LOGINSunod-sunod ang ginawang buntong hininga ni Aurus habang pinagmamasdan ang walang malay na dalaga. Dinala niya ito pabalik sa kubo pagkatapos niya itong bigyan ng gamot. Apatnapung oras ang epekto ng ibinigay niyang gamot kay Gaia at isang araw pa lang ang lumilipas, kaya mananatili itong walang malay hanggang bukas.
“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para balikan ka, premier guard,” naiiling niyang sabi sa walang malay na babae. Maging siya’y hindi rin makapaniwala sa kaniyang ginawa.
Natanaw niyang bumagsak si Gaia at hindi siya nagdalawang isip tumalon mula sa sinasakyang bangka at lumangoy pabalik dito. Alam niyang makakatulong siya sa kalagayan nito, kahit ang kapalit niyon ay ang katungkulan niya bilang heneral sa kahariang pinaglilingkuran niya. Kampante naman siya dahil natagpuan nila si Tana. Ilang taon din nila itong hinanap nang umalis ito ng kaharian para hanapin ang kakambal nito. Muli niyang nakita ang kasiyahan sa mga mata nito habang kasama si Gaia. Ayaw niyang makitang masaktan uli si Tana kapag nawala ang kakambal nito. Masyadong matigas ang puso ni Gaia para tanggapin ang lunas, kaya ipinasya niyang tulungan ito sa paraang alam niya. Malaki ang nagawang tulong ni Tana sa kaniya, kaya sisikapin niyang ibalik ang tulong na iyon para gumaling si Gaia.
Umupo si Aurus sa tabi ng higaan ni Gaia. Mataman niya itong pinagmasdan. Nawawala na ang marka sa mukha nito, pero hindi pa rin siya mapapanatag. Nanganganib pa rin ang buhay ni Gaia hanggat hindi nila nakukuha ang gamot sa sakit nito.
“Kailangan mong gumaling, premier guard.”
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Dinama niya ang pulsuhan nito, pero isang imahe ang biglang pumasok sa isip niya. Isang imahe habang siya’y nasa tubig hawak ang isang kamay. Hindi iyon malinaw, pero ramdam niya ang init ng palad mula sa taong iyon.
Ipinilig ni Aurus ang ulo. “Pagod lang siguro ito. Kailangan ko muna magpahinga,” saad niya sa sarili.
Inayos ni Aurus ang kumot ni Gaia bago lumabas ng silid. Humiga siya sa upuang kawayan na naroon at pinagkasya ang sarili para magpahinga, ngunit isang pagsabog ang biglang nagpabangon sa kaniya. Mabilis siyang nagtungo sa labas ng kubo. Natanaw niya ang usok mula sa quarter ng mga guwardiya kung saan sila nanatili ni Zeus.
“Ano’ng nangyayari sa lugar na iyon?” nagtataka niyang tanong.
Muli siyang pumasok sa loob ng kubo upang tingnan si Gaia. Mahimbing pa rin itong natutulog kaya’t muli siyang lumabas. Pinuntahan niya ang lokasyon kung saan naganap ang pagsabog. Nang makarating doon, mabilis siyang nagkubli sa isang puno nang makitang nagkakagulo ang mga guwardiya.
“Patay na ang premier guard!” sigaw ng isang guwardiya habang inaatake ang kasama nito.
“Wala kang patunay na patay na siya!” ganti ng isa bago sugurin ang kapwa guwardiya.
“Malakas ang kutob ko na siya ang sunog na bangkay sa Kanluran ng dooms gate! Tanggapin niyo na lang ang katotohanan na patay na siya!”
Nagpatuloy ang dalawa sa paglalaban habang pinagtatalunan ang pagkamatay ni Gaia. Naguluhan si Aurus sa sinasabi ng mga ito. Buhay na buhay si Gaia, kahit wala itong malay, at walang katotohanan ang pinagtatalunan ng dalawang guwardiya.
Umalis si Aurus sa pinagtataguan at nagtungo sa ibang bahagi ng dooms gate. Maraming guwardiya ang nakahandusay sa lupa. Duguan ang mga ito at ang iba naman ay siguradong wala ng buhay.
“Trey!”
Kaagad nagkubli si Aurus sa katawan ng puno nang marinig ang boses ng isang babae. Bahagya siyang sumilip para makita ang mga ito. Lumapit ang babae sa isang guwardiya at pawang may bahid ng dugo ang kasuotan ng dalawa.
“Sara, mabuti narito ka. Hanapin mo ang premier guard. Nag-aklas ang mga guwardiya dahil sa balitang patay na siya. Hindi ako naniniwalang patay na si Premier. Papatunayan natin sa kanila na buhay siya para matigil na ang kaguluhang ito. Siya lang ang maaaring pumigil sa pag-aaklas ng mga guwardiya.”
“May mas malaki tayong problema kaysa sa balitang patay na ang premier guard, Trey.”
“Ano ’yon?”
“Sumugod ang mga sundalo mula sa iba’t-ibang dibisyon. Gusto nilang makuha ang katawan ng premier guard para ipagmalaki sa buong kaharian. Alam naman natin na marami ang gustong pumatay kay Gaia at gustong kunin ang titulo niya bilang Premier guard. Marahil nabalitaan ng mga dibisyon ang pagkamatay niya at nais kunin ang kaniyang katawan. Kapag nangyari iyon, sila ang makakakuha sa titulo ni Gaia at kikilalanin sa buong Forbideria.”
“Wala silang makukuhang katawan, dahil hindi buhay pa ang premier guard. Paano ba kumalat ang balitang patay na siya? Sino ang nagpakalat no’n?”
“Hindi ko alam, Trey, at hindi natin mapipigilan ang mga sundalo mula sa iba’t-ibang dibisyon. Nagsanib-pwersa na sila para mapaalis sa pwesto si Gaia. Umalis na lang tayo rito. Nagbaba na rin ng utos ang Kastilyo at pinababalik na tayo sa kinabibilangan nating dibisyon. Papalitan tayo ng mga sundalo mula sa kastilyo at sila ang magbabantay sa doom’s gate. Wala na tayong obligasyon sa lugar na ito. Kung anuman ang manyari dito, labas na tayo roon.”
Nasagot ang tanong sa isip ni Aurus kung bakit nagkakagulo ngayon sa dooms gate. Pinupuntirya ng mga tao si Gaia at gusto itong patayin. Wala siyang ideya kung bakit, pero malinaw sa kaniya na hindi lang sa sakit nanganganib ang premier guard, kundi sa mga taong nasa paligid nito. Ngayon alam na niya kung bakit mahirap makuha ang tiwala ng dalaga.
Nabaling ang atensyon ni Aurus nang muli niyang marinig ang isang pagsabog. Tumingin siya sa direksyon niyon at ganoon na lang ang hilakbot niya nang makitang sa kagubatan nangyari ang pagsabog. Naroon ang bahay-kubong kinalalagyan ni Gaia.
“Kailangan ko magmadali. Nanganganib ang premier guard sa mga taong ’yon,” saad niya sa sarili at mabilis na tumakbo patungo sa kagubatan.
Malayo pa lang ay natatanaw na ni Aurus ang dahan-dahang paglapit ng limang lalaki sa kubo ni Gaia. Mabilis niyang sinugod ang dalawang lalaki sa hulihan. Malakas siyang bumwelo sa pagtalon upang makarating agad sa pwesto ng dalawa. Magkasabay niyang sinipa ang mga ito na nakakuha sa pansin ng tatlo sa unahan. Nakatayo siyang bumagsak sa lupa, pero agad sumalubong sa kaniya ang espada ng kalaban. Mabilis siyang yumuko upang iwasan iyon. Gumanti siya ng pag-atake sa pamamagitan ng pagdakot sa leeg nito at malakas itong ibinagsak sa lupa. Sinundan pa niya iyon ng malakas na suntok sa dibdib bago lumapit sa dalawa pa.
“Lapastangan! Wala kang karapatan para kalabanin ang grupo namin! Baka hindi mo kami kilala. Kami ang—”
Naputol ang sasabihin nito nang mabilis na dinampot ni Aurus ang espada sa lupa at binato rito. Tumusok iyon sa dibdib ng lalaki at kaagad nawalan ng buhay.
“Hindi ako interesadong malaman kung sino ka. Ang ayoko sa lahat ay maingay na katulad mo,” malamig niyang sabi.
Balewala niyang hinugot ang espada sa katawan nito at hinarap ang natitirang kalaban. Hindi ito natinag sa kinatatayuan. Parang humahanga pa ito sa pinakita niyang galing sa pakikipaglaban.
“Kakaiba ang paraan mo sa pakikipaglaban. Nakakahanga ang bilis at galing mo. Gusto mo bang sumama sa grupo namin?” nakangisi nitong alok kay Aurus.
“Ano’ng kailangan niyo sa kubong iyan?” tanong niya rito. Hindi siya interesado sa inaalok nito kaya wala siyang obligasyon na sagutin ang tanong nito.
Hinaplos ng lalaki ang malagong balbas. Pagkatapos ay hinaplos rin nito ang malago at kulot na buhok.
“Kapag sinagot ko ba iyan, papayag ka ba maging miyembro ng Lunos? Kilala ang aming grupo sa ikalimang dibisyon dahil sa malalakas naming pasabog. Magkakaroon ka ng malakas na grupo kapag sumama ka sa amin. Ano? Papayag ka ba? Pag-isipan mong mabuti ang prebilihiyong binibigay ko sa ’yo. Malaking karangalan sa ’yo kung tatanggapin mo ang alok ko.”
“Sagot ang kailangan kong marinig at hindi ang alok mo. Ano ang kailangan mo sa kubong ’yan?” pag-uulit niyang tanong.
“Kung iyon ang gusto mong malaman, sige, sasagutin ko,” kalmado nitong sabi.
Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ni Aurus ang pagbunot ng kalaban isang karayom mula sa malago nitong buhok. Napansin din niya ang bahagyang itim sa dulo ng karayom. Ibig sabihin ay nakalalason iyon. Lihim siyang ngumisi nang malaman ang plano nito.
“Iyon ay kung makakaalis ka ng buhay—” Hindi nito natuloy ang sasabihin nang mabilis niyang winasiwas ang hawak niyang espada.
Sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa labi ni Aurus habang nakatingin sa namimilog nitong mga mata. Nanghihina nitong sinundan ng tingin ang tama ng espada sa katawan nito. Nabitawan nito ang karayom at napaluhod. Takot ang makikita sa mga mata ng lalaki habang nakatingin sa walang ekspresyon mukha ni Aurus. Babawian na ito ng buhay, pero takot pa ang huli nitong naramdaman.
“Ililigtas namin si Gaia kahit anong mangyari!” seryosong sagot ni Ezraya.“Gusto rin namin siyang iligtas, pero gumawa tayo ng magandang plano. Huwag ganitong padalos-dalos tayo,” sagot ni Hugo.Hindi rin matanggap ni Hugo na wala siyang magawa ngayon para sa kaniyang master. Nagawa niyang makaganti sa mga assassin kanina, pero wala siyang magawa ngayon kundi panoorin ang pagdakip kay Gaia. “Kunin niyo ang katawan ng lalaki at itapon!”Magkakasabay silang tumingin sa direksyon ng lalaking nagtangkang pumatay kay Gaia. Mula sa mga pinagtataguang puno, nakita nila ang nanlilisik na mga mata ni Gaia sa lalaki habang pilit nagpupumiglas sa hawak ng apat na kawal.“Papatayin kita kapag ginalaw mo ang katawan niya,” walang buhay na banta ni Gaia sa lalaki.“Nasasaktan siya ngayon at hindi iyon magandang pangitain,” nag-aalalang pahayag ni Sara habang pinagmamasdan kung paano tumingin ang walang buhay na mga mata ni Gaia.Hindi pinakinggan ng mga kawal ang babala ni Gaia, at nilapitan ng m
“Aurus, gumising ka! Malakas ka, ’di ba? Lumaban ka, pakiusap. Marami pa tayong gagawin na magkasama. Huwag mo akong iiwan sa magulong mundong ito,” umiiyak niyang sigaw habang tinatapik ang mukha nito. Ngunit kahit anong gawin niya, wala na itong reaksyon.Nilibot ni Gaia ang tingin sa paligid upang humingi ng tulong, pero palapit na mga kawal ang nakita niya. Hindi niya makita kung nasaan ang mga kasama niya. Tanging sila lamang ni Aurus ang nasa gitna ng niyebe.“Aurus...”Muli niyang niyakap ang katawan ni Aurus habang umiiyak. Nasa likuran pa rin nito ang dalawang palaso. Imposible man mangyari, pero umaasa siyang buhay pa ito. Ngunit niloloko niya lang ang sarili dahil nakikita niyang tumama ang mga patalim sa likuran ng puso nito. Wala na rin siyang nararamdamang tibok sa pulso nito, at halos magkulay pula ang niyebe dahil sa dugo nito. “Bakit mo ako iniligtas, Aurus. Para sa akin ang palasong iyon. Bakit mo sinalo?”Muling bumuhos ang kaniyang luha habang iniisip kung paano t
Hinigpitan ni Aurus ang hawak sa kaniyang kamay kaya hindi siya nakalapit sa libro.“Pamilyar sa ’yo ang librong iyan, tama ba?” tanong ni Ace 1 kay Aurus. “Dahil diyan nakatala ang tungkol sa mga lunas bilang gamot sa isang uri ng karamdaman na may kakaibang marka,” nakangising dugtong nito.“Sumama ka sa amin assassin bago namin isiwalat ang ginawa mo. Ayaw mo naman sigurong kamuhian ng babaeng katabi mo, hindi ba?” segunda pa ni Ace 5 na ngayon ay hawak na uli ang bolang sandata.“Wala akong dapat ikabahala sa mga sinasabi ninyo,” seryosong sagot ni Aurus.“Talaga? Paano mo ipapaliwanag ang koneksyon mo sa Sandevil?” muling tanong ni Ace 5.“Wala akong koneksyon sa Sandevil.”“Kung wala kang koneksyon, paano mo nalaman ang nilalaman ng mapanlinlang na librong iyan?” tanong ng babaeng nakapula. “Tanging Sandevil lang ang nakakaalam ng tungkol diyan, dahil iyan ang kailangan para magising ang pinuno,” dugtong pa nito. “Wala akong kailangan ipaliwanag sa inyo,” balewalang tugon ni Au
“Ako ang makakalaban mo, binibini. Ako ang harapin mo,” seryosong sabi ng lalaking tinatawag na Ace 1.Tumalon patalikod si Gaia para iwasan ang bigla nitong atake. Nang makakuha ng balanse, sinabayan niya ang pagsugod ng lalaki hanggang maglapat ang kanilang mga patalim.“Interesado ako sa ’yo, binibini,” nakangising sabi ng lalaki.“Wala akong interes sa ’yo,” malamig niyang tugon at pwersahan niyang itinulak paabante ang kaniyang patalim.Napaatras ang lalaki sa kaniyang ginawa, pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha nito.“Malakas ka, binibini. Anong pagsasanay ang ginawa mo para maging gan’yan kalakas?”Hindi sumagot si Gaia. Sa halip, nilubayan niya ang pagkakahawak sa kaniyang espada. Dumiretso ang patalim ng lalaki patungo sa kaniya, pero yumuko siya at muling sinalo ang sandata niya. Mabilis namang lumayo ang lalaki nang iwasiwas niya ang espada sa katawan nito.“Nakakahanga,” nakangisi at namamangha nitong sabi habang nakatingin sa nahagip nitong balabal. Naputol ang
“Wala akong panahon para pakinggan ang pagbabalik tanaw ninyo!” muling sigaw ng kalaban.Naalerto si Hugo at Ezraya nang biglang sumugod ang lalaki sa kanila. Hawak nito ang suot na scarf na may patalim sa dulo. Hinugot naman ni Hugo ang dalawang curved metal na may mahabang kadena na nakasuksok sa likuran niya. Hinagis niya ang isa kay Ezraya na mabilis nitong nasalo. Napagitnaan nilang dalawa ang kalaban. “Hugo, laruin natin ang cross trick bang!” sigaw ni Ezraya sa kaniya.Biglang pumasok sa isip ni Hugo ang nilalaro nila noon ni Ezraya. Gumagamit sila ng dalawang stick at isang bato sa larong iyon. Pag-aagawan nila para ipasok sa isang butas.“Tayo ang cross, siya ang trick, at bang ay patayin siya,” muling sabi ni Ezraya.Napangiti si Hugo sa sinabi ng kapatid. Agad niyang naunawaan ang gusto nitong gawin nila. Ang kalaban ang magsisilbing bato na pag-aagawan nila, pero hindi sila magkalaban sa larong ito ngayon. Sila ang magkakampi para magawa ang bang.“Naalala ko na, Ezraya.
Lumapit sa direksyon ni Gaia ang kaniyang mga kasama nang lumabas ang dalawang babae at apat na lalaki mula sa pinagtataguan ng mga ito. Pawang alerto na ang mga kasama niya at tila nawala na sa isip ang naganap nilang pagtatalo kanina.Pinagmasdan naman ni Gaia ang iba’t-ibang istilo ng anim lalo na sa pananamit. Isa lang sa mga ito ang may makapal na kasuotan na naaangkop sa klima ng Biloah. Ang iba ay mukhang nakasanayan na ng mga itong isuot at hindi na nag-abalang magpalit. Mukhang hindi naman nilalamig ang mga ito.“Sinasabi ko naman sa ’yo, Ace 3, sinadya niyang umarteng nakababa ang kanilang depensa. Pain niya lang ito para lumabas tayo. Ayaw niyo kasing maniwala, eh,” tila nagtatampo ngunit walang buhay na sabi ng isang babae na parang manika manamit mula sa buhok hanggang sapatos. May yakap-yakap pa itong walang mukhang manika.“Tama si Ace 6. Hindi niyo kasi siya pinapakinggan,” segunda ng kasama nitong naka-pormal na damit na parang dadalo sa isang pormal na pagtitipon.“S







