"Ah, hindi naman sa ganoon. Concern lang naman ako at baka hindi ka na naman makapag-submit ng project mo," ani ko pa sabay huminga nang malalalim.
"Pwes magsu-submit ako, mahirap ba iyon?" Wika pa niya sabay tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi na ako umimik pa at hindi ko na rin binigyan ng kahulugan ang kaniyang paraan ng pakikipag-uusap sa akin. Bagkus ay hindi ko na lamang iyon pinansin.
Matapos ang mga sandaling iyon ay umalis kaming tatlo na kasama nga si Colleen sakay ng sasakyan ni Marcelo.
Habang nakaupo ako sa tabi ni Marcelo ay aksidenting nahagip ko sa salamin si Colleen na siyang panay sa pagtitig kay Marcelo na tila parang kaka-ibang paraan ang kaniyang pagtitig dito. Dagdag pa rito ay hindi mawala wala ang mga ngiti na makikita sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan siya.
Nagtataka na ako at napapaisip na ng kaka-iba sa kanya ng mga oras na iyon subalit agad ko lang din naman iyon na binura sa aking isipan. Dahil alam kong wala sa ugali ni Colleen ang magka-interest sa taong alam niyang may karelasyon na. Lalo pa at matalik kaming magkaibigan dalawa.
Nang makarating kami sa isang bar kung saan naghihintay ang mga kaibigan doon ni Marcelo ay agad niya akong ipinakilala sa kaniyang mga kaibigan. Tanggap naman ako ng kaniyang mga kaibigan at maganda pa ang kanilang pakikitungo sa akin.
Gayon din si Colleen ay siyang ipinakilala rin ni Marcelo sa kaniyang mga kaibigan.
Habang sa kalagitnaan ng kanilang pag-iinom ni Marcelo kasama ang mga kaibigan niya ay nagpaalam siya muna sa akin saglit sa ka dahilanan na gagamit siya ng banyo.
"Mahal, aalis muna ako at pupunta lang ako ng banyo. Saglit lamang at babalik din ako," saad pa ni Marcelo sa akin sabay tumayo at hinalikan ako sa noo tsaka umalis patungong banyo.
Mayamaya pa nang matapos umalis ni Marcelo ay biglang tumayo si Colleen na tila parang may lalakarin din.
Napaisip naman ako na tanungin siya rito. "Saan ka ba pupunta Colleen?" Makling tanong ko sa kanya habang napapaisip.
Napatigil naman si Colleen at tila parang napapaisip din. "Um, pupunta lang din ako ng banyo kasi gagamit din ako," wika pa ni Colleen habang nagmamadaling pumunta ng banyo.
Tiningnan ko lang si Colleen habang lumalakad papuntang banyo at wala akong ka malay-malay na nagbabalak pala siyang pumunta sa banyo ng mga lalaki kung saan naroroon si Marcelo upang sundan ito.
Habang unti-unti siyang papasok sa banyo ng mga babae ay palihim niyang pinagmamasdan ang banyo ng mga lalaki na kalapit lang nito. Upang alamin kung ito'y may tao pa ba sa loob bukod kay Marcelo.
Mayamaya pa nang mapansin niyang tila wala ng tao sa banyo ng mga lalaki ay agad siyang pumasok dito. At walang pag-alinlangan na isinarado ang pintuan.
"Na saan kaya si Marcelo?" Bulong pa niya sa kaniyang sarili habang isa-isang tiningnan nang dahan-dahan ang bawat pintuan ng kobeta.
Ilang saglit pa ay nakita niyang lumabas nang kobeta si Marcelo kung kaya't agad siyang nagtago upang hindi siya nito makita. Palihim lang siyang sumilip at pinagmasdan si Marcelo na siyang abala sa pagsarado ng kaniyang zipper.
Dahil dito ay napaisip siya na puntahan si Marcelo at magkunwari lamang na siya'y naligaw lang nang banyong pinasukan upang sa ganoon ay hindi siya mahalata na talagang sinadya niya ang nangyari.
Nang papunta siya papalapit kay Marcelo ay bigla-bigla na lamang siyang sumigaw para akalain na aksidenting nakita niya lamang ang pangyayari. Ito naman ay siyang labis na ikina-bigla at ikinagulat ni Marcelo kung kaya't hindi niya naipagtuloy ang pagsarado ng kaniyang zipper dahilan upang makikita ang kaniyang pangloob na kasuotan.
"Oh my God! Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa banyo ng mga babae!" Palakas at pasigaw na pagsabi ni Colleen na halatang siya'y gulat na gulat sa kaniyang nakita.
Dali-dali naman na isinarado ni Marcelo ang kaniyang zipper at kinausap ng mahinahon ang babae na siyang hindi niya akalain na ito ay si Colleen lang pala. Dahilan sa kulay pula ang liwanag ng ilaw at hindi agarang makikita ang mukha.
"Excuse me miss! I'm sorry for my mistake kung nagulat man kita sa iyong nakita sa akin. But for your information banyo po ito ng mga lalaki. And I wonder kung bakit ka nakapasok dito sapagkat sa labas pa lamang ay may makikita ka nang sign board na banyo ito ng mga lalaki," paliwanag pa ni Marcelo habang humihinga nang malalim dahil sa kaba at pagkabiglang naramdaman dahil sa pangyayari.
Napaisip naman si Colleen sa kaniyang susunod na gagawin kung kaya't nagkunwari siya na aksidenting si Marcelo pala ang kaniyang kausap at kaharap ngayon.
"Marcelo, is that you? I mean parang pamilyar kasi ang iyong boses. Ikaw ba iyan Marcelo Bermudez ang boyfriend ng best friend ko na si Yvonne Garcia?" Tanong pa niya kay Marcelo habang palihim na nagkukunwari sa sarili.
Tila nagulat at natigilan naman si Marcelo sa sinabi ni Colleen at napag-alaman niya rin ang boses nito kung kaya't tinitigan niya nang mabuti si Colleen at doon niya nga napagtanto na siya nga ito.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ni Colleen. "Yes it's me Marcelo. Wait, parang pamliyar din ang iyong boses. Is that you Colleen Matapang, Yvonne's best friend?" Pag-aalinlangang tanong niya kay Colleen habang may pagtataka sa kaniyang mukha na makikita.
Napakagat labi naman siya habang napangiti dahil sa naging reaksyon ni Marcelo na halatang napaniwala niya sa kaniyang palabas. "Yeah it's me Colleen Matapang." Pangiting sabi pa niya sabay lumapit sa kinatatayuan ni Marcelo.
Napakamot naman sa ulo si Marcelo sabay huminga ng malalim.
"Oh my God, I thought your stranger. By the way I'm sorry for what happened a while ago. Pero bakit nga ba nandito ka subalit banyo ito ng mga lalaki? Pagtatakang tanong niya kay Colleen habang napapaisip ng husto.
Napaisip naman ng husto si Colleen sa kaniyang isasagot sa tanong ni Marcelo sa kanya. "What? Banyo ng mga babae ito Marcelo, baka ikaw ang nagkamali ng pasok? Siguro ay dahil sa naparami ang iyong nainom kung kaya't namali mali na iyang pagbasa mo sa sign board na nakapaskil sa labas," ani pa ni Colleen habang pinapalabas na si Marcelo itong nagkamali at hindi siya, upang sa ganoon ay hindi sumagil sa isipan ni Marcelo na sinadya niya ang pumasok dito sa banyo ng mga lalaki kung saan naroroon siya.
Matapos nun ay tumawag siya sa mga pulis upang hanapin ang sasakyan na dumukot sa akin gayon din at mailigtas ako sa kapahamakan.Ilang sandali lang ay nakarating na si Colleen sa isang abandonadong gusali na kung saan ay doon niya ako dinala.Nang magkaroon ako ng malay ay unti-unti kong naaninag ang paligid ng gusali hangganng sa tuluyan akong makagising at mapag-alaman na ako'y nasa isang abandonadong gusali habang nakatali ang mga paa at kamay."Oh my God! Ano ito? Anong ginagawa ko rito? Tulong, tulungan niyo ako!' Sigaw ko pa habang hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang nerbyos at kaba na aking nadarama.Makailang beses na ako sa pagsigaw subalit tila parang walang may nakakarinig sa akin. Mayamaya pa ay may nakita akong taong nakasuot ng maskara na siyang papalapit sa akin habang may dala-dala itong baril. Ito naman ay siyang labis kong ikinatakot sa posibling gagawin niya sa akin ngayon."Sino ka, at ano ang kailangan mo sa akin? Anong kasalanan ko sa iyo bakit ginaganito
Tila medyo kabado si mang Pido sa kaniyang sasabihin lalo ppa at wala siyang kasiguraduhan dito subalit iba ang kaniyang hinala at pakiramdam kong kaya't kailangan niyang sabbihin ito sa kanya."Iyan po ang gamot na pinainom ni ma'am Colleen kay Senyora. Nakita ko kasi siya noong isang araw na pumunta ako rito, yung gamot na niresita ng doctor ay itinapon niya sa basurahan at iyang gammot na hawak mo po sir ang kaniyang pinainum kay Senyora. Medyo nagtataka lang kasi ako sir sa kilos niya ng mga araw na iyon kung kaya't ninais kong kunin ang sisidlan ng gamot na iyan upang ipakita sa inyo gayon din at nang malaman natin kung anong klase ng gamot iyan," paliwanag pa ni mang Pido habang napapaisip ng husto gayon din at tila may kunting kaba na nararamdaman.Tila nagtaka at napaisip naman si Marcelo sa sinabi niya."Actuallly, hindi ko alam ang gamot na ito at sa katunayan nga ay parang ngayon ko lamang nakita ito," wika pa niya habang may malaking katanungan sa kaniyang isipan. Ma
Parehas kami ng nadarama ng mga sandaling iyon. Halos hindi namin maipaliwanag sa aming sarili kung gaano kami ka saya at katuwa ng mga oras na iyon. Isa lang ang masasabi namin, ito na ang simula ng aming pagmamahalan na walang hanggan.Ibinahagi na rin pala namin sa aming pamilya, mga kakilala, ka-trabaho at kaibigan ang patungol sa engagement namin ni Lynnx. Halos lahat ay natuwa at binati kami sa magandang nangyari sa aming relasyon. Naibalita na rin sa mga dyaryo at TV ang patungkol sa engagement namin na siya namang nakarating at nabalitaan ni Marcelo. Sa kalagitnaan ng kaniyang panonoood ng balita sa TV patungkol sa amin ni Lynnx ay agad niyang pinatay ito habang may hindi kaaya-aya na reaksyon sa kaniyang mukha na makikita. Mayamaya pa ay itinapon niyan ang remote na ahwak niya at nagsimula na siyang magawala sa kaniyang sarili lalo pa at hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na engage na ako kay Lynnx."Hindi pwedi ito, hindi pweding mangyari ito. Hindi ka pweding magpak
Matapos ang kanilang pag-uusap tatlo ay pumasok sila sa loob kung saan naka-confine si Senyora. Ilang sandali lang din ay dumating si Colleen."Papa, Marcelo?" Wika pa niya habang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Colleen, what happen? Ano ang nangyari at bakit inatake sa puso si Mom?" Tanong pa ni Marcelo habang hindi rin mapakali sa kaniyang sarili.Tila natagalan pa bago makapagsalita si Colleen lalo pa at natatakot siyang malaman nila na siya ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Senyora na siyang muntik na niyang ikamatay."Hindi ko rin alam, nakita ko na lang si mama na nakahandusay na sa sahig. Mabuti na nga lang at insakto ang pagdating ko ng bahay kung kaya't naisugod ko siya agad dito," palusot pa niya habang napapaisip ng husto."Salamat sa iyo Colleen, mabuti na lang at naisugod mo siya rito," ani pa ni Marcelo sabay niyakap siya."Huwag mo nang alalahanin iyan. By the way kamusta na pala ang kalagayan niya ngayon?""So far, okay naman ang kalagayan niya ngayon as wh
Sa kalagitnaan pa lang ng kaniyang byahe papunta ng bangko ay hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili, dagdag pa rito ang mga sari-saring iniisip niya kung ano ang mangyayari sa kanya lalo pa at nangyari na ang kinakatakutan niya.Nang makarating siya sa kaniyang distinasyon ay agad siyang bumaba ng kaniyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bangko. Makikita ang galit sa kaniyang mukha habang siya'y palakad papuntang counter.Tila hindi lingid sa kanya ang pagbati ng mga empleyado sa kaniyang pagpasok dahil sa kaniyang nararamdaman ngayon."Ano itong pinanggagawa niyo sa akin? This is against the law. Sasampa ako ng kaso laban sa inyo dahil sa inyong pagsara na wala man lang akong final notice na natanggap galing sa inyo. I'll make sure na mananagot kayong lahat dahil dito," galit na sabi niya sabay pagtaas ng kaniyang dalawang kilay."I'm sorry ma'am . Please huwag po kayong mag-iskandalo rito. You can talk with our manager to all your concerns," wika pa ng staff ng bang
Pagdating sa bahay ni Colleen."Hay finally, kahit papaano ay guminhawa rin ng kunti ang aking pakiramdam ang maraming salamat sa iyo my daughter-in-law. Maashan talaga kkita kahit papaano," wika pa ni Senyoora sabay umupo sa sofa at huminga nang malalim.Hindi na lamang kumibo si Colleen bakus ay nngumiti na lang ng kunti kay Senyora.Ilang sandali pa ay nilapitan siya ni Mr. Arevalo na kung saan ay nagpapasalamat siya sa kaniyang pagkupkop sa kanila, sa kabila ng hindi magandang nangyari sa pagitan niya at sa kanilang pamilya.Nagsimula na din siyang magtanong patungkol sa mga nangyayari ngayon lalo na ang pag-alis nila sa mansyon. Ipinaliwanag naman nila ito ng mabuti sa kanya na siyang labis niyang ikinagulat at hindi lubos na makapaniwala sa nangyari. Nalaman na din niya ang katotohanan kung ano ang kanilang kalagayan ngayon, na sila ay wala nang yaman pa bagkus ay naghihirap na. Mahirap man paniwalaan subalit kailangan tanggapin lalo pa at nangyayari na saa totoong buhay.Matapo