Share

Chapter Seven

Penulis: Maybel Abutar
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-15 16:59:57

Nagmamadaling pumasok si Aurus sa bahay kubo nang umulan ng palasong may apoy sa direksyon niya. Mabilis niyang isinara ang pintuan, pero napaatras siya nang lumampas ang palaso sa dingding. Kaagad nagliyab ang parteng tinamaan niyon. Luma na ang mga kasangkapang kahoy na ginamit sa kubo at alam niyang mabilis kakalat ang apoy roon.

“May hinala ba silang narito ang premier guard?” tanong niya sa sarili.

Pinuntahan niya si Gaia sa silid nito para makita ang kundisyon ng dalaga. Mahimbing pa rin itong natutulog at walang bahid ng sugat mula sa kalaban. Sa palagay niya ay hindi pa nakakapasok ang sinuman sa kubo bago siya dumating.

“Sunugin niyo ang kubong iyan. Malakas ang kutob ko na may nagtatagong malakas na nilalang diyan bukod sa lalaking pumasok. Huwag niyo silang hahayaang mabuhay!”

Narinig ni Aurus ang sigaw na iyon mula sa labas ng kubo. Nagmadali naman niyang ibinalot sa kumot si Gaia. Sinira niya rin ang dingding ng kubo sa likuran para makalabas sila.

“Hindi na tayo ligtas dito, premier guard. Kailangan na nating umalis, baka pareho tayong mamatay kapag hinarap ko sila. Kailangan mo pang gumaling para hindi malungkot si Tana,” sambit niya bago tumakbo palabas ng kubo habang buhat si Gaia.

Matataas na damo at matatayog na punong kahoy ang sinagasa ni Aurus para tumakas. Kailangan niyang ilayo si Gaia dahil nararamdaman niyang hindi titigil ang mga kalaban nito hanggat buhay ang dalaga. Wala siyang ideya kung ilang minuto o oras na siyang tumatakbo sa masukal na daan. Tumigil lang siya nang kumalat ang dilim sa paligid. Malayo na ang narating nila kaya ramdam na rin niya ang pamamanhid ng kaniyang braso habang buhat si Gaia. Ibinaba niya muna ang dalaga at isinandal sa katawan ng puno. Umupo rin siya sa tabi nito. Pumikit siya para sandaling makapagpahinga.

“Ngayon ko napagtanto na ikaw talaga ang kailangan nila, premier guard.”

Tumayo si Aurus at bahagyang iniunat ang mga braso. Sinulyapan niya si Gaia. Maayos naman ang pagkakasandal nito sa punong kahoy. Sa tingin niya ay wala namang mangyayaring masama kahit sandali niya itong iwan.

“Oras na para harapin ang mga taong kanina pa sumusunod sa atin,” nakangisi niyang sabi bago bumalik sa walang emosyon ang mukha niya. “Magpakita kayo!” sigaw niya sa mga pigurang kanina pa niyang nararamdaman na sumusunod sa kanila ni Gaia. 

Tatlong itim na pigura ang agad lumitaw sa harapan ni Aurus. Sa tantiya niya ay limang metro ang layo ng mga ito sa kaniya. Nababalot ng itim na kasuotan ang katawan ng mga ito kaya’t nakapagtatago ang mga ito sa dilim.

“Ibigay mo sa amin ang babae,” sambit ng pigurang nasa gitna. 

“Bakit ko gagawin ang sinasabi mo? Ano bang kailangan niyo sa kaniya at gustong-gusto niyo siyang makuha?” tanong niya sa mapaglarong tono.

“Wala kang karapatan para itanong ’yan!”mayabang na sagot ng pigura sa kaliwa. 

Ngumisi si Aurus. “Wala rin kayong karapatan na kunin ang babae sa akin. Responsibilidad ko ang kaligtasan niya at hindi niyo siya makukuha hanggat buhay ako.”

Tumingin sa isa’t-isa ang mga pigura. Alam ni Aurus na hindi lang tatlo ang sumusunod sa kanila ni Gaia. Malakas ang kaniyang pakiramdam na nasa paligid lang ang mga kasama ng tatlo. Hindi naman siya nagkamali dahil nagbigay ng hudyat ang nasa gitna at sabay-sabay na nawala ang mga ito sa pwesto. Hindi naglaho ang mga ito, dahil nagkubli lang ang mga pigura sa dilim. Nararamdaman pa rin ni Aurus ang presensya ng mga ito patungo sa direksyon niya. Hindi naman siya natinag sa kinatatayuan. Nakiramdam lang siya sa unang pigura na lalapit sa kaniya.

“Paalam sa ’yo, mayabang!” sambit ng pigurang umatake mula sa likuran ni Aurus. 

Mabilis humarap si Aurus at sinalubong ang atake ng pigura. Nagpakawala siya ng mabilis na sipa at pinuntirya ang hawak nitong sandata. Nagawa niyang tamaan ang sandata nito at tumalsik iyon sa lupa. Isa pang sipa ang pinakawalan niya na tumama naman sa mukha ng kalaban. Hindi siya nawalan ng depensa nang matalo ang unang pigura. Naramdaman niya uli ang mga lumilipad na patalim patungo sa direksyon niya. Kahit madilim ang paligid, eksperto pa rin niyang nasalo ang mga iyon. Pamilyar sa kaniya ang ganoong uri ng sandata—isang kunai.

“Assassin,” bulong niya na tila may pinukaw ang salitang iyon sa kaibuturan niya. Isang pamilyar na pakiramdam ang naramdaman niya habang hawak ang mga patalim. Nasasabik siyang gamitin ang mga iyon katuwang ng dilim. 

“Tingnan natin kung kakampi niyo ang dilim o pabor sa akin ang kadiliman para pabagsakin kayo,” nakangisi niyang sabi at mahigpit na hinawakan ang dalawang kunai sa magkabilang kamay.

Sinabayan ni Aurus ang pagsugod ng dalawang pigura at magkasabay rin dumaan sa leeg ng mga ito ang hawak niyang patalim. Pawang mga daing ang naririnig niya sa tuwing tinatamaan ng patalim ang mga kalaban niya.

“A-argh!” nahihirapang daing ng dalawang pigura bago bumagsak sa lupa. 

Hindi pa nakakatayo ng maayos si Aurus nang muli niyang maramdaman ang umuulang patalim sa direksyon niya. Pabor sa mga kalaban ang kadiliman ng paligid, pero mas pabor iyon sa kaniya. Ang ganitong klase ng kapaligiran ang naging kasama niya bago pa siya naging heneral ng Urvularia—ang kaharian kung saan siya unang naglingkod bilang assassin. Manlilipol din siya bago naging heneral at dahil iyon sa tulong ni Tana. Iniwan niya ang dating trabaho para mag-trabaho sa palasyo.

“Nagkakamali kayo ng binangga,” malamig niyang sabi sa mga kalaban.

Balewalang iniwasan ni Aurus ang mga patalim. Ang iba ay sinasalo niya at binabalik sa mga pigurang nagkukubli sa mga sanga ng punong kahoy. Napupuntirya niya rin ang iba sa likuran ng puno at ang mga kalabang aatake pa lang sa kaniya. Hindi nakatiis ang mga kalaban at isa-isang lumitaw ang mga ito sa harapan niya. 

“Sino ka? Sa ano’ng dibisyon ka nagmula?” may pangambang tanong ng nagsalita. 

“Wala kang karapatan para itanong iyan,” sagot niya gamit ang delikadong boses.

Humakbang palapit si Aurus sa mga pigura. Umatras naman ang mga ito. 

“Pinuno, kakaiba ang istilo ng pakikipaglaban niya. Walang ibang grupo maliban sa atin ang may kakayahang kumilos sa dilim. Maaari kayang ginagaya tayo ng ibang dibisyon? Malaking problema ito kapag nakopya nila ang istilo natin sa pakikipaglaban. Kailangan nating malaman ang pinagmulan niya at tapusin siya kasama ng grupo niya,” sabi ng kasama nito. 

“Sabihin mo sa akin ngayon ang dibisyong kinabibilangan mo. Hindi hahayaan ng Murky mula sa ika-apat na dibisyon na kopyahin ng ibang tao ang istilo namin sa pakikipaglaban. Mananagot ang sinumang gagawa no’n!” 

“Kung ganoon, sagutin mo muna ang tanong ko. Ano’ng kailangan niyo sa babae? Bakit gusto niyo siyang makuha mula sa akin?” balik tanong ni Aurus sa pinuno ng grupong tinatawag na Murky. 

“Ang babaeng kasama mo ay ang premier guard, tama ba ako?”

Hindi sumagot si Aurus kaya’t nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki.

“Narito kami para iligtas ang premier guard, kaya ibigay mo siya sa amin. Dadalhin namin siya sa ika-apat na dibisyon—ang Dekzas. Mas ligtas siya roon kaysa sa dooms gate na pinamumunuan niya, pero traydor naman ang mga kasama niya. Ikabubuti niya ang hangad namin, kaya ibigay mo na siya sa amin. Pangako, hindi ka namin sasaktan,” mahabang litanya ng pinuno bago sumenyas sa mga kasama nito.

Kumilos ang mga kasama nito patungo kay Gaia, kahit walang pahintulot mula sa kaniya. Higit sa sampung metro ang layo ni Gaia sa kaniya at hindi niya kaagad mapipigilan ang mga pigura. Mabilis nakalapit ang mga ito sa dalaga.

“Huminto kayo!” sigaw niya nang hahawakan ng dalawang lalaki si Gaia.

Hindi nakinig ang dalawa kay Aurus at itinuloy pa rin ng mga ito ang utos ng pinuno. Binuhat ng isang pigura si Gaia bago muling lumapit sa pinuno ng grupo. Ibinaba nito ang dalaga sa lupa habang nakaharap sa direksyon niya.

“Umalis na tayo. Kailangan na nating bumalik sa Dekzas. Siguradong matutuwa ang dibisyon lider dahil nakuha natin ang premier guard. Ang ika-apat na dibisyon ang titingalain sa buong kaharian, dahil hawak natin ang babaeng gumawa ng kasaysayan sa dooms gate, pero tayo ang magtatapos ng kasaysayang iyon. Tayo ang tatapos sa babaeng ito at isasabit natin ang ulo niya sa gate ng Dekzas. Siya ang magsisilbing tropeyo ng ating dibisyon para tingalain sa buong Forbideria at ako naman ang magiging kilalang lider ng Murky!” masayang pahayag ng pinuno kasabay ng malakas nitong pagtawa.

Handa nang sumugod si Aurus para bawiin si Gaia sa grupo ng Murky, pero napahinto siya nang marinig ang nanghihinang boses ni Gaia.

“W-walang sinuman ang nag-ma-may-ari sa akin at hindi ako papayag gamitin ng mga taong katulad mo.”

Napahinto sa pagtawa ang lider ng Murky. Mula sa madilim na parte ng kagubatang iyon, naaninaw ni Aurus ang pagbagsak ng dalawang pigurang kumuha kay Gaia. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Gaia, pero mabilis itong nakalapit sa pinuno ng grupo.

“Kung kamatayan ang pipigil sa inyo para tigilan ako, malugod ko kayong ipapadala sa impyerno.”

Kinilabutan si Aurus sa tono ng boses ni Gaia. Delikado iyon tulad ng kakayahan nito. Mabilis nitong inatake ang pinuno ng Murky at walang hirap na napabagsak. Dahilan iyon para umatras ang mga natitirang kalaban at nagmamadaling umalis.

“Kasalanan niyo kung bakit nawalan uli ng lider ang Murky ngayon. Hindi na kayo nadala sa paulit-ulit na pag-atake sa akin,” muling sabi ni Gaia na tila ilang beses na nitong ginawa ang bagay na iyon. 

Nahimasmasan naman si Aurus at bigla niyang naalala ang kalagayan ni Gaia. Mabilis siyang lumapit dito, kahit nagtataka siya kung bakit nagising agad ito. Marahil malaki ang kagustuhan nitong labanan ang sakit kaya nagagawa nito ang hindi dapat mangyari.

“Hindi pa ito ang tamang oras para magising ka, premier guard. Nasa ilalim ka pa rin ng epekto ng gamot na pinainom ko sa ’yo. Mas matatagalan ang pagbawi mo ng lakas dahil sa nangyari ngayon.”

“Nakakainis ang sakit na ito. Ginagawa akong mahina!” inis na bulalas ni Gaia, pero unti-unti itong nawawalan ng balanse at tuluyang nawalan ng malay. 

Mabilis umalalay si Aurus kay Gaia. Maingat niya itong hinawakan sa baywang. Napunta sa kaniya ang bigat ni Gaia nang bumagsak ito sa mga bisig niya.

“Mas malakas ka sa inaakala ko, premier guard. Pakiusap, lumaban ka. Labanan mo ang sakit na ’yan para sa sarili mo at sa kakambal mo. Pangako, tutulungan kita hanggang magtagumpay ka,” bulong niya sa walang malay na dalaga.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Ngayon nalang ulit ako nagbasa sa GN...haha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Queen Warrior   Last chapter

    Mabilis lumipas ang sampung taon, hinahampas ng malakas na hangin ang buhok ng dalawang batang babae habang nakatanaw sa malakas na alon ng Hell entrance. Sumasayaw din sa hangin ang magkaparehong kulay rosas nilang bestida. Nakaupo naman ang batang lalaking may dilaw na buhok sa lupang nababalutan ng maliliit na damo.“Which do you think is more exciting—playing knives or jumping off the cliff?” inosenteng tanong ng batang may kulay puting buhok. Katabi nito ang isa pang batang may kulay itim na buhok. Pareho ang kanilang pisikal na itsura, pero madalas silang magtalo kung alin ang mas exciting gawin.“Playing knives,” sagot ng batang kulay itim ang buhok.Ngumuso ang batang may puting buhok. Binalingan pa nito ang batang lalaki.“How about you?” tanong nito.“Dancing with a thousand of flying arrows,” sagot ng batang lalaki nang hindi inaalis ang luntiang mga mata sa malalaking alon ng hell entrance. Tila normal lang dito ang larong ginagawa.“Ugh, boring. Is there any thrill around

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-twenty one

    Dalawang buwan ang mabilis na lumipas, nasaksihan ng lahat ang kagandahang taglay ng kastilyo pagkatapos ng laban. Natanggap din nila ang bagong lider sa kaharian. Nalipol ang mga assassin ni Pluto, nakaligtas ang mga kawal sa kontrol nito, naparusahan ang dapat maparusahan na naging kasabwat ng mga ito. Inutusan nila ang lahat ng mamamayan na sirain ang regalong pigurin ni Xian para tuluyang mawala ang marka. At sa ganoong paraan, nakalaya ang lahat sa marka ng Sandevil.Naging madugo man ang digmaan ngunit karamihan ay naagapan sa pagkamatay. Tulong-tulong ang lahat para muling ibangon ang kaharian. Kahit abala ang lahat, hindi pa rin nakalimutan ang isang mahalagang seremonyas—ang pagluklok kay Gaia bilang reyna kasabay ng kanilang kasal ni Aurus. Naging ganap silang mag-asawa, at sila ang namuno sa Forbideria bilang hari at reyna.Sa kasalukuyan, magkasama sina Gaia at Aurus habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kastilyo. Tila kumikinang ito sa sikat ng araw dahil sa ginto nitong

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-twenty

    Masyadong mataas ang tore ng kastilyo. Kung wala siyang tali siguradong deretso siya sa ibaba. Hindi pa tuluyang naalis ang hamog doon kaya hindi niya alam kung anong meron sa babagsakan niya.Tumutulay siya sa bubong ng maliliit na tore hanggang sa makakuha siya ng tamang layo at posisyon para pakawalan ang dalawang palaso.“Para ito sa lahat ng naging biktima mo, Pluto,” sambit niya bago pakawalan ang pana.Nakita ni Gaia ang paglipad ng dalawang palaso sa direksyon ni Pluto. Humarang doon ang mga assassin, pero lumagpas ang palaso sa mga ito. Walang totoong katawan ang mga assassin ni Pluto kaya hindi bumaon ang palaso sa mga ito. Napanatag siya nang makita niyang tinamaan si Pluto at bumagsak ito sa lupa. Nabigyan na niya ng hustisya ang kaniyang angkan at ang dahilan kaya nawalay siya sa kaniyang pamilya.Binitiwan ni Gaia ang hawak na palaso. Hinawakan niya ang lubid para muling makabalik sa tore, ngunit naging malubay ay lubid.Naramdaman ni Gaia ang pagkahulog ng kaniyang kat

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-nineteen

    “Patayin silang lahat!” malakas at galit na utos ni Pluto sa kaniyang mga assassin.Mas lalong tumindi ang galit ng matanda nang biglang lumitaw ang hindi niya inaasahang tao sa harapan ng babae.“Hindi mo siya masasaktan hanggat narito ako,” malamig at walang emosyon nitong sabi.“Divine Astro?!” gulat na sabi ni Pluto.“Nagkakamali ka. Ako si Aurus La Mier,” sambit ni Aurus at magkasabay silang sumugod sa mga assassin ni Pluto. Alam na nila ang kahinaan ng mga assassin kaya mabilis nilang natatalo ang mga ito.“Bwesit!” galit na sabi ni Pluto.Tumakbo ito palayo habang pino-protektahan ng mga natitirang assassin.“Tama si Tiyo, traydor ka rin!”Bumaling si Gaia nang dumating si Xian. Maraming kawal ang nasa likuran nito, pero tila wala sa sarili ang mga iyon.“Kontrolado nila ang mga kawal,” sambit ni Gaia. “Ako ang haharap sa kanila,” sagot ni Aurus.Nagpalit sila ng pwesto ni Aurus. Siya ngayon ang nakaharap sa mga assassin ni Pluto, habang si Aurus naman ang nakipaglaban sa mga

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-eighteen

    Bigla silang bumaling sa nagsalita. Kumunot ang noo ni Gaia nang makita ang isang batang lalaki. Sa palagay niya mas bata ito ng ilang taon kay Brie, pero nakakamangha ang itsura ng bata. Kulay dilaw ang buhok nito, luntian ang mga mata at sobrang puti ng balat. Parang hindi ito nasisikatan ng araw.Natuwa siya sa bata kaya nilapitan niya ito. Hindi niya maiwasang yakapin ito at buhatin patungo kay Aurus.“Aurus, tingnan mo siya. Ang cute niya,” masaya niyang sabi. Hindi rin niya napigilang halikan ang bata. Wala naman itong reaksyon sa ginagawa niya.Halata rin ang pagkamangha ni Aurus sa bata.“Parang... kamukha ko siya.”Pinagmasdan ni Gaia ang itsura ni Aurus at ng batang lalaki. Maliban sa kulay ng buhok at mga mata, magkapareho talaga ang itsura ng dalawa. Parang hinulma ang bata sa itsura ni Aurus.“Bakit narito ka, baby?” nakangiti niyang tanong sa bata.Bumaling ang tingin nito sa kaniya na parang iiyak niya.“Shhh... bakit? May masakit ba sa ’yo?” nataranta niyang pag-alo sa

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-seventeen

    Nanlaki ang mga mata ni Gaia nang tumayo si Aurus. Nakangisi itong lumapit sa kaniya at muling inihiga sa kama. Mahina siyang napatili nang umibabaw ito sa kaniya.“Hindi ko na mahintay ang sa susunod na lang na sinasabi mo,” bulong nito. Marahan nitong kinagat ang kaniyang tainga bago dahan-dahang bumaba ang mga halik patungo sa kaniyang mga labi.“Nahihirapan na ako, mahal. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko,” mahina nitong bulong.Iniyakap ni Gaia ang dalawang braso sa batok ni Aurus at sinalubong ang mapusok nitong halik.“Kung gano’n, huwag mong pigilan.”Sa isang iglap lang nagawang alisin ni Aurus ang nakabalot na kumot sa katawan niya. Mas naging maalab ang pinagsaluhan nilang dalawa. Tila wala silang inaalala kundi ang init na gustong kumawala sa kanilang mga katawan... sa ikalawang pagkakaton ngayong araw.Napaliyad si Gaia nang maramdaman ang kahandaan ni Aurus sa bukana ng pagkababae niya hanggang tuluyan nitong pasukin iyon. Kumawala ang ungol sa kaniyang bibig nang muli

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status