Parang nag-iba na talaga ang kaniyang pakikitungo sa akin simula nu'ng magkaroon lamang ako ng boyfriend at ipagtapat sa kanya ito.
Hanggang sa naisipan ko na lang na kausapin siya pagkatapos ng mesa na ito at alamin kung ano ang problema niya sa akin.
Matapos ang mahigit isang oras na mesa ay na una nang umuwi sina Nanay at Tatay sapagkat magtitinda pa sila sa palengke. Samantalang kaming dalawa ni Colleen ay naiwan sa simbahan.
Habang nag-aabang kami ng sasakyan dalawa pauwi ng bahay ay naisipan ko na siyang kausapin upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Lalo na at nag-aalala lamang ako sa kanya baka kung may mabigat na siyang dinadalang problema. Lalo pa at siya na lamang ang mag-isang nakatira sa kanilang bahay dahil sa nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang at iniwan na lamang siya ng basta-basta sa hindi malamang dahilan.
Mayamaya pa ay dahan-dahan akong umusog papalapit sa kaniyang kinatatuyaan. "Um, Colleen ayos ka lang ba? Pakiramdam ko kasi ay may problem ka sapagkat napansin ko na parang malimit mo na akong kausapin at pa minsan-minsan ka na lang din kung dumalaw sa bahay. Ano ba ang problema mo baka gusto mong e-share sa akin nang matulungan man lang kita, nag-aalala na kasi ako sa iyo," mahinahong tanong ko kay Colleen sabay hinawakan siya sa kaniyang balikat.
Tila nabigla naman siya sa sinabi ko kung kaya't agad niya akong tinitigan sa aking mga mata. "Ayos lang ako at wala akong problema. Marami lang akong inaasikaso kung kaya't nangyayari iyon," ani pa ni Colleen sabay tingin sa kalsada.
"Nakita ko kasi na parang may problema ka, siguro ay ayaw mo lang sabihin sa akin. Best friend mo naman ako at sabihin mo naman sa akin iyang problema mo baka matulungan pa kita," ani ko pa sabay napapaisip ng husto. "Tungkol ba ito sa mga magulang mo kung bakit ka nagkakaganyan? Dagdag ko pa sabay tiningnan siya habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaan.
Ilang saglit pa ay napatigil siya at muling napatingin sa akin habang halata ang hindi ka nais-nais na reaskyon sa kaniyang mukha na makikita. "Pwedi ba Yvonne 'wag mo nga akong kausapin, nanggigil ako sa iyo eh. At 'wag na 'wag mong maitanong ang bagay na iyan tungkol sa mga magulang ko dahil wala kang alam! At kung gusto mong may makausap ka, pwes humanap ka nang kausap mo!" Palakas na boses at pasigaw na pagsabi ni Colleen sa akin na halatang may galit ang tono ng kaniyang pananalita.
Nagulat naman ako at nabigla sa sinabi niya kung kaya't hindi ko agad nagawang makapagsalita dahil sa hindi ako makapaniwala na mapagsasalitaan niya ako ng ganoon. Lalo pa at sa buong buhay ko ay ngayon pa niya lamang akong pinagtaasan ng boses.
Hindi ko pa man nagawang makapagsalita ay umalis na lang bigla si Colleen at sumakay ng sasakyan. Habang naiwan akong mag-isa sa labas ng simbahan.
Palaisipan pa rin sa akin ang paraan ng kaniyang pananalita kanina at kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang ikinikilos sa akin na siyang labis kong ipanagtataka.
Subalit hindi ko na lamang iyon binigyan pa nang malisya sapagkat inunawa ko siya ng mabuti, na baka nga dahil lang talaga sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang ang dahilan bakit siya nagbago at nag-iba ng pakikitungo sa akin. Dala lamang ng kaniyang matinding emosyon.
Araw iyon ng Beyernes kung saan sinundo ako ni Marcelo sa aming paaralan. Insakto rin na palabas si Colleen ng gate kung kayat tinawag ko siya upang ipakilala ko siya kay Marcelo nang sa ganoon ay magkakilala naman silang dalawa.
"Sandali lang Marcelo, tatawagin ko lang ang kaibigan ko at ipakilala ko siya sa iyo," sabi ko pa kay Marcelo at sabay na tinawag ko si Colleen.
"Colleen? Nandito ako," palakas na boses na pagtawag ko kay Colleen sabay kinawayan siya.
Napalingon naman si Colleen sa akin, subalit hindi niya ako pinansin. Hanggang sa mapansin niyang kasama ko si Marcelo ay tila bigla na lang nag-iba ang kaniyang naging pagkilos at walang pag-aalinlangan na lumapit sa aming dalawa ni Marcelo.
Paglapit niya sa amin ay pinukol niya agad ng isang masayang ngiti si Marcelo. "Nandito ka pala Marcelo, ano naman ang ginawa mo rito?" Tanong pa ni Colleen kay Marcelo habang nakangiti itong tumititig sa kanya.
Napataas naman ang dalawang kilay ni Marcelo sabay napangiti ng kunti sa kanya. "Oh, kilala na pala ako ng kaibigan mo Yvonne," wika pa ni Marcelo na tila nabigla nang malaman niyang kilala na pala siya ni Colleen.
"Actually Marcelo, na-ikwento na kasi kita kay Colleen kung kaya't kilala kana niya," ani ko pa sabay ngumiti.
"Anyway, I'm Colleen Matapang at ikinagagalak kitang makita Marcelo," sabi pa ni Colleen kay Marcelo sabay inilahad ang kaniyang kanang kamay upang makipag-kamayan sa kanya.
"Oh hi Colleen I'm Marcelo and I'm Yvonne's boyfriend," wika pa ni Marcelo sabay nakipagkamay kay Colleen.
Habang nakikipagkamayan silang dalawa ay napansin kong tila parang kaka-iba ang paraan nang pagtingin at pagtitig ni Colleen kay Marcelo.
Tila parang tingin at titig ng isang pang-aakit niya kay Marcelo. Subalit hindi ko iyon pinansin at pinabayaan na lamang sapagkat alam kong walang malisya ang namumuo roon.
"Um, anyway baka gusto mong sumama sa amin ng kaibigan mong si Yvonne? Gigimik kasi kami ngayon kasama ang mga barkada ko," pa-anyaya pa ni Marcelo kay Colleen sabay hinawakan ako sa aking kamay.
Agaw pansin naman sa mga mata ni Colleen ang mahigpit na pagkahawak ni Marcelo sa aking kamay habang palihim na nakaramdam ng pagka-inggit. "Oh sure, gusto 'yan at sasama ako," mabilis na sagot ni Colleen sabay ngumiti sa kanya.
Bigla ko naman na alala na mayroong gagawing project ngayon si Colleen, kung kaya't nagkomento ako sa isinagot niya kay Marcelo.
"Hindi ba't may gagawin ka ngayong project Colleen? At hindi ba bukas mo na iyon i-susubmit?" Tanong ko pa kay Colleen habang napapaisip patungkol dito.
Dahil sa sinabi ko ay agad naman na umalma si Colleen. "Project? Sa pagkakaalam ko ay wala akong project na gagawin at kung meron man ay natapos ko na iyon. Tila yata parang ayaw mong sumama ako sa inyo?" Pataray na tanong ni Colleen sa akin sabay tinitigan ako nang masakit sa mukha.
Matapos nun ay tumawag siya sa mga pulis upang hanapin ang sasakyan na dumukot sa akin gayon din at mailigtas ako sa kapahamakan.Ilang sandali lang ay nakarating na si Colleen sa isang abandonadong gusali na kung saan ay doon niya ako dinala.Nang magkaroon ako ng malay ay unti-unti kong naaninag ang paligid ng gusali hangganng sa tuluyan akong makagising at mapag-alaman na ako'y nasa isang abandonadong gusali habang nakatali ang mga paa at kamay."Oh my God! Ano ito? Anong ginagawa ko rito? Tulong, tulungan niyo ako!' Sigaw ko pa habang hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang nerbyos at kaba na aking nadarama.Makailang beses na ako sa pagsigaw subalit tila parang walang may nakakarinig sa akin. Mayamaya pa ay may nakita akong taong nakasuot ng maskara na siyang papalapit sa akin habang may dala-dala itong baril. Ito naman ay siyang labis kong ikinatakot sa posibling gagawin niya sa akin ngayon."Sino ka, at ano ang kailangan mo sa akin? Anong kasalanan ko sa iyo bakit ginaganito
Tila medyo kabado si mang Pido sa kaniyang sasabihin lalo ppa at wala siyang kasiguraduhan dito subalit iba ang kaniyang hinala at pakiramdam kong kaya't kailangan niyang sabbihin ito sa kanya."Iyan po ang gamot na pinainom ni ma'am Colleen kay Senyora. Nakita ko kasi siya noong isang araw na pumunta ako rito, yung gamot na niresita ng doctor ay itinapon niya sa basurahan at iyang gammot na hawak mo po sir ang kaniyang pinainum kay Senyora. Medyo nagtataka lang kasi ako sir sa kilos niya ng mga araw na iyon kung kaya't ninais kong kunin ang sisidlan ng gamot na iyan upang ipakita sa inyo gayon din at nang malaman natin kung anong klase ng gamot iyan," paliwanag pa ni mang Pido habang napapaisip ng husto gayon din at tila may kunting kaba na nararamdaman.Tila nagtaka at napaisip naman si Marcelo sa sinabi niya."Actuallly, hindi ko alam ang gamot na ito at sa katunayan nga ay parang ngayon ko lamang nakita ito," wika pa niya habang may malaking katanungan sa kaniyang isipan. Ma
Parehas kami ng nadarama ng mga sandaling iyon. Halos hindi namin maipaliwanag sa aming sarili kung gaano kami ka saya at katuwa ng mga oras na iyon. Isa lang ang masasabi namin, ito na ang simula ng aming pagmamahalan na walang hanggan.Ibinahagi na rin pala namin sa aming pamilya, mga kakilala, ka-trabaho at kaibigan ang patungol sa engagement namin ni Lynnx. Halos lahat ay natuwa at binati kami sa magandang nangyari sa aming relasyon. Naibalita na rin sa mga dyaryo at TV ang patungkol sa engagement namin na siya namang nakarating at nabalitaan ni Marcelo. Sa kalagitnaan ng kaniyang panonoood ng balita sa TV patungkol sa amin ni Lynnx ay agad niyang pinatay ito habang may hindi kaaya-aya na reaksyon sa kaniyang mukha na makikita. Mayamaya pa ay itinapon niyan ang remote na ahwak niya at nagsimula na siyang magawala sa kaniyang sarili lalo pa at hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na engage na ako kay Lynnx."Hindi pwedi ito, hindi pweding mangyari ito. Hindi ka pweding magpak
Matapos ang kanilang pag-uusap tatlo ay pumasok sila sa loob kung saan naka-confine si Senyora. Ilang sandali lang din ay dumating si Colleen."Papa, Marcelo?" Wika pa niya habang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Colleen, what happen? Ano ang nangyari at bakit inatake sa puso si Mom?" Tanong pa ni Marcelo habang hindi rin mapakali sa kaniyang sarili.Tila natagalan pa bago makapagsalita si Colleen lalo pa at natatakot siyang malaman nila na siya ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Senyora na siyang muntik na niyang ikamatay."Hindi ko rin alam, nakita ko na lang si mama na nakahandusay na sa sahig. Mabuti na nga lang at insakto ang pagdating ko ng bahay kung kaya't naisugod ko siya agad dito," palusot pa niya habang napapaisip ng husto."Salamat sa iyo Colleen, mabuti na lang at naisugod mo siya rito," ani pa ni Marcelo sabay niyakap siya."Huwag mo nang alalahanin iyan. By the way kamusta na pala ang kalagayan niya ngayon?""So far, okay naman ang kalagayan niya ngayon as wh
Sa kalagitnaan pa lang ng kaniyang byahe papunta ng bangko ay hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili, dagdag pa rito ang mga sari-saring iniisip niya kung ano ang mangyayari sa kanya lalo pa at nangyari na ang kinakatakutan niya.Nang makarating siya sa kaniyang distinasyon ay agad siyang bumaba ng kaniyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bangko. Makikita ang galit sa kaniyang mukha habang siya'y palakad papuntang counter.Tila hindi lingid sa kanya ang pagbati ng mga empleyado sa kaniyang pagpasok dahil sa kaniyang nararamdaman ngayon."Ano itong pinanggagawa niyo sa akin? This is against the law. Sasampa ako ng kaso laban sa inyo dahil sa inyong pagsara na wala man lang akong final notice na natanggap galing sa inyo. I'll make sure na mananagot kayong lahat dahil dito," galit na sabi niya sabay pagtaas ng kaniyang dalawang kilay."I'm sorry ma'am . Please huwag po kayong mag-iskandalo rito. You can talk with our manager to all your concerns," wika pa ng staff ng bang
Pagdating sa bahay ni Colleen."Hay finally, kahit papaano ay guminhawa rin ng kunti ang aking pakiramdam ang maraming salamat sa iyo my daughter-in-law. Maashan talaga kkita kahit papaano," wika pa ni Senyoora sabay umupo sa sofa at huminga nang malalim.Hindi na lamang kumibo si Colleen bakus ay nngumiti na lang ng kunti kay Senyora.Ilang sandali pa ay nilapitan siya ni Mr. Arevalo na kung saan ay nagpapasalamat siya sa kaniyang pagkupkop sa kanila, sa kabila ng hindi magandang nangyari sa pagitan niya at sa kanilang pamilya.Nagsimula na din siyang magtanong patungkol sa mga nangyayari ngayon lalo na ang pag-alis nila sa mansyon. Ipinaliwanag naman nila ito ng mabuti sa kanya na siyang labis niyang ikinagulat at hindi lubos na makapaniwala sa nangyari. Nalaman na din niya ang katotohanan kung ano ang kanilang kalagayan ngayon, na sila ay wala nang yaman pa bagkus ay naghihirap na. Mahirap man paniwalaan subalit kailangan tanggapin lalo pa at nangyayari na saa totoong buhay.Matapo