MasukKinabukasan, maagang nagising si Celeste. Sa kabila ng namumugtong mga mata at mabigat na dibdib mula sa magdamag na pag-iyak, may naramdaman siyang panibagong lakas.
Humarap siya sa bintana ng kaniyang condo habang hawak ang isang mainit na tasa ng kape, nakatitig sa sumisikat na araw. Ngayong araw, sisimulan niya ang pagbawi sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang telepono at hinanap ang numero ni Dr. Bernardo, ang dating Head of Surgery sa kilalang private hospital kung saan siya dating nag-residency bago siya nagpadala sa mga pakiusap ni Samuel. Si Dr. Bernardo ang nag-iisang taong nanghinayang nang husto nang iwan ni Celeste ang kaniyang karera tatlong taon na ang nakalipas. Nang tumunog ang linya, hindi nagtagal ay sinagot ito ng doktor. "Dr. Bernardo, magandang umaga po. Si Celeste Del Fiera po ito..." alanganing bati ni Celeste. "Celeste?!" Ang gulat at tuwa sa boses ng matandang doktor ay agad na umalingawngaw sa kabilang linya. "Diyos ko, Celeste! Kumusta ka na? Ilang taon kitang hindi nakausap!" Bumuntong-hininga nang malalim si Celeste, pinipigilan ang pagpiyok ng kaniyang boses. "Dok... gusto ko po sanang magtanong. Kung may bakante pa po... gusto ko na pong bumalik sa pagdodoktor. Gusto ko na pong maglingkod uli." Bahagyang natahimik si Dr. Bernardo sa kabilang linya, ngunit mabilis ding bumalik ang sigla ng boses nito. "Seryoso ka ba? Celeste, alam mo namang isa ka sa pinakamahuhusay na surgeon na nakilala ko! Ang balita ko noon ay nag-focus ka na sa pamilya mo, kaya nagulat ako nang tumawag ka. Sigurado ka na ba rito?" "Buong-buo na po ang loob ko, Dok. Wala na pong makakapigil sa akin," determinadong sagot ni Celeste. "Kung ganun, napakagandang balita niyan!" masayang wika ni Dr. Bernardo. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, bumaba ang tono ng boses ng matanda, may halong pag-aalangan. "Pero Celeste... may kaunting problema lang tayo sa ngayon." "Ano po 'yon?" "Puno ang slots para sa surgical department dito sa main private hospital natin sa Central. Dahil tatlong taon kang nawala sa practice, kailangan nating i-process muli ang reinstatement mo. Ang tanging available slot agad na mabibigay ko sa 'yo ngayon ay sa ating extension provincial hospital sa lalawigan." Natahimik si Dr. Bernardo bago nagpatuloy. "Medyo malayo 'yon sa syudad. Kulang sa kagamitan kumpara rito sa private wing, mas madaming pasyente, at siguradong mas mabigat ang trabaho dahil probinsya. Hindi ko alam kung papayag ka sa ganung setup..." Sa halip na madismaya, isang maliit na ngiti ang dahan-dahang gumuhit sa mga labi ni Celeste. Para sa kaniya, ang paglayo sa magulong lungsod—at sa mga bakas ni Samuel—ang pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari sa kaniya sa ngayon. "Tatanggapin ko po, Dr. Bernardo. Kahit saan po, basta makabalik ako sa pag-opera at pagtulong sa mga pasyente. Gagawin ko po," walang pag-aalinlangang sagot ni Celeste. "Iyan ang Celeste na kilala ko!" humagalpak sa tuwa si Dr. Bernardo. "Ihahanda ko na agad ang mga papel mo. Pwede ka nang mag-report doon sa susunod na linggo. Mag-iingat ka doon, huh?" "Maraming salamat po, Dok," sagot ni Celeste bago ibinaba ang telepono. Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon, nakahinga nang maluwag si Celeste. May patutunguhan na muli ang kaniyang buhay. Ito na ang simula ng kaniyang bagong kabanata sa probinsya, at kung anong mga pagsubok ang kailangan niyang kaharapin doon.Tahimik ang hallway ng Executive Suite sa kalagitnaan ng gabi. Pagkalabas na pagkalabas ng abogado ni Samuel mula sa ospital, hindi agad bumalik si Celeste sa kaniyang clinic. Pumasok siya sa stockroom ng OR, sumandal sa pinto, at pumikit nang ilang segundo.Wala nang natitirang luha sa kaniyang mga mata, pero ramdam pa rin niya ang bigat sa kaniyang dibdib—hindi dahil mahal pa niya si Samuel, kundi dahil sa galit sa sarili na hinayaan niyang mawala ang tatlong taon ng kaniyang buhay para sa wala.Nang makalabas siya, pumasok si Celeste sa kwarto ni Gregory Lazarus para sa huling vitals check up nito. Nakaupo si Greg sa kama habang nakatitig sa laptop sa kaniyang kandungan. Agad nitong isinara ang screen nang pumasok ang doktora. Malamig at seryoso ang mukha ng lalaki, walang kahit anong bakas ng alalahanin o pang-unawa."You're five minutes late, Dr. Del Fiera," malamig na bati ni Greg, hindi man lang tumitingin sa kaniya at nakatitig lang sa kaniyang mga papeles.Bahagyang natigilan
Apat na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang matagumpay na emergency thoracotomy sa San Gabriel Provincial Hospital. Sa loob ng maikling panahong iyon, mabilis na kumalat ang kwento tungkol sa bagong Head of Trauma Surgery. Ang mga nurse, junior residents, at maging ang mga maintenance staff ay nakatitig nang may halong paghanga sa tuwing dadaan si Dr. Celeste Del Fiera sa mga hallway.Sa kabila ng ingay at tsismis sa paligid, napanatili ni Celeste ang kaniyang pagiging kalmado at focus sa mga gawain nito. Ang kaniyang buong araw ay umiikot sa mga pagtitipon sa ER, pag-asikaso sa mga sugatang pasyente mula sa iba't ibang bayan, at ang maingat na pagtingin sa kalagayan ng kaniyang pampublikong ward.Ngunit tuwing darating ang alas-otso ng gabi, may isang kwarto sa Executive Suite ng ospital—isang kwartong personal na ipinaayos at ipinabayaran ni Rocco gamit ang sariling pondo ng pamilya Lazarus—kung saan nag-iiba ang ritmo ng kaniyang gabi.Pumasok si Celeste sa kwarto ni Gregor
Bahagyang ibinaba ni Celeste ang hawak na medical chart habang nakatitig sa mga mata ni Gregory. Sa kabila ng angking kapangyarihan at awra na pumapalibot sa lalaki kahit nakahiga ito sa kama ng ospital, walang kahit anong kaba o ilang na naramdaman si Celeste."Mr. Lazarus, as your doctor, my only duty is to ensure that your heart keeps working." malamig ngunit seryosong sagot ni Celeste. "You don't need to feel indebted to me. I simply did what was necessary."Bahagyang natawa si Greg—isang mahinang tunog na agad ding naputol dahil sa kaunting hapdi sa kaniyang dibdib. "Huwag ka munang tumawa, sariwa pa ang mga tahi mo," mabilis na paalala ni Celeste habang ginagalaw ang IV drip upang ayusin ang daloy ng gamot."Ganyan ka ba talaga magsalita sa lahat ng pasyente mo, Dr. Del Fiera?" nakatitig na tanong ni Greg. Ang kaniyang mga mata ay tila binabasa ang bawat galaw at ekspresyon ng mukha ng doktora. "Rocco told me what happened in the ER. You didn't hesitate. Minimal equipment, a cha
Matapos ang matinging katahimikan sa buong Emergency Room, unang pumalakpak si Nurse Sarah. Kasunod nito ang iba pang mga duty nurses, ang anesthesiologist, pati na ang ilang mga pasyenteng nakatayo sa gilid na nakasaksi sa buong pangyayari. Ang kaninang napakatahimik at tensyonadongatmosphere sa loob ng ER ay napuno ng ingay ng pagkamangha at pagpupugay para kay Celeste.Humakbang palapit ang Hospital Director na si Dr. Arturo Villanueva, kasama ang dalawa pang senior doctors ng San Gabriel Provincial Hospital. Lumapit ito kay Celeste habang nakatitig sa lalaking dahan-dahan nang inililipat mula sa trauma bay patungong Recovery Room."Diyos ko, Dr. Del Fiera..." bungad ni Dr. Villanueva, ang boses ay may halong gulat at matinding paghanga. "Tumawag sa akin si Dr. Bernardo kaninang umaga para ipaalam ang pagdating mo, pero hindi ko akalaing sa ganitong paraan ka magpapakilala sa aming ospital!""Director" bahagyang yumuko si Celeste bilang paggalang. "Pasensya na po kung hindi man l
Pagkababa pa lamang ni Celeste mula sa bus na naghatid sa kaniya sa probinsya, ramdam na agad niya ang malaking pagkakaiba ng hangin. Walang matataas na gusali, walang hilera ng mga mamahaling sasakyan, at higit sa lahat—walang mga bakas ng kasinungalingan ni Samuel. Dala ang isang simpleng traveling bag na naglalaman ng kaniyang mga kaunting gamit at ang kaniyang lumang stethoscope, humakbang siya patungo sa San Gabriel Provincial Hospital. Totoo ang bawat salitang sinabi ni Dr. Bernardo. Mula sa gate pa lamang ng pampublikong ospital, tumambad na kay Celeste ang napakahabang pila ng mga pasyente. May mga nakaupo sa mga monoblock chair sa hallway, may mga nakahiga sa mga folding bed, at ang iba ay sa banig na lamang sa semento nag-aabang ng kani-kanilang turn. Ang ingay ng mga umiiyak na sanggol, ang tawag ng mga nurse sa mga numero, at ang amoy ng rubbing alcohol na nakahalo sa pawis ng tao ay agad na sumalubong sa kaniya. Ito ang mundo na matagal niyang kinalimutan habang
Kinabukasan, maagang nagising si Celeste. Sa kabila ng namumugtong mga mata at mabigat na dibdib mula sa magdamag na pag-iyak, may naramdaman siyang panibagong lakas. Humarap siya sa bintana ng kaniyang condo habang hawak ang isang mainit na tasa ng kape, nakatitig sa sumisikat na araw. Ngayong araw, sisimulan niya ang pagbawi sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang telepono at hinanap ang numero ni Dr. Bernardo, ang dating Head of Surgery sa kilalang private hospital kung saan siya dating nag-residency bago siya nagpadala sa mga pakiusap ni Samuel. Si Dr. Bernardo ang nag-iisang taong nanghinayang nang husto nang iwan ni Celeste ang kaniyang karera tatlong taon na ang nakalipas. Nang tumunog ang linya, hindi nagtagal ay sinagot ito ng doktor. "Dr. Bernardo, magandang umaga po. Si Celeste Del Fiera po ito..." alanganing bati ni Celeste. "Celeste?!" Ang gulat at tuwa sa boses ng matandang doktor ay agad na umalingawngaw sa kabilang linya. "Diyos ko, Celeste! Kumusta ka na? Ila







