Mag-log in
Nakaupo si Hyacinth sa bench ng school nila at sobrang masama ang loob niya nung i-announce kanina nung adviser nila ang standing para sa Academic Excellence nila sa nalalapit na pagtatapos nila ng Highschool.
Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa parents niya kung bakit hindi siya ang magtatapos na Valedictorian sa batch nila, samantalang from First Year High School up to Fourth year ay siya ang laging number one!
She asked her adviser at sinabi nito na mas mataas daw kasi ang grades ni Argus Sebastian Mediavilla sa extra-curricular activities this year.
Si Argus ay kaklase niya since elementary at palagi silang magkalaban sa standings. Siya ang nag graduate na Valedictorian noong elementary at Salutatorian naman itong si Argus.
Pero kung kailan High School na sila, saka pa nakuha ni Argus sa kanya ang titulo at yun ang hindi niya matanggap.
“Nandito ka lang pala!” tinig ito ni Sabrina, ang bestfriend niya since elementary at ito din ang naging saksi sa competition nila ni Argus
“Sab, bakit ganun? Ang unfair naman yata ng school! Valid naman ang reason kung bakit hindi ako nakasama noong outreach program diba? May sakit ako noon at nag-donate naman si Daddy, diba? So bakit hindi ako ang Valedictorian?” tila batang sumbong ni Hyacinth sa kanyang kaibigan
“Hya, ganun talaga! Hayaan mo na kasi wala ka namang magagawa eh! Nagdeliberate na sila at final na yan!” ani Sab kaya napatayo na lang si Hyacinth
“Paano ko ito ipapaliwanag sa parents ko? They are expecting na ako ang Valedictorian, Sab!” himutok ni Hyacinth kaya napahinga naman ng malalim si Sabrina
“Ano ka ba! Maiintindihan yan ng parents mo! I am sure na hindi naman magiging problema sa kanila yan!” pagpapalakas ng loob ni Sabrina sa kanya
In Hyacinth’s mind, sana nga lang, maintindihan ito ng magulang niya dahil ayaw na ayaw niyang nadi disappoint sa kanya ang parents niya.
“Halika na, baka naghihintay na ang sundo mo!” aya ni Sabrina sa kanya at tamad na tumayo si Hyacinth
Kung pwede nga lang, ayaw na muna niyang umuwi dahil for sure, tatanungin siya ng parents niya tungkol sa resulta ng deliberation.
“Faith!” napalingon siya at nakita niya na si Argus ang tumawag sa kanya kaya uminit na agad ang ulo niya
Sa mga classmates niya, tanging si Argus lang ang tumatawag sa kanya ng ‘Faith’ kaya naman lalo siyang naiinis dahil ginagawa itong issue ng iba.
“Halika na Sab!” sabi niya saka niya hinila ang kanyang kaibigan
“Faith, sandali!” pigil nito sa kanya kaya binawi nito agad ang kanyang kamay
“Ano ba! Bitawan mo nga ako!” sigaw ni Hyacinth pero cool pa rin na humarap sa kanya si Argus
“Gusto lang naman kitang makausap!” ani Argus kaya tinaasan niya ito ng kilay
“Wala naman tayong pag-uusapan kaya pwede ba, bitawan mo ako!” sagot naman ni Hya
“Galit ka ba sa akin?” takang tanong ni Argus kaya inirapan siya ng dalaga
“Hindi! Hindi lang kita type kausap! Get’s mo?” pagtataray ni Hyacinth
“Alam mo, sa sobrang taray mo at sa galit na nakikita ko sa iyo, iisipin ko, may gusto ka sa akin!” pang-aasar ni Argus kaya lalong umusok ang bumbunan ni Hya
“Ako?! Magkakagusto sa iyo?! Hoy Argus, maligo ka at mukhang inaapoy ka ng lagnat! Bwisit!” inis na saad ni Hyacinth saka siya umalis sa lugar na iyon
“Hya sandali!” sigaw ni Sab na hinahabol naman ang kanyang kaibigan
“Ang kapal naman talaga ng mukha!” inis na bulong ni Hyacinth habang nagmamadali siyang lumabas sa campus
“Hya naman! Hintay nga!” habol naman ng kaibigan niyang si Sab kaya napilitan siyang huminto
“Sorry Sab! Hindi ko lang talaga matagalan ang presensya niyang si Argus!” sagot ni Hyacinth sa kaibigan niya
“Ikaw naman kasi, nakikipagusap na nga sayo ng maayos yung tao, inaaway mo pa!” ani Sab kaya nilingon ito no Hyacinth at inirapan
“Ano bang dapat naming pag-usapan, Sab! Wala naman diba? Ano at lalapit-lapit pa siya sa akin? Ipapamukha ba niya na siya ang Valedictorian at hindi ako?” gigil na tanong ni Hyacinth sa kaibigan niya kaya medyo napaatras pa ito
“Hoy relax ka nga lang! Hindi naman ako ang kaaway mo! Saka wala namang ganun, Hya! Paano mo naman nasabing ipapamukha niya yun sa iyo?” pagtatanggol ni Sab kay Argus dahil feeling niya, sobrang apektado ang kaibigan at hindi naman niya dapat isisi kay Argus kung ito ng naging Valedictorian at hindi siya
“Sab, alam mo kung gaano ko kagustong mag-graduate as Valedictorian, di ba? This means a lot to me and my family pero dahil sa kanya, nawala na!” naiiyak na sabi ni Hyacinth kaya napahinga naman ng malalim si Sab
Hinila niya ang kaibigan niya sa shed para mapaliwanagan tutal naman, wala pa ang mga sundo nila.
“Alam ko yan, Hya! Pero hindi naman tama na isisi mo yun kay Argus! Kasi gaya mo, estudyante lang din naman siya. Hindi naman siya ang nagdecide niyan kung hindi ang mga teachers natin.”
Pinahiran ni Hyacinth ang luha niya saka siya napahinga ng malalim.
“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa parents ko ito, Sab!” malungkot na pahayag niya kaya inakbayan naman siya ni Sab
“C’mon Hya, it’s not like papalayasin ka ng parents mo dahil lang sa hindi ikaw ang Valedictorian! I am sure na magiging proud pa rin sila sa iyo!” pampapalubag ng loob ni Sab sa kaibigan niya
Naintindihan naman ni Sab si Hya dahil kahit noon pang elementary sila, achiever na talaga ito.
At kung hindi nga lang ito nagkasakit noong time na may outreach program sila, sure siya na ito ang magtatapos na Valedictorian sa batch nila.
Ang liit lang ng pagitan ng grades nila ni Argus kaya naman feeling niya, lalong masama ang loob ni Hyacinth.
“You think so?” tanong pa ni Hyacinth kay Sab kaya agad itong tumango
“Sure ako, bes! Isa pa, mas importante naman ang college kaya yan ang paghandaan mo, okay!” sagot niya dito at kahit papano ay nakita niyang nakatulong naman ang salita niya sa kanyang kaibigan
Natanaw na ni Sab ang sasakyan sa sumusundo sa kaibigan niya kaya naman sinabihan na niya ito.
“Mag-ayos ka na, nandyan na ang sundo mo!” sabi ni Sab kaya tumango naman ang kaibigan niya
“Thank you Sab! You really are my bestfriend! Wala pa ba yung sundo mo?” tanong ni Hya pero umiling naman si Sab
“Mauna ka na! Sure ako papunta na yun!” sagot naman niya kay Hyacinth
Nagpaalam na sila sa isa’t isa at sumakay na si Hya sa kotseng naghihintay sa kanya.
At kinabahan na naman siya dahil hindi niya talaga alam kung paano sasabihin sa parents niya ang pangyayaring iyon.
Habang tumatakbo ang sasakyan ay kinuha ni Hyacinth ang phone niya at nakita niya na may message doon mula sa isang taon na hindi niya friend sa social media.
She clicked it at nakita niya na galing ito sa lalaking kinaiinisan niya.
‘Please don’t get mad at me. Kung gusto mo, kakausapin ko ang directors ng school para ikaw ang maging Valedictorian. Ayokong nagagalit ka sa akin, Faith. please?’
May kalakip pang sad emoji ang message ni Argus sa kanya kaya naman lalo siyang nabwisit!
Ano ang gustong palabasin ni Argus? Na makikusap siya para sa kanya? So anong ibig sabihin noon? Na mapupunta sa kanya ang pwesto dahil nakiusap si Argus? Nagpapatawa ba siya.
Hindi niya sinagot ang message ni Argus at itinago na niya ang telepono niya dahil malapit na din sila sa mansion ng mga Segovia.
Huminga muna siya ng malalim nung huminto ang sasakyan at saka siya bumaba ng kotse nung buksan ito ng driver si Mang Lito.
“Thank you po, Mang Lito!” ani Hyacinth at ngumiti naman ang driver nila
“Walang anuman senyorita!”
Naglakad na siya papasok at nakita niya ang Mommy niya sa sala ng mansion kaya nagsimula na siyang kabahan. Alas-singko pa lang kaya naman sigurado siya na nasa office pa ang Daddy niya.
Hinintayin ba niya ang Daddy niya bago sabihin ang bad news o sasabihin niya muna ito sa Mommy niya.
“Princess, nandyan ka na pal!” sabi ng Mommy niya na noon ay nakaharap sa laptop niya
“Hello Mommy!” ani Hyacinth at lumapit siya sa kanyang ina at yumakap
“How is school, hmmm? Are you okay?” tanong sa kanya ng ina
“I don’t know Mom!” matapat na sagot ni Hyacinth sa kanyang ina kaya naman naramdaman niya ang halik nito sa kanyang ulo
“You know that you can tell me everything anak!” malambing na sabi ni Thea sa kaniyang unica hija kaya naman hindi na napigilan ni Hyacinth na maiyak
“Hey, what’s wrong?” naalarma naman si Thea sa pag-iyak ng kanyang anak kaya naman inilayo niya ito sa kanya
“Mommy….mommy..sorry po! Sorry!” ani Hyacinth kaya kung ano-ano na tuloy ang pumasok sa isip ng kanyang Mommy
“Anak ano bang problema? Bakit ka ba umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Thea dito
“Mommy sorry po! Hindi po….hindi po ako ga-graduate as Valedictorian! Salutatorian lang po ako, Mommy! Sorry po!” utal-utal na sabi ni Hyacinth habang patuloy pa din siya sa pag-iyak
“Oh my God, princess, bakit ka umiiyak? Dahil lang sa hindi ka Valedictorian?” tanong naman ni Thea sa kanyang anak
“Yes Mommy! I want you and Dad to be proud of me as your daughter but this time, I think I failed!” malungkot na sagot ni Hyacinth sa kanyang ina kaya naman natawa ito at pinahiran ang kanyang mga luha
“Hyacinth, my princess, makinig ka sa akin! Whether you graduate as Valedictorian or not, we will always be proud of you! At maswerte kami ng Daddy ninyo dahil kayo ang naging mga anak namin! You and your siblings always makes us proud at hindi palaging basehan ang honors sa school para masabi mo na magiging proud kami sa inyo!” paliwanag ni Thea sa kanyang anak
“The fact that you have grown up into a fine young lady, sobrang proud na kami doon anak!” dagdag pa ni Thea kaya naman nagliwanag ang mukha ni Hyacinth
“Talaga Mommy?” tanong niya pa at nakita niyang na ngumiti ang kanyang ina
“Oo naman princess! Basta maging mabuting tao kayo paglaki ninyo, sapat na sa amin ito and we will always be proud of you, kahit anong mangyari!”
Napayakap na ulit si Hyacinth sa kanyang ina at kahit papaano, nabawasan ang bigat na nararamdman niya. At kahit pa ganun ang sinabi ng knayang ina, iba pa rin siyempre kung nakuha niya ang pinakamataas na marka lalo na at magtatapos na sila.
“I love you, princess, don’t forget that!” paalala ng Mommy niya sa kanya at tumango naman agad si Hyacinth
The best talaga ang parents niya!
Sana lang, ganito din ang reaction ng Daddy niya lalo pa at kahit hindi nito sabihin, alam ni Hyacinth na malaki ang expectation sa kanya ng kanyang ama lalo na at siya ang panganay na anak.
“Umakyat ka na sa taas at magbihis, princess! Magpahinga ka muna para naman fresh ka mamaya sa dinner!” biro ng Mommy niya at napangiti na lang siya
“Thank you, Mommy!” aniya saka siya tumayo para magpunta sa kanyang kwarto
Humiga muna siya sa kama matapos niyang magbihis ng damit at dahil nalalapit na ang graduation, wala naman na silang masyadong gagawin sa school. Puro na lang sila practice lalo pa at naipasa na nila lahat ng kanilang mga requirements.
Kinuha ulit ni Hyacinth ang telepono niya at nakita niya na may mensahe ulit sa kanya si Argus.
‘Faith, magreply ka naman, please! Hindi ako makakatulog knowing na galit ka sa akin!’
Napailing na lang si Hyacinth dahil hindi niya alam kung bakit ganito ang mga messages ni Argus sa kanya. Hindi sila friends kahit nung elementary days nila at ang tingin niya nga dito ay kalaban.
So ano bang big deal kung magalit siya dito eh ganun naman na sila eversince. Lahat ng classmate niya, mula noon hanggang ngayon, nakakausap niya. Pwera lang talaga kay Argus.
Nakikipagkaibigan si Argus sa kanya pero nire-reject niya ito. Friends niya ang lahat sa social media, pwera lang ito!
She hates Argus Sebastian Mediavilla, that’s the bottomline!
q HyacinthHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung papalapit na kami sa kwarto kung saan nandoon si ARgus. Matapos naming magcheck-in sa hotel na pinabook nila Dad habang nasa Pilipinas pa kami ay dito na kami dumeretso sa ospital kung saan dinala si Argus after ng aksidente.Mabuti na lang ang malapit-lapit lang sa ospital ang hotel na nakuha namin kaya naman hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na kaming nagpunta sa ospital.Habang bumibyahe kami sa ere ay naikwento ni Nanay Pilar ang nangyari kay Blake ayon sa kwento ng pinsan ni Yvette.Ayaw na daw kasing bumalik ni Yvette sa facility kaya naman napilitan si ARgus na magstay muna habang kinukumbinsi si Yvette na kailangan niyang bumalik sa facility para tuluyan na siyang gumaling.At nung hindi pa siya pumayag ay nagtalo na sila dahil gusto na daw bumalik ni ARgus sa Pilipinas. Nagimpake ito ng gamit at umalis sa bahay ng pinsan ni Yvette gamit ang kotse ng huli.Hanggang sa mabalitaan nila na may aksidenteng nangyari
HyacinthPaggusing ko kinabukasan ay wala na si Argus sa tabi ko kaya naman inisip ko na baka nasa kusina ito at magluluto.Nagpunta muna ako sa banyo at paglabas ko ay kinuha ko ang phone ko.Alas-diyes na pala ng gabi at napasarap talaga ang tulog ko. At nakita ko na may messages doon si Argus.Medyo mahaba nga ito kaya naman kinabahan pa ako nung magsimula akong basahin ito.‘Babe, something came up kaya kailangan kong puntahan si Yvette. Balitaan kita pag dating ko doon and sorry for not waking you up bago ako umalis. Masyadong masarapa ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. I love you so much, Babe! At pagbalik ko, pag-usapan na natin nag tungkol sa kasal, alright? I will call you, Babe! I love you so much!’Napahinga ako ng malalim at naiinis pa nga ako sa sarili ko dahil hindi ko namalayan na umalis na pala siya sa tabi ko.Ano kayang nangyari kay Yvette at kinailangan ni Argus na magpunta doon agad-agad.Naisipan kong tawagan si Sab dahil baka may alam siya sa sitwasyon ni
HyacinthBirthday ni daddy ngayon at gaya ng nakasanayan, sa mansion ulit ginanap ang mahalagang okasyon na ito para sa aming ama. Maraming bisitang dumating at nasa isang side kami ng garden na magkakababata to catch things up lalo na at naging busy na din kami sa mga buhay namin.Nasa isang mesa kami nila Maegan at Mitchell and siyempre pa, kasama namin ang tatlong bugok na palaging nakabuntot kay Mitchell.“Mabuti naman ang nakadalo ka ngayon, Maegan! Wala bang lakas si boss?” tanong ko sa kanya“Wala naman Hya! Dahil kung meron, malamang wala ako dito!” pilosopong sagot niya sa akin“Ano ka ba talaga Ate Maegan? Brand ambassador, secretary o EA?” pang-aasar ni Dylan saba tawa kaya pinandilatan naman siya ng mata ni Maegan at gaya ng inaasahan, tumigil ito sa pagtawa at akala mo mabait na bata nanahimikTakot lang ng mga ito sa amin eh, Pero more than fear, nandoon ang paggalang nila sa amin bilang nakakatanda sa kanila.“Ikaw naman Mitchell! Anong bago sa iyo?” tanong ko dahil na
HyacinthNagising ako kinabukasan at ang bigat ng ulo ko dahil na din sa dami ng nainom namin kagabi. Hindi ko na nga alam kung anong oras na kami natulog ni Meynard at dahil lasing na lasing na din ang kainuman ko, dito na siya natulog sa unit ko. At wala namang kaso sa akin yun dahil nasa labas naman siya at kahit noon pa, natutulog na siya sa mansion pag may mga kailangan kaming gawing projects.Malapit din siya sa parents ko at nung mga panahon na wala siya, hindi naman nakalimot ang mga ito na banggitin siya at hanapin sa akin.Pero dahil wala naman kaming communication noon, wala akong maisagot sa kanila.Tamad na tamad akong bumangon at pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako sa sala lalo na nung makita ko na alas-nueve na ng umaga. Mabuti na lang, wala akong appointment ng umaga at hapon pa naman kaya pwede pa akong humabol.Nakita ko na tulog pa si Meynard kaya naman pinilit kong magdahan-dahan ng kilos dahil baka magising siya.I prepared coffee dahil yun na ang hinahan
Hyacinth“Meynard!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na takbuhin at yakapin ang aking kaibigan way back college.Nagulat talaga ako dahil ang alam ko, nasa Germany si Meynard at doon nakakuha ng trabaho after naming nag graduate ng college.“Hya!” masayang sabi din niya habang nakayakap kami sa isa’t- isa“Grabe ka! Wala man lang akong balita sa iyo after mong magpunta sa Germany! Sobrang busy ka ba sa buhay?” tanong ko kay Meynard after our hug at inaya ko na tuloy siyang umakyat sa unit ko“I stopped using my socials noong nandoon ako, Hya! Siguro mas gusto ko lang ng tahimik na buhay.” sagot sa akin ni Meynard nung nakasakay na kami sa lift“Nakatulong naman ba?” I asked at narinig ko ang malalim na paghugot ni Meynard ng hangin “Somehow, yes! Kasi wala na akong nababalitaan tungkol sa …alam mo na!”Hinawakan ko ang kamay ni Meynard at nalulungkot ako kasi hanggang ngayon, taon man ang lumipas, apektado pa rin siya sa nangyari noon.“Tapos na yun, Meynard! Dapat kinakalimutan mo
HyacinthNasa office na ako at nakita ko ang latest post ni Phil sa social media account niya.Nasa isang restaurant sila kasama ni Argus and they are having lunch after the shoot.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko knowing that they are my team! Pero hayun at si Argus ang kasama nila na para bang nagce-celebrate sila samantalang ako, sa cafeteria na lang nag lunch.Ibinaba ko na ang phone ko and I continued working para mawala sa isip ko ang inis na nararamdaman ko.And I guess it worked dahil hindi ko na namalayan ang oras, at kung hindi pa tumawag sa akin si Dylan ay hindi ko makikita na alas-sais na pala ng gabi.“Dylan…” I said as I answered my phone“Ate, free ba kayo tonight? Nag-aayaan kasi kami sa favorite pizza parlor natin. Baka gusto ninyong sumama ni Kuya Argus?” Hindi pa nga pala nila alam na magbreak na kami ni Argus and this is the second time.“Hello ate, still there?” ani Dylan sa kabilang linya kaya napahinga ako ng malalim“Anong oras ba, Dylan?” tanong k







