Share

Ika-pitong Kabanata: Vitamin Sea

Hindi ko akalain na ganito kaganda ang labas ng bahay na pinuntahan namin.

'Oh, I forgot, rest house nga pala nila 'to. And they are rich.'

Isang kumukulay asul na dagat lang naman kasi ang tumambad sa akin. Malamig na hangin ang kasabay nang bawat hampas ng alon ng karagatan, ang sarap. Buong akala ko'y ang rest house nila'y isang two-storey house tapos may malawak na swimming pool at may farm na mapupuntahan.

Ang low quality pala nang naisip ko dahil bukod sa isang beach ang tumambad sa akin at isang mansiyon ay may natanaw pa akong isa-isang yate ang naroon sa hindi kalayuan.

Wow!

Nagtungo ako sa dalampasigan, ang mga paa ko'y sinasadya na dalhin ang kulay abong buhangin sa bawat paghakbang ko. Tumatama ang alon ng dagat sa aking mga paa, ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakapagpahinga ng isang linggo mula sa trabaho, no wories, stress free.

'Vitamin sea.'

Puwede kayang ganito na lang araw-araw? Huwag na lang kaya akong umuwi?

'Hm. Not a bad idea at all.'

Humakbang pa ako papalapit sa tubig at nilaro ang mga paa ro'n. Ilang pulgada pa ay maaabot na ng tubig-dagat ang tuhod ko. Na basa na rin ng bahagya ang white mini dress na suot ko.

Natanaw ko na naman ang yate. Makaka-angkas kaya ako ro'n? Hindi naman siguro 'yon ilalagay diyan kung hindi naman gagamitin. Ang rami-rami kong naiisip, na mukhang puro fantasies lang ata.

Napangiti na lang ako. Hindi naman kasi talaga ako sosyalerang tao, isang hamak na tindera lang din ako sa palengke noong nag-aaral pa lang ako. Hindi kami mayaman, sadyang bumuo lang talaga ako ng mga pangarap at nagpursige kaya ko narating ang buhay na ganito.

At sobrang ipinagpapasalamat ko ang lahat ng 'to sa diyos. Noong mga panahong sumusuko na ako'y sa kaniya lang naman ako lumapit, hindi ako nagalit o nagtanong sa kaniya. I asked his guidance kasabay nang pagkilos ko para sa sarili ko.

At nang pakinggan niya ang mga panalangin ko'y mas lalong lumakas ang pananampalataya ko, ibinabalik ko ang tulong na ibinigay niya sa akin through giving. Tumutulong ako sa isang orphanage na malapit lang sa bayan namin. Hindi ako nagsasawa sa paghahati ng mga bagay na mayroon ako ngayon.

'Hindi ko naman madadala sa hukay ang pera. Yes, I save pero may part pa rin na para sa iba.'

Mas ibababad ko pa sana ang mga paa ko sa tubig nang biglang sumulpot sa likuran ko si Lance. Tinawag niya na ako para kumain.

Nakasuot siya ng grayish t-shirt and shorts na kulay itim, marami 'yong bulsa kaya siguro ang isang palad niya'y nasa loob no'n. Naka topsider shoes pa siya.

'Hindi na lang nag-tsinelas. Pero ano nga bang magagawa ko, laking mayaman kaya ganiyan.'

"Oo saglit," sigaw ko sa kaniya. Dahan-dahan ay naglakad ako papalapit dito. Gusto ko pa sanang magbabad ng matagal sa tubig, eh.

"You can just come back kapag nakakain na. The baby maybe hungry right now," aniya nang makalapit ako sa kaniya.

'Si baby lang? So ako hindi?'

Sinimangutan ko siya, gusto ko sanang i-sagot sa kaniya 'yon, pinigilan ko lang.

'Duh, baka sagutin pa ako na kaya lang naman nangyari ang lahat ng ito e dahil sa baby na nasa tummy ko. Tsk. Mapapahiya lang ako.'

"Ano'ng almusal?" tanong ko rito.

"Rice, eggs and hotdogs."

Mas lalo akong napasimangot. Wala man lang may sabaw, tuyong-tuyo ang pagkain.

"What's with that face? I'm asking you if you have something you want to eat, you said nothing. Kaya 'yon ang ini-luto ko."

"Porket sinabi ko na wala akong gusto hindi mo na 'ko pinilit na tanungin kung ano nga ang gusto ko?"

Binigyan niya ako ng reaksyon na nakataas ang isang kilay. "What?"

"Tsk. Nevermind na nga lang. Halika na nga." Hinawakan ko siya sa braso't pinaharap na sa gawi ng malaking bahay.

Ngunit hindi pa kami nakaka-alis ay may sumagi sa gilid ng mga mata ko na parang gumagapang na siyang ikinalingon ko.

Alimasag!

"Lance. Lance tignan mo may alimasag oh." Itinuro ko sa kaniya ang maliit na nang-iipit na patabinging naglalakad sa buhanginan. "San kaya 'yon pupunta?" tanong ko.

"I don't know. Should I ask the crab where will he or she will go? You're wasting our time woman, let's go." Ako naman ang hinawakan niya sa braso ngayon.

Pinigilan ko siya't sinabihan na hulihin ang alimasag.

"Parang masarap kumain no'n mamaya, hulihin mo Lance." Nakangiti kong sambit.

"Would you stop with your nonsense, huh? C'mon I'm hungry." Pilit niya ako'y pinapasunod sa kaniya, kaya naman nakipaghilahan ako rito.

"Dali na hulihin mo na habang hindi pa nakalalayo. Gusto ko talaga kumain no'n, feeling ko gusto rin ni baby ng alimasag." Hindi ko alam kung bebenta ba sa kaniya ang sinabi kong 'yon. Pero kapag usapang baby kasi ay mabilis pa sa alas-kuatro kung kumilos siya.

Tinignan niya lang ako, pagkatapos ay ang papalayong alimasag naman. Narinig kong napamura siya bago tinanggal ang sapatos na suot.

Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya't sinabing tumabi ako. Nakamasid lamang ako sa ginagawa niyang dahan-dahan na paglalakad papalapit sa alimasag.

"Ano bang ginagawa niya, lumalayo na talaga ang alimasag," pagbulong-bulong ko sa aking kinatatayuan.

Napaigtad ako nang biglang sinunggaban niya 'yon. Nakaluhod na siya sa buhanginan at nakadaop ang dalawang kamay sa harapan. Kitang-kita ko na natakpan ng kamay niya ang alimasag. Pero ilang saglit lang ay napahiyaw si Lance kasabay nang pagtayo nito, pinipisil-pisil niya ang isang palad gamit ang kabila naman.

Nilapitan ko siya't nakitang na-sipit pala siya ng alimasag.

"That little creature," usal niya.

Pipigilan ko na siya't sasabihin sanang 'wag na lang niyag hulihin pero naunahan na niya ako. Bigla na lang niyang hinubad ang suot na damit at galit na hinabol ang alimasag.

Nakipagpatintero siya sa ro'n, hindi niya tinantanan hangga't hindi niya nahuhuli.

'Shocks!'

Naiwan lang ako na hawak ang damit niya't nakatanga sa kaniya. Ilang malulutong na 'bad words' pa ang nabitawan nito, siguro'y dala nang sobrang inis kaya gano'n. Napakagat na lang ako sa isa kong daliri.

Seeing him chasing the small animal is a hype.

Tiyak na bubulyawan niya ako kapag napagtanto na niya kung ano ng nagawa niya ng mga oras na 'to.

'Sayang wala akong dalang phone. Na videohan man lang sana.'

I laughed by myself. Very funny ang masungit na CEO na 'to. Akala mo kung sinong laging malakas ang boses pero no'ng gabi naman na broken hearted siya'y mangiyak-ngiyak namang nagkukuwento sa akin.

"D*mn! I got him." Itinaas niya pa ang kamay na ipinakita sa aking nahuli na nga niya ang alimasag.

"So, how can we cook it?" Pagtatanong niya nang maisuot na ulit ang t-shirt na hinubad kanina.

Napalunok pa ako ng laway nang mapasulyap ako sa pandesal na nasa tiyan niya dahil doon.

'Gosh.'

"Hey!"

"Ah, ano a-ako nang bahala riyan mamaya," patawa-tawa kong sagot sa kaniya. Baka mahuli pa akong nakatingin sa katawan niya.

"Okay." 'Yon lang at tinalikuran na niya ako. Sinenyasan na niya lang ako na sumunod na sa kaniya.

Naiwan muna ako saglit sa kinatatayuan ko't itinaas ang kamay upang makita ang alimasag na gumegewang gewang pa. Halatang gusto niyang makawala mula sa pagkakahawak ko.

"Ano kayang gagawin ko sa 'yo?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status