The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

last updateLast Updated : 2025-02-19
By:  LichtAyuzawaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
47Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?

View More

Chapter 1

Unfaithful 1

Unfaithful 1

By: Licht Ayuzawa

Rozelle Lynn point of view

"Your mother is in critical condition Ms. Cabrera," parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang bawat kataga na binitawan ng doctor. Hindi ko alam kung ano ang una kong magiging reaksiyon, alam ko na may nararamdaman ang aking ina pero hindi ko naisip na ganito kalala.

Pero kagabi ay sinugod namin ito sa pinakamalapit na hospital dito sa bayan dahil sa hirap nito sa paghinga na dulot ng sakit nitong asthma. Pero ano ang sinasabi ng doctor na malala na ang kalagayan ng aking ina?

"Pakiulit nga po ng sinabi ninyo Doc!?" Hindi ko maiwasan na pagtaasan ito ng boses, dahil sa sari-saring nararamdaman.

Puno ng awa na tumingin ito sa akin bagay na hindi ko nagustuhan.

"I'm sorry Ms. Cabrera but the results don't lie, your mother is in critical condition." Sambit nito.

Magkakasunod akong umiling dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nito.

"Asthma doc! Yun lang ang sakit ng nanay ko, kaya mo siguro sinasabi na critical ang nanay ko dahil gusto mo ng pera. Pwes, mali ka ng ini-scam dahil wala kaming pera, mahirap lang kami!" Galit na singhal ko dito at saka ko ito tinalikuran thinking na babaguhin nito ang sinabi sa akin at sasabihin na prank lang ang lahat, but what I heard next ay nagsimula akong mangatal.

"Puso. May butas ang puso ng nanay mo," tipid na sagot nito. Nabingi ako at pansamantalang hindi nakakibo. Paulit-ulit akong nagdasal na sana ay mali lang ang dinig ko, pero habang tumatagal ay unti-unti kong napagtatanto na hindi ito nagbibiro at ang mga senyales na nakita at paulit-ulit kong nakikita sa nanay ko ay sintomas na ng malalang sakit.

Mabilis na nanlabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha sa aking mga mata.

Magkakasunod akong umiling. Still refusing to believe. "H-Hindi! Nagkakamali ka lang doctor walang sakit sa puso ang nanay ko. Ulitin mo ang test mo!" Sigaw ko, pero alam ko na kahit ilang test pa ang ulitin ay hindi ito magbabago iisa lang ang magiging resulta. My mother is dying at wala akong kakayahan na iligtas ito.

"Are you listening to me Ms. Cabrera?" Iritableng tanong ng doctor pero nanatili lang akong umiiling habang mahinang bumubulong.

"Your mother is dying and surgery is the only way para mailigtas ang buhay niya." dugtong nito.

"N-No? S-She's y-young, m-malakas s-siya, h-hindi n-niya k-kami p-pinapabayaan, kaya hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkakasakit niya!" wala sa sariling sambit ko kasabay ng pagtulo ng masaganang luha sa aking mga mata.

"Marami ang posibleng dahilan, pwedeng nakuha niya ito dahil sa sobrang pagod at stress, pwede rin naman na namana niya ito sa mga magulang niya. We can't be sure yet unless masuri siya ng maigi." Paliwanag nito.

Her mother is dying... Her mother is dying... Her mother is dying...

Parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit ang mga salitang iyon sa aking pandinig at habang tumatagal ay unti-unting nagsi-sink in sa isip ko ang totoong kalagayan ng aking nanay. Nagsimula akong manginig at manghina. Nanlulumo na hinarap ko ang doctor, puno ng lungkot at habag ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"D-Doc, t-tulungan mo ang n-nanay ko, h-huwag mo siyang h-hayaan na m-mawala sa akin," pagmamakaawa ko. Lumuhod ako sa harapan nito at pinagsalikop ko ang mga kamay ko mistulang nananalangin. Mabilis na yumuko ang doctor at inalalayan akong tumayo.

"Ms. Cabrera, tumayo ka." Utos nito habang pilit akong pinatatayo ngunit nagmatigas ako at pilit pa rin akong lumuhod sa harapan nito.

"Nakikiusap ako doc, tulungan mo ang nanay ko. Siya nalang ang mayroon ako. Gagawin ko ang lahat para lang manatili siyang buhay." Pagmamakaawa ko kasunod ng malakas na paghagulgol. Hindi ko inalintana ang mga mata na nasa akin. Wala na akong pakialam dahil hindi ang mga mapanuring tingin ng mga ito ang makakapagligtas sa buhay ng aking ina.

"Tumayo ka Ms. Cabrera," madiin na sambit ng doctor sa akin.

Kahit ayaw kong tumayo ay napilitan ako, pero pinakita ko dito ang panlulumo sa pagbabaka sakali na maawa ito sa akin.

"Gagawin mo ang lahat para sa nanay mo hindi ba?" Naniniguradong tanong nito.

Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin, pero ito nalang ang tanging paraan para mailigtas ang nanay ko. Kaya kahit sobra-sobra ang pagtahip ng dibdib ko ay magkakasunod akong tumango.

Hinintay ko ang sunod na sasabihin ng doctor pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita, nanatili lang itong nakatitig sa akin, bagay na mas lalong nagpatindi ng kaba na nararamdaman ko.

"Do-?" Hindi ko naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko dahil sa biglaang pagsasalita nito kasabay ng pag-aabot nito ng isang maliit na papel.

"A-Ano po ito?" Tanong ko na nakatitig sa maliit na papel.

"Go to that address and find that man, sabihin mo ay pinapunta kita."

Tinignan ko ang doctor bago ko kinuha ang papel na inaabot nito. May nakasulat doon na address at pangalan.

"R-Rommel P. Guangzhou?" Patanong na basa ko sa nakasulat sa papel na hawak ko.

"Tell him na inutusan ka ni Doctor Juarez," sambit nito ng hindi sinagot ang tanong ko.

Huminga ako ng malalim bago ko pinahid ang luha at saka malungkot na hinarap ang doctor. "Thank you doc, gagawa ako ng paraan sa lalong madaling panahon," sambit ko. Tumango lang ito at muling sinuri ang nanay ko bago umalis. Bago ito tuluyang lumabas ay muli itong tumingin sa akin at tumango.

Hinintay ko na tuluyang makalabas ang doctor at nung ako nalang ang tao sa loob ng kwarto ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa hospital bed ni nanay. Maputla ito at halata dito ang panghihina bagay na hindi ko napansin habang magkasama kami.

Nuapo ako sa silya na nasa tabi ng kama na hinihigaan nito at naiiyak na hinawakan ko ang kamay nito.

"A-Ang daya mo naman nanay, b-bakit hindi mo sinabi na may s-sakit ka? A-Akala ko ba m-magkakampi tayo?" Nagtatampo na tanong ko dito. Inangat ko ang kamay nito at idinala sa labi ko, at buong pagmamahal ko itong h******n. Mas lalo kong naramdaman ang paglubog ng puso ko dahil sa lamig na naramdaman ko sa mga kamay nito.

Ilang minuto kong sinamahan si nanay sa hospital bago ko napagpasyahan na umalis at sundin ang sinabi ng doctor sa akin.

Tumayo ako at inayos ang nagusot kong buhok at damit bago ako nagmamadali na lumabas ng hospital. Habang tumatakbo ako palabas ay ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol sa akin ng mga nadadaanan ko, pero ipinagsawalang bahala ko ang mga iyon at mas binilisan ang pagtakbo.

Pagdating ko sa labas ng hospital ay bumagal ang pagtakbo ko dahil natanaw ko hindi kalayuan ang doctor na tumingin sa nanay ko. Nakatayo ito sa harap ng isang lalaki lalagpasan ko sana ng tingin ang mga ito pero hindi ko nagawa iyon dahil bigla itong mapatingin sa gawi ko.

Nahigit ko ang aking paghinga at hindi ko malaman kung hahakbang ba ako paalis o tatango ako dito ng bigla itong sumenyas para palapitin ako. Nag-alangan ako pero naisip ko ang nanay ko kaya naman kahit na may dapat pa akong puntahan ay naglakad ako palapit dito.

Hindi kalayuan ang kinaroroonan nito kaya naman mabilis lang akong nakarating doon. Pagkalapit ko sa kinaroroonan nito ay saka ko lang nakita ang hitsura ng kasama nito.

Makisig at mukhang mayaman pero nasa mukha nito ang pagiging seryoso.

"Ms. Cabrera, this is Rommel P. Guangzhou, my friend and business partner." Pakilala nito.

Napanganga ako dahil sa binanggit nitong pangalan. Ito rin yung nasa papel. Mabilis na dinukot ko ang papel sa bulsa ko nung naalala ko ang tungkol sa bagay na iyon.

"Ikaw ba si Rozelle Lynn?" Tanong nito.

Nakaramdam ako ng panginginig dahil sa lamig ng boses nito pero sa kabila ng panginginig na iyon ay nagawa kong tumango.

Ngumisi ito bagay na naghatid ng lamig sa katawan ko.

"I like her already. Just like before Juarez, you never failed to find me a great girl."

Gusto kong magtanong kung ano ang pinag-uusapan nila pero natatakot ako na baka may malabag akong hindi dapat.

"Relax Guangzhou, Ms. Cabrera haven't started yet," pagbibiro naman ng doctor ng aking ina.

Pabalik-balik akong tumingin sa mga ito na para akong nanunuod ng isang tennis match ng makuha kong magsalita para magtanong.

"M-Mawalang galang n-na po, p-pero a-ano po ang m-magiging t-trabaho ko?" kababong tanong ko.

Sabay na tumingin sa akin ang doctor at ang nagpakilalang Rommel Guangzhou.

Kinakabahan ako at may pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan ang sunod na sasabihin ng dalawa.

"You will be my mistress slash bed warmer." Nakangising sagot nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
xcaira castro
highly recommended
2024-12-26 20:41:31
0
user avatar
LichtAyuzawa
another story!!!! love it
2024-12-23 16:52:36
0
47 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status