Yuan. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin kay Liberty. Naalala pa niya ang ginawa nito kagabi, pero hinayaan na lang niya ito. Hinintay na lamang niyang mawala ang kaniyang marka bago bumalik sa silid nila. Tulad ng sinabi ni Brie, ang marka niya ang palatandaan ng mga Gentry sa kaniya, kaya hindi na siya nagtaka na alam ni Yuan ang tungkol doon.“Opo nga, Ate Liberty. Bakit kailangan mong sumama sa amin? Akala ko po ba ihahatid mo lang kami hanggang makalabas ng dibisyon?” nagtataka ring tanong ni Brie.“Bakit pakiramdam ko ayaw niyo akong kasama?” nakangusong tanong ni Liberty sa dalawa.“Tama po,” agad na sagot ni Brie.Sinamaan ito ng tingin ni Liberty kaya nagtago ang bata sa likuran ni Gaia.

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-six

    Sandali pang nanatili sa loob ng silid si Gaia pagkatapos ng mabilis na laban kay Xian. Pinahupa muna niya ang sakit ng katawan saka lumabas ng silid. Napangiwi pa siya nang kumirot ang tagiliran niya. Hawak-hawak niya iyon habang naglalakad. Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Aurus eksaktong pagbukas niya ng pinto.“Gaia? Anong ginagawa mo sa silid na iyan?” tanong nito.“Nagkamali ako ng pinasukang silid. Akala ko, ito ang silid na inookupa natin.”Napakababaw ng kaniyang dahilan, dahil imposible sa kagaya niyang premier guard na magkamali ng silid. Sa palagay niya’y naunawaan naman ni Aurus ang pagdadahilan niya at hindi na ito nagtanong pa.“Anong nangyari sa ’yo? Bakit hawak mo ’yang tagiliran mo?” nag-aalala nitong tanong habang nakatingin sa kaniyang tagiliran. Parang hindi sila nagkasagutan kanina. Marahil pinili na lang nitong balewalain ang mga sinabi niya at gampanan ang tungkulin nitong ito lamang ang may gusto.“Aurus,” mahinahon niyang tawag sa pangalan nito. Nagta

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-five

    Pinagsawalang bahala muna ni Gaia ang tungkol sa natanggap na mensahe. Ngunit alerto pa rin siya sa paligid nang muling pumasok sa Inn.“Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay rito. Hindi kami makapagsimula kumain nang wala ka. Pa-importante ka naman masyado,” inis na salubong ni Liberty nang dumating siya sa mesang okupado ng mga ito.Isang mesa na may apat na upuan ang pwesto ng mga ito. Nakahain ang tatlong plato na may lamang pagkain. Magkatabi sa upuan sina Liberty at Aurus. Halatang nagpapansin ang babae sa katabi, pero tahimik lang itong nakatingin sa pagkain na tila malalim ang iniisip. Inirapan siya ni Liberty bago tumingin sa kasama niya, pero nanlaki ang mga mata nito nang makita si Yuan.“Lord Yuan, bakit narito ka? Bakit magkasama kayo?” gulat nitong tanong.“Pakialam mo ba,” supladong tugon ni Yuan at umupo sa isang bakanteng upuan sa harapan nina Liberty at Aurus.Umupo rin siya sa katabi ni Yuan dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan. Sandaling tumingin sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status