Onie.
Nakapangalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng aking bakeshop. Dapat ay nakauwi na ako sa bahay, ang kaso'y bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Kung kailan wala akong dalang payong, at isa pang kamalas-malasan na nangyari'y na flat pa ang gulong ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung mayroon bang empleyado o customer ang may galit sa akin kaya binutas ang gulong ng 'baby' ko. O sadyang balahura lang talaga ako sa pagpark niyon kanina. Huli na nang mapansin ko ang problema, wala naman akong gamit para maayos ang sirang tire, at mas lalong wala akong excess tire ngayon. Grabe! It was really a bad day talaga.Hindi ko na rin inabala ang mga empleyado ko regarding my problem dahil maghapon na silang nagtrabaho, this should be their rest time naman. Pinaki-usapan ko na lamang si Manong security na hintayin ako kahit saglit pa hanggang sa dumating lang si Lance. I texted him naman na baka puwede niya akong sunduin dito sa shop. At saka on the first place, siya ang unang nagsend ng message sa 'kin regarding sa 'pag-uwi' issue kaya gi-nrab ko na.The time is ticking, siguro'y isang oras na rin akong naghihintay, medyo tumitila na ang ulan kaya bahagya akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Baka busy pa si Lance sa trabaho, hindi rin siya nagreply sa message ko sa kaniya. Oo, baka nga busy pa . . . sinipat ko ang aking relos to see na alas siyete pasado na ng gabi.Sinulyapan ko si Manong, panay ang tingin niya sa kaniyang telepono, bigla akong nilukuban ng pagkakonsensiya, baka may nakaplano siyang gagawin ngayon pagkatapos ay naabala ko pa. Dali-dali akong tumayo'y pinuntahan si Manong. I told him to prepare na para sa pag-uwi. Hindi ko naman maisasara ang harapan ng bakeshop dahil sobrang taas at bigat ng sliding no'n. Hindi ko keri ngayon, nag-iingat din ako sa katawan ko.Nakisuyo na lang ako na ilabas ang isang silya upang doon ako mag-antay kahit na sarado na ang shop. Sooner or later darating na rin 'yon si Lance, dapat lang dahil magwawala talaga ako kapag hindi siya dumating.Nagawa na ni Manong ang iniutos ko kaya naman hinayaan ko na siyang makauwi sa kanila, habang ako'y nakatungo lang sa labas at tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan galing sa bubong ng aking bakeshop.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ulan, malamig, nakakagaan ng pakiramdam . . . tamang-tama sa maalinsangang gabi.Ini-unat ko ang aking mga paa't papalit-palit na pinagsalikop ang tuhod. Simple exercise para sa mga joints ko.Maya-maya pa'y tumayo ako't lumapit sa parte kung saan pumapatak ang tubig-ulan, tumingala ako bago inilahad ang aking kaliwang kamay upang saluhin ang nag-uunahang luha ng kalangitan.Ilang minuto rin akong naglagi sa gano'ng posisyon. Raindrops remind me of something . . . special. May ilang similar 'vibes' na biglang nagbabalik-tanaw sa utak ko.'Yeah. It was the moment with him. My ex.'Ilang ulit kong pina-iling-iling ang ulo ko, at sinasabing 'wag nang alalahanin pa ang bagay na 'yon. The past should be buried deep down my mind and heart.Wooh.Subalit na putol ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon at nalaman na si Nanci ang tumatawag, ang personal assistant ko. Bukas pa ang simula ng duty niya ha, hmm . . . baka magtatanong lang ng ilang bagay.Sinagot ko 'yon at binati siya. Gano'n din ang ginawa ko, 'tapos ay nagtanong siya kung nakauwi na raw ba ako. Syempre, sinabi ko na stranded ako rito sa shop, and I am still waiting for Lance to pick me up.Then after that, bigla siyang nanahimik. I tried asking her kung ano ba ang kailangan niya talaga but she just said na nangangamusta lang naman raw siya sa kaniyang boss, na hindi ko pinaniwalaan. Pero dahil nga parang wala naman siyang balak na magsabi ng totoo ay nagpaalam na ako.And as I was about to end the call ay narinig kong muli ang pagtawag niya sa pangalan ko. Pinakinggan ko ang sinabi niya, buong akala ko naman ay gano'n 'yon kaimportante para maglaan pa siya ng oras na tawagan ako. After hearing the things she said ay itinago ko na ang cellphone ko sa bag.I don't bother looking at what Nanci told me. Mai-stress lang ako at papangit.Bagkus ay inayos ko na lang ang aking sarili at napagpasyahan na suungin na ang ulan at mag-abang ng taxi sa unahan. Wala kasing dadaan na taxi sa bandang ito ng shop e.'Iinom na lang ako ng gamot para sa sipon , sorry baby, kailangan ko nang suungin ang ulan.' Hinimas ko ang umuumbok kong tiyan at kinausap ang little baby ko na na'ron."Promise, uuwi tayo agad, gutom na rin si mommy, ikaw ba?"Hihintayin ko sana ang isasagot sa akin ng anak ko, pero ang ewan ko ata kung gayon nga ang gagawin ko. Bahagya akong natawa sa aking sarili, hindi ko talaga maipagkakaila na may pagka-abnormal din ako paminsan-minsan.Naihakbang ko na ang aking mga paa palabas, isinara ang gate at dahan-dahan na naglakad. Hindi na gano'n kalakas ang ulan pero may kalakihan pa rin ang butil ng tubig-ulan. Dahan-dahan na tinatahak ko ang daan patungo sa station at nang makasakay na pauwi.It took me about ten minutes bago nakarating sa may bench kung saan maaring dumaan ang taxi. Ngunit okupado ang upuan kaya naman tumayo na lang ako sa malapit. Patak-patak na lang din ang ulan, kaya keri ko na.I tried reaching out for my phone to see if my reply na si Lance, pero wala. Inis na ibinalik ko na lang ang cellphone sa aking bag. Ilang saglit lang ay may taxi na tumigil at sumakay ang dalawang babae na kasabay kong nahhihintay do'n. Ipinagdasal ko na sana'y may mapadaan pa ulit na isa, para ako naman ang makasakay. Ako na lang kasi mag-isa ang naroon ngayon.Alas otso na ng gabi, wala masiyadong tao ang nasa kalsada, siguro'y dahil sa pag-ulan. May mangilan-ngilan na naglalakad, habang nakasukob sa kanilang mga payong. Bukas pa ang ilang establishimento katulad ng fastfoods at covienience store, pero mas marami na patay na ang ilaw sa store, tanging street lights at ilaw galing sa headlights na lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Binalak ko na magtungo na lang muna sa fastfood na bukas sa may kabilang kalsada, kakain na lang ako baka gutom na rin si baby. Ngunit bago pa man ako makatawid ay hinarang na ako ng dalawang lalaking tila tambay sa kanto sa suot nilang jersey short, t-shirt na may mukha ng kandidato noong nakaraan eleksiyon 'tas balbas sarado pa, wala atang pang-ahit sa kanila."B-bakit? Ano'ng kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa kanila."May pera ka ba riyan, miss? Baka puwede kaming makahiram,' saad ng unang lalaki.'Hiram? Paano naman nila ibabalik sa akin ang bayad if ever?'"Naku! Wala ho ba kayong mga trabaho? Magnanakaw ata kayo e." Hindi ako nagpasindak sa kanila, ang lalaki ng katawan nila, dapat ay nagbabanat sila ng kanilang mga buto."Hiram nga Miss, 'di ba? Huwag ka ng madamot, mukhang maraming laman 'yang bag mo, e. Sige na. Kahit one thousand pesos lang." Ngayon ay ang isang lalaki na mas malaki ang katawan sa nauna na.an ang nagsalita.Nakipagmatigasan pa rin ako sa kanila't pinilit na lisanin ang lugar na kinatatayuan ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa dalawang lalaki na 'to. Subalit hindi ko nagawa ang nais ko ng higitin nila ang aking bag at sapilitan na binuksan 'yon. Nakipag-agawan pa rin ako sa kanila kahit na medyo delikado,Nagtatawanan na ang dalawa ng mailabas ang wallet ko at nakita ang ilang malutong na tig-isang libo."Tiba-tiba tayo rito, pre.""Hoy, ibalik niyo sa akin 'yan, ka-lalaki ninyong tao hindi kayo magbanat ng buto. Mga magnanakaw!" Galit na galit kong sigaw sa kanila. Nanghingi ako ng tulong sa ilang tao na napapadaan sa may gawi namin ngunit wala ni isa ang nagkusang lumapit, siguro'y dala ng takot ay ayaw nilang mangialam sa nangyayari.I can't blame them, kahit ako'y natatakot na rin ngayon. Sa totoo'y nagangatal ang mga kamay at tuhod ko pero itinatago ko lang. Kapag naramdaman nila na takot ako'y mas lalo lamang nila akong gigipitin."Manahimik ka miss kung ayaw mong masaktan riyan."At talagang ang lakas ng loob nilang takutin pa ako? Nagpalinga-linga ako baka sakaling may pulis na rumoronda sa mg oras na ito, kaso'y mukhang wala."Amina sabi 'yan!" Lumapit ulit ako sa kanila't pinilit na kuhain ang pouch ko, ngunit kabaliktaran ang nangyari, itinulak ako ng isa ma siyang dahilan ng pagkaka-out balance ko.Lalagapak ang aking puwet sa sementadong kalsada otomatiko na inagapan ko'y ang aking tiyan.Tila nagslow-mo ang lahat sa akin, hinintay ko na lamang na bumagsak ako. Ngunit mas ipinagtaka ko na hindi naganap ang inaasahan kong paglagpak imbes ay isang mainit na bisig ang sumalo sa akin.Sa posisyon na 'yon mas nasilayan ko ang ginagawang kabalbalan ng dalawang lalaki sa bag ko. Ang mga walanghiya! Hindi ba nila alam na mahal ang bili ko ro'n?Nang oras na iyon din ay nagsimulang muli ang pagpatak ng ulan, sinasalo na sila ngayon ng aking uluhan."Ayos ka lang ba." Tumalima ako nang marinig ang boses ng lalaki na nagsalita. Pamilyar 'yon sa akin.Bahagyang gumalaw ang aking mga kamay, ini-angat na pala niya 'yon at saka i-pinahawak sa akin ang dala-dala n'yang payong.Na-amaze ako sa paglalakad na ginawa niya palapit sa dalawang magnanakaw, bago lumagpas sa harapan ko'y kitang-kita ko kung paano nagtagis ang kaniyang mga kilay.At ang sumunod na nangyari ay ikinasigaw ko na.They were now fighting, throwing punches to each others faces.Napatumba niya ang isa sa magnanakaw ngunit dahil sa mag-isa lamang siya ay nasilo pa rin siya ng mga ito. Natumba rin siya at nakatikim ng suntok mula sa dalawa. Ngunit sadyang hindi siya nagpatalo sa mga halimaw na iyon, lumaban siya hanggang sa kusa nang nagtakbuhan na animo'y napalo ng kanilang mga magulang ng hanger sa puwet ang naglalakihang lalaki.Pumalakpak ang puso ko nang makitang halos madapa sa pag-uunahan na makalayo ang dalawang lalaki na 'yon sa amin.Sumuray ng bahagya ang lalaki na tumulong sa akin, wala naman sana akong balak na lumapit sa kaniya ngunit napakawalang utang na loob ko naman ata kung gano'n ang gagawin ko."You're okay?" tanong ulit niya sa akin.Tumango lang ako ng dalawang beses bago lumunok ng aking laway."Ano ba kasing ginagawa mo rito? May sasakyan ka naman, 'di ba?" Tinignan ko siya. Dahil sa muling pagbuhos ng ulan ay nabasa na ang kaniyang buhok, pisngi at suot na black polo shirt na may mamaling logo mula sa laylayan niyon."Nasiraan ako ng kotse," natural na sagot ko sa kaniya. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" curious ako kung bakit siya narito, hindi namn siguro siya nakatira sa gawing ito dahil ang aura-han niyang pang condominium na't hindi pang apartment lang."May binibisita lang," sagot niya. "Hinihintay mo ba ang asawa mo rito?" segunda pa niya."Ahm—" natigilan ako, ano ba ang dapat na isagot ko sa kaniya? Should I just tell him na 'hindi kasi ang asawa kong may kasamang ibang babae ngayon?"Hindi," mabilis kong tugon sa kaniya. "I'm planning on going home alone, so, thank you for helping me tonight. Kailangan ko ng umalis.""A ride . . . baka kailangan mo."Nakatalikod na ako no'n sa kaniya nang magsalita siya. Lunok laway.I should say no."No worries, wala akong gagawing masama sa 'yo. I just want you to go home safe."Nai-angat ko ang aking paningin at saka muling bumaling sa kaniya. Tumambad sa 'kin ang pumutok niyang labi sa kaliwang bahagi.Kailangan niya ba talagang titigan ako ng ganiyan? I even asked myself nang magtama ang mga mata namin, same old eyes just like before.He is my ex, and I am married to someone now. I need to put a space between us. I can't even be friend to the person who become the half of my life years ago.I should not bring back that feeling. I should not . . .“Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa
“Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”
“P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi
“Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen
“Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka
Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in