Partager

KABANATA 4

Auteur: kkyrieehale
last update Date de publication: 2026-08-11 10:55:56

Pagkababa pa lamang ni Celeste mula sa bus na naghatid sa kaniya sa probinsya, ramdam na agad niya ang malaking pagkakaiba ng hangin.

Walang matataas na gusali, walang hilera ng mga mamahaling sasakyan, at higit sa lahat—walang mga bakas ng kasinungalingan ni Samuel. Dala ang isang simpleng traveling bag na naglalaman ng kaniyang mga kaunting gamit at ang kaniyang lumang stethoscope, humakbang siya patungo sa San Gabriel Provincial Hospital.

Totoo ang bawat salitang sinabi ni Dr. Bernardo.

Mula sa gate pa lamang ng pampublikong ospital, tumambad na kay Celeste ang napakahabang pila ng mga pasyente. May mga nakaupo sa mga monoblock chair sa hallway, may mga nakahiga sa mga folding bed, at ang iba ay sa banig na lamang sa semento nag-aabang ng kani-kanilang turn.

Ang ingay ng mga umiiyak na sanggol, ang tawag ng mga nurse sa mga numero, at ang amoy ng rubbing alcohol na nakahalo sa pawis ng tao ay agad na sumalubong sa kaniya. Ito ang mundo na matagal niyang kinalimutan habang nakakulong siya sa malamig at malaking mansyon ng mga Ramirez.

Huminga nang malalim si Celeste. Bahagya siyang ngumiti. Kahit nakapapagod tingnan may isang bagay na nagpaalala sa kaniya kung sino talaga siya—isa siyang doktor, at dito sa lugar na ito, totoong kailangan siya ng mga tao.

Inayos niya ang kaniyang hawak na envelope na naglalaman ng kaniyang mga reinstatement papers para mag-report sana sa opisina ng Hospital Director. Ngunit habang papasok pa lamang siya sa sliding door ng Emergency Room, isang mabilis at rumaragasang ingay ng mga gulong ng stretcher ang umalingawngaw mula sa entrada.

"Tabi! Tabi kayo! Huwag kayong haharang-harang!" sigaw ng isang lalaking may malaking katawan.

Napaatras ang mga pasyenteng naghihintay sa hallway dahil sa takot. Mabilis na napatingin si Celeste sa paparating na grupo. Isang stretcher ang mabilis na itinutulak ng dalawang paramedic, ngunit napapaligiran ito ng limang matatangkad at mga nakakatakot na itshura ng mga lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng magkakaparehong itim na polo shirt, may mga earpiece sa tainga, at bakas sa kanilang mga mukha ang matinding pag-aalala at galit.

Sa ibabaw ng stretcher ay may isang lalaking nakahiga, balot ng dugo ang buong dibdib, at halatang pawala na ang kamalayan.

"Diyos ko, ER! Maghanda kayo!" sigaw ng triage nurse sa pintuan.

Nang maipasok ang stretcher sa loob ng ER, agad na nagkagulo ang buong silid. Mabilis na pumalibot ang mga duty nurses upang suriin ang vital signs ng pasyente.

"Gunshot wound! May tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib! Mabilis na bumabagsak ang blood pressure niya!" sigaw ng isang lalaking nurse habang ikinakabit ang monitor.

"Sino ang On-Call Surgeon ngayon?!" sigaw naman ng Head Nurse na si Nurse Sarah habang pinipindot ang intercom sa wall. "Kailangan natin ng OR ngayon din!"

Isang boses mula sa kabilang linya ng intercom ang sumagot, halatang nanginginig din sa stress. "Nasa Operating Room 1 at 2 ang dalawang duty surgeons natin! May emergency C-section at isang severe vehicular accident na kasalukuyang inooperahan! Walang bakanteng surgeon ngayon!"

"Ano?!" Ang sigaw ay hindi nagmula sa nurse, kundi mula sa isa sa mga lalaking nakaitim na polo.

Winasak ng lalaki ang isang folding chair sa tabi niya sa pamamagitan ng isang malakas na sipa. Mabilis na nagtatakbo ang mga ibang pasyente at watchers palabas ng ER dahil sa matinding takot.

Agad ba humawak ang lalaki sa kaniyang baywang na tila may hawak na nakagagambalang bagay sa ilalim ng kaniyang damit, at dinuro si Nurse Sarah.

"Makinig kayong mabuti sa akin!" sigaw ng lalaki, ang boses ay umalingawngaw sa buong ER at nagdulot ng matinding takot sa lahat ng staff. "Ang nakahiga diyan ay ang Boss namin! Kapag hindi niyo ginamot ang Boss namin at kapag namatay siya rito... tinitiyak ko sa inyo, pasasabugin namin ang bulok na ospital na 'to! Walang makakalabas nang buhay rito!"

"P-Pakiusap, maging kalmado po kayo..." nanginginig na pakiusap ni Nurse Sarah, habang pilit na itinataas ang kaniyang dalawang kamay. "Ginagawa po namin ang lahat, pero kailangan po ng surgeon para matanggal ang bala—"

"Wala akong paki! Manguha kayo ng doktor sa labas! Gamutin niyo siya ngayon din!" sigaw muli ng lalaki, habang ang kaniyang mga kasamahan ay nakatayo sa paligid ng stretcher, nakahanda ang mga kamay sa kani-kanilang baywang.

Napuno nang matinding takot sa buong ER. Ang mga nurse ay pilit na umiiyak sa kaba, hindi makakilos nang maayos dahil sa pagbabanta. Ang pasyente sa stretcher ay dahan-dahan nang nawawalan ng pulso, habang ang flatline monitor ay nagsisimula nang tumunog nang mabilis.

Sa gitna ng kaguluhang iyon, naramdaman ni Celeste ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Hindi dahil sa takot—kundi dahil sa adrenaline ng isang tunay na doktor na nakakakita ng taong nag-aagaw-buhay.

Sa loob ng tatlong taon, nawalan siya ng boses sa mansion ng mga Ramirez. Ngunit sa harap ng operating table at ng isang pasyenteng mamamatay na, alam niya kung sino siya.

Lumakad si Celeste nang diretso pabalik sa gitna ng ER. Ang kaniyang mga hakbang ay mabilis, sigurado, at walang alinlangan.

"Ako ang surgeon," malakas at malamig na anunsyo ni Celeste na pumutol sa sigawan sa loob ng silid.

Napatigil ang lahat. Napatingin ang lider ng mga lalaking nakaitim kay Celeste—isang babaeng nakasuot lamang ng simpleng pangaraw-araw na damit, hawak ang isang brown envelope at isang traveling bag.

"Sino ka?" magaspang na tanong ng lalaki, habang binabantayan ang bawat galaw ni Celeste. "Huwag mo kaming lolokohin, miss."

Tumingin si Celeste nang diretso sa mga mata ng lalaki nang walang kahit kaunting takot. "Ako si Dr. Celeste Del Fiera. Isa akong Trauma Surgeon. At kung ganiyan ka pa rin kadakdak habang nagbabanta, mamamatay ang Boss mo sa loob ng limang minuto dahil sa internal bleeding."

Tumingin si Celeste sa Head Nurse. "Nurse, kumusta ang BP niya?"

"80 over 50 na lang po, Dok! Patuloy na bumabagsak!" sagot agad ni Nurse Sarah, tila nakakita ng anghel sa gitna ng kadiliman. "Pero Dok... sarado at ginagamit ang dalawang OR natin sa itaas! Wala tayong bakanteng sterile operating suite ngayon!"

Hindi man lang nagdalawang-isip si Celeste. Binitiwan niya ang kaniyang hawak na brown envelope at ang kaniyang traveling bag. Pabalagbag na bumagsak ang mga ito sa sahig ng ER, ngunit wala siyang paki.

Inabot niya ang kaniyang buhok at mabilis na itinali ito paitaas.

"Wala nang oras para umakyat sa OR," mabilis na utos ni Celeste, ang kaniyang boses ay puno ng awtoridad na awtomatikong sinunod ng lahat. "Gagawin natin ang emergency thoracotomy dito mismo sa ER!"

"Ano po?! Dito sa ER?!" napasinghap si Nurse Sarah.

"I-curtain off niyo ang trauma bay na 'to! Kumuha kayo ng sterile drape, thoracotomy tray, suction, at tatlong bag ng O-negative blood!" utos ni Celeste habang mabilis na naglalakad patungo sa sink ng ER.

Humarap siya sa mga nurse at sinabi ang dalawang salitang nagpabago sa buong tensyon sa silid: "Kilos. Bilis!"

Tila nabuhayan ng loob ang mga staff. Agad na nagtakbuhan ang mga nurse. Mabilis na hinaltak ang malalaking kulay berdeng kuritna sa paligid ng bed upang harangan ang paligid at maging pansamantalang isolation area ang trauma bay.

Kumuha si Celeste ng scrub suit top, pinalitan ang kaniyang pang-itaas na damit sa gilid, at mabilis na naghugas ng kaniyang mga kamay gamit ang iodine solution. Isinuot niya ang sterile gloves, surgical cap, at face mask. Sa loob ng wala pang dalawang minuto, mula sa isang simpleng babaeng naglalakad sa kalsada, bumalik ang matapang at walang kinatatakutang Dr. Celeste Del Fiera.

Pumasok siya sa loob ng nakakurtinang kwarto. Ang lider ng mga nakaitim ay gustong pumasok ngunit mabilis na hinarangan ni Celeste.

"Manatili kayo sa labas ng kurtina," malamig na utos ni Celeste sa lalaki. "Kapag pumasok kayo at nagdala ng bacteria rito, hindi ang bala ang papatay sa kaniya kundi ang infection. Hayaan niyo akong gawin ang trabaho ko kung gusto niyo pa siyang mabuhay."

Napatigil ang matangkad na lalaki. Tumango ito nang dahan-dahan at humakbang pabalik sa labas ng kurtina. "Pakiusap... iligtas mo siya, Dok."

Pumasok si Celeste sa loob ng curtain barrier. Nakahanda na ang sterile instrument tray. Ang pasyente sa kama ay wala nang malay, mabilis ngunit mababaw ang paghinga.

Pinagmasdan ni Celeste ang mukha ng pasyente sa unang pagkakataon. Kahit balot ng dugo at pawis, halatang mayaman, makapangyarihan, at may matinding awra ang lalaki. Ngunit para kay Celeste ngayong gabi, isa lamang itong buhay na kailangang iligtas.

"Anesthesia, i-intubate niyo na siya ngayon din. Start the blood transfusion," utos ni Celeste habang inaabot ang scalpel.

"Nakahanda na po, Dok!" sagot ng anesthesiologist na katutakbo lamang pumasok mula sa kabilang kwarto.

Hawak ang scalpel, naramdaman ni Celeste ang panginginig ng kaniyang mga daliri sa unang kalahating segundo—ang alaala ng tatlong taong hindi paghawak ng scalpel. Ngunit nang pumikit siya at naisip ang kaniyang lola at ang kaniyang pangarap na minsan niyang itinapon, bumalik ang kaniyang buong kontrol.

Idinikit niya ang scalpel sa bahagyang ibabang bahagi ng kaliwang dibdib ng lalaki at mabilis ngunit maingat na gumawa ng hiwa.

Incision made. "Suction!" utos niya.

Mabilis na umaagos ang dugo mula sa internal injury. Sa tulong ng retractor, binuksan ni Celeste ang pagitan ng mga rib upang makita ang loob ng chest cavity. Napasinghap ang nurse sa tabi niya nang makita ang dami ng dugong nakaimbak sa loob.

"Pumutok ang isang maliit na blood vessel malapit sa baga dahil sa grazing impact ng bala, at ang bala mismo ay nakabaon sa pericardial fat pad—mga milimetro na lang mula sa mismong puso," mabilis na pagsusuri ni Celeste.

"Diyos ko... napakalapit sa puso," bulong ng nurse.

"Retractor, hawakan mo rito. Huwag kang gagalaw," malamig na utos ni Celeste.

Gamit ang kaniyang mga daliri at ang forceps, pumasok si Celeste sa pinakamaselang bahagi ng anatomy ng tao. Ang bawat galaw ng kaniyang kamay ay napakalinis, napakatumpak, at walang kahit anong pag-aalinlangan. Nakalimutan niya ang kaniyang sariling pagod, nakalimutan niya ang matinding sakit na idinulot sa kaniya ni Samuel, at nakalimutan niya ang mundo sa labas ng kurtinang iyon.

Ang naririnig lamang sa loob ng bay ay ang tunog ng heart monitor at ang mabibigat na paghinga ng surgical team.

Lumipas ang tatlumpung minuto. Pawis na pawis ang noo ni Celeste habang ang nurse ay mabilis na nagpupunas nito gamit ang gauze.

"Mayroon na akong visual sa bala," bulong ni Celeste. "Forceps."

Inabot sa kaniya ang mahabang forceps. Sa pamamagitan ng napakaseguradong hawak, pumasok si Celeste sa tabi ng pericardium, pinalibutan ang metallic fragment, at dahan-dahan itong inangat.

Bumagsak ang duguang bala sa metal tray sa tabi ng kama.

"Naalis na ang bala. Suction the remaining blood! Suction!" utos muli ni Celeste. "Cautery, kailangan kong i-seal ang nagdudugong vessel."

Gamit ang electrocautery tool, mabilis na itinikom ni Celeste ang nasirang ugat. Sa loob lamang ng ilang segundo, ang malakas na pag-agos ng dugo ay tuluyang huminto. Ang mga indicators sa monitor na kanina ay nagwawala sa pula ay dahan-dahang nagbago ng kulay.

"BP is stabilizing! 110 over 70 na po, Dok!" masayang sigaw ng anesthesiologist. "May magandang pulso na muli ang pasyente!"

Bumuntong-hininga nang malalim si Celeste. Ang kaniyang mga balikat na kanina pa nakatigas sa tensyon ay dahan-dahang bumaba.

"Magsimula na tayong magtahi. Close the incision layer by layer," utos niya sa assistant habang siya mismo ang humawak sa huling bahagi ng pagsasara ng sugat sa balat.

Sa loob ng eksaktong limampu't limang minuto mula nang maipasok ang pasyente sa ER, natapos ni Celeste ang isa sa pinakamahirap at pinakadelikadong emergency procedures sa kaniyang buong buhay—na ginawa lamang sa loob ng isang simpleng ER bay na nakaharang ay kurtina.

Tinanggal ni Celeste ang kaniyang face mask at surgical cap. Basang-basa ng pawis ang kaniyang buhok, at naramdaman niya ang matinding pagod sa kaniyang buong katawan. Ngunit sa kaniyang dibdib, may isang matinding ligaya at tagumpay na muling nabuhay.

Hinawi niya ang kulay berdeng kurtina at lumabas sa trauma bay.

Agad na napatingin sa kaniya ang limang lalaking nakaitim na kanina pa naghihintay sa labas. Nakatayo pa rin sila roon, ang mga mukha ay puno ng kaba at tensyon. Nang makita nilang lumabas si Celeste na may mga bakas ng dugo sa kaniyang gown, mabilis na lumapit ang lider ng grupo.

"Dok... anong nangyari? Ang Boss namin...?" nanginginig ang boses ng lalaki, malayo sa matapang na boses nito kanina.

Tumingin si Celeste sa kanila, pinalitan ng isang marahang ngiti ang kaniyang seryosong mukha.

"Ligtas na ang Boss ninyo. Nakuha ko na ang bala sa dibdib niya at naging matagumpay ang pagtigil sa internal bleeding. Stable na ang vital signs niya at pero need pa rin siya ilipat sa ICU para ma monitor ang kalagayan niya.

Natahimik ang buong ER sa anunsyong iyon. Ang matangkad at nakatatakot na lider ng mga lalaki ay napatigil. Tumingin ito sa kaniyang mga kasamahan, at bago pa man makapagsalita muli si Celeste, ang limang malalaking lalaki na nakaitim ay sabay-sabay na lumuhod sa sahig sa tapat ni Celeste.

"Maraming salamat po, Dok! Maraming salamat sa pagliligtas sa buhay ng Boss namin!" sabay-sabay na sigaw ng mga ito habang nakayuko ang kanilang mga ulo hanggang sa semento.

Bahagyang nagulat at napaatras si Celeste sa ginawa ng mga ito. "H-Huwag kayong lumuhod! Tumayo kayo riyan, ginawa ko lang ang tungkulin ko bilang doktor—"

"Hindi, Dok," apila ng lider habang nakatingin nang may matinding respeto kay Celeste. "Iniligtas niyo ang buhay ng pinakamahalagang tao sa amin. Utang namin sa 'yo ang buhay ng Boss namin. Anuman ang kailanganin mo... sabihin mo lang sa amin."

Habang nakatitig si Celeste sa limang lalaking nakaluhod sa kaniyang harapan, narinig niya ang mahihinang palakpakan mula sa mga nurse at mga pasyenteng nakasaksi sa buong pangyayari sa ER.

Mula sa gilid ng pintuan ng ER, pumasok ang Hospital Director na katatawag lamang ng mga nurse, kasama ang iba pang mga senior doctors. Lahat sila ay nakatitig kay Celeste—ang bagong dating na doktora na nagligtas sa isang buhay sa gitna ng isang tila imposibleng sitwasyon.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 8

    Tahimik ang hallway ng Executive Suite sa kalagitnaan ng gabi. Pagkalabas na pagkalabas ng abogado ni Samuel mula sa ospital, hindi agad bumalik si Celeste sa kaniyang clinic. Pumasok siya sa stockroom ng OR, sumandal sa pinto, at pumikit nang ilang segundo.Wala nang natitirang luha sa kaniyang mga mata, pero ramdam pa rin niya ang bigat sa kaniyang dibdib—hindi dahil mahal pa niya si Samuel, kundi dahil sa galit sa sarili na hinayaan niyang mawala ang tatlong taon ng kaniyang buhay para sa wala.Nang makalabas siya, pumasok si Celeste sa kwarto ni Gregory Lazarus para sa huling vitals check up nito. Nakaupo si Greg sa kama habang nakatitig sa laptop sa kaniyang kandungan. Agad nitong isinara ang screen nang pumasok ang doktora. Malamig at seryoso ang mukha ng lalaki, walang kahit anong bakas ng alalahanin o pang-unawa."You're five minutes late, Dr. Del Fiera," malamig na bati ni Greg, hindi man lang tumitingin sa kaniya at nakatitig lang sa kaniyang mga papeles.Bahagyang natigilan

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 7

    Apat na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang matagumpay na emergency thoracotomy sa San Gabriel Provincial Hospital. Sa loob ng maikling panahong iyon, mabilis na kumalat ang kwento tungkol sa bagong Head of Trauma Surgery. Ang mga nurse, junior residents, at maging ang mga maintenance staff ay nakatitig nang may halong paghanga sa tuwing dadaan si Dr. Celeste Del Fiera sa mga hallway.Sa kabila ng ingay at tsismis sa paligid, napanatili ni Celeste ang kaniyang pagiging kalmado at focus sa mga gawain nito. Ang kaniyang buong araw ay umiikot sa mga pagtitipon sa ER, pag-asikaso sa mga sugatang pasyente mula sa iba't ibang bayan, at ang maingat na pagtingin sa kalagayan ng kaniyang pampublikong ward.Ngunit tuwing darating ang alas-otso ng gabi, may isang kwarto sa Executive Suite ng ospital—isang kwartong personal na ipinaayos at ipinabayaran ni Rocco gamit ang sariling pondo ng pamilya Lazarus—kung saan nag-iiba ang ritmo ng kaniyang gabi.Pumasok si Celeste sa kwarto ni Gregor

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 6

    Bahagyang ibinaba ni Celeste ang hawak na medical chart habang nakatitig sa mga mata ni Gregory. Sa kabila ng angking kapangyarihan at awra na pumapalibot sa lalaki kahit nakahiga ito sa kama ng ospital, walang kahit anong kaba o ilang na naramdaman si Celeste."Mr. Lazarus, as your doctor, my only duty is to ensure that your heart keeps working." malamig ngunit seryosong sagot ni Celeste. "You don't need to feel indebted to me. I simply did what was necessary."Bahagyang natawa si Greg—isang mahinang tunog na agad ding naputol dahil sa kaunting hapdi sa kaniyang dibdib. "Huwag ka munang tumawa, sariwa pa ang mga tahi mo," mabilis na paalala ni Celeste habang ginagalaw ang IV drip upang ayusin ang daloy ng gamot."Ganyan ka ba talaga magsalita sa lahat ng pasyente mo, Dr. Del Fiera?" nakatitig na tanong ni Greg. Ang kaniyang mga mata ay tila binabasa ang bawat galaw at ekspresyon ng mukha ng doktora. "Rocco told me what happened in the ER. You didn't hesitate. Minimal equipment, a cha

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 5

    Matapos ang matinging katahimikan sa buong Emergency Room, unang pumalakpak si Nurse Sarah. Kasunod nito ang iba pang mga duty nurses, ang anesthesiologist, pati na ang ilang mga pasyenteng nakatayo sa gilid na nakasaksi sa buong pangyayari. Ang kaninang napakatahimik at tensyonadongatmosphere sa loob ng ER ay napuno ng ingay ng pagkamangha at pagpupugay para kay Celeste.Humakbang palapit ang Hospital Director na si Dr. Arturo Villanueva, kasama ang dalawa pang senior doctors ng San Gabriel Provincial Hospital. Lumapit ito kay Celeste habang nakatitig sa lalaking dahan-dahan nang inililipat mula sa trauma bay patungong Recovery Room."Diyos ko, Dr. Del Fiera..." bungad ni Dr. Villanueva, ang boses ay may halong gulat at matinding paghanga. "Tumawag sa akin si Dr. Bernardo kaninang umaga para ipaalam ang pagdating mo, pero hindi ko akalaing sa ganitong paraan ka magpapakilala sa aming ospital!""Director" bahagyang yumuko si Celeste bilang paggalang. "Pasensya na po kung hindi man l

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 4

    Pagkababa pa lamang ni Celeste mula sa bus na naghatid sa kaniya sa probinsya, ramdam na agad niya ang malaking pagkakaiba ng hangin. Walang matataas na gusali, walang hilera ng mga mamahaling sasakyan, at higit sa lahat—walang mga bakas ng kasinungalingan ni Samuel. Dala ang isang simpleng traveling bag na naglalaman ng kaniyang mga kaunting gamit at ang kaniyang lumang stethoscope, humakbang siya patungo sa San Gabriel Provincial Hospital. Totoo ang bawat salitang sinabi ni Dr. Bernardo. Mula sa gate pa lamang ng pampublikong ospital, tumambad na kay Celeste ang napakahabang pila ng mga pasyente. May mga nakaupo sa mga monoblock chair sa hallway, may mga nakahiga sa mga folding bed, at ang iba ay sa banig na lamang sa semento nag-aabang ng kani-kanilang turn. Ang ingay ng mga umiiyak na sanggol, ang tawag ng mga nurse sa mga numero, at ang amoy ng rubbing alcohol na nakahalo sa pawis ng tao ay agad na sumalubong sa kaniya. Ito ang mundo na matagal niyang kinalimutan habang

  • The Surgeon's Second Heartbeat    KABANATA 3

    Kinabukasan, maagang nagising si Celeste. Sa kabila ng namumugtong mga mata at mabigat na dibdib mula sa magdamag na pag-iyak, may naramdaman siyang panibagong lakas. Humarap siya sa bintana ng kaniyang condo habang hawak ang isang mainit na tasa ng kape, nakatitig sa sumisikat na araw. Ngayong araw, sisimulan niya ang pagbawi sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang telepono at hinanap ang numero ni Dr. Bernardo, ang dating Head of Surgery sa kilalang private hospital kung saan siya dating nag-residency bago siya nagpadala sa mga pakiusap ni Samuel. Si Dr. Bernardo ang nag-iisang taong nanghinayang nang husto nang iwan ni Celeste ang kaniyang karera tatlong taon na ang nakalipas. Nang tumunog ang linya, hindi nagtagal ay sinagot ito ng doktor. "Dr. Bernardo, magandang umaga po. Si Celeste Del Fiera po ito..." alanganing bati ni Celeste. "Celeste?!" Ang gulat at tuwa sa boses ng matandang doktor ay agad na umalingawngaw sa kabilang linya. "Diyos ko, Celeste! Kumusta ka na? Ila

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status