Ito ang impormasyong natuklasan ng mga tauhan ng mga taong sinusundan si Jeah upang imbestigahan ang kanyang pagkatao. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasaksihan ito ng mga tauhan ni Hugo. Nang balak na sana nilang lumabas para protektahan ang ginang, napagtanto nilang baka mas makasama pa kung pupunta sila roon.Dahil ang asawa ni Hugo ay nakapagpatumba agad ng walong lalaki, pagkatapos ay umupo na lamang sa tabi para magpahinga.***Nang makita ni Jeah na halos wala nang lakas ang mga lalaking nakahandusay para lumaban, galit na galit siyang lumapit at sinipa ang bawat isa bilang ganti sa ginawa nilang pananakit kay Jackson.Dumating ang ambulansya at dinala na ang lahat ng maaaring dalhin. Gusto rin nina Hillary at Jeah na dalhin si Jackson sa ospital para magpa-check up, baka may tinamong seryosong pinsala na hindi nila nakita agad.Habang papunta sa ospital, sa wakas ay napakinabangan ang galing sa pagmamaneho ni Hillary. Siya mismo ang nagmaneho upang madala ang kanyang pamangki
Pagkasabi niyon, tumayo si Hillary, hinawakan ang payat na braso ng kanyang asawa, at hinila ito pabalik sa opisina. Ayaw sanang pumunta ni Hillary sa silid-aklatan. Pero kung hindi siya susunod, baka sigawan siya ng asawa sa harap ng maraming tao.Mas mabuti pang isara ang pinto at hayaang pagalitan siya nito sa loob. Sa ganon, makakapagmakaawa pa siya. Sa mga oras na ito, hindi niya naramdaman na siya ay malakas o matapang.Sa mga sumunod na araw, sinusundo at hinahatid na siya ng sasakyan, at naging isang maganda at kapansin-pansing tanawin sa paaralan si Hillary. Kapag walang ginagawa, binubuklat ni Hugo ang mga libro ng kanyang asawa. Kapag napansin niyang wala ni isang guhit o doodle ng mukha niya roon, medyo naiinis siya.Ang pinaka-kakaiba ay si Jeah. Araw-araw ay pumapasok siya sa klase nang maaga at eksakto sa oras. Kapag umuuwi, minsan si Cedrick ang sumusundo sa kanya, o kaya ang ina, o kaya naman ay ang driver ng pamilya.Tinanong ni Jeah si Hillary, “Bakit parang sobrang
"Buksan mo ang libro." Utos ni Hugo.Habang sinubukan ni Hillary na tumakas.Walang sinabi si Hugo, bagkus ay agad niyang niyakap ang baywang ng kanyang asawa, inangat ito gamit ang isang braso, at inihiga ito nang paharap sa kanyang mga hita! Nakadapa, nakausli ang puwit, para mapalo niya ito.Nakahiga si Hillary sa mga hita ng kanyang asawa, nakaalalay ang dalawang kamay sa sofa para bumangon. “Asawa ko, ang sama mo!"Pinulot ni Hugo ang librong inuupuan ni Hillary kanina at sinimulan itong basahin.Bumangon si Hillary, ngunit pinigilan siya ni Hugo sa leeg kaya’t hindi siya makatayo. "Honey, bawal mong basahin 'yan, bitawan mo ako."Nakapatong sa mga hita ni Hugo ang kanyang asawa, kumakampay ang mga braso sa ere habang pilit siyang sinasaktan, pero wala siyang magawa.Sa pahina 53, naging ulo ng baboy ang mukha niya. Sa pahina 72, naging ilong ng baboy ang ilong niya at punô ng taghiyawat ang kanyang mukha.Sa pahina 120, halos hindi na siya makilala. May ngipin ng daga, may bigote
Sa loob ng silid-aralan, matapos ang klase, agad na iniwan ni Hillary ang lahat ng gamit at patakbong lumabas papunta sa asawa niya."Asawa ko, hindi mo ako hinatid kanina sa umaga, pero sinundo mo ako ngayon hapon. Miss na miss mo na ba ako?"Natuto si Hugo ng mga paraan ni Hillary sa paglalambing at ginamit ito sa kanya. "Kanina pa kita iniisip sa opisina, hindi ako makafocus sa mga meeting kaya maaga akong umalis para sunduin ka."Ngumiti si Hillary nang sobrang saya, halos hindi na niya maisara ang bibig sa tuwa, pero pinagsabihan pa rin niya ang asawa niya. "Asawa ko. Kailangan mong magtrabaho nang maayos. Kung iniisip mo ako buong araw, baka malugi ang kumpanya mo."Marahang tumango si Hugo at tumingin sa maliit niyang asawa. "Hindi mo man lang isinilid ang mga libro mo?""Ay, sina Jeah at Jackson na bahala ro'n."Dumating si Jeah at Jackson na may dalang mga libro. Aakmang kukunin ni Hugo ang mga ito, pero si Hillary ang agad na dumampot.Napaurong si Hugo at awkward na ibinaba
Pumunta naman si Hugo sa kanyang silid-aklatan.May tumawag naman sa phone kaya niya ito kinausap, inilapit ito ni Hugo sa kanyang tainga at nagtanong, "Lumabas na ba ang resulta?""Ayon sa technical na pagsusuri ng mga eksperto sa bungo, animnapung porsyento ang pagkakatulad ni Amelie sa kasalukuyang si Jeah, ngunit mas malapit ang kasalukuyang Jeah sa itsura niya noong siya'y bata pa.""Paano naman ang surveillance?""Wala po, masyadong malaki ang manggas ng suot na sweater ni Jeah noon kaya natakpan ang lahat ng marka sa kanyang braso. Dagdag pa nito, sa lugar na binanggit mo, mahirap makahanap ng surveillance sa paligid.”Matagal na nag-isip si Hugo. At tinanong siya ni Lyle, "Sir, paano kung hilingin niyo na lang sa asawa niyo na siya ang tumingin sa mga peklat? Magkasundo naman sila ni Jeah.""Kung wala akong kasiguraduhan, hindi pwedeng kumilos si Hillary. Magkaibigan sila ni Jeah. Kapag nalaman ito, baka masira ang samahan nila."Para lang sa isang bagay na hindi tiyak, maaarin
Maya-maya, biglang naalala ni Hillary ang isang bagay kaya nagtanong siya, “Asawa ko, yung tinamaan ng mansanas sa ulo, si Newton 'yun, 'di ba?""...Hillary, nung high school ka ba, liberal arts o science ang kinuha mo?""Ano namang kinalaman nun dito?"Umiling lang si Hugo. Mas interesado siyang malaman kung paano nakapasok sa unibersidad ang ganitong klaseng utak."Nangdaya ka ba sa entrance exam sa college?"Umiling si Hillary na parang bata at nagsalita na parang naapi, "Mahal, hindi ako nangdaya, sabi ng prof ko, makukulong daw ako pag ginawa ko 'yon."Pakiramdam ni Hugo ay masuwerte pa rin ang asawa niyang pumasa sa exam. Kung may tanong sa exam na tungkol sa common sense, malamang murahin ni Hillary ang gumawa ng exam dahil parang may bula sa utak.Hindi niya pinahihintulutan si Hillary na makialam sa paghahanap niya sa nawawala niyang kapatid dahil sa koneksyon nito kay Jeah, maaaring maging emosyonal ang pagtingin niya sa sitwasyon.Pero nakita rin niya ang komplikasyon. Kung