Share

KABANATA 2

Penulis: kkyrieehale
last update Tanggal publikasi: 2026-08-11 03:23:41

Nang magtama ang kanilang mga mata, ang natitirang katiting na pigil sa sarili ni Celeste ay tuluyang nawala. Pinalitan ito ng isang matinding galit na tila bulkan na sumabog sa kanyang dibdib.

Wala nang salita-salita. Sumugod si Celeste sa gitna ng silid na parang isang basag na bagyo. Bago pa man makapagtakip ng kumot si Astrid, mabilis na naabot ng kanang kamay ni Celeste ang mahabang buhok ng babae. Hawak ang makapal na buhok nito sa kanyang kamao, buong lakas na inihagis ni Celeste si Astrid pabalik sa kama bago ito pabalagbag na hinila patungo sa sahig.

"Aaaaaah! Samuel! Tulungan mo ako! Ang baliw na 'to!" tili ni Astrid na nagkukumahog sa sakit.

"Bitawan mo siya, Cel!" sigaw ni Samuel habang napatayo sa kama, hubot-hubad at halatang nagulat sa biglaang pag-atake ng asawa.

Ngunit hindi nakinig si Celeste. Ang lakas na hindi niya alam na taglay pala niya ay lumabas. Ibinaon niya nang lalong malalim ang kanyang mga kuko sa anit ni Astrid, hindi ito binibitawan habang ang babae ay nagmamakaawa at nagtitiis sa matinding sakit. Nang lumapit si Samuel para pigilan siya, pilit na ibinalik ni Celeste ang kanyang kaliwang kamay—at isang malakas, direktang suntok ang tumama sa kanang pisngi at panga ng kanyang asawa.

Napaatras si Samuel. Napahawak ito sa kanyang mukha, tulala sa katotohanang sinuntok siya ng babaeng tatlong taon niyang nakitang mahinhin, marahan, at palaging sumusunod sa kanya.

"Hayop ka! Walanghiya ka!" sigaw ni Celeste, ang boses ay basag at puno ng paghihirap.

Ngunit hindi pa rin binibitawan ng kanyang kanang kamay ang buhok ni Astrid. Dumadaing ang babae sa sahig, pilit na inaabot ang mga kamay ni Celeste para alisin ang pagkakahawak nito, ngunit lalong pinipigilan ni Celeste ang galaw nito.

"Samuel! Alisin mo siya sa akin! Aray! Masakit!" sigaw muli ni Astrid habang lumuluha sa sakit.

Galit na galit na humakbang muli si Samuel patungo sa kanila. Hinawakan nito ang magkabilang pulso ni Celeste at buong pwersang inipit ang mga ito. Dahil sa mas malaking katawan at lakas ng lalaki, dahan-dahang napilitan ang mga daliri ni Celeste na bumukas.

Sa bawat pulgada ng pagkakakalas ng kanyang kamay sa buhok ni Astrid, nararamdaman ni Celeste ang panghihina ng kanyang katawan kapalit ng matinding sakit sa kanyang puso.

Nang tuluyang mapakawalan si Astrid, mabilis na gumapang ang babae patungo sa kabilang bahagi ng silid, nagmamadaling kinuha ang damit sa sahig upang itakip sa kanyang katawan habang umiiyak.

Nang maihiwalay ni Samuel ang dalawang kamay ni Celeste, pilit niyang itinulak nang kaunti ang asawa upang ilayo ito. Ngunit sa mabilis na pumagitan ang kaunting distansya sa kanila, binuhat ni Celeste ang kanyang kanang kamay at gamit ang huling natitirang lakas ay malakas niyang si sinampal ang asawang si Samuel.

Isang napakalakas at dumadagundong na sampal ang tumama sa mukha ni Samuel. Napalingon ang ulo ng lalaki sa lakas ng impak. Ang bakas ng mga daliri ni Celeste ay mabilis na namula sa maputing pisngi ng kanyang asawa.

Napatigil ang buong silid. Si Astrid ay napasinghap sa gilid, habang si Samuel ay dahan-dahang humarap muli kay Celeste, ang mga mata ay nag-aapoy na rin sa galit.

Ngunit hindi natakot si Celeste. Nagsimulang pumatak ang malalaking luha mula sa kanyang mga mata, humahagulgol na siya nang tuluyan, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa lalaking minahal niya nang buong puso.

"Tatlong taon, Samuel!" sigaw ni Celeste, "Tatlong taon akong nagpakatanga sa 'yo! Iniwan ko ang pangarap ko! Pangarap kong maging isang ganap na surgeon, isinantabi ko para kanino? Para sa 'yo! Para alagaan ang lolo mo hanggang sa huling hininga niya!"

Nanginginig ang buong katawan ni Celeste habang isinasaad ang bawat salita. "Gabi-gabi akong nagpuyat! Ako ang nagpaligo, ako ang nagpakain, ako ang nag-alaga sa lolo mo habang ikaw, naroon ka sa labas at nagsasaya! Naniwala ako sa 'yo nung sinabi mong kailangan mo ako! Naniwala ako na mabait ka, na mahal mo ako! Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa... Kahit malamig ka, kahit iniiwasan mo ako sa kama, pilit kong inintindi dahil akala ko dinamdam mo lang ang sakit ng pagkawala ng lolo mo!"

Tumingin si Celeste sa hapag-kainan sa ibaba sa kanyang isip, bago ibinalik ang nanlalabong tingin kay Samuel. "3rd Anniversary natin ngayong gabi! Nagluto ako, nag-ayos ako, naghintay ako mula alas-otso ng gabi hanggang pumatak ang alas-dose! Umiyak ako habang nakatitig sa malamig na pagkain dahil nag-aalala ako sa 'yo! Pero ano 'tong idinulot mo sa akin? Iniuwi mo ang babaeng 'to sa sarili nating bahay? Sa sarili nating kama?!"

Ang kanyang hagulgol ay umalingawngaw sa buong ikalawang palapag. Ang bawat linyang lumalabas sa kanyang bibig ay parang dugong pumapatak mula sa isang sariwang sugat. "Paano mo nagawa 'to sa akin, Samuel? Bakit?! Anong kasalanan ko sa 'yo para tratuhin mo ako nang masahol pa sa basahan?!"

Nakatayo lang si Samuel sa harap niya. Pinunasan nito ang kaunting dugo sa gilid ng kanyang labi na nakuha mula sa suntok at sampal ni Celeste. Wala pa ring bakas ng pagsisisi sa mukha ng lalaki. Ang mga mata nito ay nanatiling malamig, kalkulado, at walang alinlangan.

Dahan-dahan nitong inayos ang kumot sa kanyang balakang bago nagsalita sa pinakawalang-kwentang tono na narinig ni Celeste sa buong buhay niya.

"Are you done?" malamig na tanong ni Samuel.

Napatigil si Celeste sa pagtangis. Tumingin siya sa asawa, hindi makapaniwala sa malamig na tugon nito.

Bumuntong-hininga si Samuel, tila bagot na bagot sa eksenang nangyayari. "Kung ayaw mo ng ganitong buhay, 'di umalis ka. Simpleng bagay. Huwag ka nang mag-drama rito na parang biktima ka."

Tumingin si Samuel kay Astrid na nanginginig pa rin sa gilid, bago muling humarap kay Celeste. "I'll be honest to you, para matapos na 'to. Pinakasalan lang kita dahil kailangan kong maipakita kay Lolo na may maayos akong asawa bago niya ilipat sa akin ang mana at ang kumpanya. Ikaw ang napili ko dahil doktora ka, madali kang utuin, at libreng tagapag-alaga ng matanda. Ngayong patay na si Lolo at nasa akin na ang lahat... wala ka nang silbi sa akin."

Bawat salita ni Samuel ay parang matatalim na kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ni Celeste. Ang buong tatlong taon ng kanyang buhay ay isang malaking kasinungalingan lamang pala. Isang negosyo. Isang paggamit.

"Kaya kung ayaw mo sa nakikita mo," patuloy ni Samuel, "pumirma ka na lang sa annulment papers na ipapadala ng abogado ko bukas. Makikipag-annul ako sa 'yo. Maghiwalay na tayo."

Tahimik ang buong silid matapos sabihin iyon ni Samuel. Ang tanging naririnig na lamang ay ang mahinang patak ng ulan sa labas at ang mabigat na paghinga ni Celeste.

Ang luhang pumapatak sa mukha ni Celeste ay dahan-dahang natuyo. Ang matinding sakit sa kanyang dibdib ay biglang naging isang malaking puwang ng kawalan—isang matinding panlalamig na pumalit sa lahat ng pagmamahal na naramdaman niya para sa lalaking ito.

Tumingin si Celeste nang diretso sa mga mata ni Samuel. Wala na ang takot, wala na ang pagmamakaawa.

"Tama ka," marahang sabi ni Celeste. "Mas mabuti nga. Mas mabuting maghiwalay na tayo. Dahil simula sa gabing ito... pinalaya ko na ang sarili ko sa isang demonyong tulad mo."

Tinalikuran ni Celeste si Samuel. Hindi na siya nag-abala pang pumunta sa kanyang closet. Hindi na siya kumuha ng kahit anong bag, pera, alahas, o kahit man lang isang ekstrang damit. Lahat ng bagay sa bahay na iyon ay galing sa pera ni Samuel—mga bagay na ngayon ay nakakadiri na para sa kanya.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan. Ang kanyang suot ay ang kulay rosas pa rin na silk night dress sleepwear na inihanda niya para sa kanilang anibersaryo, at sa kanyang mga paa ay ang manipis at pambahay lamang na tsinelas. Nang makababa siya sa sala, hindi na niya nilingon ang hapag-kainan kung saan nakahain pa rin ang malamig na hapunan. Humakbang siya patungo sa main door. Binuksan niya ang p***o at lumabas sa madilim at maulang gabi.

Ang malamig na patak ng ulan ay agad na bumasa sa kanyang manipis na silk dress. Ang hangin ay sumaksak sa kanyang balat, ngunit hindi iyon aray kumpara sa lamig na nararamdaman niya sa kanyang loob.

Naglakad si Celeste palayo sa mansyon ng mga Ramirez. Sa bawat hakbang ng kanyang manipis na tsinelas sa basang kalsada, naiiwan niya ang tatlong taon ng kapabayaan, katangahan, at pagtataksil. Umiiyak siya sa ilalim ng buhos ng ulan, ngunit sa kabila ng bawat patak ng luha, may isang bagong pagpapasiya ang nabubuo sa kanyang puso.

Ngunit mas matindi ang panlalamig sa kanyang dibdib. Sa gitna ng dilim at patuloy na pag-agos ng tubig sa kalsada, napatingin siya sa kanyang sariling repleksyon sa basang kalsada.

Gising na si Celeste mula sa tatlong taong panaginip.

Kahit isinantabi niya ang kanyang karera bilang surgeon, ay may sapat na ipon at naipundar pa rin naman siya. Bago pa man niya makilala si Samuel at ang Lolo nito, nakapagtrabaho na siya bilang isang lisensyadong doktora. At mula sa sarili niyang pawis, dugo, at mga puyat sa duty, nakapag-ipon at nakapundar siya ng isang maliit ngunit modernong studio condo unit sa lungsod.

Wala na siyang pamilyang babalikan. Ang kaisa-isang taong nagpalaki at nag-alaga sa kanya—ang kanyang Lola—ay pumanaw na bago pa man siya tuluyang makatapos at maging ganap na doktor. Wala na siyang mga magulang na maaring takbuhan o pamilyang pwedeng magtanggol sa kanya. Siya na lang ang mayroon sa sarili niya.

Nang makalabas siya sa subdivision ng mga Ramirez, pumara si Celeste ng isang taxi. Nagulat at nag-alinlangan pa ang drayber nang makita ang kaniyang hitsura—basang-basa, nakasuot ng pambahay na sleepwear, manipis na tsinelas, at may mga bakas ng natuyong luha sa mukha.

"Miss, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng drayber habang sumusulyap sa rearmirror.

"Opo... pakihatid lang po ako sa Grand Horizon Residences," mahinang sagot ni Celeste, ang boses ay nanginginig sa lamig.

Mabuti na lamang at ang digital keycard at lock code ng kanyang condo unit ay nakasave sa kaniyang utak, habang ang backup keycard ay nakatago sa reception desk ng building para sa mga ganitong emergency. Dahil may naka-link na e-wallet sa kanyang numero, naibayad niya ang pamasahe bago tuluyang pumasok sa lobby ng kaniyang gusali.

Nang bumukas ang p***o ng kanyang sariling unit, naramdaman ni Celeste ang amoy ng lumang hangin at tahimik na tahanan. Tatlong taon itong hindi natitirahan nang matagal, ngunit ito ang tanging lugar na tunay na sa kanya—walang bakas ni Samuel, walang alikabok ng kasinungalingan ng mga Ramirez.

Pumasok siya sa banyo at binuksan ang mainit na shower. Habang umaagos ang mainit na tubig sa kanyang basang katawan, doon muling bumuhos ang kaniyang mga luha. Umiyak siya para sa kaniyang lola na sana'y naroon para yakapin siya, umiyak siya para sa kaniyang sarili na nagpakatanga nang tatlong taon, at umiyak siya para sa pangarap niyang isinantabi.

Ngunit nang patayin niya ang shower at magpunas ng katawan, tumingin si Celeste sa salamin ng banyo. Wala na ang mahina at mahiyaing Celeste. Ang nakatayo sa harap ng salamin ay isang babaeng wala nang pamilyang mawawala, wala nang asawang kailangang sundin, at wala nang dahilan para magtago.

Nagsuot siya ng simpleng damit mula sa kaniyang lumang cabinet, kinuha ang kaniyang lumang stethoscope na nakatago sa drawer, at inilagay ito sa ibabaw ng mesa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 8

    Tahimik ang hallway ng Executive Suite sa kalagitnaan ng gabi. Pagkalabas na pagkalabas ng abogado ni Samuel mula sa ospital, hindi agad bumalik si Celeste sa kaniyang clinic. Pumasok siya sa stockroom ng OR, sumandal sa pinto, at pumikit nang ilang segundo.Wala nang natitirang luha sa kaniyang mga mata, pero ramdam pa rin niya ang bigat sa kaniyang dibdib—hindi dahil mahal pa niya si Samuel, kundi dahil sa galit sa sarili na hinayaan niyang mawala ang tatlong taon ng kaniyang buhay para sa wala.Nang makalabas siya, pumasok si Celeste sa kwarto ni Gregory Lazarus para sa huling vitals check up nito. Nakaupo si Greg sa kama habang nakatitig sa laptop sa kaniyang kandungan. Agad nitong isinara ang screen nang pumasok ang doktora. Malamig at seryoso ang mukha ng lalaki, walang kahit anong bakas ng alalahanin o pang-unawa."You're five minutes late, Dr. Del Fiera," malamig na bati ni Greg, hindi man lang tumitingin sa kaniya at nakatitig lang sa kaniyang mga papeles.Bahagyang natigilan

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 7

    Apat na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang matagumpay na emergency thoracotomy sa San Gabriel Provincial Hospital. Sa loob ng maikling panahong iyon, mabilis na kumalat ang kwento tungkol sa bagong Head of Trauma Surgery. Ang mga nurse, junior residents, at maging ang mga maintenance staff ay nakatitig nang may halong paghanga sa tuwing dadaan si Dr. Celeste Del Fiera sa mga hallway.Sa kabila ng ingay at tsismis sa paligid, napanatili ni Celeste ang kaniyang pagiging kalmado at focus sa mga gawain nito. Ang kaniyang buong araw ay umiikot sa mga pagtitipon sa ER, pag-asikaso sa mga sugatang pasyente mula sa iba't ibang bayan, at ang maingat na pagtingin sa kalagayan ng kaniyang pampublikong ward.Ngunit tuwing darating ang alas-otso ng gabi, may isang kwarto sa Executive Suite ng ospital—isang kwartong personal na ipinaayos at ipinabayaran ni Rocco gamit ang sariling pondo ng pamilya Lazarus—kung saan nag-iiba ang ritmo ng kaniyang gabi.Pumasok si Celeste sa kwarto ni Gregor

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 6

    Bahagyang ibinaba ni Celeste ang hawak na medical chart habang nakatitig sa mga mata ni Gregory. Sa kabila ng angking kapangyarihan at awra na pumapalibot sa lalaki kahit nakahiga ito sa kama ng ospital, walang kahit anong kaba o ilang na naramdaman si Celeste."Mr. Lazarus, as your doctor, my only duty is to ensure that your heart keeps working." malamig ngunit seryosong sagot ni Celeste. "You don't need to feel indebted to me. I simply did what was necessary."Bahagyang natawa si Greg—isang mahinang tunog na agad ding naputol dahil sa kaunting hapdi sa kaniyang dibdib. "Huwag ka munang tumawa, sariwa pa ang mga tahi mo," mabilis na paalala ni Celeste habang ginagalaw ang IV drip upang ayusin ang daloy ng gamot."Ganyan ka ba talaga magsalita sa lahat ng pasyente mo, Dr. Del Fiera?" nakatitig na tanong ni Greg. Ang kaniyang mga mata ay tila binabasa ang bawat galaw at ekspresyon ng mukha ng doktora. "Rocco told me what happened in the ER. You didn't hesitate. Minimal equipment, a cha

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 5

    Matapos ang matinging katahimikan sa buong Emergency Room, unang pumalakpak si Nurse Sarah. Kasunod nito ang iba pang mga duty nurses, ang anesthesiologist, pati na ang ilang mga pasyenteng nakatayo sa gilid na nakasaksi sa buong pangyayari. Ang kaninang napakatahimik at tensyonadongatmosphere sa loob ng ER ay napuno ng ingay ng pagkamangha at pagpupugay para kay Celeste.Humakbang palapit ang Hospital Director na si Dr. Arturo Villanueva, kasama ang dalawa pang senior doctors ng San Gabriel Provincial Hospital. Lumapit ito kay Celeste habang nakatitig sa lalaking dahan-dahan nang inililipat mula sa trauma bay patungong Recovery Room."Diyos ko, Dr. Del Fiera..." bungad ni Dr. Villanueva, ang boses ay may halong gulat at matinding paghanga. "Tumawag sa akin si Dr. Bernardo kaninang umaga para ipaalam ang pagdating mo, pero hindi ko akalaing sa ganitong paraan ka magpapakilala sa aming ospital!""Director" bahagyang yumuko si Celeste bilang paggalang. "Pasensya na po kung hindi man l

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 4

    Pagkababa pa lamang ni Celeste mula sa bus na naghatid sa kaniya sa probinsya, ramdam na agad niya ang malaking pagkakaiba ng hangin. Walang matataas na gusali, walang hilera ng mga mamahaling sasakyan, at higit sa lahat—walang mga bakas ng kasinungalingan ni Samuel. Dala ang isang simpleng traveling bag na naglalaman ng kaniyang mga kaunting gamit at ang kaniyang lumang stethoscope, humakbang siya patungo sa San Gabriel Provincial Hospital. Totoo ang bawat salitang sinabi ni Dr. Bernardo. Mula sa gate pa lamang ng pampublikong ospital, tumambad na kay Celeste ang napakahabang pila ng mga pasyente. May mga nakaupo sa mga monoblock chair sa hallway, may mga nakahiga sa mga folding bed, at ang iba ay sa banig na lamang sa semento nag-aabang ng kani-kanilang turn. Ang ingay ng mga umiiyak na sanggol, ang tawag ng mga nurse sa mga numero, at ang amoy ng rubbing alcohol na nakahalo sa pawis ng tao ay agad na sumalubong sa kaniya. Ito ang mundo na matagal niyang kinalimutan habang

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 3

    Kinabukasan, maagang nagising si Celeste. Sa kabila ng namumugtong mga mata at mabigat na dibdib mula sa magdamag na pag-iyak, may naramdaman siyang panibagong lakas. Humarap siya sa bintana ng kaniyang condo habang hawak ang isang mainit na tasa ng kape, nakatitig sa sumisikat na araw. Ngayong araw, sisimulan niya ang pagbawi sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang telepono at hinanap ang numero ni Dr. Bernardo, ang dating Head of Surgery sa kilalang private hospital kung saan siya dating nag-residency bago siya nagpadala sa mga pakiusap ni Samuel. Si Dr. Bernardo ang nag-iisang taong nanghinayang nang husto nang iwan ni Celeste ang kaniyang karera tatlong taon na ang nakalipas. Nang tumunog ang linya, hindi nagtagal ay sinagot ito ng doktor. "Dr. Bernardo, magandang umaga po. Si Celeste Del Fiera po ito..." alanganing bati ni Celeste. "Celeste?!" Ang gulat at tuwa sa boses ng matandang doktor ay agad na umalingawngaw sa kabilang linya. "Diyos ko, Celeste! Kumusta ka na? Ila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status