Home / Romance / The Tycoon's Unexpected Wife / CHAPTER 3- WEDDING DAY

Share

CHAPTER 3- WEDDING DAY

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2024-12-13 19:11:12

SA araw ng sabado, magaganap na ang kasalan ni Hillary at Hugo at maraming mga nagulat sa biglaang announcement ng pamilya Gavinski. Tsaka na-intriga rin ang mga tao kung sino nga ba si Hillary Gail Bermudez.

"This gown is worth $5,000. This looks good on you, darling." Sabi ng baklang designer na tumulong na mag-ayos sa suot na gown ni Hillary.

"Talaga?? Mga 200k na 'yun, ah?" Gulat na tanong ni Hillary na napahawak sa magandang design ng kanyang white gown na kumikinang-kinang sa liwanag.

Napatingin din siya sa kanyang repleksiyon at hindi siya makapaniwala na nagbago ang hitsura ng kanyang mukha. Inahit ng make-up artist ang kanyang makakapal na kilay, ni-rebond ang buhaghag niyang buhok at itinanggal ang kanyang braces.

"Ako pa ba ito?" Sa sobrang pagkamangha, pakiramdam niya tuloy ay ibang tao na ang makikita niya sa salamin at parang naglaho ang dating siya.

"Yes, darling. You look wonderful! For sure mahuhulog agad ang loob ni Sir Hugo sa inyo." Masayang sabi ng stylist na patuloy na inaayos ang kanyang buhok.

"Pero kung makikita niya ang dati kong anyo, tiyak na masusuka siya." Natatawa si Hillary. Kung nagkita lang sila ni Hugo kahapon, tiyak na hindi magaganap ang kasalan ngayong araw.

Parang maiiyak naman si Lucille na pagmasdan ang kanyang anak na naka suot ng wedding gown, "Sobrang ganda mo, Hillary. Ikakasal ka na."

Napangiti si Hillary na makita ang ina na pumasok sa kwarto. "Hey, Mom." Bati niya at mayroong lungkot sa kanyang boses.

"Anak, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Magpapakasal ka na talaga kay Hugo?" Tanong ulit ng ina. Natatakot na siya ngayong malalayo na sa kanyang tabi ang anak. "Maari ka pa namang umatras, hindi mo ito kailangang gawin."

"It's okay, Mom. Naiintindihan ko na ang lahat. I admit, I don't really like this pero kung hindi ako magsasakripisyo, papaano nalang ang future natin, lalo na si Hayden." Banggit nito sa kanyang bunsong kapatid na lalaki. "Mahirap man ito pero kaya kong tiisin, Mom. I'll be fine, this is just an arranged marriage."

Sinubukang maniwala ni Lucille pero ramdam niyang may mali, tingin niya ay mayroong sinabi si Mr. Joaquin sa anak kahapon na hindi na nila nadinig ng asawa. "Hillary, did they say something to you para huwag tanggihan ang kasal?"

Napaisip naman si Hillary na naalala ang sinabi ni Joaquin sa kanya bago sila umalis sa mansyon. Sinabihan lang siya nito na mag-isip ng maayos dahil kapag tinanggihan niya ang opoturnidad na magpakasal kay Hugo Gavinski, maghahanap agad sila ng ibang babae. At nakaramdam ng kaba si Hillary na parang tinutulak siya ng kanyang puso na huwag ng pakawalan ang lalaki.

"Hillary? Sagutin mo ako, tinakot ka ba nila?" Pag-uulit ni Lucille.

Agad na napailing si Hillary, "No, Mom. We just talk about the benefits of this marriage and iyon ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ko. Syempre, kailangan natin ng pera and iyon din ang gusto ko para may pangtustos ako sa kolehiyo."

"Pero anak, alam kong iba ang sinasabi ng iyong puso. Gusto mo ba talagang maikasal sa taong hindi mo pa nakikilala at hindi ka naman mahal?" Para kay Lucille, ang kasal ay nagaganap para sa dalawang taong nagmamahalan at nais niyang maikasal ang anak sa lalaking handa siyang samahan sa hirap at ginhawa, hindi para sa pera.

Natawa naman bigla si Hillary. "Mahal? Mom, hindi nag-eexist sa vocabulary ko ang love na 'yan! Magpapakasal lang ako para sa pera." Proud niya pang sabi at nahampas siya ng ina dahil baka may makarinig pa sa kanya.

"Anak, naman. Umayos ka nga. Hindi ito isang simpleng bagay, kapag naikasal ka na, mawawalan ka na ng kalayaan." Aniya.

Sunod na pumasok sa kwarto ay si Harold na nanlaki ang mga mata na makita ang hitsura ng anak. "Wow! Is this my daughter, Hillary?" Lumapit din siya sa kanilang gawi.

"Yes, Dad. Nilagyan lang ng palamuti ang mukha ko pero ako pa rin naman ito. Kumalma ka lang d'yan." Pagbibiro ni Hillary na nanlalamig na ang kamay dahil sa kaba.

"Ang ganda-ganda mo, anak. Mabibighani ang sinumang lalaki kapag nakita ka." Pagmamayabang ni Harold pero pinagtawanan lang siya nito.

"Daddy naman. Bolera ka rin talaga!"

Nagpatuloy naman ang mga hairstylist sa pag-aayos kay Hillary at siniguro nilang magiging maayos ang lahat at magmukha siyang dyosa. .

Mayamaya pa, naghanda na si Hillary na pumasok sa sasakyan pero nakita niya si Mr. Joaquin Gavinski na dinaanan siya para kamustahin.

"What a wonderful bride! I can't recognize the girl I've met yesterday." Natutuwa si Joaquin na makita si Hillary, napakusot pa nga siya ng mata dahil baka mayroon ng deperensiya pero sobrang malinaw na si Hillary nga ito.

"Salamat po, Mr. Joaquin Gavinski. Nagagalak po akong makita kayo ulit." Medyo nahihiya si Hillary na tumingin dito.

"You're welcome, dear. Hindi ako nagsisisi na pinili ka para sa aking anak." Masaya pang sabi ni Mr. Joaquin na binigyan siya ng matamis na ngiti.

Ganoon din si Hillary pero nais may nais sana siyang itanong dito. "Umm...Sir? M-maari ko po bang malaman ang rason kung bakit ninyo ako pinili para kay Hugo?"

Napansin niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Joaquin na nagdulot sa kanyang kabahan. "Masasabi ko lang ito sa iyo sa tamang panahon, Hillary."

Kumunot ang noo ni Hillary na hindi makapaghintay na malaman iyon, ayaw niyang mabaliw kakaisip kung bakit nga ba siya nito pinili para sa anak sa dinami-daming babae sa bayan. "Ano po bang klaseng rason iyon? Bakit po ba hindi ko dapat malaman ngayon?" Pangungulit niya pa.

"Hillary, I'll say it when the time is right. For now, kailangan mong mag-focus sa kasal ninyo ni Hugo. Just enjoy the day and don't forget, I always got your back."

Matapos daanan si Hillary, nauna ng pumunta si Joaquin Gavinski kasama ang anak na si Lorraine patungo sa simbahan. Naupo na sila sa mga upuan kasama ang ibang panauhin.

Habang si Hugo ay nakatayo sa altar, ang matikas at perpekto nitong pagmumukha ay sobrang agaw pansin na lahat ay mapapanganga, ni hindi rin nila maalis ang kanilang tingin sa kanya.

Nakasuot naman ito ng itim na suit na mas lalong nagpatingkad ng kanyang kagwapuhan.

×××××

NAGSIMULA na ang kasalan, ang lahat ay hindi na makapaghintay na makita ang bride ni Hugo Gavinski.

May mga media pa sa labas na nag-aabang din para kuhanan sila ng litrato dahil pag-uusapan sa bayan ang kasalanang ito.

Karamihan din sa mga babae sa bayan na naghahabol kay Hugo ay nadismaya dahil wala na nga silang pag-asa na makuha ang puso nito. Ang mas hindi nila inasahan ay nagpakasal ito sa isang babaeng nagmula sa mahirap na pamilya.

Nasa loob na ng sasakyan si Hillary na natataranta dahil hindi niya alam kung anong sunod na gagawin. Nakakita na siya ng mga naganap na kasalan sa telebisyon pero sobrang naninibago siya na nasa ganito na siyang sitwasyon ngayon.

"Ikakasal na ba talaga ako?" Napatanong siya sa sarili.

Mayamaya pa, tumigil na ang sasakyan sa tapat ng simbahan at makikita ni Hillary mula sa labas na maraming mga media na may hawak na mga camera.

Paglabas niya sa pintuan, napapikit siya dahil sa mga sunod-sunod na pag-flash ng mga camera sa paligid. Maririnig niya rin ang mga hiyawan ng mga tao na namangha na makita siya sa personal.

Nagmadaling naglakad si Hillary na hindi na nakayanan ang dami ng mga tao, inakala niya tuloy ay may zombie apocalypse.

Pag-apak niya naman papalapit sa pinto, inalalayan siya ng ama na sasamahan siyang maglakad sa pasilyo.

Nang bumukas ang pinto, nakita ni Hillary ang lahat ng nasa loob at pati na rin ang lalaking nakatayo sa altar na kanina pa naghihintay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 196-CONSCIENCE

    "Jeah, huwag kang mag-alala. Ayos lang ang kumpanya ninyo. Naniniwala ako kay Auntie. Bukod pa roon, hindi rin pababayaan ni Hillary ang kumpanya niyo, hihingi siya ng tulong kay Hugo."Tinitigan ni Jeah ang may kumpiyansang si Jackson na para bang may tinatagong sikreto. Hindi niya maintindihan kung anong problema mayroon sa utak ng lalaking ito.Sa labas, hindi na nakapigil si Hillary at pinilit si Hugo, kaya’t sa halip na pumasok sa klase ay dumiretso silang mag-asawa sa isang coffee shop upang makipagkita kay Madam Melanie.Maaga pa lang ay dagsa na ang mga taong bumibili ng kape. Bukod sa mga estudyante, marami ring empleyado ang naroon. Magkaharap silang tatlo na umupo.Walang pasabi, tumayo si Madame Melanie at lumuhod sa harap ni Hugo."Auntie! Anong ginagawa ninyo?"Dahil sa dami ng taong dumaraan, agad na nakatawag-pansin ang pagluhod ni Madame Melanie. Agad siyang inalalayan ni Hillary upang makatayo.Humahagulhol si Melanie habang nakikiusap kay Hugo. "Hugo, pakiusap, huwa

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 195-GIVE UP

    Ibinaba ni Hugo ang mangkok at bumalik sa silid. Paglabas niya, dala na niya ang brown sugar na binili niya para sa asawa. Kumuha siya ng ilang piraso at inihalo sa sabaw ng luya.Nang tuluyang matunaw, naging kulay pulang maitim ang tubig. Kumuha siya ng kutsara, hinalo ang brown sugar, at tinikman muna para sa kanyang mahal na asawa.Hindi na ito kasing sama ng dati ang lasa. Kaya kinuha niya ang mangkok at inilapag sa harap ng asawa."Hindi na ito maanghang. Inumin mo na."Lumambot ang puso ni Hillary sa lambing ng asawa. Isang mangkok lang naman ng sabaw na may brown sugar at luya, kaya’t ininom na niya. Hinawakan niya ang mangkok ng dalawang kamay, inilapit sa kanyang labi, itinagilid ang ulo, at tuloy-tuloy na nilagok.Kahit may brown sugar na, hindi pa rin masarap ang lasa. Napangiwi siya at inilabas ang dila. Hinaplos ni Hugo ang ulo ng asawa, yumuko, at diretsong hinalikan ang labi nito doon mismo sa hapag-kainan."Umakyat na tayo." Dahil doon, magagawa na niya ang gusto niya

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 194-GINGER SOUP

    "So?" Nakataas kilay na tugon ni Jeah."Marahil kapag nakita ka niya, naaalala niya ang nawawalang kapatid niya, kaya mabuti ang pagtrato niya sa'yo."Umiiling si Jeah, sinisikap tanggalin ang alaala ng batang nalulunod. Ayaw niyang marinig ang sarili na umiiyak, "Kuya, iligtas mo ako!"Kinuha niya ang mga damit at pumasok sa banyo para magpalit.Kinuha ni Hillary ang panloob na isusuot ng kapatid at nagtanong, "Jeah, huwag sabihin na nahanap ito ng kuya mo sa closet mo."Kinuha ni Jeah ang bra at panty, "Nakita 'to ng mama ko. Hindi naman maganda."Pagkatapos makauso at lumabas, nakatayo si Jackson nang maayos sa tabi ni Hugo sa labas."Jeah, okay ka lang ba?""Ayos lang ako. Uuwi na tayo," sumang-ayon naman silang lahat.Kaya bago pa natapos ang salu-salo, sinundo na ng kanilang mga tagapangalaga ang tatlo.Sa sasakyan, nagsimulang magkaroon ng sama ng loob si Hugo. "Jackson, ikuwento mo nang mabuti tungkol kina Maximus at Nathan.""Aba, si Nathan maliit lang ang papel, sinusunod-su

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 193-OVERLY CONCERNED

    Tinanong ni Hugo, "Nasaan ang tiyahin mo?"Itinuro ni Jackson ang isang kuwarto. "Inaalagaan niya si Jeah."Tumango si Hugo. Pagkatapos ay bumalik siya sa hotel kung saan nakatira ang kanyang asawa at kumatok sa pinto. "Hillary, nandito na ang asawa mo."Mas lalong nagitla ang mga nakarinig sa labas.Ilang sandali lang, bumukas ang pinto.Lumabas ang maliit na mukha ni Hillary. "Asawa ko~"Sinipat ni Hugo ang kabuuan ng kanyang asawa, tinitiyak na ayos lang siya, saka sumilip sa loob. "Nasaan si Amelie?"Lumabas si Hillary at isinara ang pinto sa likuran niya. "Asawa, naliligo si Jeah, hindi maganda kung papasok ka."Naintindihan ni Hugo."Nakita mo ba si Jackson? Nakipag-inuman siya bago siya tumalon para iligtas ang isang tao. Higit sa isang dosenang bote ang nainom niya."Naamoy na rin ni Hugo ang alak sa kanyang pamangkin, kaya alam niyang sobra itong uminom.Napansin ni Hillary ang mga kaklase niyang nagulat. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at dinala ito sa gitna ng gru

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 192-SPLASHING MEMORIES

    Sinundan si Jeah ng isa pang kaklase at sa gitna ng magulong eksena, may biglang nahulog sa tubig."Naku! Nahulog si Jeah sa pool!" biglang sigaw ng isang tao.Mabilis na lumingon si Hillary patungo sa nagkikiskisang tubig ng pool.Basang-basa at nakasuot pa rin ng damit si Jeah habang pumapaibabaw sa tubig. Nang magbukas siya ng bibig, sari-saring maliliit na bula ang lumalabas at pumapasok sa ilong at bibig niya. Hindi niya mabuksan ang mga mata; kapag bumulong ang ilaw sa mga mata niya, sumasakit ang mga itong butas ng mata.Sinusubukan niyang makalangoy, pero hindi siya makatungo sa gilid pool.Pumikit si Jeah at gustong tawagin si Hillary, nang sumagi sa isip niya ang isang alaala. “Kuya Hugo, natatakot ako.""Huwag kang umiyak, Amelia, kaya kang protektahan ni kuya." Yumakap sa kanya ang isang batang lalaki na natatakpan ng dugo.May mantsa ng dugo rin sa palda niya. Kahawig ng pagkabata ni Hugo ang batang lalaki.Umiling si Jeah, biglang napuno ang isip niya ng malawak na dag

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 191-RISKY BOTTLE GAME

    Ngumiti si Hillary at nagsabi, “Nagpakasal kami nang biglaan, noong nakaraang summer. Tsaka susunduin niya ako ngayong gabi, at malalaman mo rin kapag nakita mo siya.”Itinago ni Hillary ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kung sasabihin niya, wala siyang magiging tahimik na gabi. May ilang gustong magtanong tungkol sa asawa ni Hillary, pero umiling lang siya at tumangging magsalita.Ang pagiging asawa ni Hugo ay sapat na para maging sentro siya ng atensyon sa gabing iyon.May isa pang nagtanong kay Jeah, ngunit tiningnan lang ni Jeah ang lalaking makulit sa harap niya. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para ipagkanulo ang kanyang mga kaibigan at ibunyag kung sino ang asawa ni Hillary?Sa isang lugar na hindi pamilyar kay Jeah, dalawang lalaki ang nakatayo sa likod ng mga halaman, palihim na pinagmamasdan ang mga babae. Isa sa kanila ay si Maximus ang lalaking pinaka-kinasusuklaman ni Jackson.Hawak ang isang bote ng alak, nagkubli si Maximus sa dilim kasama ang kanyang mga kaibig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status