Share

Chapter 5

Secrets start a chain reaction of lies that eventually come back to haunt you. You become so accustomed to lying that you begin to believe it. I realized that I could no longer keep my secrets. To myself, as well.

Agad kong binawi ang tingin kay Zach at nilingon si Matthew para patahanin ito.

“Baby, stop crying na. Mama is here, walang aaway sa iyo” malumanay na sabi ko rito at pinupunasan pa rin ang pisngi nito.

He just nodded in response so I just hugged him while caressing his back.

Ano naman kaya ang ginawa ng Zach na iyon at umiyak ang baby ko?! For sure, he just made a face to my baby. Noon pa man, ang hilig nitong magpa-iyak ng bata.

Kahit inis ako sa ginawa ni Zach, nakakaramdam pa rin ako ng kaba ngayon.

Galit na pinaghalong kaba. Nice tandem.

Tatanda talaga ako ng maaga rito. Alam ko na iniisip na niya ngayon kung sino ang papa ni Zach at kung anak ko ba talaga ito.

Hindi nagtagal ay tumahan na si Matthew at tinapos na rin namin ang aming pagkain. 

I was just finishing up fixing and double-checking our belongings when I noticed a man standing in front of our table. It's, of course, Zach.

“Bad guy” inis na bulong ni Matthew

I turn my head to look at my son para pagsabihan ito.

“Baby, don’t say that. It’s bad” malumanay na pangaral ko rito.

And just like what he did a while ago, he just nodded.

“What are you doing here, Mr.” I asked Zach

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

“I just want to apologize for making your son cry, Camara” he seriously said

I just raised my eyebrow at him. Hindi siya dapat sa akin humingi ng sorry.

Parang nakuha niya naman ang nais kong iparating kaya bumaling ito kay Matthew.

He squat at tinitigan si Matthew.

“Hmm. Little boy.” Kuha niya sa atensyon ng anak ko.

“I’m sorry about what I did earlier” malumanay na sabi niya rito.

My son stared at him for a couple of seconds before he nodded. Naglaban sila ng tingin. Wala ni isa sa kanila ang bumawi.

“We have the same color of eyes po” Matthew said out of nowhere habang nakatitig Kay Zach.

Ramdam kong nabigla si Zach doon.

Mariin naman akong napapikit dahil doon. Gosh,baby! Lagot na talaga.

Pagmulat ko ng aking mga mata, I met his gray eyes seriously looking at me.

Hindi ko iyon pinansin dahil hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya. Parang malalaman niya lahat ng sikreto ko sa isang tingin lang.

“Let’s go home na, baby” aya ko sa anak ko.

“Let me drive you home” sabat ni Zach. Ayoko nga!

“No, we’re fine…” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

“Please, let me. Pambawi sa nagawa ko man lang.” And with that, hinayaan ko siyang ihatid kami.

Nagpaalam muna siya sa mga kasama niya. I guess, they are his business partners.

Hindi nagtagal ay lumabas na kami sa restaurant. Buhat ko si Matthew na kanina pa tahimik. It’s a black Jaguar XJ. Sobrang kintab. Hindi maipagkakaila na mayaman talaga si Zach. Lalo na siguro ngayon. Parang ayoko na tuloy magpahatid.

Pinapasok na niya kami sa kotse niya, kandong ko naman si baby. I gave him our address before he starts driving.

We lived in a subdivision located at Consolacion.

Habang nasa byahe ay tahimik lamang kami hanggang sa makauwi.

“Let’s talk” saad ni Zach pagkababa namin sa kotse.

Alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. It’s about Matthew. Pinapasok ko muna si Matthew sa loob para hindi niya marinig ang pag-uusap naming dalawa.

“Bye po” magalang na paalam ni Matthew Kay Zach at tumakbo sa loob

Kita ko ang paglambot ng tingin ni Zach dito.

“If it’s about Matt..” Hindi na naman niya ako pinatapos, kainis!

“Is he our son?” walang prenong tanong nito.

When I heard his question, I came to a halt and laughed sarcastically.

“Hindi, Zach. Anak ko siya. Hindi mo anak” may diin na sabi ko sa kanya.

Pumihit ako patalikod but he held my hand.

“Tell me the truth, Camara. Just this time. Magsabi ka naman ng totoo!” he frustratedly said

Nilingon ko siya. I know that tears will fall down my cheeks at any moment now.

“I’m telling the truth” kalmado kong sabi sa kanya at binawi ang braso kong kanina pa niya hawak.

Tumalikod na ako para sana pumasok sa loob.

“Really, Cara?” I froze in place. Gosh! Ayan na naman siya sa pagtawag niya sa akin sa ganyang pangalan.

It’s what? Five years ago since I last heard it?

“You can now go, Zachary. Salamat sa paghatid” walang lingong sabi ko rito

“This will not be the last time na magkikita tayo, Camara. Not until you admit that he is our son” huling dinig kong sabi niya sa akin.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong sinarado ang pinto. Nanghihina ang mga tuhod ko at para akong kinakapos na huminga. Buti na lang wala rito sa baba si Matthew.

Zach will undoubtedly go to any length to persuade me that Matthew is our son. Problema na naman ito. As much as I want to hide myself and Matthew from him, I know it's pointless. Mayaman siya. Kaya niya kami hanapin kahit saan pa kami pumunta.

Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Kailangan ko ng kausap. Hindi ko ito kaya.

I quickly pulled my phone from my pocket and dialed Lou's number. Siya lang ang makakaintindi sa akin ngayon. Without any judgement.

Naging mabilis ang oras at nakarating kaagad si Lou sa bahay. Pinagpahinga ko muna si Matthew sa kwarto niya.

“He saw us” umpisang sabi ko kay Lou “Zach saw us” naiiyak na sumbong ko rito.

She just hugged me. She knew that there’s no perfect words that would make me feel better right now. I just want someone to listen to me at si Lou iyon.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. Simula nang mamasyal kami ni Matthew hanggang sa makita kami ni Zach.

“Siguro destined talaga na magkita kayo today, Camara” Lou said

“Hindi ko alam, Lou.” Umiiyak na sagot ko rito. Natatakot ako sa hindi ko malaman na dahilan. Para bang bumalik lahat ng sakit na nangyari sa akin five years ago.

“Breathe, Camara. Looking at you, parang may hindi ka pa sinasabi sa akin. Which is true, hindi ko alam ang buong kwento sa nangyari sa inyo ni Zach. Gusto kong mapagaan ang nararamdaman mo, girl. Nasasaktan ako na nakikita kang ganyan” mahabang sabi nito sa akin na may kasamang pag-aalala.

At that point, I realize it's time to tell Lou what really happened five years ago.

I'm at a loss for what to do now. We all have secrets that we prefer to keep to ourselves and no one else. But right now, I wish I could keep more secrets.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status