Share

CHAPTER 4- I DO?

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2024-12-13 19:11:41

NAGSIMULANG maglakad si Hillary sa pasilyong may mga nagkalat na mga bulaklak habang nakakapit siya sa braso ng ama.

Hindi naman maalis ang kanyang mga mata sa lalaking nasa altar na siya ring nagmamasid sa kanyang paglalakad.

Ito ang unang beses na nagkita ang dalawa, at pareho silang estranghero sa isat-isa. Ngunit pamilyar na kay Hillary si Hugo dahil dala nito ang sikat na apelyido ng pamilya Gavinski.

Si Hugo Gabriel Gavinski ay nasa edad na bente-siete anyos, isang business tycoon na hawak ang malaking kompanya ng Gavinski. Malawak rin ang impluwensya nila hindi lang sa bayan kung hindi na rin sa buong bansa at may koneksyon pa sila sa ibang bansa.

Kaya hindi pa rin makapaniwala si Hillary na ganoon ka-mapangyarihan ang taong kanyang paakasalan. And now he's waiting for her in the altar!

Habang naglalakad si Hillary, pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras at hindi talaga maalis ang kanyang mga mata sa mukha nito na masungit kung tingnan.

Sa isip naman ni Hugo ay napapaisip siya kung anong klaseng babae si Hillary at hindi niya inasahan na ganito pala ito kaganda sa personal. Umayos din siya ng pagkakatayo at in-adjust ang kanyang necktie.

Ang kasalanang ito ay wala lang rin kay Hugo dahil hindi niya ito ginusto pero wala siyang magagawa kung hindi panagutan ang kanyang magiging asawa.

Nang maabot ang altar, bumitaw si Hillary sa kanyang ama na binigyan siya ng isang ngiti na nagsasabing kaya-mo-yan.

Ang sunod na humawak sa kanya ngayon ay si Hugo na inalayan siyang maka-akyat at ramdam niya ang nanlalamig na kamay ng babae. Habang ramdam ni Hillary ang mainit niyang palad.

Nagtinginan din ang dalawa na parehong na-aawkward sa isat-isa at kinakabahan din sa mga taong nanonood sa kanila.

Nakaharap na ang dalawa sa altar pero hindi nila maiwasan na mapasulyap sa isat-isa habang hindi pa nagsisimula.

"Why did you agree on marrying me, Hillary. Is it because of money?" Malamig na tanong ni Hugo at narinig iyon ni Hillary na kinabahan na marinig ang kanyang baritonong boses.

"Of course, it's all about money kaya huwag ka ng magtaka, Hugo." Sagot ni Hillary na may pagtataray sa boses.

Nasurpresa si Hugo sa kanyang pagiging ma tapat, "Wow. I'm amazed. You're an honest gold-digger."

Kumuyom bigla ang mga kamao ni Hillary na hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Call me gold-digger once again. Ipapahiya kita sa harap ng mga tao." Pananakot niya.

Ngumisi si Hugo na hindi man lang natakot. "Go on, sirain mo ang kasal, matutuwa pa ako. Bibigyan pa kita ng sampung milyon." Panghahamon niya rin.

Hindi pa nga nagsisimula ang kasal pero ramdam na ang mainit tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Tumigil na ang dalawa nang magsalita na ang pari para simulan na ang seremonya. Pansin naman ng mga tao na walang interes ang dalawa na puro lang hikab, nagmukha tuloy silang mga puyat.

Nagising ulit ang diwa ni Hillary at Hugo nang umabot na sila sa exciting part kung saan magtatanong na ang pari.

"Do you, Hugo Gavinski, take Hillary Bermudez to be your lawfully wedded wife, promising to love, cherish, and honor her with this ring as a symbol of your commitment?" Tanong ng parin.

Mga tatlong segundo ang dumaan bago sumagot si Hugo na kinakabahan. "I do, father." Mariin niyang sabi kahit hindi niya magagampanan ang maging isang asawa.

Sunod na tinanong ng pari ay si Hillary na mas lalong nanlamig at para siyang nakukuryente sa mga mata ni Hugo.

"Do you, Hillary Bermudez, take Hugo Gavinski to be your lawfully wedded husband, promising to love, cherish, and honor him with this ring as a symbol of your commitment?"

Nang marinig niya ang tanong na iyon, balak niya sanang sagutin ito na hindi siya pumapayag na maikasal kay Hugo pero napatingin siya sa kanyang mga magulang na nagtulak sa kanya na lumaban.

Ibinaling niya rin ang tingin pabalik kay Hugo na pinandilatan siya ng mata, tinutulak siya nitong sirain ang kasal.

"I-I do, father." Nauutal na sagot ni Hillary.

Napabuntong-hininga siya ng malalim at napaiwas ng tingin kay Hugo. Sobrang bilis lalo ng tibok ng kanyang puso at gusto niya ng uminom ng tubig dahil nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Makikita naman sa mukha ni Hugo ang labis na pagka-dismaya. Inakala niyang susunod ito sa kanyang hamon pero kumagat pa rin ito sa gusto ng kanyang ama.

Nagtinginan ulit ang dalawa na parang mga batang nagkakainitan. Hindi na nila ito matatakbuhan ngayon at lalong hindi na nila mababawi ang kanilang mga pangako matapos na magpalitan na sila ng singsing.

Inakala rin ng dalawa na matatapos na agad ang seremonya pero nakakalimutan nilang kailangan pa nilang pagdaanan ang parte ng kasal kung saan kailangang halikan ng groom ang kanyang bride.

"You may now kiss the bride." Ani ng pari.

Napakurap si Hugo na hindi alam ang gagawin kung papaano niya hahalikan ang asawa, ni hindi pa nga siya nakakahalik ng babae sa edad niyang malapit ng lumampas sa kalendaryo.

Kinakabahan din bigla si Hillary nang humakbang ito papalapit sa kanya at napalunok siya ng ilang beses nang makita ang mga kamay nito na hinawaman ang kanyang belo para iangat.

Nang makita ng malapitan ni Hugo ang mukha ni Hillary, mas lalo siyang namangha sa ganda ng mukha nito lalo na ang kanyang mga mata.

Napapikit din siya ng mata nang maramdaman ang unti-unting paglapit ng mukha ni Hugo.

Hanggang sa nagdikit ang kanilang labi pero nagtagal lang ito ng tatlong segundo. Ngunit ramdam nilang pareho ang kuryente na dumaloy sa buo nilang katawan.

First kiss din kasi ito ni Hillary at nagmula pa kay Hugo!

Maririnig ang palakpakan at hiwayan ng mga bisita na nagbigay pugay sa bagong kasal.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

Naglakad si Hillary at Hugo papalabas sa simbahan at sinalubong sila ng media na kaliwat-kanan silang kinuhanan ng litraro.

Nakita ni Hugo na hindi komportable si Hillary at bigla niyang hinubad ang kanyang coat para takpan ang mukha nito.

Mabuting agad na dumating ang itim na sasakyan na susundo sa kanilang dalawa. Pinauna ni Hugo na makapasok si Hillary sa loob at tsaka siya sumunod.

Nakahinga ngayon ng maluwag si Hillary na napahawak sa kanyang dibdib habang habol ang hininga. Hiningal siya matapos ang mga pigil hiningang pangyayari sa araw na ito.

Ganoon din si Hugo na kahit kilala at laging pagpiyestahan pero hindi pa rin siya sanay na makaharap ng ganoon karaming tao. Inaasahan niya rin ngayon na magiging viral ang kanilang kasalan at ito ang laging bubungad sa kanya.

"You see, Hillary. Being my wife means your life will not be the same anymore." Walang gana niyang sabi.

Napatingin si Hillary na napatango. "I know, but I'm ready to take the challenge, husband."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
unang pgkikita kasalanan agad.. Ist kiss nla pareho
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 174-ERASE IT

    "Buksan mo ang libro." Utos ni Hugo.Habang sinubukan ni Hillary na tumakas.Walang sinabi si Hugo, bagkus ay agad niyang niyakap ang baywang ng kanyang asawa, inangat ito gamit ang isang braso, at inihiga ito nang paharap sa kanyang mga hita! Nakadapa, nakausli ang puwit, para mapalo niya ito.Nakahiga si Hillary sa mga hita ng kanyang asawa, nakaalalay ang dalawang kamay sa sofa para bumangon. “Asawa ko, ang sama mo!"Pinulot ni Hugo ang librong inuupuan ni Hillary kanina at sinimulan itong basahin.Bumangon si Hillary, ngunit pinigilan siya ni Hugo sa leeg kaya’t hindi siya makatayo. "Honey, bawal mong basahin 'yan, bitawan mo ako."Nakapatong sa mga hita ni Hugo ang kanyang asawa, kumakampay ang mga braso sa ere habang pilit siyang sinasaktan, pero wala siyang magawa.Sa pahina 53, naging ulo ng baboy ang mukha niya. Sa pahina 72, naging ilong ng baboy ang ilong niya at punô ng taghiyawat ang kanyang mukha.Sa pahina 120, halos hindi na siya makilala. May ngipin ng daga, may bigote

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 173-DOODLE

    Sa loob ng silid-aralan, matapos ang klase, agad na iniwan ni Hillary ang lahat ng gamit at patakbong lumabas papunta sa asawa niya."Asawa ko, hindi mo ako hinatid kanina sa umaga, pero sinundo mo ako ngayon hapon. Miss na miss mo na ba ako?"Natuto si Hugo ng mga paraan ni Hillary sa paglalambing at ginamit ito sa kanya. "Kanina pa kita iniisip sa opisina, hindi ako makafocus sa mga meeting kaya maaga akong umalis para sunduin ka."Ngumiti si Hillary nang sobrang saya, halos hindi na niya maisara ang bibig sa tuwa, pero pinagsabihan pa rin niya ang asawa niya. "Asawa ko. Kailangan mong magtrabaho nang maayos. Kung iniisip mo ako buong araw, baka malugi ang kumpanya mo."Marahang tumango si Hugo at tumingin sa maliit niyang asawa. "Hindi mo man lang isinilid ang mga libro mo?""Ay, sina Jeah at Jackson na bahala ro'n."Dumating si Jeah at Jackson na may dalang mga libro. Aakmang kukunin ni Hugo ang mga ito, pero si Hillary ang agad na dumampot.Napaurong si Hugo at awkward na ibinaba

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 172-WHIMSY

    Pumunta naman si Hugo sa kanyang silid-aklatan.May tumawag naman sa phone kaya niya ito kinausap, inilapit ito ni Hugo sa kanyang tainga at nagtanong, "Lumabas na ba ang resulta?""Ayon sa technical na pagsusuri ng mga eksperto sa bungo, animnapung porsyento ang pagkakatulad ni Amelie sa kasalukuyang si Jeah, ngunit mas malapit ang kasalukuyang Jeah sa itsura niya noong siya'y bata pa.""Paano naman ang surveillance?""Wala po, masyadong malaki ang manggas ng suot na sweater ni Jeah noon kaya natakpan ang lahat ng marka sa kanyang braso. Dagdag pa nito, sa lugar na binanggit mo, mahirap makahanap ng surveillance sa paligid.”Matagal na nag-isip si Hugo. At tinanong siya ni Lyle, "Sir, paano kung hilingin niyo na lang sa asawa niyo na siya ang tumingin sa mga peklat? Magkasundo naman sila ni Jeah.""Kung wala akong kasiguraduhan, hindi pwedeng kumilos si Hillary. Magkaibigan sila ni Jeah. Kapag nalaman ito, baka masira ang samahan nila."Para lang sa isang bagay na hindi tiyak, maaarin

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 171-PLAY DATE

    Maya-maya, biglang naalala ni Hillary ang isang bagay kaya nagtanong siya, “Asawa ko, yung tinamaan ng mansanas sa ulo, si Newton 'yun, 'di ba?""...Hillary, nung high school ka ba, liberal arts o science ang kinuha mo?""Ano namang kinalaman nun dito?"Umiling lang si Hugo. Mas interesado siyang malaman kung paano nakapasok sa unibersidad ang ganitong klaseng utak."Nangdaya ka ba sa entrance exam sa college?"Umiling si Hillary na parang bata at nagsalita na parang naapi, "Mahal, hindi ako nangdaya, sabi ng prof ko, makukulong daw ako pag ginawa ko 'yon."Pakiramdam ni Hugo ay masuwerte pa rin ang asawa niyang pumasa sa exam. Kung may tanong sa exam na tungkol sa common sense, malamang murahin ni Hillary ang gumawa ng exam dahil parang may bula sa utak.Hindi niya pinahihintulutan si Hillary na makialam sa paghahanap niya sa nawawala niyang kapatid dahil sa koneksyon nito kay Jeah, maaaring maging emosyonal ang pagtingin niya sa sitwasyon.Pero nakita rin niya ang komplikasyon. Kung

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 170-NEGATIVE

    Gusto na sana niyang magsalita nang padalos-dalos, pero natakot siyang mabahala ang pamilya Fernandez. Pagkatapos ng lahat, sila ni Jeah ay magkaibigan lang, wala silang dugong pagkakaugnay, kaya hindi siya puwedeng lumampas sa limitasyon.Ginamit na nga niya si Jeah ngayon, kaya hindi matahimik ang kanyang konsensya."Jeah, hindi na ako kakain. Parating na ang asawa ko. Hihintayin ko na lang siya sa labas. Kayo na lang ang kumain."Pagkababa niya ng hagdan, papalabas na sana si Hillary. Gusto sana siyang ihatid nina Jeah at Cedrick.Habang nakatayo sila sa pintuan, dumating ang kotse ni Hugo Gavinski matapos ang ilang sandali.Alam niya ang nararamdaman ng kanyang asawa. Sadya siyang pinapapunta nito para personal niyang makita si Jeah, at nang tuluyan na siyang mawala ng interes dito.Pinahalagahan niya ang kabutihang-loob ng kanyang asawa, kaya siya na mismo ang dumating."Nandito na ang asawa ko. Aalis na ako."Huminto ang kotse ni Hugo, bumaba siya, at nakita ang dalagang kasingta

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 169-CHILDHOOD PICTURES

    Nag-isip sandali si Hillary, "Jeah, ihahatid na lang kita pauwi ngayon?"Hindi ito gaanong pinansin ni Jeah, sagot niya, "Susunduin ako ng kuya ko."Muling nagsalita si Hillary, "Hindi mo pa nasasakyan ang kotse ko kahit kailan, kaya ako na lang ang maghatid sa’yo. Matagal na rin mula nang huli akong nakapunta sa inyo."Nakatayo si Jackson sa tabi, hindi alam ang nangyayari, at pinigilan pa si Hillary. "Hindi ba uuwi ka sa pamilya mo kasama ang tiyuhin ko ngayong gabi? Sayang ang oras kung ihahatid mo pa si Jeah."Sa ilalim ng mesa, tinapakan ni Hillary ang paa ni Jackson. "Hindi ka nagsasalita kapag kailangan, at nagsasalita ka kapag hindi dapat."Walang kamalay-malay si Jackson, ano bang kasalanan niya?Sabi naman ni Jeah, "Hillary, sa susunod mo na lang ako ihatid. Kailangan ko munang magpakabait ngayon at hindi ko na kayang inisin pa si kuya. Kung mamatay man siya nang maaga, ako ang dahilan.""... Eh di sasama na lang ako sa bahay n’yo. Pag nandiyan ako, siguradong hindi ka pagbub

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status