Share

Unfaithful 7

Auteur: LichtAyuzawa
last update Dernière mise à jour: 2024-12-07 22:31:49

ROMMEL POINT OF VIEW

Palabas na kami ng parking lot nung biglang may humarang sa harapan ng kotse ko. Mabilis akong kumilos para tapakan ang break at kaagad namang umangil ang sasakyan ko ng dahil doon.

"ROMMEL!" Dinig kong puno ng takot na sigaw ni Rozelle. Napatingin ako dito at kaagad akong naawa dahil sobrang putla nito at mahigpit na nakakapit sa handle ng pintuan.

"Calm down." Pagpapakalma ko dito. Sinigurado ko na kalmado na ito bago ako lumabas para komprontahin ang humarang sa amin.

Pero pagkalabas ko ng sasakyan para harapin ang lalaki ay halos hilahin ko rin pabalik ang katawan ko nung makilala ko ang kaharap ko.

"Where is she Dad!?" Sigaw ni Gabriel. Nakita ko sa mga mata nito ang matinding galit.

Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil madadagdagan na naman ang mga bagay na ikagagalit sa akin nito.

"What are you talking about?" Nagmamaang-maangan na tanong ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagyuko ni Rozelle, bagay na ipinagpasalamat ko dahil malaking problema kapag nakita ito ng anak ko.

Natatawang umiling ito.

"Stop playing with me Dad. I saw her! WITH MY OWN EYES!" Sigaw nito.

Gusto kong patulan ito dahil sa ginagawa nitong pagsigaw-sigaw sa akin. Pero lasing ito at ayoko na mas maghinala ito.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nilapitan ko ito at inalalayan palayo sa sasakyan ko, pero tinabig lang nito ang kamay ko at dinuro ako.

"Don't make me go away. Dahil hindi ako aalis hanggang hindi ka umaamin na nangbababae ka!"

Kusang kumuyom ang mga kamay ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Pero kinontrol ko pa rin ang sarili ko dahil anak ko ito at hindi ko pwedeng saktan.

"You are drunk and probably tired. Go home Son." Utos ko dito at tinalikuran ko na ito para bumalik sa kotse at umalis. Pero pagtalikod ko ay kinabig ako nito at tahasang sinuntok.

Bumagsak ako sa sahig dahil sa malakas nitong suntok.

"Siguraduhin mo na hindi mo niloloko si Mommy. Dahil kapag nalaman ko na niloloko mo ang Mommy ko. Ako mismo ang papatay sa 'yo."

Pagkatapos ako nitong pagbantaan ay tuluyan itong umalis sa parking lot, maging sa bar.

Pinanood ko lang ang pag-alis nito, pero maya-maya lang ay may kamay na umalalay sa akin patayo.

"Okay ka lang ba?"

Napabuntong hininga ako bago ko hinarap si Rozelle.

"Yeah, let's go home." Seryosong sagot ko.

Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Rozelle na naghatid ng ibayong galit sa akin.

Dinakma ko ang magkabilang braso nito at madiin ko iyong piniga.

Ngumiwi si Rozelle ng dahil sa sakit.

"R-Rommel, n-nasasaktan ako." Sambit nito at nagsimulang alisin ang mga kamay ko sa braso nito.

Umigting ang panga ko.

"Mas lalo kang masasaktan kapag tumutol ka." Banta ko dito.

Tumalim ang mga mata nito at bago pa ako makapag-react ay pabigla na winasiwas nito ang mga kamay.

Natanggal ang pagkakahawak ko dito. Pero dahil sa ginawa nito ay bumaon ang mga kuko ko sa makinis nitong braso na naglikha ng sugat.

"Pvcha!" Mura nito at kaagad na hinipan ang sugat.

"Kasalanan mo 'yan." Paninisi ko dito.

Hindi makapaniwala ang tingin na pinukol nito sa akin.

"Seryoso ka ba Rommel? Sinisisi mo ako!?"

Nagulat ako dahil for the first time ang timid at naive na si Rozelle ay sininghalan ako.

"Sinisigawan mo ba ako!?" Ganting sigaw ko dito.

"Kasi hindi ka nakikinig!" Frustrated na sagot nito. Sumalampak ito sa semento at napahilamos ng mukha.

I don't get myself but I find her frustration amusing.

"Alright! Alright! I'm listening." Natatawang pagsuko ko.

"FINALLY!" Bulalas nito. Yung saya na naramdaman ko kanina ay napalitan na naman ngc inis.

Tinignan ko ito ng masama. Natatawang nagtaas naman ito ng dalawang kamay bilang pagsuko.

"Sorry, ito na sasabihin ko na." Ani nito.

Nagtaas ako ng isang kilay dito.

Umingos naman ito at nagsimulang bumulong-bulong. Hindi ko naintindihan ang sinasabi nito kaya hinawakan ko ang mukha nito at pinaharap sa akin. Sinigurado ko na nakatitig ito sa mga mata ko.

"Talk, because if you don't. I'll make sure that you won't be able to talk for the rest of the evening."

Namula ito at magkakasunod na umiling.

"Umuwi ka muna sa inyo." Sambit nito.

Kumunot ang noo ko.

"Say that again!?" Matalim na tanong ko dito.

"Ang sabi ko ay umuwi ka muna sa inyo dahil mas maghihinala ang anak mo kung hindi ka uuwi." Paliwanag nito.

Naintindihan ko ang gusto nitong mangyari pero ayaw itong tanggapin ng sistema ko.

"Kahit hindi ako umuwi sa bahay ay magdududa pa rin ang anak ko." Sagot ko dahil ito ang totoo. Matagal na silang may hindi pagkakaunawaan ng anak niya at mas lalo itong lumalala sa bawat lumilipas na araw.

"Yun ang ipinupunto ko. Huwag muna natin bigyan ng dahilan ang anak mo para mas lalo itong magduda."

Humingi ako ng malalim at umiling. Pero ang pag-iling ko ay nahinto nung biglang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko sinagot iyon pero tinapik ako ni Rozelle sa braso.

"Sagutin mo yung tawag." Utos nito.

For the nth time ay nagpakawala ako ng malalim na paghinga at padabog na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantaloon.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at mabilis ko itong sinagot nung makita ko ang pangalan na nakarehistro.

"Yes Kevin?" Tamad na pambungad ko sa bunso kong anak.

Walang nagsalita sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko nung nakarinig ako ng pagkabasag.

"What's happening?" Tanong ko sa sarili ko.

"Kevin?" Tawag kong muli sa anak ko. Pero kagaya nung una ay hindi ito nagsalita.

Hanggang sa isang sigaw ang narinig ko at kasunod ang mga pagkabasag.

"DAD! Come home NOW!" Sigaw ng anak ko sa kabilang linya.

Puno ng takot ang boses nito.

"I'm coming home Son!"

Nagmamadali akong tumayo at sumakay sa kotse ko. Paalis na ako nun nung naalala ko si Rozelle. Ibinaba ko ang salamin ng bintana ng kotse ko at pinakatitigan ko ito.

"Go!" Utos naman nito bago pa ako makapag-usal ng salita.

Tumango ako at pinaandar ko ang kotse ko.

"Go with Juarez." Bilin ko bago ko pinasibat ang kotse ko paalis.

Habang nasa byahe ako ay masyado ang kabog ng puso ko.

"Ano na ang nangyayari sa bahay?" Nangangatal na tanong ko sa sarili ko.

Mabilis ang patakbo ko nung tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali ko itong sinagot at ini-loudspeaker ko para maibaba ko ito.

"What is happening?" Tanong ko kaagad ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

Ine-expect ko na walang sasagot sa tanong ko dahil kanina ay walang sumagot pero natulala ako nung nakarinig ako ng malalalim na paghinga. Para bang nagpapakalma ito.

"This is all your fault!" Sigaw ng nasa kabilang linya bago pinatay ang tawag.

"Damnit Gabriel!" Mura ko.

Galit na tinapakan ko ang gas pedal.

At dahil sa matulin ang patakbo ko ay sandali lang nakarating din ako sa bahay.

Hindi ko na pinark ng maayos ang kotse ko. Nagmamadali na akong tumakbo papasok ng bahay.

Pero ang mabilis kong pagtakbo ay unti-unting bumagal nung nakita ko kung gaano kagulo ang bahay.

"W-Wh...at t-the h-h...ell?" Halos hindi ko matapos ang sinasabi ko habang tinitignan ko ang mga basag na bote sa sahig.

"I will show you what the hell is!" Sigaw ni Gabriel mula sa kung saan at bago pa ako humarap dito ay isang lumilipad na bote ang papunta sa direksyon ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Unfaithful Love    Unfaithful 47

    BRENAN POINT OF VIEW Mabilis ang lakad ko papunta sa opisina ng council ng racing dito sa The Forth. Pagdating ko sa tapat ng nakasaradong pinto ay dinig ko na kaagad ang pagtatawanan nila. Hindi ko alam kung sino ang pinagtatawanan nila, but if they are laughing at my friend, hindi ko mapapalagpas ito. Kumuyom ang kamay ko bago ko padarag na binuksan ang pinto. Bumakas ang gulat kasabay ng panumutla sa mukha ng mga nasa loob ng opisina, kabilang na doon si Mr. Reid na siya talagng nagpakulo ng dugo ko. Sinugod ko si Mr. Reid na mas lalong natakot at nagsimulang magtitili. Kaagad naman akong pinigilan ng mga kapwa ko miyembro ng council. "Brenan, what the hell are you doing, attacking a significant member of racing community!?" Sigaw ni Shaun, isa sa mga matanda dito sa council. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Shaun. Isa kasi ito sa tinitingala ko hindi dahil sa galing nito sa racing, kung hindi dahil sa pagiging diretso ng bituka nito. But for him na pigilan ako

  • The Unfaithful Love    Unfaithful 46

    "Will you stop facing back and forth! Nahihilo ako sa 'yo!" Singhal ni Kai, his voice is etched with worry. Napatingin ako para harapin si Kai, bakas ng pag-aalala ang mukha nito. I mean sino ang hindi kung narito ka sa hospital dahil nasaktan ang isa sa mga tao na pinahahalagahan mo. And it is not the first time, dahil pangalawang beses ng naaksidente si Gabriel na ibang tao ang dahilan. "I can't help it! I am worried for my friend!" Singhal ko din pabalik. We are both worried and frustrated dahil para lang kaming bumalik sa nakaraan. Nagsimula ulit akong magpabalik-balik ng lakad, and it pisses Kai off. Kai stood up and grabbed me by my shoulders before slamming me into him. I stood there motionless and not knowing what to do, hanggang sa narinig ko ang malumanay na boses ni Kai, kasabay ng mga kamay nito na mahigpit na bumalot sa katawan ko. Isa-isang pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "I am worried too and angry at myself. Gabriel is always here, when w

  • The Unfaithful Love    Unfaithful 45

    "I want you to beat them!" Beat? Nagpapatawa ba ang matandang ito? As far as I can remember, nobody can beat me."Beat daw amputa! Eh kung bitbitin kaya kita!" Singhal ni Brenan na sinabayan pa ng galit na pagturo kay Mr. Reid.Muntik na kaming sumabog ni Kai sa katatawa dahil hindi na maipinta ang mukha ni Mr. Reid. Para itong natatae na ano.Pinigilan ko ang mapahagalpak dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao na nakapalibot sa amin habang nagbubulungan. Hindi ko naman sila masisisi dahil tagalog ang ginamit ni Brenan and majority ng mga nanunood ay foreign, may ilang foreign ang tumatawa, hindi ko alam kung naintindihan ba nila ang sinabi ni Brenan or tumawa lang sila dahil sa expression namin."Brenan, stop it!" Saway ni Kai gamit ang madiin pero mahinang boses. Bumaling ang matalim na tingin ni Brenan kay Kai."Bakit sinasaway mo ako? Narinig mo ba ang sinabi ng matanda na yan!?" Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako dahil sa hitsura ni Brenan na parang bata na may tantrum

  • The Unfaithful Love    Unfaithful 44

    GABRIEL POINT OF VIEW "I'M NOT FOOL!" Galit na sigaw Brenan habang hinahawakan ang nagwawalang si Mr. Reid. Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa ako kay Brenan, para kasi itong bata na galit na galit. "Stop laughing! I am not happy either that you call me stupid!" Kai snapped make me burst out in laughter. "I didn't call stupid!" Natatawang sagot ko. "You basically did!" Sabay na sigaw ni Brenan at Kai. "Alright, alr-!" "GABRIEL, WHAT ARE YOU DOING!?" Tumigil ang paligid dahil sa galit na boses nung nagsalita. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at hindi ko maiwasan ang pandidilim ng paningin ko dahil sa nakikita kong mabilis na naglalakad palapit sa amin. "Who are they?" Tanong ni Brenan. Hindi ko sinagot ang tanong ni Brenan. Binitawan ko lang si Mr. Reid at saka ako naglakad palayo. "Don't walk away Gabriel." Sigaw nitong muli. Kumuyom ang kamay ko at galit na hinarap ko ito. "I don't have something to tell you, so back off!" I spat. Tinitigan k

  • The Unfaithful Love    Unfaithful 43

    GABRIEL POINT OF VIEW "Let's go Gabriel, don't mind him bro!" Ani ni Brenan at mabilis akong niyakag palayo kay Reid bago pa kami magpang-abot. Noong pa man ay hindi na maganda ang pakitungo sa akin ng matanda na iyon. Bagay na hindi ko maintindihan gayong wala naman akong matandaan na ginawa kong masama rito. "What is your beef with that old man?" Tanong ni Brenan pagkatapos namin makalayo kay Reid. Naiwan na doon si Kai para ito na ang magpakalma sa halos mag-amok ng judge. Tumingin ako kay Brenan bago ako umiling dahil wala akong ideya. Tinapik ni Brenan ang balikat ko. "You got a tough contender man, if that man is the judge. You want me to talk to the higher ups?" Naintindihan ang gustong iparating ni Brenan. Alam ko na delikado ako sa racing kapag kabilang si Mr. Reid sa mga judge, pero hindi ko hahayaan na madamay ang mga kaibigan ko kung anuman ang problema sa akin nito. Umiling ako dito bilang pagtanggi. "It's okay man, sanay na ako sa matanda na iyan." Sagot

  • The Unfaithful Love    Unfaithful 42

    GABRIEL POINT OF VIEW "Bro!" Nagmamadali akong lumapit kila Brenan na nakatayo na sa tapat ng kotse nito. "Where have you been!?" Sigaw nito dahil hindi na magkamayaw ang tao sa sigawan. Mas lalo pang lumakas ang sigaw ng mga tao nung lumabas yung mc na siya rin nag MC sa unfinished race namin ni Brenan nung nakaraan. Automatiko akong napatakip sa tainga kasabay ng pagpikit ng isang mata dahil pakiramdam ko ay nabasag ang eardrums ko sa hiyawan ng mga tao. "What? And why is there a lot of people in here?" I ask Brenan while leaning slightly and scanning the area who has tons of people. But I didn't let my hands on my ears go, pero inalis ni Brenan iyon. Pinukol ko ito ng masamang tingin bago sinubukan na ibalik ang kamay ko sa pagkakatakip sa tainga ko pero hindi na hinayaan pa ni Brenan na mangyari iyon. Kaagad na ako nitong hinila papunta sa harapan. "Stop Brenan!" Saway ko dito na may kalakasan para marinig nito ang sinasabi ko. "We're already behind in registrati

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status