It's already seven in the evening. Matapos kumain sa bahay nina tita Cordelia ay umuwi na rin agad ako. Wala pang tao sa bahay maliban sa mga katulong na abala sa mga gawain nila.
Siguro may dinaluhan na namang event or dinner meeting si Dad, may sariling condo naman na si ate Sophia kaya madalang na siyang umuwi sa mansion habang palagi namang wala si Kuya Lexus. Kaya madalas ako lang talaga ang naiiwan sa bahay kasama ng mga katulong.
Dumiretso ako sa kwarto ko at marahas na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Humiga ako habang nakasayad ang mga paa sa sahig. Nakakapagod.
Pipikit na sana ako nang bigla kong maalaala ang regalo sa akin ni tita Cordelia. Dali-dali kong kinuha ang bag ko.
Maliit lang ang kahon, siguro singsing o hikaw ang laman nito. Madalas kasi alahas ang regalong natatanggap ko buhat sa kanya.
Binuksan ko ang kahon ngunit hindi alahas ang laman nito kundi susi. Susi ng kotse. Napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Excited akong bumaba sa kama at tumakbo papuntang garahe.
Nanlaki ang mata ko sa tuwa habang nakatingin sa sasakyang nasa aking harapan. Isang mamahaling pulang kotse.
Bahagya kong pinadaan ang aking daliri sa ibabaw ng kotse upang damhin ito. Binuksan ko ito, napahinga ako ng malalim habang sinisinghot ang amoy brand new na leather. I sat on the driver's seat at kinalikot ang loob ng kotse.Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng sariling kotse, pero ayaw ni Dad. Sa aming magkakapatid ako lang ang walang sasakyan. Hindi naman sa materialistic ako, pero minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kapatid ko. Lahat kasi ng gusto nila mabilis na ibinibigay ni Dad, kahit na istrikto rin ito sa kanila. Habang sa akin lagi niyang sinasabi na kung may gusto ako dapat paghirapan ko. May point naman siya, but still, I want him to treat me like how he treated my siblings.
I dialed my aunt's number.
“Thank you so much, ’Tita. Ikaw na talaga ang favorite tita ko,” masayang bungad ko na may halong biro.
“You are welcome, darling. Saka ako lang naman ang tita mo, kaya h'wag mo na akong bolahin. I hope you like it.”
“I love it, ’Ta.” Malaki ang ngiti ko.
This is my dream car. Akala ko matatagalan pa bago ako magkameron nito. Tila nakalimutan ko ang lahat ng sama ng loob ko kanina dahil sa natanggap kong regalo.
Malaki ang mga ngiting bumalik ako sa aking kwarto. I was about to go inside the bathroom to clean myself when my phone rang.
Si Michelle ang tumatawag, she is my best friend.
“Congratulation!” sigaw nito sa kabilang linya. Bahagya ko pang-inilayo ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.
“Thank you, Mich.” May tipid na ngiti sa labi ko kahit na hindi niya ako nakikita.
Buti pa ito kahit busy naalala ang graduation ko.
“I am sorry kung hindi kita masasamahan mag-celebrate today. Dapat nagpa-party tayo, but I am still here in Sorsogon for my photoshoot. Don't worry, babawi ako pagbalik ko,” hinging paumanhin nito.
“Okay lang. Naiintindihan ko, alam kong busy ka. Sikat yata ang best friend ko,” pagbibiro ko pa. Pero totoo naman sikat na ito, hindi man sobrang sikat pero madami na itong proyekto, kaya madalas sobrang abala na ito.
“Nagsisimula pa lang ako, ikaw naman advance mag-isip.”
“Come on, Mich. Sure ako, sisikat ka ng higit pa. Ikaw pa, maganda na, matalino pa.” Pagboboast ko sa kanya.
She’s a model and actress, nagsisimula pa lang siya sa industriya, pero marami na agad siyang tagahanga. Kaya alam ko balang-araw mararating niya ang pangarap niyang maging isang tanyag na artista. At nandito lang ako lagi para suportahan siya
“Best friend talaga kita, ang galing mo mambola. Basta babawi ako pagbalik.”
“Dapat lang," natatawang saad ko.
“Promise 'yan. Sige ibaba ko na ito, tawag na ulit ako. Bye.”
Marahas akong napabuga ng hangin nang maibaba ko na ang hawak kong cellphone. She always said, na babawi siya, pero minsan nakakalimutan na niya dahil sa sobrang dami niyang trabaho, pero nauunawaan ko naman siya. Hindi niya hawak ang oras niya at madalas out of town pa siya dahil sa nature ng trabaho niya. Hindi gaya dati na lagi kaming magkasama.
Lahat sila busy, si dad, si Roy, and my best friend, and I have no choice but to understand them. ’Yon naman ang role ko, ang intindihin sila. Kahit na minsan nakakasawa ring umintindi, pero wala akong choice. Ayaw ko naman mag-demand ng isang bagay na alam kong hindi nila maibibigay.
Mabilis lang akong naligo. Balak kong maagang matulog ngayon dahil medyo napagod ako kanina, idagdag pa ang sama ng loob ko lalo na sa nobyo ko na matapos akong i-text na hindi makakapunta dahil may urgent meeting daw ay hindi na ulit tumawag pa.
I know Roy is busy, but can’t he spare a little time for me? Mula nang maging kami, parang kailangan ko pang mamalimos ng time para magkita kami. Hindi naman ako pwedeng mag-complain sa sitwasyon namin dahil ng minsang ginawa ko iyon nagalit pa siya, dahil para sa future raw naman namin ang ginagawa niya. Kaya nanahimik na lang ako.
Ipipikit ko na sana ng mata ko, pero nakarinig ako ng katok.
“Rebecca, hija,” tawag mula sa labas ng kwarto.
Tinatamad na bumangon ako.
“Yes? May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa katulong namin na si Nanay Belen.
“Pinapatawag ka ng daddy mo. Nasa study room siya,” pag-iimporma nito.
Tumango ako. “Sige po,” nakangiting tugon ko bago nagtungo sa study room.
Kumatok muna ako bago tuluyang binuksan ang pituan.
“Ayusin mo ang trabaho mo. Hindi kita pinapasweldo para lang maging sakit ng ulo ko,” galit na saad ni Dad sa kausap nito sa telepono. Matigas din ang ekspresyon ng mukha nito.
Walang imik na naupo ako sa sofa. Agad din naman nitong ibinaba ang tawag at humarap sa akin.
“Go to work tomorrow,” diretsang saad nito at sumadal sa swivel chair nito.
“Can I start on Monday instead? Friday naman na bukas, Dad.” Dumilim ang mukha nito sa sinabi ko.
”And what are you going to do tomorrow? Are you busier than me?” sarcastic na tanong nito.
I am planning to be a good girlfriend tomorrow. Bago sana maging busy na ako at tuluyan na kaming mawalan ng oras sa isa’t isa. Isa ang kailangan mag-adjust sa relasyon namin ni Roy, at ako iyon. Dahil oras na hindi mag-work ang relationship namin bagong disappoinment na naman iyon kay dad.
“No, dad. Pero hindi ba pwedeng huminga muna ako bago magsimulang magtrabaho. Kaga-graduate ko pa lang today, isa pa I need to prepare first,” depensa ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang talagang nais ko. Dahil sigurado akong mas iinit ang ulo niya sa akin.
“Prepare for what? Why don’t you just be happy na may trabaho ka agad hindi gaya ng iba na kailangang pang mag-apply. You already have the privilege, h’wag mong abusuhin.” Tumataas na ang boses niya habang nagsasalita.
Kaga-graduate ko lang, pero sasabak na ako sa trabaho. Okay lang naman sana dahil matagal na niya akong tini-train, pero sana bigyan n'ya muna ako ng time mag-adjust.
“Dad, you don’t get me. Hindi ko naman tatakbuhan ang trabahong binibigay mo pero hindi ba pwedeng magka-free day muna ako. Three days lang naman ang hinihingi ko,” paliwanag ko. Hindi naman siguro mabigat ang hinihingi ko.
“You are really a disappointment.” Umiling-iling ito habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako ng pilit.
“I am sorry if I didn’t meet your expectations. Pasensya kana kung hindi ako kasing galing nina ate at kuya,” naluluhang saad ko.
Masakit pala kapag harap-harapang sinasabi sayo ang mga salitang iyon. Disappointment. Gan’yan namn lagi ang tingin niya sa akin.
“H’wag mo akong dramahan Rebecca. This is for your own good. You are still nothing, that’s why you need to work hard.”
Parang tinarak ng libo-libong kutsilyo ang dibdib ko sa sinabi niya. Kailan ba niya ma-a-appreciate ang mga efforts ko? Sinunod ko naman ang lahat ng gusto niya. Bakit laging kulang pa?
“I am already working hard, dad,” may bara sa lalamunang saad ko.
“Work harder.” Tumayo ito. “ I am not hard on you, I just want you to learn that everything is not easy. You will soon run a business, and in the business world, weaklings never win.”
Nakayuko lang ako upang itago ang luhang pumapatak sa aking mga mata. Mahina ako, ’yon ang tingin niya sa akin at maging ng mga taong nasa paligid ko. Para sa kanila extra burden lang ako, kahit na ginawa ko naman na ang lahat para patunayan ang sarili ko.
Tuluyan nang lumaglag ang luha sa aking mga mata. Ngunit hindi na ito nakita ng aking ama dahil tumalikod na ito upang magtungo sa pinto.
Bago ito tuluyang lumabas ay may mga kataga itong binitiwan na nakapagpangiti sa akin.
“Congratulation on your graduation.”
“Kinakabahan ka ba?” mapang-asar na tanong ni Troy kay Dwayne na kanina pa tila hindi mapakali. Pakiramdam niya parang pinagpapawisan siya ng malamig kahit hindi naman mainit sa loob ng simbahan. “Hindi ba halata? Para ngang maiihi na siya sa kinatatayuan niya,” susog pa ni Cohen pagkatapos ay sabay na natawa ang dalawa. Halatang natutuwa ang ang mga ito sa nakikitang kaba sa mukha ng kaibigan. Gustong bigwasan ni Dwayne ang mga kaibigan na talagangay oras pa siyang asarin sa mismong araw ng kasal niya. Pero pagbibigyan niya ang mga ito ngayong araw. Masyado siyang masaya para maasar. Walang makakasira sa mood niya. “Dapat kasi pinagsuot mo ng helmet si Rebecca para hindi siya matauhan. Baka mamaya magising iyon sa katotohanan na baka sakit ng ulo lang pala abutin sa iyon dahil sa pagiging bugnutin mo,” nakangising saad ni Troy habang nakaakbay kay Dwayne at tinatapik tapik ang balikat nito. Siniko ito ni Dwayne sa asar. Dahilan para mapahawak ito sa tiyan. “Tantanan mo n
Naging maayos nang muli any lahat. Pero hindi sa kulungan napunta si Sven kundi sa mental hospital. Tuluyan na itong nasiraan ng pag-iisip. Nalaman din namin na minsan na itong na-diagnos na may mental health problems pero dahil may per ito ay ginamit nito iyon para takpan ang record niya. Nakulong naman ang mga tauhan nito na siyang kumidnap sa akin. Si Michelle naman ay umalis na ng bansa. Nagka-roon siya ng offer sa France pero bago siya umalis ay nagkaayos na kaming dalawa. Pero iyong pagkakaibigan namin alam kong hindi na maibabalik pa sa dati gaya noon. Marami nang nangyari, siguro sapat na nagkapatawaran kaming dalawa. Nalaman ko rin na sex video tape pala niya ang hawak ni Sven. At ginawa nito iyong alas para mahawakan sa leeg si Michelle para sumunod sa mga utos niya. Si Cohen naman ay bumalik na naman ng San Isidro ayon kay Dwayne daig pa raw nito ang anino ni Margarita na laging nakabuntot sa kaibigan ko. I am back sketching in the garden bench. Wala ang kambal dahil na
Dahan-dahan kung minulat any making mata. Kung noong nakaraan puro dilim lang ang nakikita ko nang magising ako, ngayon naman ay puro puti.Napangiti ako nang makita ko si Dwayne na nakaupo sa tabi ko habang nakasubsob sa kamang kinahihigaan ko at hawak-hawak ang kamay ko.Nagising ito nang igalaw ko ang kamay ko.“Wife.” Mabilis niya akong niyakap. “Are you feeling okay now? Do you need something? Are you hungry?” sunod-sunod na tanong nito.“I am okay now.” Ngumiti ako sa kanya upang pakalmahin siya.“No, I'll call the doctor to check you,” saad nito. Mabilis itong lumabas ng kwarto at naiwan akong nakatanga.Mabilis naman itong bumalik kasam ang doctor.Chineck naman ako nang doctor gaya ng utos ni Dwayne.“She is okay now. Bawal lang siyang ma-stress masyado. I’ll give her some vitamins she needs to drink and it is much better if you you'll check her to ob-gyne.”“Ob-gyne? Y-you mean?” tanong ni Dwayne pero halata na sa mukha niya ang galak.“Congratulations.”Nakaalis na ang doct
REBECCAMy head hurts when I woke up. Then I remember that someone hardly knocked me on my head.Pauwi na sana kami no Margarita can't may biglang humarang sa amin. Someone pointed us a guns, kaya wala akong choice kundi ang sumama.Akmang gagalaw na ako pero nakagapos ang mga kamay at paa ko. Habang nakaupo ako sa isang bangko. Inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong makita kahit ano maliban sa madilim na paligid. Pakiramdam ko ay nasa isang kwarto ako. Biglang bumukas ang pinto kasabay nang pagkalat ng liwanag sa buong silid.Napakunod ang noo ko nang makita ang isang babae. She looks pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Pinagmasadan ko siyang mabuti habang papalapit sa akin. Nakatakong siya nang mataas kahit masyado na siyang matangkad. Nakasuot ito ng sexy na black dress na nasa kalahating hita lang ang haba. Maganda rin ito, medyo may pagka masculine nga lang ng kaunti ang mukha niya. At medyo mamasel ang bente at braso niya. Tuluyan nang napakunot ang
“You are lying, right? It was just a joke, ” Troy said while he looks trembling. “I bath with him before and he.. he is gay?” “He is. He is trying to hide it that’s why keep my mouth shut, but I am not aware that he is...” Fvck I can not even say those words. Cohen looked at me. “That's why I want to talk to you a moment ago. I received the report. Sven is the mastermind of burning Rebecca's boutique. He is gay, and he is obsessed with you. The moment he found out you are married to her, he got furious and paid someone to burn the boutique.” I facepalm because of what I have heard. Those information are stresing me out. “So, it's not kidnapped for ransom. Rebecca is in danger now, ” Tito Ronaldo said. He look calm but I saw how he gripped his teeth.“I kept her secretly guarded when she is in San Isidro. And when she married you, I thought I can finally be at ease because there is someone who will look after her. I should not let my guard off.” Yeah, it was my fault. I am the one
REBECCA Happy. I am happy. Pakiramdam ko wala nang makakasira sa sayang nararamdaman ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Narinig ko na rin ang magic words mula kay Dwayne at mula nang sabihin niya iyon sa akin, inaraw-araw na niya ang kaka- I love you. Pakiramdam ko nga para akong teenager na laging kinikilig dahil sa kan’ya. Maayos na ang pamilya ko. Kahit si kuya Lexus ay pinapansin na rin ako kahit papaano, pero alam ko darating ang araw na mawawala na distansyang nararamdaman namin sa isa’t isa. Close na close na nga sina Dad at ang ama ni Dwayne. Dati na pala silang magkakilala kaya magkasundong-magkasundo sila. Habang ang kambal naman ay mas lalong na-spoil dahil sa mga taong nasa paligid nila. Kulang na lang yata mapuno ng laruan at libro ang kwarto nila. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa ko. I am now busy sketching. I am starting to build a new boutique. I'll try to restore Psyche and this time with the support of my family and husband. On the way na ang construction