Share

Chapter 17

Anton's POV

Ilang taon na ang lumipas. Pero ang sakit at pangungulila ay ramdam ko pa rin. Kahit na mayroon akong kabiyak na nasa aking tabi palagi, hindi pa rin mababago nito na nawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Pati ang anak na tinuring ko ngunit hindi pala sa akin, ay nawala sa isang kisap-mata. Hindi ko alam kung anong klaseng parusa ito at ganito ang kinahinatnan ng aking buhay.

Sa maliwanag na pasilyong ito, patungo sa taong gusto akong makausap na para bang bibitayin, gusto ko na lamang sumuko sa buhay. Mga matang nakatingin sa aming paglalakad. Mga negosyanteng may marangyang buhay. Mga matatas na tao na nakamit na ang pangarap. Kabilang ako sa kanila... noon. Pero mayroon ding mga empleyado na kumakayod para maitaguyod ang pamilya. Para maagapan ang kalam ng sikmura. Para makamit ang mga pangarap na nais abutin, at para pilit na lang na lumaban sa buhay. Sa kanila na ako napapabilang ngayon...

Pinapasok ako sa isang pribadong opisina at

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status