Share

CHAPTER 5-TRICK

Author: NORWEINA
last update Huling Na-update: 2024-12-13 19:12:08

Matapos ang kasalan, sumapit ang gabi kung saan ay nanatili si Hillary sa kanilang magiging kwarto at doon siya nagpapahinga matapos ang nakakapagod na araw.

Nakahiga siya ngayon sa malambot na kama at sinubukang matulog pero napatingin siya sa bumukas na pinto at nakitang pumasok si Hugo.

Pansin ni Hillary na mukhang lasing ito dahil uminom ito kanina sa reception. Nangilabot din siya nang biglang mapaisip na matutulog sila sa iisang kama bilang mag-asawa.

"D-dito ka ba matutulog?" Tanong ni Hillary sa lalaki na tinanggal ang kanyang coat at necktie.

"I'm here to ask you a question." Tugon ni Hugo, naupo ito sa couch na nasa tapat at para itong nasa talk-show na magbabato ng mga maanghang na tanong.

"What kind of questions?" Pagtataka ni Hillary na umayos ng pagkakaupo.

Seryosong tumingin si Hugo na mayroong inis sa mga mata. Naiinis siyang isipin kung papaano pumayag ang ama na si Hillary ang babaeng ipakasal sa kanya na nagbagong anyo lang pala.

May itinapon si Hugo na larawan sa kama at pinulot ito ni Hillary na nagulat na kanya itong larawan noong hindi pa siya inayusan.

"That's your real face, huh?" May bahid ng pandidiri sa boses ni Hugo. Pakiramdam niya ay niloko siya ng isang babae na tingin niya ay nagpa-plastic surgery.

"Oo, ako ito? Bakit? Nagulat ka rin?" Nakakalokong sabi ni Hillary na hindi kinakahiya kung ano ang totoo niyang hitsura dati.

"You fooled my Dad! You're so greedy that you changed your face para lang maikasal ka sa akin. Do you really think na hindi kita mahuhuli?? At papayag ba akong lokohin mo lang gamit ang inosenteng mukhang 'yan?!" Dikta pa ni Hugo.

Napatayo si Hillary sa kama dahil hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi nito. "Teka lang! Ano bang pinagsasabi mong niloko kita? Hello! Inayusan lang ako kaya ganito na ang hitsura ko pero never akong nagpa-surgery para lang manloko! Natural ang mukha ko kahit na ipa-examine mo pa ito. Watch your words, Hugo! Nagkakamali ka ng inaakala!" Depensa niya.

Naningkit ang mga mata ni Hugo at akmang magsasalia ulit pero agad siyang inunahan ni Hillary.

"In fact, nagpakita ako sa ama mo na ganoon ang hitsura and I expected that he will reject me but I'm surprised na pumayag siyang ikasal sayo. Of course, hindi ako agad na pumayag dahil wala akong balak na ikasal, pero iyon nga, inisip ko lang ang kapakanan ng aking pamilya. I want to save them so I sacrificed myself and agreed for an arranged marriage!"

"Oh? So ginawa ka palang alay ng mga magulang mo para lang sa pera? How sick. But I won't tolerate this; I don't like to be taken advantage of. Doesn't mean you are already married to me, you easily get the benefits."

"You have no right to mock my parents, Hugo! Hindi mo naiintindihan dahil hindi mo alam ang aming pinagdadaanan. Ako ang mismong nag-alay ng sarili ko dahil ayaw kong mamatay sila sa gutom!" Dagdag pa ni Hillary, hindi niya magawang magtimpi kapag sinasabihan ng masama ang mga mahal niya sa buhay.

"Hillary, kung pera lang ang problema, sana nakinig ka sa sinabi ko kanina. Kung hindi ka pumayag sa kasal, may sampung milyon ka na sana ngayon." Paninisi pa ni Hugo.

"Hugo, kahit isampal mo sa akin ang sampung milyon pero kung kapalit niyon ay kahihiyan at paninira sa pamilya ko, huwag nalang!"

Naiinis si Hillary na kinuha ang kanyang puting coat sa gilid at padabog na lumabas sa kwarto. Gusto niyang hanapin si Mr. Joaquin para kausapin dahil ayaw niyang pagbibintangan siya ni Hugo ng ganoon nalang.

Nakarating siya sa tapat ng kwarto ng father-in-law pero natigilan siya nang makita si Lorraine na naglalakad papalapit sa kanyang direksyon.

"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Lorraine.

"Gusto ko lang siyang makausap." Tipid na sagot ni Hillary na walang ganang makipag-usap.

"For what? To trick him para pumayag sa mga gusto niyo?? Come on, Hillary. Nababasa ko na ang ikinikilos mo, you're a wolf in sheep's clothing!" Paninira ni Lorraine. Isa siya sa mga sumasalungat sa desisyon ng ama pero hindi ito nakikinig sa kanya.

Gusto ni Hillary na patulan ito pero dahil may mga CCTV sa hallway, hindi siya maaring gumawa ng eskandalo dahil tiyak na gagamitin ito laban sa kanya.

Pagkapasok ni Hillary, sumunod sa kanyang likuran si Lorraine at pati na rin si Hugo na hinabol siya.

Nasurpresa si Joaquin na makita silang pumasok ng walang paalam. "What are you three doing here?"

"Sir Joaquin, you need to know something." Agad na sabi ni Hillary, wala na siyang pake kung tawagin siyang sumbungera pero hindi siya magpapa-api kay Hugo.

Naiinis si Lorraine na pumagitna. "Hillary, Dad is going to sleep. Hindi mo ba kayang ipagpabukas??" Inis niyang sabi

"Ano bang problema?? We can talk about it right now. I'm available." Sabi pa ni Mr. Joaquin. "So what's the matter, Hillary? Anong kailangan kong malaman?"

"Your son is accusing me of tricking you for this arranged marriage." Sumbong niya.

Napatingin si Joaquin kay Hugo na hindi makatingin sa kanya ngayon. Alam niyang pag-iinitan ng anak si Hillary dahil siya ang mismong pumili nito

"Hugo, you shouldn't have done that. She didn't do anything wrong. Ako ang nagplano ng lahat kaya huwag mo siyang sisihin." Pagtatanggol pa ni Joaquin.

Namangha si Hugo sa ginawang pagtatanggol ng ama. "What the hell? This is so fishy, Dad. Papaano ka ba namamanipula ng babaeng ito? Don't tell me she's one of your side chicks?"

Nanggalaiti si Joaquin na marinig ang sinabi ng anak at hindi niya napigilan na ang sarili kaya niya ito nasampal.

Nanlaki ang mga mata ni Hillary na hindi makapaniwalang masasaksihan niya agad ang ganoong bagay ngayong unang araw pa lang ng kanilang kasal.

"All of you get out except you Hugo!" Mariing utos nito.

Walang magawa si Hillary kung hindi sumunod, lumabas siya kasabay ni Lorraine na tiningnan siya ng masama.

"Look! You just made a mess!" Paninisi niya

×××××

Naiwan sa loob ng kwarto si Hugo na ramdam pa rin ang malakas na sampal sa kanyang pisnge.

"Hugo, ulitin mo iyon, mapipilitan akong parusahan ka. She's your wife and you should treat her like one."

May ngisi sa labi ni Hugo na labis na nagdududa sa ama. "Dad, I still don't understand. Everything happened so fast. Ano bang nasa likod ng aming kasalan?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
di KC cya mkapanwala n tutuo mukha nya un.. .. sinadya lng nya baguhin un mukha nya pra lng madisapoit cla..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 196-CONSCIENCE

    "Jeah, huwag kang mag-alala. Ayos lang ang kumpanya ninyo. Naniniwala ako kay Auntie. Bukod pa roon, hindi rin pababayaan ni Hillary ang kumpanya niyo, hihingi siya ng tulong kay Hugo."Tinitigan ni Jeah ang may kumpiyansang si Jackson na para bang may tinatagong sikreto. Hindi niya maintindihan kung anong problema mayroon sa utak ng lalaking ito.Sa labas, hindi na nakapigil si Hillary at pinilit si Hugo, kaya’t sa halip na pumasok sa klase ay dumiretso silang mag-asawa sa isang coffee shop upang makipagkita kay Madam Melanie.Maaga pa lang ay dagsa na ang mga taong bumibili ng kape. Bukod sa mga estudyante, marami ring empleyado ang naroon. Magkaharap silang tatlo na umupo.Walang pasabi, tumayo si Madame Melanie at lumuhod sa harap ni Hugo."Auntie! Anong ginagawa ninyo?"Dahil sa dami ng taong dumaraan, agad na nakatawag-pansin ang pagluhod ni Madame Melanie. Agad siyang inalalayan ni Hillary upang makatayo.Humahagulhol si Melanie habang nakikiusap kay Hugo. "Hugo, pakiusap, huwa

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 195-GIVE UP

    Ibinaba ni Hugo ang mangkok at bumalik sa silid. Paglabas niya, dala na niya ang brown sugar na binili niya para sa asawa. Kumuha siya ng ilang piraso at inihalo sa sabaw ng luya.Nang tuluyang matunaw, naging kulay pulang maitim ang tubig. Kumuha siya ng kutsara, hinalo ang brown sugar, at tinikman muna para sa kanyang mahal na asawa.Hindi na ito kasing sama ng dati ang lasa. Kaya kinuha niya ang mangkok at inilapag sa harap ng asawa."Hindi na ito maanghang. Inumin mo na."Lumambot ang puso ni Hillary sa lambing ng asawa. Isang mangkok lang naman ng sabaw na may brown sugar at luya, kaya’t ininom na niya. Hinawakan niya ang mangkok ng dalawang kamay, inilapit sa kanyang labi, itinagilid ang ulo, at tuloy-tuloy na nilagok.Kahit may brown sugar na, hindi pa rin masarap ang lasa. Napangiwi siya at inilabas ang dila. Hinaplos ni Hugo ang ulo ng asawa, yumuko, at diretsong hinalikan ang labi nito doon mismo sa hapag-kainan."Umakyat na tayo." Dahil doon, magagawa na niya ang gusto niya

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 194-GINGER SOUP

    "So?" Nakataas kilay na tugon ni Jeah."Marahil kapag nakita ka niya, naaalala niya ang nawawalang kapatid niya, kaya mabuti ang pagtrato niya sa'yo."Umiiling si Jeah, sinisikap tanggalin ang alaala ng batang nalulunod. Ayaw niyang marinig ang sarili na umiiyak, "Kuya, iligtas mo ako!"Kinuha niya ang mga damit at pumasok sa banyo para magpalit.Kinuha ni Hillary ang panloob na isusuot ng kapatid at nagtanong, "Jeah, huwag sabihin na nahanap ito ng kuya mo sa closet mo."Kinuha ni Jeah ang bra at panty, "Nakita 'to ng mama ko. Hindi naman maganda."Pagkatapos makauso at lumabas, nakatayo si Jackson nang maayos sa tabi ni Hugo sa labas."Jeah, okay ka lang ba?""Ayos lang ako. Uuwi na tayo," sumang-ayon naman silang lahat.Kaya bago pa natapos ang salu-salo, sinundo na ng kanilang mga tagapangalaga ang tatlo.Sa sasakyan, nagsimulang magkaroon ng sama ng loob si Hugo. "Jackson, ikuwento mo nang mabuti tungkol kina Maximus at Nathan.""Aba, si Nathan maliit lang ang papel, sinusunod-su

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 193-OVERLY CONCERNED

    Tinanong ni Hugo, "Nasaan ang tiyahin mo?"Itinuro ni Jackson ang isang kuwarto. "Inaalagaan niya si Jeah."Tumango si Hugo. Pagkatapos ay bumalik siya sa hotel kung saan nakatira ang kanyang asawa at kumatok sa pinto. "Hillary, nandito na ang asawa mo."Mas lalong nagitla ang mga nakarinig sa labas.Ilang sandali lang, bumukas ang pinto.Lumabas ang maliit na mukha ni Hillary. "Asawa ko~"Sinipat ni Hugo ang kabuuan ng kanyang asawa, tinitiyak na ayos lang siya, saka sumilip sa loob. "Nasaan si Amelie?"Lumabas si Hillary at isinara ang pinto sa likuran niya. "Asawa, naliligo si Jeah, hindi maganda kung papasok ka."Naintindihan ni Hugo."Nakita mo ba si Jackson? Nakipag-inuman siya bago siya tumalon para iligtas ang isang tao. Higit sa isang dosenang bote ang nainom niya."Naamoy na rin ni Hugo ang alak sa kanyang pamangkin, kaya alam niyang sobra itong uminom.Napansin ni Hillary ang mga kaklase niyang nagulat. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at dinala ito sa gitna ng gru

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 192-SPLASHING MEMORIES

    Sinundan si Jeah ng isa pang kaklase at sa gitna ng magulong eksena, may biglang nahulog sa tubig."Naku! Nahulog si Jeah sa pool!" biglang sigaw ng isang tao.Mabilis na lumingon si Hillary patungo sa nagkikiskisang tubig ng pool.Basang-basa at nakasuot pa rin ng damit si Jeah habang pumapaibabaw sa tubig. Nang magbukas siya ng bibig, sari-saring maliliit na bula ang lumalabas at pumapasok sa ilong at bibig niya. Hindi niya mabuksan ang mga mata; kapag bumulong ang ilaw sa mga mata niya, sumasakit ang mga itong butas ng mata.Sinusubukan niyang makalangoy, pero hindi siya makatungo sa gilid pool.Pumikit si Jeah at gustong tawagin si Hillary, nang sumagi sa isip niya ang isang alaala. “Kuya Hugo, natatakot ako.""Huwag kang umiyak, Amelia, kaya kang protektahan ni kuya." Yumakap sa kanya ang isang batang lalaki na natatakpan ng dugo.May mantsa ng dugo rin sa palda niya. Kahawig ng pagkabata ni Hugo ang batang lalaki.Umiling si Jeah, biglang napuno ang isip niya ng malawak na dag

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 191-RISKY BOTTLE GAME

    Ngumiti si Hillary at nagsabi, “Nagpakasal kami nang biglaan, noong nakaraang summer. Tsaka susunduin niya ako ngayong gabi, at malalaman mo rin kapag nakita mo siya.”Itinago ni Hillary ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kung sasabihin niya, wala siyang magiging tahimik na gabi. May ilang gustong magtanong tungkol sa asawa ni Hillary, pero umiling lang siya at tumangging magsalita.Ang pagiging asawa ni Hugo ay sapat na para maging sentro siya ng atensyon sa gabing iyon.May isa pang nagtanong kay Jeah, ngunit tiningnan lang ni Jeah ang lalaking makulit sa harap niya. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para ipagkanulo ang kanyang mga kaibigan at ibunyag kung sino ang asawa ni Hillary?Sa isang lugar na hindi pamilyar kay Jeah, dalawang lalaki ang nakatayo sa likod ng mga halaman, palihim na pinagmamasdan ang mga babae. Isa sa kanila ay si Maximus ang lalaking pinaka-kinasusuklaman ni Jackson.Hawak ang isang bote ng alak, nagkubli si Maximus sa dilim kasama ang kanyang mga kaibig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status