Share

Ika-anim na Kabanata: One month ago.

ANG PAGDUDUWAL ko pa ata ang gumising sa mahimbing na pagkakatulog ni Lance. Dalawang minuto kasi pagkatapos kong maimulat ang mga mata ko'y nakaramdam kaagad ako nang kakaiba sa sikmura ko.

Nangangasim 'yon.

Nagdudumali akong dumiretso 'agad na nagtungo sa banyo. Pinipilit ng sikmura ko na maglabas nang kahit na ano kahit na alam kong wala namang mai-luluwa. Tanging mapait na likido na naninilaw lang ang lumalabas sa bibig ko, hindi ko malaman kung saan galing 'yon gayong wala naman akong kinain na gano'n ang lasa.

Napahawak ako sa maputing lababo habang tinitignan ang hitsura ko sa salamin. Nanlalata ang mukha ko, medyo nangangatog din ang mga tuhod ko sa pagduduwal na 'yon.

Sunod-sunod na pagkatok ang nanggaling mula sa labas.

"Hey! Are you okay?" Si Lance iyon

Mabilis akong naghilamos ng mukha ko't binuksan ang pintuan.

Ang magkasalubong na kilay niya ang tumambad sa akin. "Okay lang ako."

"Ano'ng nararamdaman mo?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Maliban sa nasusuka ako't ina-antok madalas ay wala na." Tuluyan na akong naglakad palabas banyo. Nakasunod naman siya sa akin at panay ang pag-uusisa.

"Are you sure? Do you have anything that you want to eat?" seryosong tanong niya sa akin.

Nag-isip ako sandali, parang wala naman. Sa maghapon ang tanging gusto ko lang naman na ginagawa ay matulog.

"Okay then, if that's the case I'll go downstairs and cook our breakfast. You need to eat."

Napasimangot ako sa sinabi niya, wala kasi talaga akong gana. Tinanguan ko na lang siya't sinabihan na susunod din ako agad. Liligpitin ko lang din muna ang pinaghigaan ko't ang sa kaniya rin.

Kagabi'y mukhang nakatulog na ako kaagad matapos mag-ayos ng sarili ko. Ni-hindi ko na namalayan ang pagbalik ni Lance sa silid namin. Maging ang paglalatag niya ng kaniyang higaan ay hindi ko na talaga napansin. Well, sa ibaba siya natulog, hindi siya tumabi sa kamang kinahihigaan ko, at hindi ko na pinagtaka 'yon. Hindi ko nga akalain na makakaya niyang mahiga sa lapag samantalang sanay siya sa marangyang buhay at ni-minsa'y hindi naranasan na mahiga sa hindi malambot.

Binilisan ko ang aking kilos, tatlong araw lang kaming maglalagi rito kaya gusto ko sanang ma-enjoy man lang ang place, mukha kasing maganda.

Binitbit ko ang aking cellphone pababa, baka kasi biglang may emergency sa bakeshop at itawag sa akin ni Karin.

Naglalakad na ako sa matarik na hagdan nang marinig ko ang boses ni Lance.

Mukhang nasa kusina siya, pero kahit gano'n ay dumadagundong ang boses niya sa kabahayan.

May kausap ata siya sa cellphone?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang pangalan na binanggit niya. Otomatiko na napatigil ako dahil do'n.

Jeyn?

Iyong girl childhood/bestfriend niya. . .na nagdown sa pagpo-propose niya ng gabi na magkasalubong ang landas namin sa Restaurant.

"Okay. Let me see you kapag nakabalik ka na ulit sa bansa. Mag-usap tayo." Iyon ang huling kataga na binitiwan ni Lance bago ibaba ang cellphpne na hawak.

Nasa may pintuan na ako ng kusina, nakatayo at nakatingin sa kaniya. He is wearing blueish apron, na ikinapa-ngisi ko.

I was about to say hi to him when he again speak.

"I love you," Lance murmured. Nakatingin pa rin siya sa telepono na kanina pa namatay ang dial tone.

I look at him, hindi ko man makita ang hitsuta niya'y tiyak akong nababalot ng lungkot ang mga mata niya. He was like being torn apart and broke into pieces.

'I'm sorry Lance.' Nasabi ko na lang sa aking isipan bago tumalikod at naglakad palabas ng pinakabahay.

'But still, you must take responsibility.'

. . .

Flashback

"YOU'RE pregnant Onie? Congratulations." Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mrs. Villarial sa likuran ko. She saw the pregnancy kit that I am holding right now.

I just smiled to her. Kagagaling lang niya sa restroom, at ngayong nakabalik na nga siya puwede na kaming umuwi.

"Careful okay, and have a proper diet."

Hindi ko alam kung paanong sasagot sa kaniya. Tila kuminang bigla ang mga mata ng ginang na kaharap ko ngayon. She again sat on the chair in front of me.

"Ay naku! Sana'y magka-apo na rin ako kay Lance, tumatanda na ako." magiliw na turan niya. Tanging ngiti lang ang naisasagot ko sa mabait na babae, kasabay no'n ang pagsuksok ko ng PT sa aking pouch.

Should I say it to her?

Ang alam ni Mrs. Villarial ay magkaibigan kami ng anak niyang si Lance. Kaya naman komportable rin ang pakikipag-usap niya sa akin parati, kagaya nga ngayong araw na 'to.

Mabilis ring lumipas ang oras, actually official bussiness partners na kami, halos isang buwan na ang nakararaan. Kaya ang ibig sabihin ay gano'n katagal na rin akong nakikipag-plastikan at nakikipag-hide and seek sa anak niya sa tuwing susunduin siya nito kapag nagkikita kami.

"Magkaibigan naman kayo Onie, does he even tell something about girls? Hindi niya sinasabi sa amin kung may girlfriend ba siya o kahit napupusuan man lang." Naubo ako sa tanong na 'yon ni Tita. Yes! Last time she intended that I must call her tita na lang. Parati kong nakakalimutan dahil hindi naman ako sanay na gano'n makipag-usap sa kasosyo ko.

"Oh. Are you okay?" she asked.

"Ah. O-opo, okay lang p-po ako." Nauutal-utal ko pa na sabi. Biglang nangatal ang kamay ko habang ibinababa ang baso ng tubig sa lamesa.

"Anyway, congrats to the baby, huh. If you need ideas about being a mom, don't hesitate to ask me. I'll give you the tips I used in taking care of Lance when he was just a kid."

"Ay naku po hindi na tita, aabalahin ko pa kayo niyan." Mariin akong umiling kasabay ng pag-signal ng aking mga kamay sa hangin. "Ikaw talaga masyado kang pa-humble. Pero paano 'yan kailangan ko nang umalis. Paparating na si Lance-"

Hindi ko na pinatapos pa si Tita, nagsalita na rin ko at nagpaalam na mas mauuna na sa kaniya. Hindi kami maaaring magpang-abot ng anak niya rito.

"Hey son, good thing you're already here. Can you escort your friend to her house? She need a rest." Oh gosh! Hindi man lang ko hinantay na maka-alis na bago siya dumating, eh.

"H-hi." I uttered. Pinasadadan ko siya ng tingin. Ang respectable niyang tignan sa formal suit na suot niya. Boss na boss ang datingan.

I snap and told myself to stop my mind from thinking something about him.

"She has her own car mom, and besides I'm busy. I just want to personally fetch you," sagot niya sa mommy niya. Tama Lance, kaya ko naman, no worries.

"Opo tita, I can manage. Mauna na po ako, okay?" Magalang akong nagpaalam sa kaniya. Ngunit akmang tatalikod na ako'y nagsalita pang muli si tita.

"But she's pregnant son, delikado kung magd-drive pa siya."

Sh*t.

Natigalgal na lang ako sa sinabing 'yon ng mama ni Lance. I even nervously bit my lower lip because of that.

"She's what?" Ngayo'y sa akin na nakatuon ang kaniyang mga mata. Puno ng gulat pero nasa state of calmness pa rin.

"She's pregnant-"

Sa totoo lang ay dahan-dahan ko nang inia-atras ang mga paa ko, magbibilang na lang ako ng isa hanggang tatlo at handa ko nang takbuhin ang exit no'n.

Lance already pulled my arms. Alam ata niya na balak kong tumakas sa harap nila.

"Who's the father?" Napalunok ako ng laway sa tanong niyang iyon. Ni hindi niya nga hinayaang matapos ng mommy niya ang sinasabi. Ang malamlam niyang mga mata kanina'y mas lalong tumalim at nanlisik.

"I'm asking you, who is the father of your baby?"

Napalunok ako.

Muli'y tinanong niya pa ako nang isa pang beses. Paano ba kasi ako humantong sa sitwasong 'to. Paano kong sasabihin na siya ang ama ng nasa sinapupunan ko, eh, one night stand lang naman ang nangyari no'n?

"Why ask her that thing son? That's between her and the man."

"Woman, answer me." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, masakit.

"Lance, nasasaktan mo na si Onie. Let her go, ano bang nangyayari sa 'yo?" Sumingit na si Tita sa aming dalawa. Her panicked voice echoed on the corner of the building.

"Can we just talk about it, some other time Lance?" Pilit na ngiti ang binitiwan ko sa kaniya kasabay ng pagpipilit ng isang kamay ko na ma-alis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"No." Iyon lang ang nai-sagot niya sa sinabi ko.

Sa oras na 'yon biglang sumagi sa isipan ko ang alaala ng gabi ng pagkakasala namin.

After we leave the Restaurant and agreed to have a little drink session, we still manage to have time to talk about our problems.

Me, about Aldrin. And him about her girl bestfriend who rejected his wedding proposal that night.

After that, under the moonlight and the cold breeze, the sinful night occured on his black Mercedez Benz.

Naramdaman ko ang mga halik niya't paghaplos sa akin. Lango man sa alak pero alam ko kung saan dumaan ang kaniyang labi. Dinig na dinig ko ang mabibigat niyang paghinga habang sumasabay sa sayaw ng aking katawan.

Oh. . .

D*mn. Sh*t. Sa dami ng lugar bakit doon pa sa sasakyan niya?

Nang makabalik kami sa tamang katinuan ay saka namin pinag-usapan nang mabilisan ang nangyari. Napagkasunduan naming iyon ang magiging una't huli naming pag-uusap, kaya naman sa tuwing dumarating siya upang sunduin ang mom niyang nauuna na akong umalis.

But not this time.

He caught me off guard.

. . .

"Are you not gonna tell me? O mas gusto mong ako mismo ang umalam?"

Paulit-ulit ang pagtatanong niya. Hindi talaga papayag ang lalaki na 'to na hindi malaman ang totoo.

"Lance, stop that!" Sinulyapan ko si tita na parang nataranta na rin sa ina-asta ng anak niya sa akin.

Hindi ko na napigilan pa siya nang hilahin niya ako palabas ng Chinese Restaurant na pinuntahan namin ni Tita.

"So, you can tell it to me here?" Hindi pa rin bumababa ang tono ng boses niya. "Did you sleep with other guy after we did it?"

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Does he think na kaladkaring babae ako?

"Of course not!" Depensa ko.

"So that means?"

"Sandali nga, ano ba kasing gusto mong marinig na sagot galing sa akin ha? Would you just leave me alone Mr. Benedicto?" Nilakasan ko na ang loob ko. Hindi puwedeng tignan niya lang ako sa mga paa ko. At hindi porket mayaman siya, maraming pera ay magmamataas na siya masiyado.

"I'll let you go, if you-"

"Ikaw ang ama!" Hindi ko na napigilan pang ilihim 'yon. Naiirita na rin ako sa kaniya, gusto kong pisilin ang pisngi niya't pagkukurutin sya. Nanggigigil ako bigla sa paulit-ulit niyang pagtatanong.

Ilang sandali rin ang lumipas bago siya nakapag-react sa sinabi ko. Pero ang lakas niya talaga, hindi man lang nagbago ang facial expression niya kanina.

Nanatiling malamig at malamlam ang mga mata niya.

"Then let's get married."

Tinitigan ko siya na punong-puno nang pagkagulat. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang 'yon. Gayon rin siya sa akin, nagtagisan lang ang mga tingin namin sa isa't'-isa.

'K-kasal?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status