Home / Romance / The Unplanned Marriage of the Century / Ika-dalawampu't Isang Kabanata

Share

Ika-dalawampu't Isang Kabanata

Author: Lady Reaper
last update Last Updated: 2022-09-24 08:13:55

'Moon Laurice.'

Paulit-ulit ang pagsagi niyon sa isipan ko mula ng makauwi sa bahay kagabi. May pagkakataon pa na napapatulala ako sa kawalan at napapasilay ang ngiti sa labi.

Moon Laurice, pagkatapos ay Buwan ang magiging palayaw ng anak ko? OMG! Baka naman mapagtawanan pa sa eskwelahan ang anak ko kapag nag-aral na. Hindi na ako nakaangal pa sa mga pinagsasabi ni Lance kagabi, doon sa harapan ng malawak na tubig-alat. Moment niya nga naman kasi 'yon.

I just agreed, then after that he drove home, at sumama na ako. Nanatili lamang akong tahimik habang binabaybay namin ang ruta patungo sa bahay, gan'on rin naman siya. Nakatuon lang ang paningin niya sa daan the whole time.

Ngunit ang mas kinabahala ko kay Lance ay ang pagkusa niya na pagtabi sa akin sa pagtulog. I mean, not that intimate, sweet na tulog mag-asawa ha. Eh, hindi naman kasi siya natutulog sa isang kwarto kasama ako, may time na oo, pero napilitan lang sa pag-inarte ko. Inalok niya pa nga ako ng gatas bago matulog, then he said goodnight to me.

Seryoso talaga siya na gawin akong panakip-butas, rebound sa nasasaktan niyang puso ngayon. Ouch! Well, wala naman sigurong mawawala sa akin kung subukan ko ang second deal na hinihiling niya. Hindi na lang ako masiyadong magpapa-apekto para sa huli'y hindi ko kailangang lumagpak ng masakit sa pagkakahulog rin. Focus lang ako sa agenda, no more else. At isa pa, sayang rin ang offer niya na bussiness expansion sa 'kin, hahaha.

But wait, paano kung mahalin nga niya ako, tapos syempre kailangan same feelings kami sa isa't-isa, right? Paano 'yon? So should I also teach myself to love him, too? Para 'di ba, hindi maging one sided-love ang lahat. Ay, ano ba 'yan!

Nasapo ko na lang ang aking noo ng maisip ang bagay na 'yon. Ka-stress.

Ipinagpatuloy ko ang pagsisipilyo habang nakaharapa sa malawak na salamin ng banyo. Katatapos ko lang din maligo, alas nuebe na siguro ng umaga. Panibagong araw, papasok na naman sa trabaho, sana'y umayon ang araw na 'to sa akin.

"Ay diyos ko!" Napahawak ako sa aking dibdib sa pagkagulat. Paano ba naman kasi'y pagkabukas ko ng pinto'y ang bulto ni Lance ang bumungad sa akin. "Ano'ng ginagawa mo riyan?"

"I was about to go out, but I remembered na narito ka pa. So I waited."

Naka-arko ang isa kong kilay pataas. "Tapos?"

"Amm . . . I'll gonna wait you. Idadaan na kita sa shop mo bago ako pumasok."

Tumango-tango ako. "Okay."

Hinintay ko na magsalita pa siya, ngunit nanatili na itong tahimik habang nakatingin sa akin. Then I saw his eyeballs na kumilos, he was like staring at me from head to foot. At saka ko lang din na-realize na I was just having a bath towel sa katawan at ulo ko. Bigla pa'y nakaramdam ako ng pag-iinit sa pisngi. I was one fourth naked.

I saw Lance gulped, he then loosen his trouser. Aywan kung namamalikmata ba ako o ano, but he seems nervous at ang mukha niya'y tila naibabad sa matinding sikat ng araw sa pamumula.

"Ahm. Ano—hintayin mo na lang siguro ako sa labas no? Magbibihis lang ako ng super bilis. Sige na. Bye." Dire-diretso lang ang pagsasalita ko habang itinutulak siya palabas ng kuwarto. Napasandig na lang ako rin ako sa likod ng pintuan matapos na mailabas ko si Lance roon.

Ang dalawang palad ko'y nasa pagitan ng aking pisngi. "Gosh! Nakakahiya ang hitsura ko."

Muli'y pinasasadan ko ng tingin ang sarili, nakatapis naman ako ng tuwalya ang kaso'y hindi naman kaaya-aya na basta na lamang na makikita iyon ng iba, lalo pa ni Lance. Pero rin . . . Parang wala naman na atang masama sa gano'ng bagay, mag-asawa naman kami—sa papel.

"Onie, c'mon, mala-late na ako kapag nagtagal ka pa riyan."

Tila ako naalimpungatan sa boses niyang 'yon, oo nga pala hinintay niya ako para maihatid sa bakeshop.

Pero mas nakakagulat na tawagin niya ako by my name.

"Ah-oo, heto nag-aayos na ako.. in 20 minutes lalabas na ko." Nilakasan ko ng kaunti ang boses para sigurado na maririnig niya.

"What? That would be too long, ten minutes, then we'll leave."

At ano ang magagawa ko sa ten minutes? Magbihis lang?

Subalit imbes na sumagot ay minabuti kong bumalik sa pag-aasikaso sa sarili, mahirap na baka masermonan pa niya naman ulit ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 34

    “Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 33

    “Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 32

    “P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 31

    “Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 30

    “Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 29

    Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status