Chapter Sixteen
"Maupo ka muna."Hindi ko sigurado kung nasa tamang sistema ba ang utak ko o nagkaroon ako bigla ng diperensiya sa pag-iisip.Kinuwestiyon ko rin naman ang sarili ko pero huli na, dahil sa lahat ng puwede kong gawin bakit ang pagdala pa kay Aldrin sa Condominium ko ang aking ginawa. I mean, maaari naman na nagpasalamat na lang ako at naghintay na may dumaang taxi hanggang sa makauwi. O kaya naman e, tuluyan na lang sana akong nagpahatid sa bahay namin.Pero bakit dito pa talaga? Mukha akong tanga sa pagtatanong sa aking sarili, pero isang dahilan lang ang isinasagot sa akin ng aking utak.'Naiinis ako sa asawa ko't ayaw ko siyang makita, paasa siya, hindi ko naman si Aldrin puwedeng papuntahin sa village namin, tiyak na makakarating kay Lance oras na makapasok ang sasakyan nito ro'n. Good thing at hindi ko pa binibitiwan ang condo unit ko. Masama man na magdala ng lalaki sa unit ko'y ginawa ko pa rin, guilty ako sa sugat niya sa may bandang labi. Hind ata ako makakatulog knowing na may tao na nasaktan dahil sa 'kin."Maganda ang place na 'to, warming at maganda ang view sa labas." Nangunot ang noo ko sa tinuran niya, hindi naman siya nakalapit pa sa ma window, paano naman niya nasabi na maganda?Mukhang napansin ata niya ang pagtataka sa mukha ko kaya kaagad siyang nagsalia. "I mean, I know you, alam kong hindi ka kukuha ng unit na hindi papasok sa taste mo, especially sa location. You love nature so much."Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang 'yon, yeah, he must know me that much.Inilapag ko ang medicie kit at saka sinimulang lagyan ng alcohol ang bulak na hawak ko. Betadine sana ang ilalagay ko, ang kaso'y kailangan niyang manahimik kaya alcohol na lamang para mapaso ang labi niya.Nakaupo siya sa couch, panay ang paglinga-linga niya sa kabuuan ng Condo, animo'y may kinukumpirma na kung ano man."Bakit hindi ka na lang nagpahatid sa bahay ng asawa mo?" pagsisimula na niya. Umayos ako ng pagkaka-upo sa may harapan niya habang ang isang piraso ng bulak, nakahanda na linisin ang pumutok niyang labi."Kaya mo bang mag-isa rito? Masiyado kang matatakutin para sa malaking espasyo na—""Puwede bang manahimik ka na lang Aldrin? Lumapit ka na lang rito para magamot ko 'yang sugat mo't makaalis ka na," diretsa kong sabi sa kaniya, tinapunan ko pa siya ng isang matalim na titig matapos sabihin 'yon sa kaniya.Sa kabilang kamay ko'y nakahanda na ang bulak na may panggamit at handa nang dumikit sa matabil niyang labi.Hindi naman siya sumagot, imbes ay umusog siya papalapit sa kinauupuan ko't ipinakita sa akin ang sugat niya. Medyo awkward sa pagitan namin ngunit hinayaan ko na lamang, ang goal ko'y tumanaw ng utang na loob, then kapag quits na kami'y palalayasin ko na siya, ora mismo.Napapaigtad din ako sa tuwing magre-react sjya sa pagdadampi ko ng bulak na may alcohol sa kaniya. Dinadahan-dahan ko lang naman pero ba't parang ang O.A ng reaksiyon niy, masiyadong pabebe pa kalalaking tao panay ang d***g, e alcohol lang naman 'to.Sunod ay betadine na ang inilagay ko, kaunti lang para hindi siya magmukhang kakakain lang ng adobo tapos ay may dumikit na sarsa sa may labi niya. Natawa ako sa aking isipan nh sumagi ang gano'n bagay sa akin, paminsan-minsan talaga ang lawak ng imaginations ko, puwede na ata ako bjlang writer.Hindi kami nag-usap ni Aldrin, naka-focus ako sa ginagawa ko. Pero kapansin-pansin ang pagkakadiretso ng kaniyang mga mata sa akin, hindi ko magawang tumingi sa kaniya kaya naman pilit ko talagang iniiwasan na magkaroon ng koneksiyon ang aming mga tingin. Ngunit sadyang matindi ang kuryente na pinapakawalan ni Aldrin, kahit dati pa'y ganito na siya, parati niya akong nahuhuli sa mga kahinaan ko."Puwede ba, do'n ka nga tumingin." Tumigil ako sa ginagawa ko't sinabihan siya. Hindi ko ata matatapos ang ginagawa kung panay ang titig niya sa akin."Bakit?" Aba at nagtanong pa talaga siya? Gano'n ba siya kamanhid?"Masama bang tignan at kilatisin ang owner ng Condong pinasukan ko? Tinitignan ko kung mabuting tao ka, mahirap na baka mamaya'y pagsamantalahan mo pa ang kahinaan ko— Aray!"Hindi ko na hinayaan na maituloy niya ang mga walang kabuluhang salita na lumalabas sa bibig niya."Ba't ka namamalo?" Hinahaplos-haplos niya pa ang braso na hinampas ko dahil sa kadaldalan niya."Isa pa, palalayasin talaga kita kapag nagsalita ka pa ng kung ano riyan." Pagbabanta ko kay Aldrin na ikinatahimik naman niya.Itinuloy ko ang ginagawang pagamot sa labi niyang pumutok, para makauwi na siya dahil konting-konti na lang ay baka mai-tulak o na siya sa sliding window.Inirapan ko muna siya, 'yong irap na inabot ng tatlong segundo bago ko ibinukas muli ang mata ko't idiniin ng sobra ang bulak sa gilid ng labi niya.Napasigaw naman 'to sa sakit at nagreklamoButi nga sa 'yo.“Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa
“Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”
“P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi
“Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen
“Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka
Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in